Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15


I waited for him to retract his words... but he didn’t. Naramdaman ko ang bahagyang paglayo niya, siguro ay binibigyan ako ng oras para ma-proseso ang mga sinabi niya. I couldn’t look at him... kahit pa alam kong mabigat ang tingin na iginagawad niya ngayon sa akin.

His hands remained on my sides, and his upper body continued to lean towards me. I could hear his unsteady breathing.

“I-I-In love?” I echoed his words, but my voice was trembling. “Baka... ano... nagugulat ka lang, Kobe. Y-You don’t know me. Magagalit ang mga fans mo... ang management...” Umiling ako. “H-Hindi mo dapat sinasabi ang isang bagay na hindi mo naman talaga nararamdaman.”

“Do I look like I’m playing around?” he asked, sarcasm dripping from his voice.

Inalis niya ang kamay sa gilid ko at doon lang ako nakahinga nang maluwag. I looked at him as he stared at nothingness. His forehead was creased and his jaw was clenched.

I felt like everything was just a dream and that any time soon, Mill would tap my shoulders to wake me up.

“Kobe...” I called. “Don’t go there. B-Bawal, ‘di ba? Kahit sa kontrata mo, alam mong hindi p’wede.”

I was hurt by my own words... but I was doing this for him. Ayokong marumihan ang reputasyon at pangalan niya. Being with me would only cause him endless escapes and malicious rumors.

“When I felt this, do you think I didn’t weigh the consequences?” banayad na tanong niya. “I don’t want you to get dragged into this. I know how it feels to put your life on display for others to judge... and I don’t want you to be in that position.”

Tumahimik lang ako. Suddenly, this place became too tight for us. Para akong kakapusin sa paghinga. I didn’t want him to be serious, but at the back of my head, I was wishing he was.

His eyes darted at me. “But I don’t want you to stay away from me either... at mas matindi ang kagustuhan kong ‘yon.”

My lips trembled as my chest tightened.

“M-Magagalit sila sa ‘yo...” Yumuko ako at paulit-ulit na umiling. “Y-You can’t like me, Kobe. At... hindi rin kita p’wedeng magustuhan.” Dahil ang mga katulad mo, dapat tinatanaw lang. “Kapag nalaman nila, masisira ka.”

I stepped back when he neared me. Naramdaman niya iyon kaya tumigil din siya. I heard his heavy breathing, as if he was trying his best to control his emotions.

“I’m allowed to like Jennifer, pero kapag ikaw, bawal?” matigas na tanong niya.

“Alam mo naman kung bakit, eh...” Lumiit ang boses ko, lalong kinabahan.

“No, I don’t.”

I gulped before lifting my head. Our eyes met. Napansin ko ang pagpungay ng kanya habang nakatingin sa akin. Na kahit na may galit sa tinig niya, maamo naman ang mga mata niya.

I wanted to voice numerous reasons why he couldn’t like me. I wanted to tell him that the people around him would disapprove of us. I wanted to point out that he might lose his fans just by liking me.

Napakaraming rason kung bakit hindi kami puwede. We live in two different worlds... too different worlds. Sa sobrang iba at layo, ni hindi posible ang magtagpo kami sa gitna.

“Hindi tayo bagay.” Parang inihalik ko lang sa hangin ang mga salitang iyon. Masakit sabihin... pero iyon ang totoo. “Mula sa pamilya, sa kinalakihan, sa mga napatunayan... sa lahat.” Umiling ako sa kanya. “Ibang-iba, Kobe.”

His expression hardened. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa hindi niya nagugustuhan ang sinasabi ko o dahil napagtatanto na niyang tama ako.

I held his gaze and hoped he could see my sincerity.

“Si Jennifer.” I gulped. “You’re in the same orbit as her. Maganda ang pamilyang pinagmulan niya. At kahit hindi, may napatunayan na siya.” My chest hurt more. “H-Hindi gaya ko.”

“Why? Who are you, Karsen?” Nagsalubong ang kilay niya at puno ng galit na tumingin sa akin. “An orphan? A poor girl? A woman who grew up selling flowers?”

Nanubig ang mga mata ko.

“I hate it when you look down on yourself!” Nag-iwas siya ng tingin sa akin at galit na ibinaling sa kung saan ang mata. “Paano kita itataas sa iba kung gan’yan kababa ang tingin mo sa sarili mo?”

My lips trembled. “Kobe...”

“Do you know what I saw in you?” Nagtama ang mga mata namin. He looked mad and serious. “You’re so easy to please, something that’s lacking in everyone. You’re the kind of woman who puts her heart on her sleeve to serve others, even if it means compromising herself. And god, your laugh...” His chest heaved. “Your laugh... sounds like a beautiful song.” Humina ang boses niya.

His stare at me softened. “I saw you as someone who had experienced troubles, frustrations, and failures but still sees the bright side of life.”

Napako ako sa kinatatayuan ko nang subukan muli niyang humakbang palapit sa akin. All my inhibitions left me. Hindi ko na alam. My mind doesn’t like this... but my heart wants to know where this thing will take us.

“Karsen, you made me realize that life is beautiful... that all the small things matter.”

Sumisikip ang dibdib ko habang nakikinig sa kanya.

“I hope you can see yourself in my eyes...” bulong niya. “This is new to me. You’re all I think of every passing minute. Kahit habang nasa trabaho ako. You dominated me.” He tucked my loose hair behind my ears as his eyes traveled down my lips. “I dreamt of hugging you, of kissing you, I dreamt of ending all my days with you.”

My heart ached. Pero hindi gaya kanina, masarap sa pakiramdam ang sakit na iyon. There were mixed emotions in his eyes—anger, frustration... and care. Para akong babasaging kristal nang pasadahan ng daliri niya ang pang-ibabang labi ko.

“Do you feel the same way?” malumanay na tanong niya, parang nilalasing ako sa tinig niya.

Nagbara ang lalamunan ko. We were so close... so intimate. Nanghihina ang tuhod ko sa lapit niya.

“Magagalit ang manage-”

His index finger stopped me. Mula sa labi ko ay muli siyang tumingin sa mata ko.

“I’m asking if you’re falling for me, too...”

Tila naghahanap siya ng sagot sa mukha ko. I tried to avoid his look, but his fingers drew my jaw in his direction. I took a step back only to realize that I was already against a wall.

Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa aming dalawa. We were staring deeply at each other. Ang isang kamay ay itinukod niya sa dingding sa likuran ko habang ang isa ay nanatili sa panga ko. He was holding me like a fragile piece of glass.

Come on, Karsen! Tell him you don’t like him! Tell him you don’t share his feelings!

My lips parted but no words came out. Napatingin ulit siya roon at kita ko ang pagdidilim ng mga mata niya.

“I don’t really care if you don’t, because I’ll make sure you will.” His fingers brushed against my cheeks. “You will fall so deeply in love with me that you won’t have a choice but to love yourself, too.”

He angled his head, and before I knew it, his soft lips brushed against mine.

It was just a peck... a chaste kiss. Para bang tinikman lang niya ang labi ko.

“I missed you...”

Nanlambot ang tuhod ko at napakapit ako sa balikat niya. Parang lalabas ang puso ko at ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko. Ang kamay niyang nasa likuran ko ay ipinaikot niya sa bewang ko, tila sinusuportahan ang bigat ko.

He kissed me... Kobe kissed me.

His brooding eyes darted at me. Nakaawang ang mapupulang labi at sumisidhi ang panga.

“Push me,” he whispered.

Napakurap ako. Ang dalawa kong kamay ay bumaba sa dibdib niya ngunit imbes na itulak siya ay kumapit pa ako sa damit niya. I felt like I was losing my balance. Nakalalasing ang halik niya.

I want this, too. I want to feel his love, too.

He was clenching his teeth, as if he was giving up his control. His eyes darkened even more, and his grip on my waist tightened.

Hindi na ako nagulat nang muli niyang ibinaba ang mukha para halikan ako. This time, I closed my eyes and felt his soft and warm lips nibbing mine. He bit my lower lip, and I couldn’t help but to whimper silently.

My hands on his shirt were already tightening, begging for more support, as he was so intense and passionate. I followed his movements. He grunted before kissing me more. He sucked on my lips, and his tongue explored every corner of my mouth. Nakakalunod ang halik niya pero ginagaya ko lang ang ginagawa niya.

We were both panting when we stopped. Malamlam ang tingin na iginawad namin sa isa’t isa at rinig ko ang pintig ng puso naming dalawa.

Hinang-hina ako habang siya ay matibay ang hawak sa akin na parang hindi siya naapektuhan sa halik na pinagsaluhan namin.

It was my first kiss. Kobe took my first kiss.

“You responded,” still in a daze, he pointed out.

Lalong nag-init ang mukha ko. Napatingin ako sa labi niyang mamula-mula at ang isiping ako ang dahilan noon ay para akong nasa alapaap.

“I won’t pressure you, but I hope you consider your secondary dream...”

I stiffened when he nuzzled my neck. Ang mainit niyang hininga ay tumatama sa balat ko at hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit para akong sinisilaban.

“I-I don’t understand, Kobe...” I uttered, almost a whisper.

I felt him plant a soft and quick kiss on my neck as he chuckled.

“Your dream of becoming a non-showbiz girlfriend...”

Wala akong pinagsabihan ng nangyari nang madaling araw na iyon. Halata rin ng mga kaibigan ko ang pagkawala ko sa wisyo dahil hindi ako makausap nang maayos. I was even called to recite, but I just shook my head to my instructor. Ilang mura na rin ang natanggap ko kay Eddie.

Kobe told me that he had claimed his reward... sa pagbuhat noon sa akin. Ni hindi ko manlang nalaman na halik pala ang ibig niyang sabihin doon.

Namura ko ang sarili bago paulit-ulit na inihampas ang libro sa noo.

“Tanga! Bobo! Malandi!” paulit-ulit na saad ko.

Nagpahalik ako! Nasarapan pa ako! Noong sinabi niyang itulak ko siya, lalo pa akong kumapit!

“Ahhhh, Dawn Karsen!”

Paano ko na lalayuan si Kobe?! Hindi na kaya ng puso ko! Gusto niya ako! Gustong-gusto ko rin siya! Isipin ko pa lang na may iba siyang hahalikan nang ganoon ay umiikot na ang paningin ko! And... he doesn’t care about my upbringing! Wala siyang pakealam sa nakaraan ko!

He’s my ideal man... and he’s falling in love with me. Nasa iisang pahina kami ng libro at nakadepende sa akin kung itutuloy ko ba ang pagbuklat dahil handa siyang sumugal para sa amin.

“Hindi papasok ang laman ng libro sa utak mo kahit ilang hampas pa ‘yan,” putol ni Mill sa isipin ko. “Sinubukan ko rin dati. Nagkabukol lang ako.”

I looked at her helplessly. Sa aming apat, siya ang pinakamadalas na kumunsinti sa akin. She believes that we only have one life to live, so we should make the most out of it.

Kung sa kanya ko sasabihin ang nararamdaman ko kay Kobe, alam kong papayuhan niya akong sundin ang gusto ko. Kapag naman kay Mari, siguradong matatakot ako dahil ilalatag niya lahat ng posibilidad.

The only balancer we have is Ate Kat. She always knows what to say. Para siyang ego sa gitna ng id at superego. She holds the reality principle.

Hindi ko pinansin si Mill at patakbong lumabas ng kwarto. I really need to talk to someone about this. Kapag hindi ay masisiraan ako ng bait.

Kahit kinakabahan ay marahan akong kumatok sa kwarto nina Mari at Ate Kat. Binuksan ko ang pinto at dumungaw roon. Nakita ko agad si Ate Kat na nakaupo sa kama niya at may hawak na gitara. Nag-aaral siguro ulit ng kanta.

Mari wasn’t inside the room, so I invited myself in.

“Ate...” tawag ko.

“Hmm?”

Lumapit ako sa kanya at walang paalam na ihinilig ang ulo sa balikat niya. Nagsumiksik ako sa kakaunting espasyo lalo at may hawak siyang gitara. Her sweet scent reached my nose. She smelled like home.

Naramdaman niya sigurong may gusto akong sabihin dahil inilagay niya agad ang gitara sa gilid ng kama.

“May problema?” malambing na tanong niya bago hawakan ang kamay ko. “Kaninang umaga ka pa walang sinasabi.”

Pumikit ako at dinama siya. I don’t know where to start.

“Ate...” tawag ko ulit.

“Ano?” malambing pa rin na tanong niya. “Don’t hesitate. Para ka namang iba.”

“May aaminin ako...”

I felt her nod.

Huminga ako nang malalim bago muling magsalita. Dinadaga ang dibdib ko dahil hindi ko alam ang magiging dulo ng usapan namin.

“Gusto ko na si Kobe,” I admitted. “Gustong-gusto ko siya, Ate. Nag-aalala ako kapag nararamdaman kong pagod siya tapos ayaw ko ring nababalita siyang kasama si Jennifer. Nagseselos ako.”

Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.

“T-Tapos... umamin siya sa akin na gusto niya rin ako.” Humina ang boses ko. “Na habang nagkakagulo ang lahat sa kanila ni Jennifer, iniisip niya ako. Pinuntahan niya ako kagabi. Tumakas siya sa security kasi gusto niyang ipaliwanag sa akin na walang namamagitan sa kanila...”

Lalo akong nagsumiksik sa kanya. “Ano’ng gagawin ko, Ate? Kapag sinunod ko ang gusto ko, baka madungisan ko ang pangalan niya. Kapag naman hindi, baka... habambuhay akong magsisi.”

She sighed. “It’s really happening...”

“Po?”

“Ikaw... humihingi na ng love advice.” Nilaro niya ang daliri ko. “Parang dati, pinapapili mo lang ako kung anong mas magandang hair clip.” Pagilid niyang hinalikan ang noo ko. “Grown up na ang bunso namin...”

“Ate naman...”

She chuckled. “Magdadamdam ka ba kapag sinabi kong, “I saw this coming”?”

Umiling ako.

“Umpisa palang, may nararamdaman ka na kay Kobe. Hindi man malalim, pero doon na nagsimula ‘yon,” she told me. “I was watching you. Tuwing uuwi ka mula sa date n’yo, pansin ko ‘yong saya mo. Parang noong unang beses na nakabili ka ng hair clip.”

Napasimangot ako sa analogy niya.

“And when you introduced him to us, alam kong may tyansa kayo.”

Napaangat ako. “Huh?”

She scoffed. “Iba ang tingin niya sa ‘yo, Karsen. Hindi mo ba pansin? Mukha siyang suplado, pero kapag sa ‘yo nakabaling, ang amo ng mata niya.”

Nag-iinit ang mukha kong bumalik sa pwesto. This position is better! Hindi makikita ni Ate Kat na namumula ako!

“He has a nice voice, too.” She chuckled. “Hindi maarte kahit may sinasabi sa buhay.”

Kada buka ng bibig niya ay lalo akong nahuhulog kay Kobe. Kahit isang beses kasi ay hindi ko narinigan ng reklamo ang lalaki. Kahit nang manakit ang tiyan niya dahil sa kinain, hindi manlang niya kami sinisi. He even called it one of the best meals he’d ever had.

“Alam kong natatakot ka sa mga p’wedeng mangyari, lalo ngayon at may namumuong love team sa kanila ni Jennifer. Mas magagalit ang fans nila kapag nalamang may Karsen na nag-e-exist.”

I nodded my head.

“Hahanapan ka nila ng butas. Kung sino ang pamilya mo, kung anong ginagawa mo sa buhay, at kung saang lupalop ka nanggaling. Susuyudin nilang lahat ‘yon. Huhusgahan ka kapag may nakitang dumi.”

Lumabi ako. “Marami silang makikita, Ate.”

“Gaya ng?”

I swallowed hard. “Nagtinda ng sampaguita noon at nagtatahi ng mga butas ng sako kasi iniwan ng mga magulang sa ampunan. May down syndrome at autism ang nanay. Hindi mayaman... at wala pang napapatunayan.”

She clicked her tongue. “Dumi ba ‘yon?”

Hindi ako nakasagot.

“E, ano kung sa ampunan tayo lumaki? Nakakapag-aral tayo at nakakakain. Hindi ba dapat inspiring ‘yon? Na kahit hindi maganda ang pinagmulan natin, nakaya nating buhayin ang sarili natin.”

Ngumuso ako. “Alam mo namang mag-isip ang mga tao ngayon, eh. Gusto nila ng perpektong babae para kay Ko-”

“Paano naman kung ikaw ang perpektong babae para kay Kobe?” putol niya sa akin. “Look.” Iniharap niya ako sa kanya. “Sa totoo lang, gusto kong mag-aral ka muna bago mo pasukin ang gan’yan. Gusto kong mag-focus ka muna sa sarili mo.”

Nakaiintinding tumango ako.

“Kapag naging karelasyon mo si Kobe, baka maapektuhan ka sa maririnig mo sa ibang tao. You might lose your will to study,” pagpapaliwanag pa niya. “At kung ako ang magdedesisyon, I want you to wait. Ayokong isakripisyo mo ang pag-aaral mo para kay Kobe.”

Wait? Naghalikan na kami... tapos... wait?

“P-Paano ‘yon, Ate? Hindi pa tapos ang trabaho namin...”

She sighed in defeat. “Pero kung maipapangako mo sa aking hindi mo pababayaan ang sarili at pangarap mo, papayag ako.... susuportahan kita.”

Namilog ang mata ko. “Ate?”

“Kung lalabas man ang relasyon n’yo sa publiko, ‘wag mong itatagong nasasaktan ka sa mga kumento sa inyo.”

“Wala pa kaming relasyon!” agap ko.

“The only key for you to work things out with Kobe is trust. Hindi kayo araw-araw makakapagkita o makakapag-usap. Marami ring posibleng lumabas na chismis. Hindi ka kaagad ma-a-assure ni Kobe.” Inayos niya ang bunok ko. “Kaya kakailanganin mong intindihin at pagkatiwalaan siya.”

“Ate, hindi naman kami...” I looked away. “Pa....”

She chuckled. “Gusto kitang pagbawalan, pero alam ko kung saan ka masaya... at ayaw kong nakawin sa ‘yo ‘yon. You know your limitations, Karsen. Hindi ka na bata na kailangang utusan kung ano ang dapat piliin.”

“Paano kapag sobrang sakit, Ate?” I lowered my gaze.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.

“Umiyak ka sa amin. Nandito naman kami, eh.”

Her words were so reassuring that the weight has been lifted off my shoulders. Akala ko ay pagagalitan niya ako. Akala ko ay tututol siya.

How did she manage to persuade me despite showing me both sides of the coin?

Gaya ng nangyari last week, wala ulit paramdam si Kobe. Ayoko namang buksan ang account niya nang walang permiso, kaya nagkakasya na lang ako sa past live concerts at interviews niya. Hindi ko alam kung kailan ulit siya magpaparamdam, pero ayos lang sa akin dahil hindi ko rin naman alam kung paano siya haharapin.

We kissed... and I think about every night. Kung paanong humaplos ang labi niya sa akin at kung paanong hinawakan niya ako na para akong mamahaling alahas. He made me so high. Tuwing naiisip ko iyon ay sumasabog pa rin ang saya at kilig sa puso ko.

Bahala na. Iaasa ko na lang sa tadhana ang kapalaran namin. I don’t want to live with regrets. At kung hindi man maging kami sa dulo, ang mahalaga ay sinubukan ko. I'll bend for him. Regardless of the fact that it may shatter me, I will have no regrets because I did it with him.

Nang dumating ang scheduled time namin ay nakatanggap ako ng text kay Kuya Enzo na pinapapunta ako sa Sway’s. Sinundo niya ako roon at dinala sa bahay ng uncle ni Kobe.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay nag-init agad ang mukha ko. This is where I lost my first kiss. Saksi ang dingding sa nangyaring iyon.

“Hey.”

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Kobe made his way out of the kitchen. Sumulyap siya kay Kuya Enzo at mabilis namang lumabas ang huli.

My heart hammered. Kami na namang dalawa ang natira dito. Baka kung ano na naman ang mangyari.

I lowered my gaze and shook my head. Act normally, Karsen! Wala kang naaalalang halik! Lasing ka no’n!

Kobe cleared his throat. “I’m cooking. Tara dito.”

Nakayuko pa rin akong sumunod sa kanya. Nahihiya ako at natatakot. Hiya dahil sa nangyari sa amin noong huling beses kaming nagkita at takot para sa mga bagay na ginagawa namin.

Maingay pa rin ang balita tungkol sa kanila ni Jennifer at hindi naglalabas ng official statement ang management nila. Hindi na ako magugulat kung magkakaroon sila ng offers... as partners. Makakatulong talaga si Jennifer sa career niya.

“Stop your inner monologues, Karsen,” suway ng lalaki sa akin. Napaangat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang magandang mga mata niya. “Tell me what’s bothering you.”

Umiling ako. Nakita ko ang paglipat ng tingin niya sa hair clip ko bago muling ibinalik ang mata sa akin.

I averted his intense gaze and sat down carefully. Hindi ko alam kung ano ang iniluluto niya pero dahil malapit na rin ang oras ng hapunan ay inisip ko na lang na ulam iyon.

He cleared his throat again. Sapat na iyon para makuha niyang ulit ang atensyon ko. Nakahilig siya sa counter at malalim ang kunot sa noo.

“B-Bakit?” my voice was small.

Napabuga siya ng hangin. “You’re not... comfortable?”

My lips parted at the dripping concern in his tone.

Unti-unti akong tumango. This is really awkward. Parang hindi ko kayang manatili sa iisang lugar kasama siya nang hindi naiisip ang nangyari sa amin noong huli kaming nagkita.

“You didn’t miss me?”

Halos panawan ako sa tanong niya. Mabuti na lang at nakaupo ako. Kung hindi ay siguradong natumba na ako!

Bakit ba kailangan niya pang itanong iyon?! Syempre... alam niya na ang sagot doon! Hindi na niya kailangang marinig pa!

“We didn’t talk or see each other for days...” Umiling siya. “You don’t?”

I clenched my fist and looked away. Paano ako makaka-hindi kung ganiyan siya ka-guwapo?! Paano ako makaka-hindi kung totoo namang na-miss ko siya?! I miss our ten-minute phone calls. I miss our chats and messages. Nakakakuha lang ako ng update sa kanya sa mga balitang lumalabas.

Bahala na talaga.

“Na-miss...” lalong lumiit ang boses ko.

Hindi ko nahuli ang reaksyon niya dahil hindi ko siya magawang tingnan. I knew that I was blushing profusely. Ramdam na ramdam ko ang init hanggang leeg ko.

Wala naman siyang sinabi matapos iyon. Pinanood ko siyang magluto at hindi ko alam kung bakit parang... ang saya niya. He was humming. Patingin-tingin pa siya sa akin. Hindi siya nakangiti pero ang gaan-gaan ng awra niya.

He’s happy... and it looks good on him.

Ang makitang isa ako sa mga rason kung bakit siya masaya ay sapat nang dahilan para piliin ko ang idinidikta ng puso ko.

Our dates went on like that. Sa bahay na iyon kami laging pumupunta habang naghihintay lang sa labas si Kuya Enzo. I somehow felt that Kobe and I were connected. I didn’t hold back my emotions because I have decided to try things with him. Kahit kaliwa’t kanan ang ipinalalabas ng mga tao sa kanilang dalawa ni Jennifer, kapag magkasama kami... it’s just us.

He gave assurance. Ako lang. Walang iba. That’s all I need.

“Bakit "The Way You Treated Me Least" ang title ng album mo?” tanong ko habang nakaupo kami sa sofa at nag-b-browse ng puwedeng panoorin.

“Nothing grand. It’s just an album that tackles finding self-love in brokenness.” He chuckled. “I loved myself best in the way you treated me least...”

“Wow!” bulaslas ko. “No’ng unang kong dinig, akala ko pang sawi.”

“Well, sort of, but there’s an art in breaking hearts.”

Napangiti ako. “The Script ‘yon, ah! No good in goodbye!”

“You know them?”

“Oo naman! It’s one of your favorite bands!”

“Hindi ka pala talaga fake fan.”

Tumawa ako at tinanong pa siya tungkol sa album niya. Masaya ako na nakikitang masaya siya. Kahit alam kong pagod siya sa trabaho, ayos na sa akin ang malamang hindi nagiging trabaho lang ang pagkanta niya. I know how passionate he is when it comes to singing. He even gave up studying to pursue it.

I was so happy. Sa mga nakaw na sandali namin ni Kobe, kahit patago at puro takas, nakuntento ako.

Hindi pa rin alam ng management na tuloy tuloy ang pagkikita namin ng lalaki. Or maybe they know... but they couldn’t do anything about it because Kobe was just following his schedule.

Nagkasya ako sa oras na kaya niyang ibigay sa akin. What more could I ask for? For the first time in years, the man I had loved from afar was now within my grasp.

Tama si Ate Kat. As long as I know what my priorities are, I shouldn't let other people's criticisms affect me. I’m the one in charge of my life... and if being with Kobe makes me happy, then who the hell could go against me?
 
The management broke the rules, too. Sinabi nilang hindi puwedeng lumabas ang dating rumors, pero wala silang ginagawa para ihinto ang mga ingay. They enjoy the attention but are ignorant of the fact that they are invading Kobe's space and privacy.

We couldn't contain our joy everytime we were together... and when you're in that state, time seems to fly by.

Dahil gumising na lang ako isang araw na ubos na ang schedule namin... at oras na para sa realidad na kailangan kong harapin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro