Chapter 12
DK Gallardo: Can I call?
His chat woke me up. Nakalagay ang cellphone ko sa gilid ng unan, kaya nang tumunog ito ay nagising agad ako. Pupungas-pungas ang mata kong tiningnan kung ano ang oras na at halos mapamura ako nang malamang wala pang alas sinco.
Realizing it was his only available time, I got up and stepped outside the bedroom. Naupo ako sa couch at nagtipa ng reply sa kanya.
Dawn Karsen Navarro: Hello! Good morning :) tawag ka na!
Nahirapan akong matulog kanina lalo at ramdam ko pa ang malambot niyang labi sa noo ko. Ayokong isipin ang mga sinabi niya dahil tuwing maalala ko iyon ay nagwawala ang dibdib ko... like now. Knowing that he was messaging me while preparing for work made my heart skip a beat.
DK Gallardo: Video call? Is that okay?
Namilog ang mga mata ko sa nabasa. Tumakbo agad ako sa lababo at naghilamos para magtanggal ng mga muta. Mabilisan ko ring sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri ko at nang makitang wala manlang baby powder sa paligid ay bumalik na lang ako sa pwesto ko. Medyo madilim pa naman! Hindi niya ako maaaninag.
Dawn Karsen Navarro: Hindi ka kaya magulat sa ganda ko?
I chuckled when I sent my reply.
DK Gallardo: I’ll call then.
Inayos ko ulit ang buhok ko nang makita ko ang pangalan niya sa screen. Nakatatlong ring pa bago ko sagutin ang tawag at halos matulala ako nang mapansin ang itsura niya. He was inside a car. Ang labi ay mamula-mula at ang inaantok na mga mata ay nakadiretso ang tingin sa screen. Kunot ang noo niya at medyo basa pa ang buhok.
Ang aga pa para magmura, pero punyetang mukha ‘yan, ang sarap mahalin!
“I can’t see you.”
Nag-init ang mukha ko nang marinig ang malalim niyang boses. Nakakainis! Parang bago pa rin! Ilang beses na kaming nakapag-usap, pero tuwing naririnig ko siya, naninibago pa rin ako!
I cleared my throat. “Malabo kasi ang camera nito...” At parang ipinagpapasalamat ko iyon ngayon dahil ayoko namang makita niya ang pamumula ng mukha ko!
His tongue glided across his lower lip, as if he was thinking of something. “Why don’t you turn on some lights?”
“Ahhh...” I looked around to think of an excuse. “P-Pundindo!” I chuckled awkwardly.
His lips pursed playfully, obviously not buying my reason. Sumandal siya at may ngising tumitig sa screen na para bang nakikita niya ako.
“Someone’s shy...” he teased.
Ngumuso ako. “Ayoko lang na ma-distract ka. Baka kasi i-cancel mo ang trabaho mo at puntahan na lang ako.”
He chuckled. “Just tell me if you want it.”
Kinuha ko ang throw pillow at pinisil iyon na parang stress ball. My god, ang aga masyado para lumandi at kiligin, Karsen!
“Ten minutes lang, ah!” saad ko para pakalmahin ang sarili. “Three minutes na tayong magkausap!”
His grin widened. “Five minutes lang ang i-ma-maximize ko. Don’t worry.”
“Bakit naman?!” Halos magtunog nanghihinayang ako.
“I’ll reserve the remaining five minutes later... after work,” he answered. “Why? Do you want to extend?”
Oo! Mga apat na oras!
“H-Hindi, ah!” Pero kung ipipilit mo, puwede kong pag-isipan. “Nag-usap na tayo, eh.”
His eyes softened. “Take care today. Make sure to listen to your instructors and eat a bunch of food.”
“Ikaw rin. Mag-sorry ka kay Ms. Carly tapos galingan mo sa work! Marami kaming naniniwala sa ‘yo!” I cheered. “‘Wag ka ring kumain ng miswa at patola... o ng kahit anong hindi pamilyar sa ‘yo.”
“Yes, Ma’am.” Mahina siyang tumawa.
Napangiti rin ako. “Let’s do our best today!”
Iyon na siguro ang pinakamaikling limang mintuo sa buhay ko. Hindi na rin ako nakabalik sa pagtulog dahil kahit natapos na ang tawag, buhay na buhay pa rin ang dugo ko. Ipinagluto ko muna ang mga kaibigan ko bago nauna nang pumasok sa school.
May isang oras pa bago ang klase kaya pumunta muna ako sa library para mag-advance reading sa Calculus III at Abstract Algebra I. Mahilig kasing magpa-surprise quiz ang instructors namin doon.
Kung hindi lang ako naubusan ng slot sa Bachelor of Science in Education (B.S.E) Major in Mathematics, ayun ang pipiliin kong program. Pero dahil wala akong five hundred pesos noon para makapagpa-reserve ng slot, hindi ako natanggap.
Forty students lang ang hinayaang makapag-take noon dahil kulang ang College of Teacher Education sa faculty members. Mataas din ang kailangang average, at kahit may laban naman ang grades ko noong senior high school, hindi ko na ipinilit dahil maganda rin naman ang BS Mathematics na ini-offer ng College of Arts and Sciences. Ibinalik din naman ang reservation fee sa mga estudyante nang makapag-enroll sila successfully. Medyo nanghinayang lang ako dahil iyon talaga ang gusto kong programa.
Abala ako sa pagsusulat ng reviewer nang marinig ko ang paggalaw ng upuan sa tapat ko. Nag-angat ako ng tingin para lang makita si Marcus na inilalapag ang bag niya sa katabing upuan.
“Pa-share, wala nang vacant,” mahinang saad niya.
Tumingin ako sa paligid at napansing okupado nga ang lahat ng upuan at mesa. Abala ang mga estudyante sa thesis nila, kanya-kanyang hanap ng review of related literature and studies.
Ibinalik ko ang tingin kay Marcus at nakangiting tumango sa kanya. Hindi na ako nag-abalang kausapin siya dahil bumalik na ako sa pag-aaral. Naghanap ako ng worksheet na puwedeng sagutan para kahit papaano ay may application ako sa inaaral ko.
Marcus cleared his throat, probably attempting to make a conversation.
“May exam kayo?” hindi napigilang tanong niya matapos lang ang ilang minutong pananahimik. “Tulog na tulog pa si Eddie no’ng umalis ako.”
Tiningnan ko siya. “Wala. Advance reading lang.”
He beamed. “Sipag mo naman. Ano’ng oras ng klase mo?”
“Eight.”
Tumango siya. “Eight din ang start ng class ko. Hatid muna kita?”
Naiilang na ngumiti ako sa kanya. “Hindi na kailangan. Malapit lang naman ang department namin.”
Hindi nawala ang ngiti sa labi niya. He really looked like a decent and clean guy. Libero siya ng volleyball team ng school namin kaya tuwing may laro sila ay iniimbita niya ako. Hindi naman ako madalas makapunta dahil noong panahong nililigawan niya ako ay abala rin ako sa part-time job ko bilang amateur model at math tutor.
Ngayon lang ako hindi nakakapagtrabaho dahil malaki ang allowance na ibinibigay sa akin ng production team ni Kobe. Sinubukan kong tumanggap ng tuturuan at humanap ng ibang pagkakaabalahan bago ako nagsimulang magtrabaho para sa lalaki, pero hindi ko rin naman naasikaso dahil sa dami ng gawain sa school... at kay Kobe mismo.
“Pasabay na lang, p’wede?” kuha ni Marcus sa atensyon ko. “May sasabihin lang ako kay Eddie.”
Isang beses akong tumango bago ibinalik ang tingin sa inaaral. Hindi na rin naman siya nagsalita matapos iyon.
Labinglimang minuto bago mag-time ay umalis na kami sa library. Marcus offered to carry my bag, but I declined. Hindi naman ito mabigat... at ayoko ring may ibang isipin ang makakakita sa amin.
“May practice game kami mamaya. Kung wala kang gagawin after class, p’wede kang manood,” aniya habang naglalakad kami. “Baka naroon din ang kaibigan mo. Nag-co-cover sila para sa upcoming sports fest.”
“Si Mill?”
“Oo.”
“Kailan nga ang sports fest?” tanong ko ulit.
“Two weeks from now.”
I sighed. “Sana walang klase.”
Tumawa siya. “I-text mo na lang ako kung pupunta ka mamaya, ha? We can grab dinner afterwards.”
Nasa tapat na kami ng room nang humarap ako sa kanya.
“Uhm... Hindi na siguro. May gagawin din kasi ako mamaya, eh.” Five minutes with Kobe. “Manonood na lang siguro kami ni Eddie sa mismong game n’yo... Ayun! Goodluck!”
Hindi ko na siya hinintay na makasagot ulit dahil pumasok na ako sa room. Nang makita naman ni Eddie na nasa labas ang kuya niya pinuntahan niya ito. They talked for a few minutes before Eddie went back to his seat.
“Gago, bet ka yata ulit ni Kuya,” problemadong sabi niya. “Imbitahan daw kita sa bahay next week para doon na mag-lunch.”
“Eh!” tanggi ko.
“Birthday niya ‘yon...”
Umiling ako. “Babatiin ko na lang siya! Baka kung ano pa ang sabihin ng mga magulang n’yo.”
He clicked his tongue. “Sumama ka na. Kahit kumain ka lang tapos uwi na agad pagkatapos.”
“Ayoko, Eddie!”
“Please?”
“Bakit ba?”
“Nasira ko ang laptop niya dahil pinasok ng virus no’ng hiniram ko. Sabi niya, hindi niya na pababayaran sa akin basta isama kita,” pagpapaliwanag niya. “Save my ass, sis.”
“Babatiin ko na lang siya, please?” halos magmakaawa ako. “Pakiusapan mo. Kapag kasi pumayag ako, baka isipin niyang gusto ko siya.”
Mabuti na lang at dumating na agad ang subject teacher namin. Hindi na ako nagulat sa quiz matapos ang discussion dahil lagi niya naman iyong ginagawa. Nang mag-lunch ay sina Ate Kat, Mill, at Mari ang kasabay ko dahil pinuntahan ni Eddie ang kapatid.
My day went on normally. Sinunod ni Kobe ang usapan namin dahil wala talaga siyang paramdam buong maghapon. Hindi rin ako pumunta sa practice game nina Marcus kahit na miski si Mill ay niyayaya ako para may kasama raw siya.
Nauna akong umuwi. I finished all my activities and assignments. Bored na bored ako habang naghihintay sa tawag, text, o chat ni Kobe. Parang ako pa yata ang lugi sa ten minutes per day.
I tried stalking his private Facebook account, but there were no posts available. Ni wala nga siyang display photo! Mukhang ginawa niya lang talaga ang account para may masabing may Facebook siya.
While doing completely nothing, my phone beeped. I got excited, thinking it was Kobe, so when I saw who the message was from, I felt a bit disappointed.
From: Kuya Enzo
Hi, Karsen. Pinapasabi ni Sir na mamayang gabi pa siya makakatawag dahil hindi pa sila tapos sa studio ngayon. Kung wala kang ginagawa, puwede mong panoorin ang live niya sa Facebook account niya.
Ngumuso ako. Naka-see first sa akin ang lahat ng account ni Kobe at wala namang live!
To: Kuya Enzo
Hello, Kuya. Wala naman pong live si Kobe. Nasa bahay lang po ako.
From: Kuya Enzo
Naka-only me sa private account niya. Buksan mo na lang daw.
Username: dkngallardo
Password: madalingaraw
Napatulala ako. Is he giving me Kobe’s private account? For real?! Puwede ba ‘yon?!
To: Kuya Enzo
Baka po magalit si Kobe, Kuya.
From: Kuya Enzo
Siya ang nagsabing ibigay.
Nag-init ang mukha ko. Kumuha ako ng throw pillow at sumigaw doon na parang kinukumbulsyon. Ang lakas maka-jowa nito!
To: Kuya Enzo
dkn po talaga ‘yon? hindi po typo?
From: Kuya Enzo
Hindi po.
Nag-logout agad ako para buksan ang account ni Kobe. Wala na akong inaksayang oras. Kinuha ko rin ang earphones ko at nagkulong sa kwarto.
Bumungad sa akin ang side profile ni Kobe. May suot siyang headphones at may katapat na mic. Mataas ang tindig ng ilong niya lalo at nakatagilid siya sa camera. Seryosong-seryoso pa ang mukha habang nagbabasa.
I sighed dreamingly. This is really happening, right? My fan girl heart is so happy! Kung puwede ko lang ipagmayabang sa group chat ng fans club ito, matagal ko nang ginawa!
Para malaman niyang nanonood ako ay nag-comment ako sa mismong live.
DK Gallardo
Pogi naman <3
DK Gallardo
Mine po
DK Gallardo
Pa-request po ng kanta. Butiki song.
I stopped typing when his eyes went to his phone. Bumaba ang tingin niya sa comments ko at kita ko ang pag-angat ng isang sulok ng labi niya.
“Kobe, game?” Narinig kong tanong ni Carly.
Kobe nodded. “Yeah.”
Inayos niya ang headphones at isang beses ulit na tumingin sa camera. He smiled... and it felt like he smiled at me.
Nagsimula siya sa pagkanta at naramdaman ko ang pag-usbong ng paghanga sa dibdib ko. His voice was deep and soothing. He was singing the very first song he released—stolen glances. Ni hindi ko alam na bonus track iyon sa bago niyang album.
Nakapikit siya at puno ng emosyon ang pagkanta. Nagwawala ang puso ko lalo at alam kong ako lang ang nakakapanood nito... ako lang ang binigyan niya ng tyansa na makita at mapakinggan siya.
While listening to him, I realized that his voice was the same one I had fallen in love with six years ago. His voice was always with me through most of my life. Kapag malungkot, masaya, o umiiyak, makinig lang ako sa kanta niya, okay na ako. Solve na ako.
And it only hit me now. Na ang taong minahal at sinuportahan ko ay kilala na ako.
DK Gallardo
I’m never gonna do this again.
Kahit nanginginig ang kamay ay nagtipa rin ako ng comment.
DK Gallardo
Bakit naman? :((
Kita ko ang pamumula ng tainga niya at kung paano niyang hirap na hirap pigilan ang pagngiti.
DK Gallardo
I can’t focus.
DK Gallardo
Because you’re listening.
I fought the urge to type another comment. Ayokong komprontahin ang sinabi niya. Ayokong magtanong kung bakit hindi siya makapag-focus. Even when he said he was flirting with me, I didn’t encourage my own thoughts.
The live ended briefly after the song. Hindi na rin ako nag-stay sa account niya dahil ang agenda ko lang naman doon ay para manood ng live.
Isa-isa na ring nagdatingan ang mga kaibigan ko. Mill, as usual, seemed problematic about her requirements. Si Ate Kat ay diretso sa paglalaba ng uniform niya at si Mari naman ay aalis daw para makipag-inuman sa mga kaklase.
It was past eleven when Kobe sent me a message, saying he would call if I was still up. Nag-reply naman ako dahil kanina ko pa iyon hinihintay, at wala pang ilang segundo ay nag-ring na ang cellphone ko.
Dahil tulog na si Mill sa kwarto ay lumabas ulit ako at bumalik sa pwesto ko kaninang umaga. And until now, my heart still hadn’t calmed down.
“Sorry for bothering you this late,” sabi ni Kobe nang sagutin ko ang tawag. “My work just ended.”
Niyakap ko ang throw pillow at ngumiti. It was only a voice call, but I could imagine him in his room, getting ready to sleep.
“Ang haba ng trabaho mo. Hindi ka ba pagod?”
“A little. Sanay na.” I could hear his stable breathing. “Ikaw? How was your day?”
“Ang highlight ng araw ko ay ang panonood ng live mo.” Mahina akong tumawa. “Salamat pala sa pagbibigay ng account mo. Hindi ko naman bubuksan ‘yon ulit. Ang saya ko lang dahil pakiramdam ko ay nagka-VIP ticket ako.”
“You’ve never had a VIP ticket?”
Umiling ako. “Ang mahal kaya! Hanggang GA lang ang afford ko.”
“Next time, just contact me. I can give you a seat,” he uttered. “Or buy... kung ibang artist.”
Tumawa ulit ako. “Sugar daddy ba kita?”
“If you want to.” Tumawa rin siya. “Don’t worry, I won’t ask for sexual photos.”
“Kobe!” My cheeks flushed. Bakit naman na-bring up ‘yon?!
“What?” he asked, still chuckling. “Most sugar daddies ask for that.”
Ngumuso ako. “Eh, bakit ikaw, hindi? Willing naman, ah?”
“What?!”
I laughed. “Joke lang.”
After a long day, it was nice having a good time with him. Kahit napakaikli ng limang minuto, sapat na iyon para matapos ang araw ko. And the following days, the exact same thing happened. Gigising ako nang maaga para makipag-usap sa kanya at hihintayin siyang matapos sa trabaho para ulit makipag-usap sa kanya.
We never talked more than ten minutes a day. I didn’t even realize that the phone calls, jokes, laughs, and teases would start making my day. I just knew that I was talking to the man whom I loved and supported for years... and I never once regretted it.
“Bukas pala, pupunta ako sa bahay nina Eddie,” sabi ko sa kanya dahil matapos ang higit isang linggong pag-uusap via phone calls ay magkikita na ulit kami bukas. “Birthday kasi ni Marcus, tapos naimbitahan ako. Hindi ko naman matiis si Eddie kaya doon ako mag-lu-lunch.”
Halos magmakaawa sa akin si Eddie kahapon. Sa dulo tuloy ay nagkasundo kaming less than one hour lang ako doon... lalo at magkikita pa kami ni Kobe.
“You mean the guy from Sway’s?”
“Yup,” I replied, popping the p.
“Did he personally invite you?”
“Hindi. Si Eddie lang ang nagsabi. Pinapapunta raw ako.”
“Does he like you?” seryosong tanong niya.
Napatigil ako sandali. “Wala namang sinasabi...” Kahit pansin ko ang pagpaparamdam ng lalaki. “Pero nanligaw siya sa akin noon.”
“And you rejected him?”
I gulped. Nakakahiyang sabihing oo! Baka akalain niya ay masyado akong nagmamaganda! Pero hindi ko naman pwedeng sabihing hindi, kasi baka isipin niyang nanliligaw pa rin sa akin ang lalaki ngayon.
“Uhm...” I bit my lower lip. “Oo.”
“Now, I'm curious as to how many guys have flocked to your feet.” He chuckled. “Wala ka talagang interes sa kanya?”
Umiling ako. “Wala... pero g’wapo siya! Hindi ko lang talaga... trip? O gusto? Ewan.”
“Okay, let’s stop talking about him. I don’t want to waste another minute,” he told me. “How was your class?”
Kinabukasan ay maaga akong pinuntahan ni Eddie sa apartment dahil nagpasama pa siyang bumili ng cake. Nag-ambag na rin ako dahil wala naman akong maisip na ibigay sa lalaki.
“Nasa bahay ang mga tropa ni Kuya,” aniya sa akin habang papunta sa kanila. “Ignore mo na lang kapag inasar ka.”
I groaned in frustration. “Ayoko pa naman ng mga gan’yan...”
“Isang oras lang. Promise! Ihahatid agad kita sa Sway’s para ma-meet mo ang totoo mong pag-ibig,” maarteng pahayag niya pa.
“Ano ba kasing ginawa mo? Bakit nagka-virus?”
Tumawa siya. “Hindi maiintindihan ng utak mo ‘yon.”
“Huh?”
“Four letters.”
Napaisip ako. “Love?”
“Porn, tanga!” tawa niya.
Needless to say, the moment we arrived at their lovely home, Marcus’ friends teased us.
“Yown! Dumating na ang hinihintay!” sabi pa ng isa.
“Maligayang kaarawan, pare!” tawanan nila.
Nahihiyang tumingin sa akin ang lalaki. “Tigilan n’yo nga ‘yan!” suway niya sa mga kaibigan.
“Attend ka naman sa laro namin, Karsen, para sure win!”
I gave them an awkward smile. Yumuko na ako at nagpatangay kay Eddie sa dining room. Pasasalamat ko na lang na walang tao roon. Ipinaghanda niya ako ng pagkain kaya naupo ako habang naghihintay sa kanya.
“Nasaan sina Tito at Tita?” tanong ko nang ilagay niya ang pinggan sa harap ko.
“Mamayang gabi pa ang uwi. Family dinner naman mamaya.”
Hindi na ako nagulat nang pumasok sa dining room si Marcus bitbit ang pitsel ng juice. Inilapag niya iyon sa mesa at pansin kong hindi siya halos makatingin sa akin.
“Pasensya na sa mga kaibigan ko,” hinging tawad niya.
Eddie cleared his throat. “Sa harap ko pa talaga?”
Siniko ko siya, hindi pa rin inaalis ang tingin kay Marcus.
“Okay lang.” Ngumiti ako. “Happy birthday pala...”
He smiled back at me. “Thank you sa pagpunta. Kain ka lang d’yan.”
Hinintay ko muna siyang umalis bago muling binalingan si Eddie.
“‘Wag mong masyadong ngitian si Kuya! Kaya hindi maka-move on, eh!” suway niya. “Tingnan mo, lalandiin ka ulit n’yan!”
“Shunga ka ba?! Kung hindi ka ba namang impaktang inimbita ako rito, edi sana, wala siyang ibang iniisip!”
Fortunately, naging madali lang ang pagkain namin. Bukod sa akin, mga kabarkada at teammates ni Marcus ay wala na siyang ibang bisita. Paminsan-minsan ay pumapasok sila sa dining area at dahil mukhang napagsabihan naman na sila ni Marcus, hindi na ulit sila nang-asar.
“Karsen, aalis ka agad?” tanong sa akin ng pamilyar ngunit hindi ko kilala sa pangalan na kaibigan ni Marcus.
“Ah, oo.” Ngumiti ako. “Enjoy kayo.”
Marcus stood up and it garnered screams and teases from his friends. Sinamaan niya lang sila ng tingin pero hindi naman sila natahimik.
“Hatid na kita. Saan ka ba?”
Sa akin niya lang iyon itinanong pero nauna pang mag-react sa akin ang mga kaibigan niya. He gave me an apologetic look, but somehow... I understood the situation. Natural reaction iyon ng mga kaibigan lalo at wala siyang ibang inimbitahang babae.
“Si Eddie na ang maghahatid sa akin.” I beamed. “Hindi mo dapat iwan ang mga bisita mo.”
Kinamot niya ang batok at nangingiting tumango. “See you sa school... at sana makapanood ka ng game namin.”
I tapped his shoulder. “Bahala na. Sige, alis na ako. Happy birthday ulit.”
I heaved out a sigh of relief when Eddie and I stepped out of the house. Tumawag siya ng tricycle at sabay kaming tumulak sa Sway’s. Wala siyang ibang sinasabi kung hindi ang panalangin na sana pag-uwi niya ay naroon pa ang mga kabarkada ng kuya niya dahil may nakatitigan daw siya.
Imbes tuloy na samahan pa akong maghintay kay Kobe ay nagmamadali na siyang umuwi.
Habang naghihintay, napagtanto ko kung gaano kaiba ang nararadaman ko kumpara kanina noong papunta ako sa bahay nina Marcus. Right now, I feel excited and giddy. Nakailang suklay na ako ng buhok at sinuot ko rin ang hair clip ko. After only a few minutes, I received a text from Kobe saying he was outside.
“Wala kang kasama? Si Kuya Enzo?” tanong ko nang makasakay sa SUV niya.
Ilang sandali pa akong natigilan dahil nagtama ang mga mata namin. His eyes glistened before directing his gaze to the road.
“Pinag-day off ko.”
Ngumiti ako at hinayaan na siyang magmaneho. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at hindi na rin ako nagtanong lalo at ramdam na ramdam ko ang pagka-miss sa kanya. I don’t know if this is a fan missing her idol or what. Ayoko na lang talagang alamin.
“Matulog ka muna. Tatlong oras ang byahe natin.”
Umiling ako, hindi manlang nakaramdam ng gulat sa haba ng byahe namin. “Dadaldalin na lang kita para hindi ka antukin.”
He pursed his lips, trying his best to conceal a smile. “Go on.”
“Uhm... bakit wala kang bodyguards? Hindi ba delikado? Tumakas ka lang ngayon, ‘no?”
“I have four bodyguards. Dalawa sa umaga. Dalawa sa gabi. Hindi mo lang sila nakikita. And no, hindi ako tumakas. We’re just following the schedule.”
“Talaga?! May bodyguards ka?” Sumilip ako side mirror para tingnan kung may nakasunod ba sa amin at umawang ang bibig ko nang makita ang isang SUV na kagaya ng sinasakyan namin. “‘Yong sasakyan na ‘yon ba?”
“Yeah. They always keep their distance, so you don’t have to be bothered.”
“Hindi ako bothered! Ang cool kaya!” Tumawa ako. “Kahit ba noong nasa resort tayo, kasama mo sila? Parang hindi ko sila nakita!”
“Kasama sila pero hanggang sa labas lang.”
Lalo akong na-amaze. “Grabe, akala ko sa movie lang ‘yon!”
He chuckled. He shifted the gear, and I gasped in surprise when his hand suddenly covered mine. Nakapatong ang kamay ko sa hita ko at dahil sa ginawa niyang paghawak doon ay para na rin siyang nakahawak sa legs ko!
“Sorry, I thought it was the gear shift.” Pero hindi naman niya inalis iyon.
Parang lalabas ang puso ko nang hawakan niya nang mabuti ang palad ko. Its warmth traveled through my veins, making me feel nervous and happy at the same time.
Ganoon ang ayos namin hanggang sa makarating kami sa isang private beach sa Batangas. Pinatay niya ang engine ng sasakyan, pero para akong na-estatwa sa kinauupuan ko.
Teka lang naman! Hindi pa nga ako nakakamove-on sa holding hands while driving tapos malalaman kong sa private beach resort ang date namin?!
“Let’s go,” yaya niya sa akin. “Sunsets look good here.”
Walang imik akong bumaba ng sasakyan. Sumalubong sa akin ang ingay ng tubig at ang malamig na hangin.
“Wow...” bulaslas ko nang makita ang kabuuan ng lugar.
Golden sand, blue and clear water, tall palm trees, and beige cabins. Walang kahit na anong dumi sa paligid. Wala ring ibang tao. This is the perfect place for someone who wants to unwind.
“You like it?” tanong ni Kobe. Ni hindi ko namalayang nasa tabi ko na siya.
“Sobra...” I replied, still in a trance. “Ang ganda-ganda...”
This time, I didn’t react awkwardly when his hand held mine. Our fingers were intertwined as we walked towards the beach. Hinahangin ang buhok ko pero hindi ko na inabalang ayusin pa iyon.
Alas sinco palang kaya may isang oras pa kami para hintayin ang sunset. Naglatag lang si Kobe ng picnic blanket at doon kami naupo.
“Wait here. I forgot something.”
Hindi pa ako nakakasagot ay tumayo na siya at bumalik sa sasakyan. Tumingin na lang ako sa dagat at naisip ang mga kaibigan na siguradong matutuwa rin kung nandito sila. Balang-araw, kapag kaya ko na, ililibre ko rin sila rito. They deserve to rest and see something as beautiful as this.
Ngayong nandito ako kasama ang lalaking laman ng isip at puso ko, hindi ko maintindihan kung ano ang dapat maramdaman. We were doing things that only couples engage in... and I couldn’t find a single complaint in my heart. I want to hold hands with him. I want to talk to him. I want to hear the sound of his laughter... and I don’t think it’s a normal feeling for a fan.
Napatigil ako sa pag-iisip nang maglapag ng isang bouquet ng bulaklak si Kobe sa hita ko.
I blinked a few times to be sure I wasn't dreaming.
“P-Para sa akin ‘to?” I peered at him.
“You like pretty things, so I assumed you’d love it.”
Nanubig agad ang mga mata ko. “Ibinili mo ako ng bulaklak?” nabasag ang tinig ko.
It was a big bouquet of pink roses and baby’s breath. It looked beautiful and gentle. So innocent and pure.
All of a sudden, it reminded me of the things I wanted when I was younger. Bukod sa mga sampaguita na ibinebenta ko noon at gumamela na nakatanim sa Bahay Tuluyan, wala na akong bulaklak na natawag na akin. Nakikitingin lang ako kay Mari kapag may natatanggap siyang ganoon. Na kahit na namamatay sila matapos lang ang ilang araw, ang ganda nila ay nakatatak na sa utak ko.
“A-Alam mo bang ito ang unang beses na nakatanggap ako ng bulaklak?” My lips quivered.
Humarap ako sa kanya. Inilagay ko ang bouquet sa picnic blanket at agad na ipinalibot ang braso sa katawan niya.
“Thank you! Thank you!” I uttered while hugging him. “Ang saya-saya ko!”
I felt him stiffen, but I didn’t budge.
“Aalagaan ko ‘to! Isisingit ko sa textbooks ko ‘yong mga petals para hindi ko malimutan na binigyan mo ako ng bulaklak!”
“You’re that happy?” he asked gently.
Tumango ako, nakayakap pa rin sa kanya. “Hindi mo lang alam, Kobe...”
“I’m glad you liked it,” he said quietly. “I’ll take you to a flower farm next time.”
Humiwalay ako sa kanya at kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya. There was a ghost of a smile on his lips.
“Thank you...”
He shook his head. “Those flowers are trivial in comparison to how you made me feel.”
Ngumuso ako. “Panira ka naman, eh! Ayan ka na naman sa mga english mo na hindi naiintindihan ng mga normal na tao!”
He chuckled. “Silly.”
“Mahal ‘to, ‘no?” I asked. “Samantalang ako wala pang naibibigay sa ‘yo.”
“This is enough.”
He intertwined our fingers and I didn’t complain.
Humarap kami parehas sa dagat at pinanood ang pagkalat ng mga kulay ng langit. The sun was slowly setting, bidding us farewell and subtly reminding us that we had done a great job of living today.
“Kobe?”
“Hmm?”
I chuckled. “Wala pa akong naibibigay sa ‘yo. Virginity ba ayaw mo?”
Inalis niya ang kamay sa akin at sinamaan ako ng tingin. “You and your mouth.”
“Hindi naman mabiro!”
Kinuha ko ulit ang kamay niya at ako na ang mismong humawak doon. Hanggang sa magdilim ang langit ay hindi namin binitawan ang isa’t isa.
Even though it was so serene and quiet, my heart never stopped fluttering. Doon din kami mismo nag-dinner dahil nagdala pala ng pagkain si Kobe. Mabuti at may mga poste sa paligid na nagsilbing ilaw namin.
“May sports fest kami two weeks from now. Niyayaya ako ni Marcus manood ng game nila,” I informed him. “Baka kasama ko si Mill. Mag-co-cover ng sports news ‘yon.”
“You’re not going on a date with him, right? After the game?”
“Hindi naman...” Umiling ako. “Pero siguradong aasarin kami ro’n, kagaya kanina.”
Kumunot ang noo niya. “Bakit ka inaasar? Hindi mo naman gusto ‘yon, ah?”
“Hindi nga.”
Kitang-kita ko ang pag-irap niya. “Why are they teasing you? They’re so childish.” Ngumuso siya. “Peer pressure sometimes affects a person’s emotions. They’re using it to woo you.”
Umiling ako, hindi na naman siya naiintindihan.
“Bakit parang galit ka? Nagseselos ka?” pang-aasar ko na lang.
He swallowed hard and looked away. “Bakit naman ako magseselos?”
I laughed. “Edi p’wede akong makipag-date after ng game?”
“Are you serious?”
Tumawa ulit ako at hindi na siya sinagot. Obvious naman na hindi ako sasama kay Marcus kung sakali mang magyaya siya. Isa pa, magiging abala rin iyon sa game. Baka nga hindi na niya malaman kung pupunta man ako o hindi.
Masayang pikunin si Kobe dahil ang sungit-sungit ng itsura niya. Tuloy ay bitin pa rin ako kahit na ilang oras na kaming magkasama. Inihatid niya ako sa tapat mismo ng apartment namin at matapos ang ilang paalalahanan ay bumaba na rin ako.
I arranged the flowers right after I went home. And before going to bed, I remembered texting him.
To: hindi maasim 🎀
Thank you sa bulaklak.
To: hindi maasim 🎀
Miss na kita agad. See you next week.
Those two text messages earned a phone call from him... and I answered it without second thoughts.
God, I just couldn’t get enough.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro