Chapter 17
From: [email protected]
To: [email protected]
Subject: SEPARATION FEE
Hi, Ms. Carly!
It’s a pleasure to work with you and the rest of the team. I’ll never forget what you've shown me. Thank you for taking me under consideration as Kobe's leading lady. I’d also like to apologize for not returning to discuss the legal matter you mentioned. I had a situation that required immediate attention. In terms of the separation fee, you don’t have to deposit it in my account. My allowance from you has already been a big help for the past two months. I’ll send it back to you if you transfer it.
Thank you!
Regards,
Dawn Karsen Navarro
“Okay na ‘to?” tanong ni Mill habang nakahilig ako sa balikat niya. Nakalahad sa akin ang cellphone, ipinapakita ang e-mail. “Sure ka bang ayaw mong tanggapin? Malaki panigurado ‘yon.”
Ngumiti lang ako. Kung alam ko lang na kay Kobe nanggagaling ang allowance ko, hindi ko na rin sana tinanggap iyon. Malaking sampal sa akin ang narinig kina Carly at Mr. Hernando. Para bang pinagbigyan lang nila si Kobe kaya siya ang nagbabayad sa akin.
Hindi naman mataas ang ego ko, pero pakiramdam ko ay inapakan ang pagkatao ko sa narinig.
“Isinend ko na, ha?”
Iniangat ko ang ulo sa balikat niya at tinanguan siya.
“Ba’t ayaw mong tanggapin, Karsen? Nagtrabaho ka. It’s their responsibility to give it to you,” singit ni Mari.
“Ang laki na kaya ng allowance ko! ‘Yong ibabayad nila sa akin, gamitin na lang nila sa production ng music videos ni Kobe,” pagdadahilan ko.
“Barya lang ‘yan sa kanila.”
Umiling ako. “Hayaan na. Hindi ko naman kailangan ‘yon. May part-time na ulit ako sa makalawa. Nagpapa-tutor ‘yong anak ni Tita Rosa. Naghahanda para sa college entrance exam.”
Hinayaan na nila ako sa gusto kong mangyari. Ipinagpasalamat ko naman iyon dahil ayokong madulas sa totoong dahilan kung bakit hindi ko tatanggapin ang pera. Sa totoo lang ay malaking tulong iyon sa pag-aaral at mga gastusin ko, pero hindi ko kayang isipin na manggagaling iyon sa bulsa ni Kobe.
Kapag nakaluwag-luwag, bibili ako ng bagong black shoes at flats. Siguro ay gagastos ako ng dalawang libo para doon. Magandang klase na kasi ang pinaplano kong bilhin. Hindi ko naman kasi alam na big deal pala sa iba ang maayos na sapatos.
Hindi nag-aksaya ng panahon ang management dahil lalong umingay ang tambalang Kobe at Jennifer. Everyone was happy for them. Mukha naman kasi talaga silang Hollywood couple. Siguradong kung umaarte ang lalaki ay agad na mag-aagawan ang producers sa pagbibigay ng telenovela sa dalawa.
“Pero nag-uusap pa naman kayo?” tanong ni Eddie isang hapon matapos ang mahabang klase namin.
Tumango ako.
“Ay, wow! Ano ba kayo?”
That—I don’t know. Araw-araw kaming magkausap bago siya magpahinga. Hinihintay ko rin siyang makauwi para matawagan ako.
“Uhm... magkausap?”
Natawa si Eddie. “Wala kayong label?”
Umiling ako. “Kailangan pa ba no’n? Alam naman naming gusto namin ang isa’t isa.”
“Ewan ko, ha? Pero para sa akin, importante ‘yon, para alam mo kung ano ang stand mo sa buhay niya. Kahit pa sabihing may mutual understanding kayo, iba pa rin kapag natatawag mong boyfriend.”
“E, wala pa akong nagiging boyfriend, Eddie. Hindi ko alam kung paano ‘yon.”
“Sigurado ka bang gusto ka niyan?” tanong niya. “Baka mamaya ay pinaghihintay ka lang tapos wala namang balak sa ‘yo? Landian lang without label? Delikado ‘yan.”
Dinaga ang dibdib ko sa sinabi niya. “G-Gusto niya ako, Eddie.”
“Kaya nga hingian mo ng pruweba! Hindi p’wedeng salita lang niya ang pinanghahawakan mo.” Sumimangot siya. “Nagtataka nga ako sa ‘yo at hindi ka nagseselos kay Jennifer. Ibinebenta na sila ng management, pero unbothered ka.”
“Nagseselos kaya ako.” I bowed my head. “Ayoko lang sabihin kay Kobe kasi baka isipin niya, masyado akong isip bata. Trabaho niya ‘yon, eh. Intindihin ko dapat.”
“Nagsisimula na ang shooting, ‘no?” He sighed. I quietly nodded my head. “Kapag nakausap mo ulit, ‘wag mong kakalimutan ang sinabi ko. Tanungin mo kung ano ang relasyon n’yo.”
Naging palaisipan iyon sa akin. Hindi pa kami nagkikita ulit matapos ang pagbisita ko sa rest house ng tatay niya. Sinabi niya rin naman kasing busy talaga siya, lalo nitong mga nakalipas na araw na nasa iba’t ibang lugar sila.
Ang nakaplanong press conference nila ay hindi rin natuloy dahil naging abala sila sa shooting. This hungered the fans even more. Hindi ko na lang pinapansin ang mga balita dahil ayokong makaramdam ng negatibong emosyon. Instead, I focused on my part-time job and studies.
“Nasabi ni Carly sa akin na hindi mo raw tinanggap ang separation fee,” saad ni Kobe habang magkatawagan kami.
“Oo, hindi naman na kailangan.”
He sighed. “That’s your right, Karsen.”
I chuckled. “Hayaan mo na ‘yon. Kumusta ka ba?”
Inignora niya ang pagbabago ko ng topic. “If you have problems, don’t hesitate to call me, okay?”
“Opo,” I answered. “Ano? Kumusta ang shooting?”
“They told me that I needed to respond to public pressure. Jennifer and I have to act more like a couple.” He sounded problematic. “Kapag may narinig kang mga balita tungkol doon, just ignore it. We’re just putting up an act.”
Tumango ako kahit hindi niya naman ako nakikita. Alam ko namang mangyayari iyon lalo at sila ang pinakamaingay na tandem ngayon.
“This is why working with public figures annoys me. Hindi ko nga maintindihan kung bakit napili siya kahit na alam naman ng management na ayoko ng mga ganoon,” pagpapatuloy niya pa.
I tilted my head and smiled as if he was just in front of me. “Kasi alam nilang mas sisikat ka kapag kilala rin ang katambal mo.”
“I don’t really need fame, Karsen. I just want to write songs and sing.” He heaved another sigh. “Plus, I miss you. Once I’m done with this, I’ll spend an entire day with you.”
My cheeks warmed. “Araw-araw naman tayong magkausap, ah?” May namuong plano sa isip ko. “Uhm.. saan ba ang location ng shooting n’yo?”
“Sa farm dito sa Laguna... sa Liliw.”
“Ahh... ang layo pala.” Kahit ang totoo ay naiisip ko na ang pagdalaw sa shooting site nila. Sigurado naman akong maraming nanonood doon. Malabong mapansin ako ng production team.
“Yeah. We’ll change locations in five days. Sa Palawan naman. I really won’t have the time to see you.” Humina ang boses niya nang sabihin ang huling pangungusap.
It’s been a month, more or less, since we last saw each other. Nagkakasya kami sa kakaunting oras gabi-gabi. Minsan, kapag nag-request siya, video call ang ginagawa namin. Si Kuya Enzo ang madalas na mag-update sa akin tungkol sa ginagawa niya lalo at hindi naman madalas na mag-cellphone ang lalaki kapag nasa trabaho.
I never imagined myself as a celebrity, not only because I wasn’t qualified, but also because I knew how important it was to create a fake character in order to be admired by the general public.
At mahirap iyon para sa kagaya kong mahina ang loob. I remember being called a "papaya" because even a little scratch could make me cry. Ang pag-fa-fan girl ko lang talaga kay Kobe ang nagpalakas sa loob ko. Nariyang natuto akong magsalita at makaintindi ng green jokes mula sa co-fans ko. Isama pang naging kaibigan ko si Eddie.
The following day, I told Eddie my plan of visiting Kobe. Mabuti at sinabi niyang sasamahan niya ako dahil sa totoo lang ay hindi ko naman kayang mag-isa papunta roon. Nagpaalam din ako kay Ate Kat at pinaalalahanan niya lang akong mag-ingat. Mag-o-overnight stay kami ni Eddie sa Siesta dela Casa, isang inn malapit sa farm na sinasabi ni Kobe.
On our way there, my heart was thumping with excitement. Wala akong balak magpakita kina Carly o Jennifer lalo at alam kong iisipin nilang si Kobe ang habol ko. It was true, but I didn’t want them to think of that. Ngayong tapos na ang kontrata ay tinapos ko na rin ang kahit anumang ugnayan sa kanila.
Ang ipon na dapat ay ipambibili ko ng sapatos ay napunta sa pambayad namin sa inn. Marami kaming sinakyan at para akong lantang gulay nang makarating kami sa mismong lugar. Nabanggit ni Kuya Enzo na alas sinco y media pa ang shooting dahil hinihintay ng team ang sunset.
“‘Wag ka nang humilata riyan! Dalawang oras na lang bago ang shooting at hindi pa natin alam ang papunta sa farm! Mabuti nang naroon tayo bago magsimula. Siguradong maraming tao roon,” mahabang litanya ni Eddie sa akin.
I pouted. “Kinakabahan ako.”
“Lintek kang gaga ka! Gumastos na tayo, ngayon ka pa mag-iinarte?!”
“Kasi baka isipin-”
“Shuta ka! Lagi mo na lang sinasabi ‘yan! Sabihin nila ang gusto nilang sabihin! Nandito ka para makita si Kobe, hindi ang mga talangkang ‘yon!”
Iniangat ko ang katawan at sinimangutan siya. “Ba’t ka nagagalit? Inaano ka ba nila?”
“Badtrip ako dahil lugmok na lugmok ka these past few weeks! Daig mo pa ang namatayan! Nag-deactivate ka ng social media accounts, pero updated ka sa showbiz happenings. O, ayan!” Iniitsa niya ang cellphone sa akin. “Picture nina Kobe at Jennifer. Hindi ko alam kung parte ‘yan ng music video, pero sabi-sabi nila ay sa music video raw.”
Napatulala ako sa larawan. Alam kong may kumakalat na ganoon dahil narinig ko naman sa iba kong kaklase, pero ang makita mismo ito ay iba pala sa pakiramdam. Kobe was hugging her waist possessively, parang gaya ng paghawak niya sa akin noong huli kaming nagkita. Magkangitian sila sa larawan at kaunting lapit na lang ay iisipin mong maghahalikan sila.
May kung anong kumirot sa dibdib ko. Ito ba iyong sinasabi niyang huwag kong pansinin? Na... arte lang? Parang may bumara sa lalamunan ko habang iniisip na may iba pa silang ginawa maliban dito.
“Kaya sinasabi ko sa ‘yong humingi ka ng label! Ang mahirap kasi, puro gan’yan ang mga larawang lumalabas, tapos wala kang karapatang magselos kasi hindi naman kayo.”
Pinilit kong ngumiti. “W-Wala ‘yan! Nasabi na sa akin ni Kobe na... ano... na ‘wag akong maniwala sa mga g-gan’yan.”
“At hanggang kailan naka-deactivate ang account mo? Hanggang sa maka-graduate tayo? Messenger mo lang ang gumagana. Nawawalan ka na ng social media life dahil iniiwasan mong makarinig ng balita tungkol sa kanila.”
Yumuko ako. “Hindi ko naman kailangan ng social media, Eddie.”
“Gago, sino’ng niloko mo? You love sharing memes! Mahilig ka sa mga nakakatawa at nakakaaliw na videos, pero ngayon ay nililimitahan mo ang sarili mo para sa kanilang dalawa,” sermon pa niya.
Umiling lang ako. Ayoko talagang makita ang naririnig kong chismis tungkol sa kanila. Ipinalabas ng management ni Kobe ang balitang si Jennifer ang personal na pinili ng lalaki at doon pa lang ay labis na akong nalungkot. Sana ay hindi na lang sinabi ni Carly sa akin na ako ang pinili kung iba naman pala ang sasabihin nila sa madla.
I ignored everything. I concentrated on my priorities. Mahirap akong mabakante sa oras lalo at naiisip ko pa rin lagi ang mga narinig kina Mr. Hernando at Carly. Pinipigilan ko na lang ang sarili na manirahan doon dahil tapos naman na. Naiyakan ko naman na iyon. Hindi ako puwedeng magpabalik-balik sa sakit dahil may mga responsibilidad akong kailangang gawin.
“Miss ko lang naman si Kobe kaya ako nandito, Eddie.” Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti. “At ito—” sabay pakita ng larawan. “Ay parte ng trabaho niya. Iba ako, iba ang trabaho. Kailangan kong magtiwala sa kanya.”
Pasalampak siyang naupo sa tabi ko. “So, Ms. Understanding ka na ngayon? Kahit mag-sex sila, okay lang? Kasi trabaho naman?”
“Syempre hindi!” reklamo ko. “Hindi naman sila aabot sa gano’n!”
“Hay nako,” he muttered, sighing. “Ang gusto ko lang naman ay mag-demand ka dahil karapatan mo ‘yon bilang babaeng nilalandi niya!”
Hinayaan ko siyang sabihin ang gusto niyang sabihin. Huminga ako nang malalim at pinakalma ang masasakit na pagtibok ng puso.
Karsen, you’re here to surprise Kobe. Hindi mo puwedeng ipakita sa kanya na nagseselos ka. Huwag ka nang dumagdag sa dami ng trabaho niya.
Nagbihis kami ni Eddie at nang matapos ay nagtanong-tanong kami ng daan papunta sa farm. Mabuti at maaga kaming nakarating doon dahil hindi pa ganoon ka-crowded ang lugar. Nasa labas lang kami ng gate, pero kita na mula sa kinatatayuan namin ang set-up.
There were coconut trees, tents, swings, and flowers. Halatang maintained ito dahil ang mga damo at halaman ay pantay-pantay. The skies were also displaying a variety of tones and hues, giving a dreamy vibe to the entire setting.
“Handa talaga akong makipagpatayan kapag may sumulot kay DK! Uso pa naman ang agawan ngayon sa showbiz,” narinig kong saad ng boses ng isang babae mula sa likuran ko.
“Hindi ‘yan. Ang ganda na ni Jennifer, eh. Ang tibay naman ng mukha ng tatapat do’n.” Tumawa ang kausap niya.
I gulped. Kahit pala rito ay may maririnig akong ganoon. Hindi pa pala sapat ang rindi ko sa school.
“Ewan ko rin. Medyo detached pa si DK, eh. Tingnan natin ngayon. May sex scene at kissing scene sila, ‘di ba? Do’n sa tent?”
Namilog ang mga mata ko kasabay ng paglingon ko sa kanila. Hinawakan ni Eddie ang braso ko pero hindi ako natinag dahil para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Nagtatakang napatingin din ang dalawang nag-uusap sa akin.
“Ano ‘yon, ‘te?” tanong ng isa.
“N-Narinig ko kasi kayo...” I breathed deeply. “Anong scene ulit ‘yon?”
“Ahh, kissing scene kapag sunset tapos sex scene under the stars... sa tent.” Ngumiti ang babae. “Romantic, ‘no? Ang galing ng concept nila.”
Tumango rin ang kasama niya. “‘Yong halikan nila kahapon sa car scene ang the best! Ang hot tingnan.”
I couldn’t bear to hear another word. Tumalikod ako nang maramdaman ang pamumuo ng luha sa mata ko. Humawak ako sa braso ni Eddie at yumuko para itago ang nasasaktan na itsura.
I suddenly asked myself why I was there. Hindi ko na sana nalaman iyon... kahit sigurado akong kapag lumabas ang music video ay panonoorin ko sila.
Kahit pala pigilan ko ang pagpasok ng impormasyon sa isip ko, hindi pa rin matatanggal noon ang kakaiba at mabigat na tama sa dibdib ko. Walang nabanggit na ganoon sa akin si Kobe. Akala ko ay simple lang ang music video na gagawin niya, gaya noong mga nauna niyang inilabas. Hindi ko naman inaasahan na may mga ganoon.
Pinilit kong ipaalala sa sarili na trabaho lang iyon... pero naninikip pa rin ang dibdib ko sa isiping hinalikan niya si Jennifer.
Eddie was saying something, but my mind completely went blank. Maya-maya pa ay tumili ang mga tao at nakita kong lumabas na ang lalaking gustong-gusto ko nang mayakap. Sa likuran niya ay ang matangkad at eleganteng babae na pino ang bawat galaw.
Nanlalabo ang paningin ko habang pinapanood silang alalayan ang isa’t isa papunta sa scene. Hinihigit ako ni Eddie paalis sa lugar pero napako ang tingin ko sa paraan ng paghawak ni Kobe sa bewang ng babae.
Nakatapat sa kanila ang camera habang hinahangin ang mga buhok. Jennifer leaned on his chest, and his shoulders moved, indicating that he was chuckling.
Hindi ko kayang panoorin pero hindi ko rin maialis ang tingin sa kanila. Bigla ay gusto kong tumakbo roon at agawin si Kobe sa kanila. Gusto kong isigaw sa lahat na isa ako sa pinamilian bilang leading lady. Na ako ang personal choice ni Kobe at magkausap kami gabi-gabi! I wanted to tell everyone that he liked me!
Pero ang mga ganoong bagay ay hanggang sa isip ko lang. Ni wala nga akong ginawa nang apak-apakan ni Mr. Hernando ang pagkatao ko. Ngayon pa kayang parang kinalimutan na nila ang eksistensya ko?
Tuluyang tumulo ang luha ko nang inabot ni Kobe ang mga labi ng babae. Sarado ang kanilang mga mata habang masuyong naghahalikan. Kobe’s left hand cupped Jennifer’s face, angling and kissing her more.
Nabingi ako hindi dahil sa ingay ng mga tao sa paligid ko, kung hindi dahil sa pagguho ng isang parte sa puso ko. Si Eddie ay walang magawa dahil nakatulala lang ako sa lalaking mahal ko na may hinahalikang ibang babae.
Trabaho lang iyan, Karsen. Hindi mo dapat pagselosan, ‘di ba?
I bit my lower lip before clenching my jaw. Parang hindi ko bigla kayang tanggapin na ganito ang trabaho niya. And he was thankful I wasn’t chosen? Talaga bang dahil ayaw niya ako sa spotlight? O dahil alam niyang wala akong maitutulong sa career niya?
The time went by quickly. Matapos ang kissing scene nila ay pinagtanggal na sila ng pang-itaas na damit. Every girl around me sighed at the sight of Kobe’s body. Ang mga nanonood naman na lalaki ay naghiyawan nang lumabas mula sa isang tent si Jennifer na nakaputing bra lang.
“Karsen, tara na,” pamimilit ni Eddie.
Hindi ko siya nilingon. I just couldn’t move. Ito ba ang iniignora ko? Ito ba ang ayaw kong makita sa social media? Kahit ang group chat naming mga fans ni Kobe ay inilagay ko sa spam messages dahil ayoko ng kahit anong negatibong emosyon. Akala ko ay sapat na ang narinig ko mula sa mga tao sa paligid niya... hindi ko naman alam na may isasakit pa pala.
The next scene started with Jennifer’s soft and sensual touch on Kobe’s chest. Ang sumunod ay sa loob ng tent kung saan nakahiga na ang babae habang nakatagilid ang katawan ni Kobe paharap sa kanya. Kahit hindi kita ang ginagawa nila sa loob ay alam naming naghahalikan sila roon.
“Sensual to toxic love ‘yong theme ng song, ‘di ba? Langya, ang sarap ng halikan nila. Gigil na gigil.”
Pumikit ako at mabigat ang loob na tumalikod sa kanila. Hindi ko na kayang manood. Kung maaga ko lang nalaman na may ganitong scenes, hindi na sana ako pumunta rito. Sana ay ipinambili ko na lang ng bagong sapatos ang pamasahe at pambayad sa inn.
Tahimik na sumunod sa akin si Eddie. Walang pagtigil ang luha ko sa pagbagsak kaya wala rin akong tigil sa pagpalis noon. Kaya pala halos masiraan ng bait ang fans nila. Kulang na lang pala ay mag-sex sila sa harap ng camera.
Habang pabalik sa inn ay nahulog ako sa sariling isipin. Ang dami ko palang dapat tiisin kapag ang kasing taas na tulad ni Kobe ang pipiliin kong makasama sa buhay. Puwede akong magselos, pero wala akong karapatang pigilan iyon dahil para iyon sa career niya. Wala rin akong karapatang magreklamo kahit batuhin ako ng masasakit na salita lalo at totoo naman ang sinasabi nila.
Dalawang oras na akong nakahiga nang nag-ring ang cellphone ko. Nakita kong si Kobe ang tumatawag pero dahil mahahalata niya sa boses ko ang pag-iyak ay hindi ko iyon sinagot. Puwede naman sigurong palipasin namin ang isang araw nang hindi nag-uusap. Babalik naman na kami ni Eddie bukas sa syudad. Siguro naman ay makakalimutan ko rin ang napanood.
My phone beeped. Wala akong planong basahin ang chat niya ngunit naging sunod-sunod ang pag-vi-vibrate ng cellphone ko.
DK Gallardo: Karsen? Are you busy?
DK Gallardo: Kuya Enzo thought he saw you earlier. Are you here?
DK Gallardo: I guess he’s hallucinating. You won’t be here, of course. I’m outside the tent. You don’t want to talk?
Namuo ang lungkot sa puso ko. Wala siyang kasalanan pero nagagalit ako. I want to shout at his face and accuse him of cheating on me... but that’s far from possible. Una, hindi ko naman siya kayang sigawan at pangalawa, hindi naman niya ako niloloko.
DK Gallardo: Seen? Galit ka ba sa akin?
Tumingin ako sa kama ni Eddie at napansing tulog na tulog na siya. Plano kasi niyang gumising bukas nang madaling araw para puntahan ang cafe na nadaanan namin kanina.
Dawn Karsen Navarro: Hindi. Ayoko lang makipag-usap.
I don’t want him to hear my trembling voice.
DK Gallardo: Nakita ka raw ni Kuya Enzo. Confirm it to me. Nandito ka ba?
Dawn Karsen Navarro: Ayokong makipag-usap, Kobe. Puwede bang sa ibang araw na lang?
DK Gallardo: You’re here.
DK Gallardo: Nakita mo ang scenes.
Hindi ko alam ang i-re-reply ko roon. Ayokong sabihing napanood ko nga, pero ayoko rin namang magsinungaling sa kanya.
DK Gallardo: Karsen, can I explain myself?
Umiling ako. Magmumukha akong tanga. Alam ko naman na ang sasabihin niya.
Dawn Karsen Navarro: Hindi na. Trabaho mo naman ‘yon.
DK Gallardo: Karsen, please. I know you’re mad, and you have reasons to be. If you’re still here, please, let’s see each other. Ayokong isipin mo ‘to. It’s scripted. Ginagawa ko na lang kasi gusto ko nang matapos ang shooting as soon as possible.
For the first time since we met, I don’t want to hear his voice. I know I’m being irrational, but I’m deeply hurt. Ayokong ibunton sa kanya ang galit dahil alam kong pagod siya.
Dawn Karsen Navarro: Magpahinga ka na. Kita na lang tayo kapag hindi ka na busy. Uuwi rin naman kami agad bukas. Ingat, Kobe.
DK Gallardo: I’m on my way to you. Sorry kung mapilit ako. I just don’t want you to think that I’m not serious about you. I’m really sorry for insisting.
Napaiyak ako lalo sa inis. Puwede bang kahit ngayon lang, huwag niyang gamitin ang koneksyon niya?! Ayokong magalit sa kanya, pero kung ipagdidiinan niya ang gusto, wala akong ibang choice kung hindi ang ilabas ang dismaya ko! Magiging problema pa niya ako!
Hindi na ako sumagot sa kanya. Nagngingitngit ang loob ko at nakaplano na sa utak ko na hindi siya labasin. Sinabi ko nang magpahinga na lang, pero ipinipilit niya pa rin ang gusto! Kapag nasigawan ko siya, ako rin naman ang sasama ang loob.
Nasa ganoong estado ako naabutan ni Eddie. Bumangon siya at stressed na stressed na tumingin sa akin.
“Girl, isang oras na akong tulog. Hindi ka pa rin tumatahan? Shot tayo, bet mo?”
Umiling ako. “Pupunta raw si Kobe. Nakakainis kasi sinabi ko nang ayaw ko siyang makausap pero nagpupumilit pa rin siya!”
“Huh? Paano nalamang nandito tayo?”
“Kay Kuya Enzo raw, ewan!”
Kumamot siya sa batok. “Bakit ayaw mo? E, ‘di ba, ‘yon ang dahilan kung bakit tayo pumunta rito?”
“Eddie, ayaw ko siyang makita. Naiinis ako. Alam kong sasabihin niyang trabaho lang ‘yon... at kapag ganoon ang dahilan niya, wala akong choice kung hindi tanggapin ang rason niya.”
“O, ano? Hindi mo na mahal?” diretsong tanong nita. “Aba, itigil mo na ngayon kung gagan’yan ka. Sa future, marami pang mahahalikang iba si Kobe, dahil apparently, part-time porn creator yata ang singers ngayon. Kung hindi mo keri i-take ‘yon, makipagkalas ka na. Magkakasakitan lang kayo.”
“Nagpapalamig lang naman ako ng ulo, Eddie,” mahinang saad ko. “Tatanggapin ko naman ‘yon... nagulat lang ako ngayon. Ayoko rin namang sabihin ‘to sa kanya kasi baka maapektuhan ko ang pagtatrabaho niya.”
“Aba! At ano? Ikaw lang ang affected? Dalawa kayo riyan! Kailangan mong sabihin sa kanya ang bumabagabag sa ‘yo kung gusto mong magtagal ‘yan! Hindi na uso ang martyr ngayon, Karsen.”
“Binibigyan naman kasi ako ng assurance ni Kobe...”
“Ay, basta! Kausapin mo ‘yan para magkaintindihan kayo.”
Kahit napipilitan ay tumango na lang ako. Baka tama siya. Baka kailangan talaga naming mag-usap ni Kobe. Sasabihin ko sa kanya ang nakita ko at dapat kong pakinggan ang mga sasabihin niya. Eddie’s right. Marami pa akong mas masakit na makikita at maririnig. Mabuti nang maaga pa lang ay alam na namin kung dapat ba kaming tumigil o ano.
Isang oras ulit ang lumipas nang mag-chat si Kobe. Nasa labas daw siya ng inn. Mabigat ang mga hakbang ko paalis dahil hindi ako sigurado sa magiging dulo ng usapan namin. Nakita ko ang SUV at walang pag-aalinlangang sumakay roon.
Today, I realized that Jennifer was Kobe's sun, the one he could flaunt in broad daylight... and I was his new moon, the one he kept hidden in the darkest of nights.
Tuwing gabi lang kami nagsasama dahil hindi ako puwedeng makita ng iba... and it would always be like that.
“Karsen...”
One word, and I immediately trembled. Nasa driver’s seat siya at sinadya kong hindi tumabi sa kanya kaya nasa likod ako. Ipinokus ko ang tingin sa inn dahil sa oras na makita ko ang nagsusumamo niyang mata ay mapapawi ang galit ko.
“It’s nothing.” Hirap na hirap ang tinig niya. “I have no better words, but those scenes were really nothing.”
Hindi nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Sabi ko na, eh. Alam ko na ang sasabihin niya.
“Nabanggit mo na sa chat, ‘di ba? Hindi mo na sana ako pinuntahan,” I uttered flatly. “Baka may nakasunod pa sa ‘yo. Makita pa tayong magkasama.”
“I agreed to the scenes because I never thought you’d be in my life. Hindi ko naman p’wedeng ipabago kasi approved na ng management.”
Tumingin ako sa kanya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Sa mismong music video ko ba dapat malaman?” Nag-iinit ang sulok ng mata ko. “At... may right ba akong sabihin ang mga ‘yan bilang kalandian mo?” I cringed at my own term.
“You’re not a fling, Karsen.” Dumilim ang mukha niya. “And to answer your question, I didn’t tell you because it was nothing. Ni hindi ‘yon pumapasok sa isip ko kapag kausap kita.”
Umiling ako, hindi pa rin kumbinsido. “Kapag ba may hinalikan ako, okay lang sa ‘yo?”
I heard his teeth grit. Hindi siya sumagot.
“K-Kapag ba may humaplos sa akin, ayos lang din?” Bumigat ang paghinga ko. “Kapag ba pinatungan ako ng ibang lalaki-”
“Dawn Karsen!”
Tumulo ang luha ko. “Tapos sasabihin ko, nothing lang din! Walang malisya! Ano, Kobe? P’wede ko bang gawin ‘yon?”
Napaigtad ako nang marahas siyang bumaba ng sasakyan at umikot sa pwesto ko. Binuksan niya ang pintuan sa gilid ko at walang pasabing tumabi sa akin.
I’m being irrational again. I really have to stop. Pagod si Kobe. Hindi ko na dapat dinadagdagan iyon.
“I’m sorry. I was wrong,” he whispered sincerely. “Hindi ko na uulitin. ‘Wag kang umiyak... please.”
Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko ngunit mabilis akong umiwas. Tila may sariling utak ang katawan ko.
“Karsen,” malungkot na tawag niya sa akin.
I shook my head. “Sorry, hindi ko dapat sinabi ‘yon.”
Umiling din siya. “No...”
“Sabi ko naman sa ‘yo, sa ibang araw na lang tayo mag-usap.” I looked at him in the eye. “Naiintindihan ko naman.”
His eyes softened when our gazes met. Halata sa kanya ang pagiging problemado, at sigurado akong hindi iyon dahil sa trabaho. Tinamaan ng guilt ang dibdib ko dahil hinayaan ko ang selos na pumaibabaw sa akin.
“P’wede kang magalit sa akin, Karsen. Hindi ko kakayanin kapag ginawa mo sa ibang lalaki ang ginawa namin. I’m sorry for being unfair, but I really couldn’t see you with another man.”
And then, all of a sudden, Eddie’s words rang in my head. Pinagbabawalan namin ang isa’t isa ngayon. Hinahayaan ko rin siyang hawakan at halikan ako. Magkausap kami lagi at alam naming gusto namin ang isa’t isa.
I took a deep breath and gathered all my courage.
“Bakit? Ano ba tayo, Kobe?”
Kitang-kita ko ang pagdaan ng sakit sa mata niya. Tinubuan din ako ng hiya sa nasabi lalo at mukhang na-offend siya sa tanong ko. But still, I didn’t take back my words. Mahirap pala kapag hindi mo alam ang pwesto mo sa buhay ng isang tao. Pakiramdam ko ay wala akong karapatan sa lahat ng sinasabi ko dahil hindi naman kami magkaano-ano.
“Mahal kita, Karsen,” madiin na aniya. “At kung papayag ka, gusto sana kitang maging girlfriend.”
Nang sandaling iyon ay parang may sumabog sa loob ko. Nalimutan ko ang nararamdamang inis dahil napalitan iyon ng matinding saya. Mababasa sa mukha niya ang determinasyon at kaunting takot. It was as if I could shatter him in one word.
“Ayokong madaliin ka lalo at hindi pa kita naliligawan nang tama, pero ayoko ring isipin mo na wala kang karapatan sa akin.”
He hesitantly reached for my hands and kissed their knuckles. Hindi ko na nabawi iyon dahil hindi agad rumerehistro sa isip ko ang mga katagang sinabi niya.
“I’m sorry for being ignorant. Hindi ko naisip na may halaga ang halik na ‘yon sa ‘yo. Hindi ko na uulitin,” puno ng sinseridad na bulong niya.
“Kobe,” namamaos na tawag ko sa kanya.
“Hmm?”
My lips quivered. “T-Totoo? H-Hindi mo nagustuhan ang halik ni Jennifer?”
Umiling siya. “I was so eager to get it done, para makauwi na agad ako sa ‘yo. Lahat ng scenes namin, isang shot lang... kasi gusto na kitang makita.” He intertwined our fingers. “I’m sorry. Hindi ko na talaga uulitin. I promise.”
Yumuko ako. “Sorry rin... alam ko namang trabaho lang, eh. Pasensya na kung pinag-isip pa kita.”
Natahimik kami pareho matapos iyon. Inihilig niya ang ulo ko sa dibdib niya at marahan niyang hinalikan ang noo ko. He whispered that he missed me before we fell into silence again.
Mahal ako ni Kobe... nasa iisang pahina pa rin kami ng libro.
“Karsen?”
“Hmm?”
Narinig ko ang paglunok niya. Humiwalay siya sa akin at tiningnan ako sa mga mata. Napansin ko ang sinasabing tingin ni Ate Kat. Mapungay at maamo... para sa akin.
“Will you be my girlfriend?”
I weigh everything. Simula umpisa, hindi nagkulang si Kobe sa pagpapaalala sa akin na ako lang. Ngayong pakiramdam niya ay nagkamali siya, walang pagdadalawang-isip din siyang humingi ng tawad. Kahit gaano ka-busy ay gumagawa siya ng oras para makasama ako... gaya ngayon. Maraming rason para hindi siya magustuhan, pero mas maraming dahilan para alayan siya ng pagmamahal.
I smiled and slowly nodded. I'm not sure if it'll make a difference, but we love each other, and that's all that matters.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro