Chapter 18
“Kobe, hindi ko gusto ang concept ng music video mo,” pag-amin ko habang nakaakbay siya sa akin. “Hindi naman ganoon ang past videos mo, pero naging hit pa rin. Kailangan ba talagang maghalikan kayo?”
His chest heaved. “The title of the song is “Car Nostalgia,” and it depicts a young and passionate love that turned poisonous. There’s no other way to shoot it, Karsen, pero kakausapin ko mamaya si Carly.”
Kahit nahihiya ay umiling ako. “Hindi ko talaga gusto... sorry.”
“Don’t apologize. Naiintindihan ko dahil ayoko ring makitang kasama mo ang kapatid ni Eddie.” His jaw clenched. “I hate that he’s making his move, but I couldn’t do anything because he was closer to you... and I wasn’t your boyfriend yet.”
“Makaiba naman ‘yon, eh.” Sumimangot ako. “Nakipaghalikan ka, Kobe. E, si Marcus, ni hindi pa no’n nahahawakan ang kamay ko.”
“I never became intimate with Jennifer without the cameras,” he told me. “I will try to talk to the management about it. I’m... really sorry.”
Tumango ako at sumandal sa dibdib niya. Kahit naman ipa-delete niya ang scenes, hindi magbabago ang katotohanang nagdikit na ang mga labi nila. Wala na akong magagawa roon. Kasama ito sa trabaho niya at gaya ng paulit-ulit na sinasabi ni Ate Kat sa akin, kailangan kong tanggapin iyon.
Ang hindi ko lang maintindihan sa management ay ang sinasabi nilang bawal magkaroon ng kasintahan si Kobe, pero ipinalalabas nila sa mga tao na may namamagitan sa kanila ni Jennifer.
“M-May sex scenes pa kayo...” mahinang saad ko pa.
“What?” tanong niya, bahagyang lumayo sa akin. “Walang gano’n, Karsen. At mabilis lang ipapakita sa frames ang ilang sexy scenes. We’re not filming a movie.”
“Sex scenes,” giit ko.
He sighed. “Wala, Karsen. Puro kissing scenes lang.”
Sumimangot ako. “Nasa tent kayo kanina no’ng shooting! Kung hindi sex scenes, ano’ng ginagawa n’yo?”
Kumunot ang noo niya, parang napaisip. “Sinabi ni Direk na humarap ako kay Jennifer. We’re just talking and laughing.” He exhaled. “Marami akong listeners na teens. Hinding-hindi kami mag-i-include ng gano’ng scenes.”
Tumango na lang ako. Hindi ko rin naman kasi nakita ang nangyari sa loob ng tent. Hinusgahan ko lang agad dahil narinig ko sa mga babae kanina na may sex scenes. Nalulungkot ako dahil baka iyon ang maging least favorite kong kanta niya. Siguro ay hindi ko na lang panonoorin.
Maaga kaming umuwi ni Eddie kinabukasan. Inactivate ko na rin ang social media accounts ko dahil napagtanto kong tama si Eddie.
“Tama namang may label kayo, pero hindi ka ba mahihirapang itago n’yan?” tanong ni Mari nang aminin ko sa kanila ang relasyon namin ni Kobe. “Hindi pa rin ako agree sa hindi niya sinabi sa ‘yo ang scenes.”
Mill grunted. “Liberated ang mga kagaya ni Kobe, Amari. Malamang sanay humalik ‘yan, lalo at nasa gan’yan siyang industriya. No big deal kisses, pero ngayong nariyan na si Karsen, nalimutan niyang may responsibilidad pala siyang magpaalam.”
Matigas na umiling si Mari. “Still not a valid reason.”
“Nag-sorry ‘yong tao,” giit ni Mill. “Trabaho niya pati ‘yon! Kahit sabihing siya pa ang artist, hindi p’wedeng sumuway siya sa management!”
Mari scoffed. “No.”
“Palibhasa bitter na bitter ka!”
“Shhh,” suway ni Ate Kat. “Alam ni Karsen ang ginagawa niya. ‘Wag kayong magbangayan sa harap ng pagkain.”
Bumusangot si Mill. “Paano ‘yang si Mari, napakanega! Nagpakumbaba na nga ‘yong isa, ang gusto pa ay magtanim ng sama ng loob si Karsen.”
“Ayoko lang maging sobrang soft-hearted ni Karsen kay Kobe, Millicent! She has to toughen up! Hindi siya makakasurvive sa mundo ng lalaking ‘yon kung gan’yan siya kalambot!”
Mill made a face. “Ay, sorry ka! Hindi magbabago si Karsen para sa mga tao sa paligid ni Kobe!”
Parang wala ako roon kung magbangayan sila. I understand Mari’s point. Miski kasi si Eddie ay nagulat nang sabihin kong may relasyon na kami ni Kobe gayong umiiyak pa ako bago lumabas ng inn.
“‘Yong sinabi ko sa ‘yo, ha?” Inabot ni Ate Kat ang kamay ko na nakapatong sa mesa. “Pinasok mo ‘yan. You have to deal with the consequences. Hindi lang puro saya ang pagrerelasyon, Karsen.”
Tumango ako at ngumiti, hindi na pinansin ang dalawang nagtatalo pa rin. Maaaring kwestyunin nila ako, pero ako ang nakaramdam ng pag-aalaga ni Kobe. Ang isang pagkakamali niya ay hindi mabubura ang mga naipakita niya sa akin.
“Thank you, Ate.”
Mabilis na lumipas ang mga araw at matapos ang naging usapan namin sa tapat ng inn ay agad na ipina-cancel ni Kobe ang music video para sa Car Nostalgia. Idinahilan niyang hindi natapos ang shooting dahil nagkaroon ng emergency na hindi naman na in-elaborate sa publiko. Iyon na rin pala kasi ang last song na gagawan nila ng mv. Tuloy ay apat lang na kanta ang mayroon.
Hindi ko itinanong pero sigurado akong napagalitan siya dahil doon.
I knew it was because of me... and though I wanted so badly to feel horrible about it, hindi ko maintindihan kung bakit masaya akong nakikinig sa hinaing ko si Kobe. Tagong-tago ang mga paglabas namin at gaya ng nakasanayan ay gabi-gabi kaming magkausap.
Needless to say, his album was a huge success. Higit dalawang linggo iyong trending at ang tatlong tracks niya ang nag-top 3 sa most streamed songs on Spotify sa bansa. Ang music videos naman na ini-release ay mabilis ding kumalat. Unlike what I’ve seen, malinis ang videos na iyon. May mga parteng medyo mabigat para sa akin, pero at least, hindi kasing intimate noong nakita ko sa Laguna.
I was really proud of him. Marami siya lalong natanggap na investments and offers mula sa iba’t ibang producers.
“Paano ba ‘to, ‘te? Litong-lito talaga ako rito habang idini-discuss ni Ma’am,” tanong ni Gigi, ang tinuturuan ko.
Tinitigan ko ang problem set. Madali lang naman ang statistics pero kadalasan ay mahihilo ka sa dami ng numbers.
“Marunong ka bang kumuha ng mean, standard deviation at variance?”
“Mean lang,” nakangusong sagot niya.
“Okay lang ‘yan.” Isinulat ko sa papel ang formula ng standard deviation at variance. “Tig-dalawa sila ng formula kasi may minus 1 ang n dito sa ilalim kapag sample ang kinukuha. Wala namang minus kapag population.”
Tumango-tango siya. Nang maipaliwanag ko ay sinubukan kong ipasagot sa kanya ang nasa problem set. Habang hinihintay siyang matapos ay nakita kong may text si Kobe. Napangiti agad ako dahil doon.
“Replyan ko lang ‘to, ha?” paalam ko kay Gigi bago siya iwan sa mesa.
From: hindi maasim 🎀
Busy ka? It’s my free day. If you have nothing to do, I’ll pick you up.
To: hindi maasim 🎀
tatapusin ko lang tong session namin ni gigi :)
Isang oras pa ang itinagal ng pagtuturo ko kaya nauna na si Kobe sa Sway’s. Sinabi niya sa akin na sa pad niya na kami magpupunta. Itim na pantalon at puting blusa lang ang suot ko. Ang sapatos naman ay ang ang flats na bago kong bili.
Nothing has really changed about our treatment of one another, aside from being more vocal about our feelings. Mas nagtatanong na rin ako sa kanya at mukhang nagugustuhan niya naman iyon. He loves it when I ask him about his day, and he listens well when I tell him mine. Nakailang hingi pa siya ng tawad sa paghalik kay Jennifer. Hindi ko naman na masyadong pinansin lalo at ginawan naman niya iyon ng paraan.
I never realized that I was jealous until I got to know him. Hindi ako inggitera sa mga magagandang bagay na nakikita ko sa iba pero ngayon ay gusto kong maging presentable para sa kanya. Pasasalamat ko na lang na walang lumalabas na tsismis tungkol sa amin dahil hindi pa ako handang marinig ang opinyon nila tungkol sa akin.
Minsan, kapag iniisip ko ang relasyon namin ni Kobe, pakiramdam ko ay masyadong mabilis ang pangyayari. Ni hindi ko nga masabi sa kanya ang narinig kina Carly at Mr. Hernando dahil sa tingin ko ay sariling laban ko iyon. Hindi naman nila intensyon na iparinig iyon sa akin.
Kaya lang, hindi ko naman maisip kapag bumalik ako sa pagiging fan lang ni Kobe. Matapos ang mga nangyari sa amin, parang hindi ko kayang panoorin na lang siya mula sa malayo.
“Hi,” bati ko sa kanya nang sumakay ako sa SUV. “Wala si Kuya Enzo?”
He shook his head. Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko at maya-maya ang ngumiti.
“You look tall.”
Lumabi ako. “Matangkad naman talaga ako kapag sa height ng babae ibinase.”
“And beautiful.” He chuckled. “I miss you.” Lumapit siya sa akin at hinalikan ang sintido ko. “Buti na lang at hindi ka busy ngayon. I’ll just sleep all day if you’re not available.”
“Ba’t ka tumawa no’ng sinabi mong beautiful?” reklamo ko.
Hindi nabura ang ngiti niya. “Because you sound defensive.”
Papunta sa pad ay panay ang kwento ko sa kanya tungkol sa nalalapit naming bakasyon. Kaunting kembot na lang ay third year na ako at ga-graduate na rin si Ate Kat. Hindi ko pa alam ang plano niya, pero nalulungkot na agad ako sa isiping aalis siya ng apartment.
Nang makarating ay napansin ko agad ang linis ng paligid. Kahit abala siya sa trabaho ay hindi pa rin niya nakakalimutang ipaayos ang tinutuluyan. Plano ko pa namang ipaglinis siya ngayon.
“Matulog ka muna sa kwarto. Magluluto lang ako.”
Sumimangot ako. “Akala ko ba date ‘to? Bakit mo ako patutulugin?”
Tinaasan niya ako ng kilay. “Madaling araw ka nang natulog kanina dahil nag-aayos ka ng requirements mo, ‘di ba?”
“Oo.”
“At kahit Sabado ngayon ay hindi ka pa rin makapagpahinga dahil nagtrabaho ka,” aniya pa.
“Hindi naman ako pagod.”
Umirap siya sa akin. “At hihintayin mo pang mapagod ka?”
Lalong humaba ang nguso ko. “Minsan na nga lang tayo magkita, hindi mo pa ako hahayaang mapanood kang magluto.”
“Fine.” He sighed. “But you’ll rest after we eat.”
Sumaludo ako sa kanya. “Aye aye, captain!”
Naiiling siyang nagsimula sa paggagayat ng sibuyas at bawang. Malawak ang kitchen counter kaya roon ako nakaupo habang pinapanood siya. His nails were clean and properly trimmed. Ang mga ugat niya sa kamay ay bahagyang nagpapakita habang tinatalupan niya ang mga gulay.
“Ano’ng lulutuin mo?” tanong ko.
Pagilid siyang tumingin sa akin. “You like vegetables, right?”
Nakangiting tumango ako. “Ba’t mo alam? Crush mo ‘ko, ‘no?”
Umangat ang isang gilid ng labi niya. “I’m your boyfriend, Karsen.”
“E?” I laughed. “Dapat kapag girlfriend, ikini-kiss.”
Sinamaan niya ako ng tingin dahil alam niyang nagbibiro lang ako. Ngumiti lang ako sa kanya. Gustong-gusto ko siyang asarin kahit na hindi naman niya ako pinapatulan. Ang guwapo kasi niya kapag magkasalubong ang kilay at tuwid ang labi na parang nagtitimpi.
“I’m cooking sipo egg.”
Lalo akong tumawa. “Binabago mo lang ang topic, eh!”
Kumunot ang noo niya. Iniharap niya ang buong katawan sa akin at tinitigan ako.“If you want a kiss, let’s go inside my room.”
Namilog ang mata ko. “Kiss lang! Bakit room?! Marumi kang tao, Dior Kobe! Cancelled ka na! Hindi ka pala dapat i-stan!”
Napangisi na lang siya habang patuloy ako sa pang-aasar sa kanya. He continued cooking, and I just waited for him to finish. May katagalan din kami sa kusina dahil kumain pa kami. Ako na ang nag-volunteer na maghugas ng pinagkainan namin kahit pa sinabi niyang huwag na akong mag-abala.
Tumawag sa kanya si Carly kaya nauna na ako sa kwarto niya. Napangiti ako nang mapansin ang larawan namin noong nasa Tagaytay kami sa bedside table niya. Ayun lang ang naroon at ang digital clock. Hindi ko alam kung kailan niya inilagay iyon doon pero hindi ko naman iyon napansin noong huli kong punta.
Kobe has a huge and soft bed. Sa tingin ko ay kasya ang apat hanggang limang tao rito. Dahan-dahan akong humiga roon at agad kong naamoy ang pamilyar na bango ng lalaki.
Hindi pa kami nakakapagtabi rito sa kama niya. Kadalasan kapag tumatambay ako rito ay sa couch lang kami. Malaki naman iyon kaya kahit nakahiga ay kasya kami pareho. Noong unang beses niya nga akong yakapin habang nagpapahinga kami ay parang sumabog ang puso ko sa kaba. Wala pang lalaki ang nakakalapit sa akin katulad ng ginagawa niya. Hindi naman ako naiilang dahil gustong-gusto ng katawan ko ang pakiramdam.
Ipinikit ko ang mata. Sa totoo lang ay hindi na ako masyadong makapagpahinga nitong nagdaang mga araw dahil nag-aasikaso ako ng requirements para sa clearance namin. Ayoko namang sa mismong enrollment pa ayusin iyon dahil baka magahol ako sa oras. Mabuti nga at wala akong ibang plano matapos ang session namin ni Gigi. Isang linggo na rin kasi kaming hindi nagkikita ni Kobe.
Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa paghihintay sa lalaki. Nagising lang ako nang maramdaman ang dibdib niya sa gilid ko. Ang isang braso niya ay nakayakap sa akin at ang isa naman ay ang pinagpapatungan na ng ulo ko. Hindi ko alam kung nakapikit siya o ano dahil hindi ko naman kita ang mukha niya. Ayoko rin namang kumilos dahil baka magising siya.
“Sleep,” malalim ang boses na utos niya.
Ngumuso ako. Hindi naman pala siya tulog. Sinubukan kong gumalaw ngunit mas hinigpitan niya lang ang yakap sa akin.
“Kobe,” tawag ko. “Ililipat ko lang ang ulo ko sa unan. Mangangalay ka mamaya n’yan.”
Naramdaman ko ang pag-iling niya. “I like you this close.”
Napangiti ako sa sinabi niya. Gumilid ako paharap sa kanya at niyakap siya. He kissed the top of my head and pulled me even closer. My body looked small beside him, but I loved how comfortable I was with him.
“Kobe?”
His chest heaved. “Matulog ka na.”
Nagsumiksik ako sa dibdib niya. Dinig ko ang mabilis at malakas na tibok ng puso niya. It immediately brought a smile to my face. Ganoon din ako ngayon. Ganoon din ako kapag kasama siya.
“Kantahan mo ‘ko...”
Hindi siya sumagot kaya napalabi ako. Inisip ko na lang na baka masyado siyang inaantok para kumanta. Makalipas lang ang ilang minuto ay huminga siya nang malalim. Ipinikit ko ang mata at hinayaan na lang siyang magpahinga.
“When a day is said and done, in the middle of the night, and you're fast asleep, my love.
Stay awake looking at your beauty, telling myself I'm the luckiest man alive,” he started singing in his deep and husky voice.
My heart started to pound more violently inside my chest. Akala ko ay sapat nang yakap niya ako para maubos ang hangin sa baga ko, ngunit ngayong kumakanta siya ay lalo lang nanikip ang dibdib ko. I didn’t open my eyes. Pinakiramdaman ko lang siya... at doon ko napagtanto kung gaano na kalalim ang pagkahulog ko sa kanya.
“‘Cause so many times I was certain you was gonna walk out of my life, life. Why you take such a hold of me, girl, when I'm still trying to get my act right? What is the reason when you really could have any man you want? I don't see what I have to offer. I should've been a season. Guess you could see I had potential... do you know you're my miracle?”
He could hurt me in all possible ways and I would still crawl back to his feet. For years, I admired and loved him from afar, not knowing I would someday be seen. I realized how ready I was to enter his harsh world just to be in his life. Kahit tago. Kahit hindi kayang ipagmalaki. Basta ako iyong totoo, kuntento na ako.
“I'm like a statue, stuck staring right at you. Got me frozen in my tracks, so amazed how you take me back, each and every time our love collapsed.” Parang inihahalik niya lang ang liriko sa hangin dahil mahina ang pagkanta niya. ”Statue, stuck staring right at you, so when I'm lost for words every time I disappoint you, it's just 'cause I can't believe that you're so beautiful...”
Tumigil siya at naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa baba ko. I slowly opened my eyes and directly met his gaze. I could hear his aggressive heartbeat synchronizing with mine. His jaw was tightly clenched as if he was controlling his bursting emotions.
“Ituloy mo...”
He brushed my cheeks. “Thank you for staying with me even if it gets hard. I can't promise you a pain-free relationship, but I can assure you that I will never leave you. And please don't be afraid to demand things from me. Sabihin mo sa akin kapag nasasaktan ka na, ha? Ayokong maramdaman mong hindi kita uunahin, Karsen.”
Ngumiti ako at mabilis na pinatakan ng halik ang labi niya. His eyes widened a fraction. Agad din ang pamumula ng mukha niya na parang gulat na gulat sa ginawa ko. Bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.
“Salamat sa pagpili.” I poked his nose. “Salamat kasi nakikita mo ako kahit na nakakasilaw sa mundo mo.” Pinasadahan ko ng daliri ang guwapo niyang mukha. “Wala akong ibang hinihiling, Kobe. Just let me love you the way I wanted to, okay?”
He shook his head. “I’m the one who’s grateful.”
May maliit na ngiti na dumaan sa labi niya. Hinuli niya ang kamay ko at iniyakap sa kanya. He embraced me tightly before planting soft kisses on my head. Narinig ko pa ang mahinang pagsasabi niya na mahal niya ako ngunit tuluyan na akong inagaw ng antok.
Maghapon kaming natulog. Nang magising ako ay wala na siya sa tabi ko. May nakabalot na kumot sa akin at nakadantay ako sa isang malambot na unan. Pupungas-pungas akong bumangon at pakiramdam ko ay naiwan sa akin ang amoy ni Kobe.
“Oh, my god!”
Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang ubod ng gandang babae. She was clothed in a white dress and gold accessories. Ang tuwid na buhok ay umabot hanggang balikat at ngayon ay namimilog ang kulay tsokolateng mga mata habang nakatingin sa akin.
“I told you to tone down your voice. Nagising tuloy.” Kobe warned.
Kinabahan agad. Alam kong napakagulo ng buhok at damit ko ngayon.
“I will tell this to mom!”
Kobe gave me an apologetic look, but I couldn't say anything because a tall man, who resembled Kobe but had a much lighter aura, walked out of the kitchen with a bowl of cereal in his hands. Lumingon ang lalaki sa akin at napangisi nang pasadahan ako ng tingin.
“Shawty.”
“Shut up, Elliot!” galit na suway ni Kobe.
He chuckled. “Someone’s threatened.”
Napayuko ako. Kilalang-kilala ko ang dalawa kahit na sa magazines at articles ko lang sila nakikita. They were popular and successful in their own chosen fields. I never imagined seeing Clea Venice and Terrence Elliot Gallardo in flesh! Not even in my wildest dreams.
I cleared my throat. Baka iniisip nila na nagpapagalaw ako kay Kobe lalo at kitang-kita nilang sa loob ng silid niya ako nanggaling. My hands and knees were slightly shaking because of fear. Bukod sa mga kaibigan ko ay wala naman kasing nakakaalam ng relasyon namin ni Kobe.
Nag-angat ako ng tingin at napansin kong ganoon pa rin ang ayos nila. It was as if they were watching me.
“Who are you?” striktang tanong ng babae.
Nakita ko ang pag-irap ni Kobe.
“If you’re not my brother’s girlfriend, leave me your number.”
“Elliot!” si Kobe.
”What?“
I closed my fist tightly. Hindi nila puwedeng malaman na may relasyon kami dahil hindi naman iyon sinasabi ni Kobe sa kanila. Ayokong pangunahan ang lalaki. Also, we agreed to take things slowly.
“U-Uhm... Hello po.” Napakurap ako. Kitang-kita ko ang pagngisi ng bunsong Gallardo sa akin. “G-Galing po ako sa kwarto ni S-Sir Kobe kasi... ano... naglinis ako! Opo! H-Helper po ako-”
Kobe scoffed and walked towards me. Napatigil agad ako sa pagsasalita nang makita ang inis sa mga mata niya. He grabbed my hand and dragged me in front of his siblings. Ang magandang mukha ng babae ay makikitaan ng gulat habang si Elliot naman ay hindi na mabura ang ngisi.
“She’s my girlfriend,” Kobe announced.
Sabay kaming napasinghap ni “Ate” Clea. Seryosong-seryoso ang mukha ni Kobe at tila walang pakealam sa binitawang salita.
“K-Kobe, bawiin mo...” bulong ko sa kanya. “‘Di ba, secret muna?”
Hindi niya ako pinansin bagkus ay tinapunan niya ng masamang tingin ang kapatid na lalaki. “Stop ogling at my girl, Elliot.
The guy shrugged. “Are you sure? Sa narinig ko, helper daw siya, eh.” He tilted his head on me. “I have my own pad, too. You want to clean mine?”
“Stop being pathetic, Terrence Elliot,” masungit na suway ni Ate Clea.
Wala na akong masabi. Hindi ko mabawi ang ipinahayag ni Kobe lalo at nakaakbay na sa akin ang lalaki. My heart was hammering inside my chest. Sa oras na magsalita ako ay siguradong manginginig ang boses ko.
The sophisticated woman faced me with a forlorn expression. It made me shiver. Totoo nga ang mga kumakalat na balita na nakakatakot tumingin ang babae. Strikta siya at walang sinasanto.
“I’m Clea Venice Gallardo, Kobe’s sister.” She extended her arm.
Nataranta ako. Paulit-ulit kong ipinunas sa suot na damit ang kamay ko bago iabot iyon sa kanya. I bowed my head and shook her hand.
“D-Dawn Karsen Navarro po...” my voice trembled. “G-Girlfriend po ni Kobe.”
“Stand straight,” utos ni Kobe bago itinuwid ang likod ko.
I couldn’t stand Ate Clea’s eyes, so I tried my best to avoid her gaze.
“Stop scaring her, will you?” masungit na saad ni Kobe.
Bahagya kong kinurot ang braso niya dahil baka lalong magalit sa akin ang babae. From my peripheral vision, I saw Elliot making his way to the couch, finally deciding to let us mind our business.
“Ms. Navarro?”
Iniangat ko ang tingin kay Ate Clea.
“I’m inviting you to our family dinner in two days. Wear something formal.”
Umawang ang bibig ko. Gusto kong humindi ngunit hindi naman niya ako tinatanong!
Kobe scoffed. “I’ll introduce her to the family if she’s ready. Don’t force her to do it.”
Tumaas ang kilay ng babae. “And I’ll tell mom that you bring girls to your pad. Alam na alam mo ang mga bawal, pero lagi kang sumusuway!”
“I’m not a teen!”
“But you should abide by the rules! Isang picture lang at p’wede ka nang magawan ng issue! Bakit ba ayaw mong mag-ingat?! Imagine kung sa iba pa malalaman ni Mama na may girlfriend ka na.”
Kobe grunted. “No one’s following me because-”
Hinawakan ko ang kamay ni Kobe at pinisil iyon. Kapag nagpatuloy sila sa pagsasagutan ay baka may masabi silang hindi maganda sa isa’t isa. Words couldn’t be unsaid. Magkasalungat sila ng gustong mangyari at parang wala namang gustong magpatalo sa kanila.
I took a deep breath and smiled at Ate Clea.
“P-Pupunta po ako...”
Kobe gasped. “Karsen, you don’t have to.”
Tumingin ako sa kanya at umiling. Tama ang kapatid niya. Hindi rin magandang impresyon ang naipakita ko dahil sa kwarto ako ni Kobe nanggaling. I’m not sure if his family will welcome me, but if his sister insists, I should accept it.
“You two, go home,” matigas na saad ni Kobe. “I still want to spend the rest of the day with her. We don’t need chaperones.”
***
Song Used:
Statue - Lil Eddie
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro