Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13


Days swiftly passed by. Walang palya ang sampung minutong pag-uusap namin ni Kobe araw-araw, at kung noong una ay iniisip kong imposible ang pagkakaroon ng kakaibang nararamdaman para sa kanya dahil sa kakarampot na oras, ngayon, hindi ko na alam kung mabubuo ang araw ko nang hindi siya nakakausap.

On our next date, he took me to a flower farm. He rented the entire area, similar to what he did at the private beach resort, so we could stroll around without being photographed. Ibinili niya pa ako ng mga bulaklak at halaman na pwede ko raw ilagay sa maliit na terrace namin. We ate dinner at his unit with Kuya Enzo, and he allowed me to take some food for my friends. Inihatid din nila ako pauwi lalo at late kami natapos.

"Where do you want to go next?" tanong niya habang magkatawagan kami.

"Kahit saan," I answered almost instantly. "P'wede ngang sa kotse mo lang tayo habang nagkukwentuhan, eh."

He chuckled. "You can ask for greater things, Karsen."

Napangiti rin ako. "Hindi pa ba great ang lahat ng napuntahan natin? 'Yong restaurant sa Tagaytay, 'yong resort kasama 'yong prod team, 'yong unit mo, 'yong private beach resort at miski 'yong flower farm!" Napaisip ako. "May nakalimutan pa ba ako? Hindi ko na isinali 'yong apartment namin. Hindi naman bongga 'yon."

"It is," he uttered. "But, what's your ideal date? Sigurado naman akong may gano'n ka."

I pouted. "Hindi mo maibibigay sa akin 'yon!"

"Try me."

Niyakap ko ang throw pillow at nagbuntong-hininga. "Corny, eh."

"Let me hear it."

"Uhm... 'di ba uso 'yong school romance?" Nag-init ang mukha ko. "Iniisip ko dati na kapag schoolmate ko 'yong naging boyfriend ko, manonood kami ng school events, kakain kami sa canteen, tatambay kami sa bakanteng room, tapos magngingitian kami kapag nagkasalubong..."

Tahimik lang siya sa kabilang linya kaya nagpatuloy ako.

"Feeling ko kasi nakakakilig 'yon." Tumawa ako. "Tipong aasarin kami ng mga kabarkada niya... tapos aasarin din siya ng mga kaibigan ko."

He heaved a sigh of relief. "Thank God you don't like Marcus."

"Ikaw ang iniisip kong kasama ko noon," tawa ko ulit. "Sa imagination ko..."

Hindi ulit siya nakapagsalita. Sandali kaming natahimik lalo at hinihintay ko ang reaksyon niya... na hindi naman dumating.

I cleared my throat. "F-Favorite kasi kita, 'di ba? Kung fan ka, maiintindihan mo 'ko... kasi si Eddie nga, ini-imagine niyang ka-date niya si Chris Evans!"

Pakiramdam ko ay sinisilaban ng apoy ang buong katawan ko. You should really know when to shut up, Karsen! Mapapahiya ka lagi sa ginagawa mo!

I closed my eyes. Huwag naman sanang dumating sa puntong masabi ko sa kanya na siya ang ini-imagine kong kukuha sa first kiss at first sex ko!

"You imagined a date with me," he paraphrased, disbelief dripping from his voice. "What other plans do you have for us?"

"W-Wala na!" agap ko. "W-Wala na akong ano..." Rinig na rinig ang taranta sa boses ko. "Ibang iniisip! Promise! Malinis ako!"

He chuckled. "You're blushing."

"Hindi mo naman ako nakikita!"

"I just know," tawa ulit niya.

"Ikaw, ha!" I bit my lower lip to suppress a smile. "Iniisip mo 'ko, 'no?!"

"How can you say so? Hindi mo naman nakikita ang laman ng utak ko."

"I just know," panggagaya ko sa kanya.

"Well... yeah." He chuckled. "Always."

Tuluyang kumawala ang ngiti sa labi ko. "Ako rin..."

Ibinaba ko ang tawag matapos sabihin iyon dahil tapos na ang oras namin. Pumasok na ako sa kwarto, niyakap ang unan, at nakipagtitigan sa kisame habang nakangiti. Bago pa tuluyang matulog ay nag-chat pa si Kobe.

DK Gallardo: Nice way to end the call. Good night, Miss.

Nang dumating ang araw ng sports fest ay ini-announce na wala kaming klase. Bukod sa sports na puwedeng panoorin ay mayroon ding battle of the bands, singing contests, at ibang related activities.

"Kung hindi lang dahil sa attendance, hinding-hindi ako papasok!" reklamo ko kay Eddie habang nakaupo kami sa activity center. "May date pa kami ni Kobe mamaya, eh."

"Tangina kayabang," singhal ni Eddie.

I chuckled. "Sorry po. Excited lang. Alam mo namang limitado lang ang pag-chika ko kina Ate Kat."

"Nako, magwawala 'yon kapag nalaman niyang nag-ho-holding hands kayo ni Kobe at araw-araw magkausap!"

Lumabi ako. "Patay talaga ako..."

"Pero masaya ka ba?"

Tumingin ako sa kanya at tumango. "Sobra."

"Patay ka nga." He chuckled as he stood up. "Tara na sa court. Baka mag-start na ang game nina Kuya."

Napakamot ako sa ulo ko. "May attendance din do'n?"

"Oo. Kay Sir Ramos."

Marami nang tao roon nang makarating kami, pero nakita ko agad si Mill na bitbit ang camera, notebook, at ballpen niya habang nagtatanong sa players.

"May ini-reserve daw na upuan sa atin si Kuya," si Eddie.

"Attendance lang naman. Kailangan pa ba nating manood talaga?" tanong ko. "Uwi na tayo."

"Gaga ka! Kapag tayo nahuli ni Sir, mawawalan tayo ng attendance ngayon."

Halos haklitin niya ako papunta sa upuang sinasabi niya. Malapit iyon sa bleachers kung saan naghihintay ang players. Hindi pa ako tuluyang nakakaupo ay rinig ko na ang asaran ng mga kabarkada ni Marcus. Hindi ko na lang iyon pinansin kahit na nakukuha na nila ang atensyon ng ibang nanonood.

"Kaya ayoko, eh," reklamo ko kay Eddie.

Tumawa ang huli. "Hayaan mo na. Hindi naman natin tatapusin."

Pinipigilan ko ang mapatingin sa bleachers ng players lalo at alam kong hindi pa rin nila tinitigilan si Marcus. Nagkunwari na lang akong may tinitingnan sa cellphone ko.

But, of course, of course, Marcus had to add fuel to the fire!

"Karsen."

Great.

Nag-angat ako ng tingin. He was standing in front of me, smiling shyly. Lumakas ang asaran sa paligid namin kaya hindi ko alam kung pisngi ko ba ang mag-iinit o ang ulo ko. I hate being the center of attention! Mabuti sana kung totoo ang ibinabato nilang pang-aasar.

At the same time, I couldn't just shove Marcus away. He's kind and gentle. Wala naman siyang ginagawang masama sa akin para kainisan ko.

Ngumiti na lang ako. "Good luck sa game."

He scratched the back of his head, and I noticed his face getting red.

"Ganado 'yan!" pang-aasar ng isang teammate niya.

"Gusto ko rin ng girlfriend!" sabi pa ng isa na nakakuha ng atensyon ko.

I'm no one's girlfriend!

"Balik na rito, Marcus! Mamaya na 'yan!" nakangiting suway ng coach nila.

Napatingin ulit ako sa lalaki na hindi manlang kumibo. Nanatili ang mata niya sa akin na parang anumang oras ay mawawala ako.

"Salamat sa pagpunta..." He smiled again. "Kahit alam kong para sa attendance lang."

Eddie scoffed. "Umalis ka na, Kuya! Tinatawag ka na nila, oh!"

I gave Marcus a smile before nodding my head. Nang makaalis siya sa pwesto namin ay muli kong ibinaba ang tingin sa cellphone at naglaro na lang ng project makeover. Some students were mumbling my name, probably wondering about my relationship with Marcus... na unfortunately, hindi naman nag-e-exist.

The game was about to start when I received a message from Kobe.

From: hindi maasim 🎀
Where are you?

"Girl, nakatingin sa 'yo si Kuya. Kawayan mo muna para manalo ang team nila," saad ni Eddie sa akin.

"Tigilan mo nga ako!" I hissed as I typed a reply to Kobe.

To: hindi maasim 🎀
School po. Bakit? Tatawag ka? :)

Nagpakawala ako ng ngiti nang maalalang magkikita kami mamaya. At least... I have something to look forward to. Nag-angat ako ng tingin at napansing nasa akin nga ang atensyon ni Marcus habang kinakausap sila ng coach.

I waved at him and mouthed, "Aja!"

My phone chimed again, and I excitedly read Kobe's message.

From: hindi maasim 🎀
Well, you're not in the activity center.

As if on cue, I heard loud screams coming from a distance. Umawang ang bibig ko nang halos mangalahati ang tao sa covered court dahil nag-alisan ang mga estudyante.

"Nasa AC si DK! Mag-ju-judge daw!" malakas na sigaw ng isang babae habang nakikipagtulakan.

Agad kaming nagkatinginan ni Eddie. My heart started hammering inside my chest, making my breathing unstable. Sa lagay ng court ngayon ay siguradong ilang minuto pa ang tatagalin bago ako makalabas.

At bakit naman siya nandito?! Mag-ju-judge?! Hindi naman afford ng school namin ang talent fee niya! Parang ito rin ang unang beses na nabalitaan kong mag-ju-judge siya!

With trembling hands, I texted him.

To: hindi maasim 🎀
Nasa school ka? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Nasa covered court ako. Sa volleyball game. Wala na ring seat d'yan mamaya for sure. Ang daming estudyante.

"Pupunta ka?" tanong ni Eddie.

I looked around. Ang kaninang punong-punong covered court ay halos mawalan ng tao. Bukod sa players, coaches, faculty members, ilang journalists, at bilang na bilang na mga estudyante, wala nang ibang naroon. Kita ko ang pagtataka sa mukha ng players, at nang maipaliwanag sa kanila ang sitwasyon, bumaling sa pwesto namin si Marcus.

He smiled when he saw me. Bahagya akong nakonsensya sa ngiti niyang iyon. Na kung hindi naman kasi siksikan kanina, siguradong nakalabas na rin ako.

"Manood tayo..." si Eddie. "Naaawa ako sa players, eh. Kahit hanggang second game lang."

"Huh?" I tilted my head. Gusto ko sanang makita si Kobe... pero mukhang imposible iyon sa ngayon. Siguradong puno ang activity center.

"Naaawa lang ako kina Kuya." Eddie sighed. "Pero kung bet mo talaga, sasamahan kita sa mga kaklase natin na nando'n. Babalik na lang ako rito kapag nakaupo ka na."

Napatingin ulit ako sa players. Alam ko namang magagawa pa rin nilang mag-enjoy sa game, pero madalas kasi ay sila at ang basketball game ang highlight ng sports fest. Sanay sila na may nanonood sa kanila. Unlike today.

"Sige..." bulong ko. "Dito muna tayo. Sigurado rin namang maraming tao sa activity center."

Pansin ko ang maya't mayang pagtingin ni Marcus sa pwesto namin. Kahit nang magsimula ang laro ay sumusulyap siya sa akin at ngumingiti. Ibinaba ko na lang ang tingin sa cellphone. Wala pa ring reply si Kobe. Siguro ay nagsisimula na ang program sa kabila.

"Yown!" Eddie muttered excitedly.

Napatingin ako sa court. Natapos ang first game na wala akong naiintindihan sa nangyari. Ang alam ko lang ay nanalo ang team nina Marcus.

I realized that it was impossible to meet Kobe. Kahit na makipagsiksikan ako sa activity center at makita niya ako, hindi naman kami puwedeng mag-usap. Hindi rin posibleng makasingit ako sa dami ng tao roon ngayon. Kung alam ko lang kasi na pupunta siya, hindi na sana ako umalis sa pwesto namin ni Eddie sa AC kanina.

With all those things rushing through my head, I found myself watching the game until the end. As expected, Marcus' team won. Sigurado na ang laban nila sa ibang university next week.

"Tara na. Lunch na tayo," yaya ko kay Eddie.

Tumawa siya bago tumayo. "Hindi ko in-expect na matatapos natin ang game. Akala ko magyayaya ka na sa kalagitnaan."

Palabas na kami ng covered court nang tawagin kami ni Marcus. Lumapit pa siya sa amin.

"Sabay na kayo sa 'min mag-lunch!" aniya pa.

"Libre ba?" si Eddie.

Tumawa ang kapatid. "Si Karsen lang."

Nag-asaran sila pero ang utak ko ay na kay Kobe pa rin. Tapos na ang program sa kabila. Saan kaya siya kakain? At sino kaya ang mga kasama niya? Kung si Carly, hard pass. Ayoko ng sermon for lunch.

"May lakad 'to, eh. Better luck next time." Narinig kong saad ni Eddie kay Marcus.

"Saan?"

I cleared my throat and smiled. "Sa... activity center." Ni hindi nga ako sigurado kung pupunta pa ako roon.

"Ah, right! Fan ka nga pala ni DK." Ngumiti siya. "Salamat sa panonood ng game kahit nasa kabila lang ang idol mo."

"Wala 'yon." Tumingin ako sa likuran niya at napansin ang panonood ng ilang teammates niya sa amin. "Ano... una na ako!" Tinapik ko si Eddie. "Sa kanila ka na sumabay. Hahanapin ko na lang sina Mill."

"Sure?"

I nodded. Kaunting paalamanan pa bago ako naglakad palabas ng covered court. Nagyaya pa si Marcus ng dinner sa bahay nila, pero dahil may lakad kami ni Kobe ay tinanggihan ko na lang ulit. Habang papunta sa activity center ay laman ng utak ko ang pag-ju-judge ni Kobe.

Hindi ba siya busy at nagagawa niya pa ito? Ang dami-dami niyang trabaho! Hindi na nga siya nakakakain nang tama sa oras.

Napatigil ako sa pag-iisip nang mag-beep ang cellphone ko. Dali-dali ko iyong inilabas at hindi naman ako nabigo nang makita ang text message ni Kobe.

From: hindi maasim 🎀
Engineering department. Room 407.

Kumunot ang noo ko. Naghanap muna ako ng malaking puno para masilungan bago nag-reply sa kanya.

To: hindi maasim 🎀
Nand'yan ka? Ingat kayo.

Tumingin ako sa building ng engineering na kaunti lang ang layo sa pwesto ko. Dahil lunch break, nagkalat ang mga estudyante sa grounds at departments.

"Sobrang g'wapo pala talaga ni DK sa personal!" sigaw ng isang babae. Nakasuot siya ng nursing uniform. "Sayang lang at hindi ako nakahingi ng autograph. Umalis kasi agad."

Sumimangot ang kasama niya. "Buhok lang ang nakita ko. Ang daming tao kanina, eh. Sa projector lang ako halos nakatingin."

Napanguso ako. Gusto ko ring makita si Kobe... kahit sigurado naman ang pagkikita namin mamaya.

From: hindi maasim 🎀
Come here. I bought us lunch.

"Last minute yata siya nag-decide na mag-judge..."

Hindi ko na nasundan ang usapan ng dalawa dahil naglakad na ako patungo sa building. I was feeling giddy and excited. Kahit nasa fourth floor pa siya, wala akong naramdamang pagod sa pag-akyat. Pasasalamat ko na lang walang ibang tao sa hallway. Ang galing namang maghanap ni Kobe ng room!

Unti-unti kong binuksan ang pinto para sumilip. My eyes immediately found Kobe, sitting comfortably in the corner of the room. His brows furrowed when I waved my hands at him.

"Hello!" punong-puno ng buhay na sabi ko habang naglalakad papunta sa pwesto niya.

"Shh..." suway niya sa akin na nginitian ko lang.

Puting polo ang suot niya sa pang-itaas at ang manggas noon ay nakatupi hanggang siko. Nakaayos ang buhok niya at kahit na hindi pa ako tuluyang nakakaupo sa tabi niya ay amoy ko na ang panlalaki niyang pabango.

"Hindi ka ba naiinitan?" tanong ko.

"Naiinitan."

Naglabas siya ng food containers mula sa paper bags at inilapag iyon sa arm rest namin. Napangiti ako nang makitang cordon bleu, pork steak, at kanin ang dinala niyang pagkain.

"Dig in."

Sinunod ko siya. Pinaghati niya pa ako ng pork steak bago siya nagsimulang kumain. I whispered my thanks and felt a tingling sensation as the side of his lips rose slightly.

"Hindi ako nakapanood ng program. Nasa covered court kasi ako kanina no'ng nag-text ka. Ang dami pang estudyante. Hindi ako makakasingit," kwento ko.

"Yeah. Kuya Enzo told me."

"Hmm?"

He shook his head. "I asked him to find you."

"Ahh..." I chuckled. "Nanood ako ng volleyball game." Tumingin ako sa paligid. "Nasaan pala ang mga kasama mo? Buti at pinayagan ka ni Ms. Carly na mag-judge?"

"She didn't." He cocked his head and massaged his neck. "Nasa sasakyan sina Kuya Enzo at Chloe. Sinabi kong kakausapin ko lang ang campus director n'yo."

Tumigil ako sa pagkain. "Ginalit mo na naman si Ms. Carly?"

He grinned. "What can I do? I'm not a student."

My forehead creased, feeling a bit confused by his words. "Oo nga. Hindi ka nga student."

"You said it was your ideal date." He shrugged. "It wasn't in your school cafeteria or hallway... but this is the best I've got."

My lips parted. "Nandito ka... para sa 'kin?" That sounded wrong... but pleasing. "Uhm... I mean, dahil sa sinabi ko? Hindi para sa akin, syempre." I chuckled nervously. "P-Pero dahil sa sinabi ko?"

Itinukod niya ang siko sa arm rest. He placed his chin on his knuckles and stared at me. Amusement was visible in his eyes.

"You're blushing."

Napaubo ako at agad na nag-iwas ng tingin sa kanya.

Malandi! Maharot! Sino ang hindi mamumula kung nakakabuntis ka tumingin, Dior Kobe?!

Mahina siyang tumawa. "I'm here for you and what you've said."

"Patay ka kay Ms. Carly." Ngumuso ako, hindi pa rin makatingin sa kanya.

"Yeah. I risked my schedule today and you didn't even bother going to the activity center to see me." He clicked his tongue in annoyance. "Fake fan."

Ikinunot ko ang noo at masama ang tingin na iginawad sa kanya.

"Marami nga kasing tao!"

"Really?" he sounded amused. "Hindi dahil gusto mong manood ng volleyball game?"

"Kung sinabi mo kasi sa akin na pupunta ka, sana hindi na ako umalis sa AC!" reklamo ko pa. "Ikaw lang kaya ang iniisip ko habang nakatingin ako sa bola."

His lips pursed. "Why? Do I look like a ball?"

Sumimangot ako at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Nakatipid ka na naman ng lunch, Dawn Karsen!

Kobe cleared his throat. "Uhh... actually, my schedule is kinda jam-packed today."

"Paano kasi ay nagpakita ka pa rito!"

"I mean, even if I didn't do this..." he uttered. "Baka hindi kita ma-meet mamaya."

Napatigil ako at napatingin ulit sa kanya. Napansin kong hindi niya pa ginagalaw ang pagkain niya kaya napatingin din siya roon. Bahagya akong nadismaya sa sinabi niya. Isa hanggang dalawang beses na nga lang kami magsama nang matagal sa isang linggo, mukhang ma-ca-cancel pa.

Pero nandito naman siya... at nakapag-usap naman kami. Siguradong mabibitin ako, pero ang importante naman ay hindi siya masyadong mapagod.

"I really want to see you today." Napakahina ng pagkakasabi niya noon. "And my morning appointment isn't that important."

I smiled. "Nagkita naman tayo ngayon. Okay na 'yon."

"Isang oras lang."

Lalo akong napangiti. "May next time pa naman. At saka, araw-araw rin naman tayong nag-uusap. Baka manawa ka sa 'kin."

Yumuko siya, bahagyang naiiling. "You can't be serious."

Umayos ako ng upo at tinitigan ang side profile niya. My heart warmed at the sight. I just love being with him. Kahit ilang oras, minuto, o segundo pa 'yan. Buo na ang araw ko basta makita o makausap ko lang siya.

"Thank you..." I whispered. "Kasi kahit hindi ka p'wede, gumawa ka pa rin ng paraan para makita ako."

Pagilid siyang bumaling sa akin at nang magtama ang mga mata namin ay naramdaman ko ang pagtindi ng paghanga ko sa kanya.

His eyes glistened. "Gusto ko rin 'to. You don't have to thank me for that."

My heart fluttered. "Siguro ay trabaho lang 'to para sa 'yo... but this is my dream, Kobe." I beamed. "Gustong-gusto kitang makita at makausap noon. Gusto kong pasalamatan lahat ng ginawa mong kanta. Tapos ngayon... heto na. Nahahawakan na kita at nakakasama."

I came to the realization that I hadn't properly thanked him for being my inspiration all these years.

Nanatili ang titig niya sa akin kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Thank you for sharing your talent with us, Kobe," I uttered with the utmost sincerity. "Kahit na hindi mo pa ako binibigyan ng autograph..."

He gave me a smile... a beautiful and genuine smile.

"I'll give it to you someday... on a very special paper."

Nang makauwi noong araw na 'yon ay para akong nakalutang. I'm realizing a lot of things... na natatakot akong kumpirmahin sa sarili ko. I like Kobe's personality. I like how he makes me feel as if I'm deserving of his time. I like how he pays attention to the little details about me, as if they were meaningful to him.

Ang hirap niyang hindi gustuhin. Not only as a singer or public figure, but also as an individual. He's really likeable as a person.

"Hindi ka pa naman in love kay Kobe, 'no?"

Halos mapamura ako nang marinig si Mari. It was as if she knew what was on my mind! Tumabi siya sa akin habang bitbit ang laptop.

My cheeks flushed. "A-Ano ba naman 'yang sinasabi mo?!"

She peered at me. "Hindi pa naman, 'di ba?"

"S-S-Syempre!"

She nodded her head. "Good, because we don't want to see you crying."

"Bakit naman ako iiyak?"

She showed me her laptop, and I felt like my world stopped when I saw the article. Parang nawala lahat ng nararamdaman ko para kay Kobe. Beside his photo was Jennifer's.

Is it true that our DK Gallardo has found love? Fans gathered proofs that DK and model Jennifer Austria were dating after they were spotted together.

I chuckled awkwardly. "Hindi naman official news 'yan, eh..."

"Hintay na lang tayo. Kalalabas lang, eh. Hindi mo alam?" Mari asked.

Nag-iwas ako ng tingin sa screen ng laptop niya. Busy raw si Kobe ngayon kaya hindi kami nagkita. Siguro ay kahapon sila nahuling magkasama... o noong isang araw? At wala naman akong pakealam dapat doon. Iba ang relasyon ni Kobe sa akin sa relasyon niya kay Jennifer.

"Magkasama lang naman. Syempre, kagaya ko, pinamimilian din si Jennifer..." I rationalized. "Kung nakakasama ko si Kobe, nakakasama niya rin 'yan. Trabaho lang 'yan. Nako! Siguradong mainit na naman ang ulo ni Ms. Carly dahil d'yan."

I felt like the one I was really convincing was myself. Kahit alam kong may schedule din naman si Jennifer, kapag kasama ko si Kobe, nalilimutan kong trabaho lang ang ginagawa namin.

"Sure..." Mari muttered.

Lumabas ang chat head ng group chat namin at nag-ingay ang mga kasama ko sa fans club. For sure, nabalitaan na nila ang nangyayari kay Kobe ngayon.

Mia: Gago, ang sakit sakit sakit pero bagay sila :((((

Nica: di ko matatanggap ang kahayupan na to pero maraming nagsasabing masaya raw si kobe these days :((( tangina ang sakit naman kung si jennifer ang rason haha sino ba naman ako para maging kasiyahan mo dior kobe

Andrea: @Karsen te ano humihinga ka pa ba

Richelle: macoconfirm yan kapag si jennifer ang lalabas sa music vid. may chemistry sila.

Mia: At okay na rin. Matanda na rin naman bb natin. Maraming lumalabas na mabait naman daw si Jennifer... at super ganda! Kung magkakataon man na totoo, siya lang ang pasok sa standards na pwedeng maging jowa ni Kobe.

Richelle: true. maganda, mayaman, maganda ang family background, at walang dirty issue. di na ako magugulat kung may love team na yan this week.

Pinatay ko ang cellphone at masama ang loob na niyakap ang throw pillow. They were reacting positively. Hindi pa kumpirmado, pero tinatanggap na nila.

Bakit? Bawal ba kay Kobe ang hindi mayaman at hindi maganda ang family background?

"I-text mo na."

"Huh?" Napatingin ako kay Mari.

"Kaysa nag-iisip ka nang gan'yan. Ask him yourself."

"H-Huh... Hindi naman..." I bit my lower lip.

"You're obviously jealous, Karsen."

Napayuko ako.

"Ngayon lang sila nakitang magkasama. May mga lumalabas na ring pictures. They're not intimate, pero kumpirmadong sila nga."

Lalo akong pinanghinaan ng loob. Kami ang nasa schedule ngayon... bakit sila ang magkasama? Sinabi niyang busy siya. Si Jennifer ba ang pagkakaabalahan niya?

Pero, ilang beses din naman kaming lumabas nang wala sa schedule. Hindi ko lang siguro inaasahan na ganoon din siya kay Jennifer... or maybe I assumed too much? Baka trabaho lang naman talaga. Baka ako lang ang nag-iisip ng iba. Maybe they hold each other's hands, too. Maybe they start and end their days with each other, too.

Pero sa akin naman siya attracted, hindi ba? Ako rin ang gusto niyang maging leading lady.

I groaned in frustration. With all of these shallow occurrences, I was able to confirm one thing.

I'm jealous because I like him. I really... really... like him.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro