Chapter 16
I got up and put on my new dress. Kulay rosas din ito katulad ng karamihan sa bestida ko. Inilugay ko ang hanggang bewang na buhok at inilagay roon ang bagong biling puting hair clip. Pinasadahan ko ng pressed powder ang aking mukha at nang hindi makuntento sa natural na pamumula ng labi ay naglagay pa ako ng lip tint.
I’m not really beautiful. I’m more on the cute side, unlike the rest of my friends. Si Mari ay may eleganteng ganda na bumagay sa medyo kulot niyang buhok. Gaya ko ay may kataasan din siya at ilang beses na rin siyang ipinanglaban sa pageants. Si Mill naman ay napakalakas ng dating. She was sexy and didn’t even know it. Ang boyish haircut niya ay bumagay sa maliit na mukha at magandang hubog ng panga. At si Ate Kat ang may pinakasimpleng ganda. Kulay abo ang mata at itim na itim ang tuwid na buhok. She looked like a modern Filipina with her simple clothing and guitar bag.
Ngayong nakaharap sa salamin ng restroom ng Soul Production Company ay hindi ko maiwasang panliitan ng sarili. Nakasalubong ko kanina si Jennifer Austria at gaya noong unang beses ko siyang nakita, natulala pa rin ako sa ganda niya. Tall, elegant, sexy, and perfect. Parang kung sino mang tumabi sa kanya ay mawawalan ng kumpyansa sa sarili.
I smiled at my reflection before going outside of the restroom. Pumunta ako sa lobby kung saan naghihintay ang babae. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ginawaran ako ng magandang ngiti. Agad na nagpakita ang kanyang pantay-pantay at mapuputing ngipin.
“Good morning, Karsen,” bati niya sa akin nang maupo ako sa couch sa tapat niya.
I smiled back. “Good morning.”
“You look beautiful.” Walang bahid ng kaba sa kanyang tinig. “Kung sino man ang mapili sa atin, I hope we’re good sports.”
Tumango ako, bahagyang dinadaga na ang dibdib. Isipin ko palang na siya ang makakasama ni Kobe sa susunod na dalawang buwan ay parang nawawalan na ako ng lakas.
“And... I apologize for the noise. Hindi ko inaasahang may media roon at lalagyan ng malisya ang ginagawa namin.” She sighed. “But both our management seemed to like what happened. I do, too. It was to my advantage... But still, I’m sorry.”
Hindi ko alam ang sasabihin kaya ngumiti na lang ulit ako. She didn’t need to apologize. Siguradong kung ako naman ang nasa posisyon niya ay magugustuhan ko rin ang atensyon. She was called the perfect pair for Kobe. Bukod sa masarap ito sa pakiramdam, bilang modelo, alam kong malaking tulong din sa kanya ang ingay.
Habang naghihintay ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na bulto ng lalaki. May suot na puting long-sleeves polo na nakatupi hanggang siko at itim na pantalon. Magulo ang kanyang makapal na buhok at ang moreno at makinis na balat ay humihiyaw ng karangyaan. Sa tabi niya ay naglalakad si Kuya Enzo at sa palagay ko ay ang personal assistant niyang si Chloe. May nakasunod din na dalawang naka-three piece suit na lalaki sa kanila.
Ang guwapo niya talaga.
My heart skipped a beat when our gazes met. Nawala ang kunot sa kanyang noo at napansin ko pa ang bahagyang pagtigil niya. He gave me a small smile, but our staring contest ended when Carly entered the lobby. Binawi ko agad ang tingin ko kay Kobe at mabilis na tumayo.
I saw Jennifer greet him. Tinapik ng babae ang balikat niya at ginawaran pa siya ng mabilis na halik sa pisngi. The sight made my stomach churn. Kung may makakakita man sa kanila ay siguradong maglilikha na naman ng ingay iyon. And for heaven’s sake! They looked so good together!
“Karsen,” tawag ni Kobe sa akin nang malapit na ako sa pwesto niya. “She grew up in France... that’s how she greets people.”
Hindi siya kasama sa meeting namin dahil may trabaho pa siyang aasikasuhin. Nag-usap na rin kami tungkol sa magiging resulta at sinigurado niya akong kahit ano ang mangyari ay walang magbabago sa amin.
Ngumiti ako at inayos ang gusot sa suot niyang damit, walang pakealam sa mga matang nakatingin sa amin.
“Galingan mo sa trabaho,” mahinang saad ko. “Makinig ka sa mga sasabihin sa ‘yo, ha?”
His jaw clenched before nodding. “Call me after your meeting.”
Nakuha na niya ang cellphone niya kahapon kaya halos buong gabi rin kaming magkausap. He told me about the stories behind every song in his album, and I told him the results of my tests.
“Karsen,” naiinip na tawag niya ulit sa akin nang hindi ako sumagot.
“Wala akong load,” pagdadahilan ko.
“I-lo-load kita.”
I chuckled despite being nervous as hell. Umiling ako sa kanya bago binati sina Kuya Enzo at Chloe. The woman in her 30’s, I think, greeted me back. Ngumiti ulit ako kay Kobe bago nagtungo sa pinasukan nina Carly at Jennifer.
There were only four of us. Ang isa ay ang lalaking interviewer noon. Nakaupo na silang lahat kaya matapos bumati ay naupo na rin ako.
“Good morning,” panimula ni Carly. “I’m sure you know why you’re here. The two long months of building chemistry with Kobe have finally ended.”
Tumingin siya kay Jennifer. “I said no dating rumors... but the management let it slide because of the good feedbacks.”
“I’m sorry,” si Jennifer.
Umiling ang lalaki sa tabi ni Carly. “Come on! Loosen up a bit. The rumors were handled perfectly.”
Handled? They didn’t do anything about it. Nagpakasasa lang sila sa ingay.
“And besides, we know from the start who’s more qualified,” dagdag pa nito.
Parang may sumuntok sa sikmura ko nang marinig iyon.
“Mr. Hernando...” suway ni Carly sa lalaki.
I gulped hard. Nagbutil-butil ang pawis sa noo ko kahit fully air-conditioned naman ang buong kwarto.
“Carly, pinagbigyan lang natin si Kobe! Jennifer was...” Tumingin sa akin si Mr. Hernando at ngumiti nang peke. “More... uhm...” He cleared his throat before taking his gaze away from me. “Suitable? I don’t know. Better?”
Napayuko ako. Hindi ba puwedeng sabihin na lang nila ang resulta para makaalis na ako? Hindi ko naman kailangang marinig ang listahan ng rason kung bakit better sa akin si Jennifer. Matagal ko nang alam iyon. Hindi na kailangang isubsob pa sa mukha ko.
“Let’s just get to the results, please?” singit ni Jennifer, parang narinig ang munting panalangin ko.
Napabuga ng hangin si Carly. “Okay, so, this is the decision of the management. Hindi lang kami ang nag-come up dito. They weigh the overall engagement with DK and the rest of the team.”
“And fans,” pagtutuloy ni Mr. Hernando.
Nag-angat ako ng tingin at imbes na malungkot sa siguradong resulta ay ngumiti pa rin ako. I know the results already. Pinaghandaan ko na rin naman ito.
“Tiningnan din namin ang backgrounds n’yo...” Pasimpleng tumingin sa akin si Carly. “Not only because of DK’s reputation, but also because we don’t want people to use your past against you.”
Tumango ako kasabay ng pagbigat ng puso ko. Past... it’s always the past. Something I couldn’t change. Siguro ay alam na rin nila ang mga pinagdaanan ko bilang bata. Kung sino ang mga magulang ko at kung bakit ako iniwan sa ampunan. They took everything into account, for sure.
My heart throbbed. I saw this coming, but it still hurts. Hindi talaga puwedeng hindi masisilip ang nakaraan ko. Kahit siguro gaano ako kaganda at kabagay kay Kobe, kung ganoon naman ang karanasan ko, imposibleng piliin nila ako.
“So... yeah. Ms. Austria was chosen to be the leading lady for DK’s album. Congratulations!” bati ni Carly. “And for Ms. Navarro, we’ll deposit our last payment into your account. Thank you for working with us.”
Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari dahil kinain na ako ng sariling dismaya.
“And Karsen, come back here after an hour. Tumawag sa akin ang abogado ni DK at nahuli na raw ang nambastos sa iyo. I’ll just take Ms. Austria to my superiors.”
Tumango ako kahit wala naman sa isip ko ang sinabi niya. I know. I know... this would happen. Kahit walang ingay mula sa media. Alam kong hindi nila ako ikokonsidera.
Tahimik akong bumalik sa banyo at paulit-ulit na inayos ang sarili. May pasok pa ako mamaya. Hindi puwedeng dalhin ko ang lungkot sa school.
“Ano’ng gusto mo, ikaw ang mapili? Tanga ka. Alam na alam mo naman,” mahinang suway ko sa sarili.
At wala naman talagang rason para panghinaan ako ng loob. Ang gusto ko lang naman noon ay ang makausap at mapasalamatan si Kobe. The heavens gave me more than I asked for. Hindi na dapat ako maging mapaghangad.
Tapos na ang kontrata ko sa kanila. Ibig sabihin ba noon... puwede ko nang gawin ang gusto ko nang hindi iniisip ang sasabihin nila? Can I date Kobe without restrictions? Well, of course, there is... but can I finally let my heart take over?
Napasinghap ako sa gulat nang mag-ring ang cellphone ko. Ilang beses ako napakurap dahil sa maling tinatahak ng isip.
You can’t be selfish!
Isang beses pa akong nagbuntong-hininga bago sinilip ang cellphone. Agad na nawala ang iniisip ko nang makita kung sino ang tumatawag.
“Hi!” I greeted Kobe happily.
Narinig ko ang malalim na paghinga niya sa kabilang linya.
“I want to see you,” he uttered gently.
Ngumiti ako at sumandal sa dingding ng cubicle. Sinigurado kong ako lang ang nasa loob ng banyo para malaya ko siyang makausap.
“Hindi p’wede. May trabaho ka tapos papasok pa ako mamayang ala-una.”
“But I really want to see you,” giit niya. “You have no idea how beautiful you were earlier.”
Nag-init nang husto ang mukha ko at kitang-kita ko sa salamin ang pamumula ng pisngi ko. Sanay naman akong sabihan ng maganda, pabiro man o hindi, pero kapag kay Kobe galing, parang imposible! Siya?! Magagandahan sa akin?! Papasa nga akong alalay niya!
“Dinner?” he asked, voice was hopeful.
I sighed in defeat. Siguradong alam na niya ang resulta ng selection at marahil ay dahilan niya lang ito para pagaanin ang loob ko.
“S-Sige...”
“Good. I’ll pick you up at Sway’s. Hindi ko na pasasamahin si Kuya Enzo.”
“Okay.” I beamed.
“And Karsen?”
“Hmm?”
“I’m thankful it wasn’t you.”
Napatulala ako sa sinabi niya. Is he insulting me? Thankful siya na hindi ako? Ang ano? Ang napili? Bakit? Dahil ayaw niyang mapahiya? Ganoon ba ang iniisi-
“I could hear your inner monologues.” He chuckled. “But, yeah. As much as I want to work and be with you all the time, I don’t want you in the spotlight. I don’t want people to feast on my girl.”
Parang nawala lahat ng sinabi niya dahil ang pumasok lang sa utak ko ay ang huling salita.
“Y-Your ano?” Lumabi ako kasabay ng muling pag-iinit ng mukha ko.
He chuckled again. “Girl.”
“Malandi ka!”
He sighed. “God, I really want to see you.”
Sa kakaunting minutong pag-uusap namin ni Kobe ay nawala ang bigat sa dibdib ko. May kaunting panghihinayang pa, pero mas lamang na ang pasasalamat na hindi ako ang napili. He’s right. Ayokong i-bash ako ng fans niya. Ayoko ring i-bash siya dahil sa akin.
Huminga ako nang malalim at lumabas ng banyo. May ilang minuto pa ako bago makipag-usap kay Carly kaya siguro ay pupunta na lang ako sa lobby. On my way there, I saw her entering the room. Thinking she was ready to talk to me, I followed her.
Nasa pinto pa lang ako ay napatigil na ako sa tuluyang pagbubukas noon. Hindi soundproof ang silid at ngayong may kaunting awang ay lalo kong narinig ang pinag-uusapan nila ni Mr. Hernando.
“Lawyer?! Ginastusan n’yo ang babaeng ‘yon?” galit na sigaw ng lalaki. “Do you even know how expensive Mr. Wilkerson’s fee is?”
“Please, Jason. Not now,” si Carly.
“For fuck’s sake, Carly! Ilang dolyar na ang inaaksaya natin sa babaeng ‘yon?! She wasn’t qualified, but she was given two months with DK! May allowance na, may separation fee pa!”
Nabato ako sa kinatatayuan. I didn’t want to assume... but I think they're talking about me.
“At ngayon, malalaman ko na pati ang pambabastos sa kanya na walang kinalaman ang company ay sagot din natin? Oh, God! This is insane!” galit na galit na sigaw ng lalaki na parang walang pakealam sa makakarinig sa kanya.
“Jason, Kobe paid for it.”
“What?”
Carly sighed. “Si Kobe ang nagbigay ng allowance kay Karsen. Siya ang magbibigay ng separation fee at siya rin ang nagbayad sa lawyer. Si Jennifer lang ang sinagot ng company dahil siya naman talaga ang choice.”
Tinamaan ako ng hiya sa narinig. Hindi ko magawang isara ang pinto dahil nanghihina ang mga tuhod at kamay ko. I felt worthless. Na hindi manlang sila nag-abalang tingnan kung saan ako puwedeng ilagay. They didn’t waste a penny on me. Umpisa pa lang, may pinili na sila. At kung hindi dahil kay Kobe, imposibleng nandito ako ngayon.
I don’t know what to feel. Pinuno ko ng masasayang bagay ang isip ko ngunit nananalo ang pandidiri sa puso ko. I was deeply embarrassed. Siguro ay iniisip nilang inakit ko si Kobe para sa pera. Siguro ay pinagtatawanan nila ako.
“Does Kobe like the girl?” gulat na tanong ni Mr. Hernando.
“Yeah...” hirap na hirap na saad ni Carly. “Karsen is beautiful, and she’s really sweet. We can’t blame hi-”
“Naririnig mo ba ang sarili mo?! Bawal makipagrelasyon si Kobe! And worst case scenario, kung magkakaroon man, that girl should be on the same level as him! Someone who could help his career! Hindi sa napupulot lang kung saan-saan!”
“Jason!” galit na rin si Carly. “Sinusunod ko lahat ng sinasabi ng management. I know what to do! Pero hindi mo ba kilala si Kobe?! He’s stubborn! Kung gusto niya si Karsen, tingin mo ba ay may magagawa tayo?!”
“Kausapin mo ang babaeng ‘yon na layuan ang alaga mo, Carly! Kapag lumabas ito sa media, babagsak ang career ni Kobe! That girl is a downfall waiting to happen! Hindi p’wedeng ang isang walang silbing katulad niya ang magpapabagsak sa ilang taon nating pinagpaguran!”
“Calm down...” Humina ang boses ng babae. “Siguradong magagalit si Kobe kapag pinagbawalan natin sila ni Karsen. They will just sneak out.”
“God!” Mr. Hernando sounded frustrated. “Bakit ba naman kasi sa ganoong babae pa nagkagusto si Kobe?! Have you seen her shoes?! Tuklapan na ang balat, hindi pa mapalitan!”
Nanikip ang dibdib ko sa narinig kasabay ng pagbagsak ng mata ko sa suot kong white flats. Totoong batak-batak na iyon dahil ilang taon ko na rin iyong ginagamit. Sa ukay lang naman kasi ako bumibili ng sapatos. Masyadong mahal ang original at brand new.
“Kobe shouldn’t be caught dead with that girl! Kung sex lang ang habol niya, marami akong p’wedeng ipakilala. Just not with someone who was not properly guided, Carly. Ano’ng alam natin sa babaeng ‘yon? Laking kalye at walang magulang! Hindi naituwid ang landas.”
That was like a cue for me. Hindi ko namalayang nakalabas na ako ng building dahil sa nararamdamang sakit sa dibdib ko. His words pierced through me like daggers. Para bang diring-diri siya sa katulad ko.
Ihinilig ko ang ulo sa bintana ng bus habang pinipigilan ang pag-iyak.
This is Kobe’s world—harsh and painful for pathetic people like me. Tanggapin man ako nang buong puso ni Kobe, hindi naman ako masisikmura ng mga tao sa paligid niya. Because I’m just a speck in his perfect life. A piece of dirt on his white canvas.
Wala na akong pakealam kahit hindi ko na sinipot si Carly. Yapak kong binagtas ang daan pauwi dahil nandidiri ako sa sapatos ko. Nang matanaw ang maliit at saradong apartment ay saka ko lang pinakawalan ang mga luhang kanina pa nagmamakaawang lumabas.
Dito, tanggap ako ng lahat. Hahalikan nila ang noo ko kapag malungkot ako, aalagaan kapag may sakit, at ipagtatanggol kapag napaaway. Kahit maliit at masikip, kahit kailan ay hindi ko inisip na may mas malaking mundo pa para sa akin. Kasi kuntento na ako. Kasi nakalayo na ako mula sa pinaggalingan ko.
I entered the apartment and cried. Walang tao roon dahil lahat sila ay nasa school. And at that moment, I found myself wishing and wanting more. For the first time in nineteen years, I questioned why I had only accomplished leaving the shelter. Bakit hanggang dito pa lang ang nararating ko? I did my best at school. Wala akong bisyo at ang napagtatrabahuhan ko ay hindi ko ginagastos para sa sariling layaw. Bakit parang... ang layo pa rin? Ilang milyong hakbang pa ba ang tatahakin ko para makalapit sa mundo ni Kobe?
I can’t afford a pair of shoes. Hindi ko kayang gumastos ng higit pa sa isang libo para lang sa bagay na iyon. I’m earning for my future. Mag-ta-take pa ako ng ilang units sa education at mag-re-review para sa licensure exam. Akala ko ay may pag-unlad na ako. Akala ko ay matutuwa na ang mga nakakakilala sa akin kasi nakahakbang na ako.
But today, I was proven wrong. I was still a prisoner of my past. Paulit-ulit pero wala pa ring nagbago.
Hindi pa rin ako bagay sa mundo niya.
Nilinis ko ang buong apartment namin habang umiiyak. Miski ang mga damitan nina Ate Kat, Mari, at Mill ay inisa-isa kong ayusin. Hindi na ako nakapasok dahil namumugto ang mata ko at parang hindi ko na kayang lumabas ulit. Nagluto na rin ako ng hapunan para sa kanila.
It was 5 in the afternoon when I went out. May usapan kami ni Kobe at ayaw kong maramdaman niyang hindi kami maayos. Mamaya pa kaming alas-syete magkikita pero hindi ko gusto ang ideyang maaabutan ako ng mga kaibigan ko na ganito ang itsura. Pumunta ako sa Sway’s at umorder ng inumin.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Kobe ang narinig o hindi. Gusto kong magsumbong sa kanya, pero parang mas nananaig sa puso ko ang kagustuhang maging mapayapa ang relasyon niya sa management.
Nagbayad siya para makasama ako. Sinuway niya ang lahat para sa akin. Kung itong kaunting sakit ay sasabihin ko pa sa kanya, baka lalo siyang mag-abala para sa akin.
“Hi.”
Nakuha ni Marcus ang atensyon ko. Nakasuot pa siya ng uniporme at halatang katatapos lang sa school. Maganda ang ngiti niya ngunit nang makitang mabuti ang itsura ko ay kumunot ang noo niya.
“May problema?” tanong niya bago humigit ng upuan sa tapat ko.
Umiling ako. “Sore eyes lang.”
He heaved a sigh. “Dapat ay lagyan mo ng eye drops ‘yan para mawala ang pamumula.”
“Sige.” I smiled. “Salamat.”
“Ba’t ka pala nandito? May hinihintay ka?” usig niya ulit matapos ang ilang segundo.
“Ah, oo... ano... congrats pala. Nasabi ni Eddie sa akin na nanalo ang team n’yo sa STRASUC,” pag-iiba ko ng topic.
Nahihiyang kumamot ito sa likod ng ulo. “Salamat. Hindi ko nga inasahan ‘yon. Magagaling kasi ang kalaban.”
“Magaling din naman ang team n’yo. Magaling na coach si Sir Vicente... at naghirap kayo sa training.”
“Sayang at hindi ka na nakapanood ng mga sumunod na laro namin. Naging abala ka?”
Tumango ako. Tuwing matatapos ang klase ay nag-aaral ako sa apartment para may maikukwento ako kay Kobe kapag nagkikita kami.
“Sige.” He stood up. “Magtatrabaho na ako. Baka kailangan na nina Ma’am ng tulong sa kitchen. Ingat ka.”
Pinanood ko ang likod niya. Nagsuot siya ng kulay tsokolateng apron at kumaway muna sa akin bago pumasok sa kitchen. Nanumbalik sa akin ang mga narinig kanina at ganoon pa rin ang pagpiga ng mga salita sa dibdib ko.
Hindi ko na naubos ang milkshake. Nang dumating si Kobe ay umarte ako na parang walang nangyari. He was all smiles. Siya ang nagmamaneho ng SUV at hindi ko na itinanong kung paano siya nakawala sa bodyguards niya.
“I’ll bring you to my father’s private rest house. Wala nang ibang tao roon maliban sa helpers at sa pad na rin ako uuwi mamaya.”
Alam ko ang rason noon. Sa susunod na linggo ay magkakaroon sila ni Jennifer ng press conference at iyon ang hinihintay ng media. Kanina lang ang announcement na iyon pero nag-ingay agad sa excitement ang mga tao.
Ngumiti ako. “Mabuti naman. Makakapagpahinga ka na.”
Mabilis kaming nakarating doon. Kagaya ng dati ay panay ang kwentuhan namin. Parang hindi nauubos. Hindi rin nakakasawang pakinggan ang mahihinang tawa niya sa tuwing sinasabi ko ang kalokohan namin ni Eddie.
Namangha ako sa buong lugar. The place was surrounded by tall trees and green bushes. Tatlong palapag ang kulay abong bahay at may malaking swimming pool sa harap. Napaka-cosy tingnan ng yellow dim lights. Ang pool naman ay may mga ilaw rin sa ilalim kaya parang nagniningning ang tubig nito.
“Grabe, ang ganda...” bulaslas ko.
“You want something like this?”
Tumango ako habang inililibot pa rin ang tingin sa paligid. “Kapag yumaman ako, sa ganito kami titira nina Mill.”
“Kayo lang?”
Hindi ko rin napansin ang tanong niya dahil hinigit niya agad ako papasok. Halos mapanganga ako sa ganda ng living room. May malaking portrait doon ng pamilya nila at sa paligid ay may mamahaling figurines. Itim, puti, at abo lang ang nag-aagawan ng kulay sa buong lugar. It looked modern, but for some reason, I knew that the place was ancient. Ang ilang gamit ay kumikinang na parang ginto at kristal.
Hindi puwedeng magpakalat-kalat lang ang bra ni Mill sa ganito kagandang lugar.
“Nagpaluto na ako. Mag-dinner muna tayo.”
Para akong batang ipinapasyal habang naglalakad kami papunta sa dining area. Mayroong 24-seater table doon na parang sa movies ko lang nakikita. Sa gitna ay may mga kandila na nakalagay sa gintong candle holder.
Have you seen her shoes?! Tuklapan na ang balat, hindi pa mapalitan!
Para akong natauhan nang marinig sa utak ang sinabi ni Mr. Hernando kanina. Bumaba ang tingin ko sa sapatos ko at ginusto ko itong itago nang makita ang pagtabingi ng maliit na laso sa gitna nito. Matatanggal na siguro. Kailangan ko ulit i-shoe glue.
My excitement immediately died down. Hindi ko manlang napigilan ang emosyon ko kanina. Halata tuloy na first time kong makakita ng ganito kagandang mga gamit.
Kobe’s arms snaked around my waist.
“Are you okay?” he asked softly.
Pinilit kong itaas ang gilid ng labi ko. “Oo! A-Ang ganda lang! Nakaka... tulala!”
Hinigit ni Kobe ang isang upuan at pinaupo ako roon. Nakakatakam ang mga nakahain sa mesa na hindi ko manlang mapangalanan. May dalawang unipormadong server din na tumayo sa kabilang dulo ng mesa. Sa tingin ko ay kaedad ko lang din sila.
Hindi ko alam kung bakit parang may kumukulbit sa puso ko habang nakatingin sa dalawang babae na nakayuko lang. In the parallel universe, I could be in their position... and Jennifer was the one sitting with Kobe. Doon ang puwesto ko. Malayo sa mundo nila.
“Isabay natin sila, Kobe.”
Napatigil sa paglalagay ng pagkain sa akin ang lalaki.
“Who?”
Inginuso ko ang dalawang serbidora. “Marami naman ang pagkain. Siguradong gutom na sila. Kanina pa sila nagtatrabaho rito. Aantayin pa nila tayong matapos bago sila makapaghapunan.”
Umawang ang bibig niya at pumungay ang mata.
“I... never thought of that...” he muttered silently. “Excuse me,” tawag niya sa dalawa. “Sit down. Please, eat with us.”
“H-Huh? Naku, Sir! H-Hindi na po!” natatarantang saad ng isa.
“It’s okay,” he assured.
Walang ngiti sa labi niya kaya siguro ay iniisip ng mga babae na galit siya. Tumikhim ako at nakangiting kumaway sa dalawa.
“Hello po! Ako po si Karsen. Kain po tayo.” I greeted, all smiles. “Marami po ang ihinain n’yo. Kayo ang nagluto kaya dapat makatikim din kayo.”
“M-Ma’am...”
“Karsen na lang po. At... kumain na po tayo. Siguradong gutom na ang amo n’yo.” I chuckled.
Nagkatinginan ang dalawa at nahihiyang humigit ng silya para maupo. Ang isa sa kanila ay kumuha ng extra plates para sa kanila. Hindi na ako nagreklamo kahit malayo sila sa amin. Baka kasi hindi sila komportable. Tumayo na lang sila para kumuha rin ng pagkain.
“S-Salamat po.”
Tagumpay akong napangiti nang makitang ganadong kumakain ang dalawa. They must be tired. Naalaala ko tuloy si Ate Kat na umuuwi noon sa apartment na pasal na pasal sa gutom.
Nang ibalik ko ang tingin kay Kobe ay napakurap ako sa titig niya sa akin. It was intense and serious... as if I did something wrong.
My lips parted. Baka iniisip na niya ngayon na pakealamera ako.
“S-Sorry...” maliit ang tinig na saad ko.
His chest heaved before cursing. “Damn, I really like you.”
Labis na nag-init ang mukha ko. Sigurado akong narinig din iyon ng dalawang babae kahit malayo sila sa amin dahil napakatahimik naman ng paligid!
“Kobe...” nahihiyang suway sa lalaki.
“What?”
“K-Kumain na lang tayo.”
Yukong-yuko ako habang kumakain at tuwing magtatama naman ang mga mata namin ay hindi ko matagalan ang emosyon sa tingin niya. Kahit nasasanay na ako sa presensya niya, naninibago pa rin talaga ako kapag nagiging vocal siya.
Matapos kumain ay niyaya niya ako sa pool deck. Hinawakan niya ang bewang ko at kahit may telang namamagitan sa balat namin ay ramdam ko ang init ng kamay niya. Naupo kami sa gilid ng pool, nakalagay ang mga paa sa tubig. Magkadikit na magkadikit kami at mahihiya ang hangin na pumagitna sa amin. He was grabbing my waist possessively.
I stiffened when he placed his chin on my shoulder. Tuluyan na siyang nakayakap sa akin.
“What spell did you cast on me, Dawn Karsen?” he whispered.
“Hindi ako mangkukulam, Kobe,” reklamo ko kahit halos mahimatay ako sa pagtama ng mabango niyang hininga sa tainga ko.
“Do you know that I have only liked a girl thrice? Hmm? Naabot ba ‘yan ng pag-fa-fan girl mo?”
Napalunok ako. Tatlo? Sino-sino? Walang nababalitang kasintahan niya. Wala rin kumpirmadong nakaka-date niya. My heart ached. Mayayaman din ba ang nagustuhan niya? Mga kilala? Hindi pinulot sa kung saan-saan?
“H-Hindi...” I replied. “‘Wag mo nang sabihin, Kobe.” I don’t want to hear it. Baka lalo lang akong mainggit.
“First was when I was 13.”
Umiling ako at pinilit na kumawala sa kanya. Mas humigpit ang kapit niya sa akin. “‘Wag na, Kobe. Hindi naman ako interesado.”
“She’s the muse behind my first song,” pagpapatuloy niya. “Stolen glances.”
Naninikip ang dibdib ko habang sinasabi niya iyon. Kailangan niya pa ba talagang ipaalam iyon sa akin? Hindi ko naman gustong marinig ang naging storya niya sa iba’t ibang babae.
“Through the tinted windows and busy streets, I stole a glance at you and declared defeat...” he sang a part of his original song. “You’ve got an innocent beauty. You don’t even know, baby...”
Lumabi ako at pinigilan ang sarili na mahulog sa boses niya. Ibig sabihin, may pinatutukuyan siya sa kantang iyon?! And he’s just thirteen! Napakaaga niya namang lumandi!
“The second time was when I was twenty. She was shouting so cutely that I stopped midway to look at her... but when I realized she was a minor, I continued walking. I can’t like a minor. Kids like her should focus more on greater things.”
Napanguso ako sa naramdamang selos. It was four years ago. Ibig sabihin, kung hindi menor de edad ang babae, may tyansa sila ni Kobe? Pinanatili ko ang pananahimik. Kapag nalaman niyang nagdadamdam ako ay baka isipin niyang masyado akong mababaw. Bakit ba kasi sinasabi niya pa? Ako na ang nandito pero iba pa rin yata ang gusto niya.
“And the third time was only almost three months ago. During the screening. The submission of portfolios.”
Sa hindi malamang dahilan ay nagwala ang dibdib ko.
“She was wearing a bunny ear headband, her pinkish lips were parted... and her beauty demanded attention,” bulong pa rin niya.
I pouted. “Hindi ko naman sinasadya ‘yon, Kobe. Aksidente lang na na-i-send ni Mill.”
He chuckled. “And you know what’s crazy about all these girls?”
“Girls,” I echoed bitterly.
Bakit niya pa ako tinawag na ‘my girl’ kung may mga gan’yan pala siya? Kung may iba siyang gusto, huwag niya na lang akong landiin! Heto nga at asang-asa na ako sa kanya! Kapag nagdesisyon siyang hindi na niya ako gusto, wala akong magagawa. Hindi ko rin naman siya para habulin dahil tama si Mr. Hernando, wala akong silbi.
I felt him kiss my hair. He likes doing that. Kapag nanonood kami ng movie o magkatabi sa pagkain, pinapatakan niya ng masuyong halik ang ulo ko. He’s clingy... but not the squishy kind of clingy. Gustong-gusto niyang hawakan ang kamay ko at ngayon nga ay parang nakayakap pa sa likod ko.
“Karsen, they’re all you.”
His words didn’t register in my mind right away. Ang buong atensyon ko ay nasa paraan niya ng paghawak sa akin.
“No reaction?” malalim ang boses na tanong niya.
“Huh?”
“I said they’re all you...”
Humiwalay siya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
“Ang alin?” Napaisip ako. “Ah, ‘yong tatlong babae?”
Itinukod niya ang siko sa hita at inilagay ang baba sa nakasaradong kamay. Pagilid siyang tumitig sa akin na parang may hinihintay. I blinked a couple of times to process his words.
They’re all... me? ‘Yong tatlong babae?
“Huh?!” Confusion filled my system. “Hindi mo naman ako kilala! Prank ‘to, ‘no? Vlogger ka na?”
Hindi siya nagsalita. Seryoso ang tingin niya sa akin habang itinutusok ang dila sa inner cheek niya. Nang tuluyang maintindihan ang nais niyang sabihin ay agad na namilog ang mata ko.
“Matagal mo na akong kilala?!” I uttered hysterically.
A grin came across his handsome face. “It took you a minute.”
Umiling ako. “Hindi ako ‘yon, Kobe! Thirteen years old lang ako no’ng nakilala kita! Imposible ring magawi ka sa mga pinupuntahan ko noon.”
“My father and I bought several pieces of flowers from you... you don’t remember? Red SUV?”
Umiling ulit ako. “Hindi kita maintindihan, Kobe.”
The truth is, I understand. I just don’t want to grasp it.
I had listened to his songs for a long time! Pinanood ko kung paanong sumikat ang unang hit niyang Stolen Glances at kung ako ang nasa isip niya habang isinusulat iyon... parang hindi iyon kayang tanggapin ng puso ko.
“I watched you for a month. Hindi pa ako homeschooled no’n kaya may allowance pa ako at tuwing madadaanan ka namin sa malaking simbahan ay pinapabili ko si Papa ng sampaguita sa ‘yo. Until one day, you stopped selling flowers there. Hindi ko alam kung tumigil ka na talaga o sa iba ka na lang nagtitinda,” mahabang litanya niya.
Umawang ang bibig ko at kahit alam kong pinapanood niya ang ekspresyon ko ay hindi ko naitago ang gulat sa narinig. My heart tightened in my chest.
“I didn’t even get your name.” He sighed. “And then I saw you at my concert again. Gusto mong mapuntahan ako kaya nakikipag-away ka sa guards.” Ngumisi siya. “You were shouting so loudly, saying you were my girlfriend.”
His eyes glistened, but my heart couldn’t contain the emotions I was feeling. Matagal na niya akong kilala? At nagustuhan niya ako?
I gulped and shook my head. Baka sinasabi niya lang iyon para pagaanin ang loob ko dahil hindi ako ang napiling leading lady niya. Imposibleng hindi ko matandaan ang mukha niya! Imposibleng hindi ko malaman na nakatingin siya sa akin dahil buong oras na nakikipagtalo ako sa guards ay nakatingin lang ako sa kanya.
“I didn’t realize it was you, Karsen. Nalaman ko lang no’ng sinabi mo sa akin na nagbenta ka ng sampaguita noon.”
I still couldn’t believe it. Namungay ang mga mata ko sa kanya. “H-Hindi ka ba nagsisinungaling?”
“Why would I?”
Nag-init ang mukha ko. “P-Para ano... lalo kitang... magustuhan.”
His eyebrows shot up. Bakas ang gulat sa mukha niya ngunit makalipas lang ang ilang sandali ay tumaas ang isang gilid ng labi niya.
“Why? Do you like me?” usig niya.
Parang naglaro ang mga paruparo sa tiyan ko sa pinag-uusapan namin. Hindi ko kayang maniwalang matagal na niya akong kilala, pero hindi ko naman nabanggit sa kanya na nakipag-away kami sa guards noong concert niya. Hindi ko rin nasabing sa simbahan ako noon nagtitinda.
Suddenly, his words and sincerity overpowered the bad words and painful tears I had shed today. Kahit hindi ako nagsusumbong sa kanya, pakiramdam ko ay may kakampi ako sa lahat. At kahit hindi ako tanggapin ng mga tao, ang dalawang braso niya ang yayakap sa akin.
“You’re my leading lady,” usal niya. “I hope you keep that in mind.”
Bago niya ako ihatid ay sinigurado niya sa akin na araw-araw siyang tatawag at ibabakante niya ang Biyernes at Linggo nang gabi para sa aming dalawa. Magiging abala na siya sa shooting at alam kong malapit na ang pag-ingay ng pangalan nila ni Jennifer bilang on-screen partners.
Alam kong unti-unti kong pinapasok ang bawal at sikretong relasyon kay Kobe, pero wala akong gagawin para pigilan iyon. Dahil gaya ni Jennifer, umpisa pa lang ay pinili na ako. Everyone might had chosen her, but Kobe set his eyes on me.
“Ma’am!” bati sa akin ng isang babaeng nag-serve sa amin kanina.
“Hello po...” I smiled. Inihahanda ni Kobe ang sasakyan kaya naiwan ako sa labas para hintayin siya. “Karsen na lang po sana. Halos magka-edad lang naman yata tayo.”
Matamis siyang ngumiti. “Ang ganda-ganda n’yo po. Sana ay magtagal kayo ni Sir.”
Those were the first kind words I heard from someone who didn’t know about my relationship with Kobe. And somehow, it gave me hope. Baka puwede... baka makapasok din ako sa mundo niya. Kahit paunti-unti.
“Karsen,” si Kobe habang nagmamaneho. “Please, don’t cry because of the people around me.”
Tumango ako kahit hindi ako sigurado.
“And you can tell me if something is bothering you.” Pagilid siyang tumingin siya sa akin. “Sa ‘yo lang ako makikinig.”
I looked out the window and sighed. Bibili na lang ako ng bagong sapatos.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro