Chapter 11
Mabilis akong nakarating sa tapat ng unit ni Kobe, nanghihina ang tuhod at nanginginig ang kamay. Hindi ko alam ang gagawin kaya sunod-sunod ang ginawa kong pagkatok.
“Kuya Enzo!” may kalakasang saad ko. “Pabuksan po ng pinto!”
Pasasalamat ko na lang na narinig ako agad ng lalaki. Bakas sa mukha niya ang pagtataka nang makita ako.
“Nasaan po si Kobe?” natatarantang tanong ko habang tinatanggal ang black shoes. “Masakit na masakit po ba?”
“Nasa kwarto niya po.”
I nodded. “Pupuntahan ko po, ha?”
Hindi pa siya nakakasagot ay tumakbo na ako sa kwartong pinasukan kahapon ni Kobe. I saw him resting there, his eyes tightly shut and his brows knitted. Lumapit ako sa kama niya at tumayo sa gilid nito. Ang isang kamay niya ay nasa tiyan.
“You don’t have to call the doctor, Kuya Enzo. The pain is bearable,” sabi niya, nakapikit pa rin.
“Ma’am-” Pumasok si Kuya Enzo sa kwarto at napatigil lang nang makita akong nasa gilid na ni Kobe. “Natutulog po yata,” he mouthed.
Ibinalik ko ang tingin kay Kobe at napansing lalong kumunot ang noo niya. He opened his eyes slowly and our gazes met right away. Halata ang pagdaan ng gulat sa mukha niya at akmang babangon pa.
“‘Wag ka na munang gumalaw,” mahinang saad ko.
“Why are you here?”
I just shook my head. Binabalot ng pangamba ang puso ko lalo at alam kong ako ang namilit sa kanyang sa apartment na kumain ng hapunan.
“Carly’s probably on her way. You should go.”
I clenched my fist. “A-Ako ang may kasalanan n’yan sa ‘yo.”
He exhaled and looked at me in disbelief. “I ate voluntarily.” Sumulyap siya kay Kuya Enzo na ngayon ay nasa pintuan pa rin. “Ano’ng oras na, Kuya?”
“Alas nuebe po, Sir.”
Kobe heaved out another sigh before returning his gaze on me. “Late ka na sa first class mo.”
Tuluyan siyang naupo sa kama, nakatingin pa rin sa akin.
“Stop crying, will you?” malumanay na aniya.
“Hindi naman ako umiiyak!” Nag-iwas ako ng tingin nang kumibot ang labi ko. I hate it! Siguradong marami siyang trabaho ngayon at na-de-delay iyon nang dahil sa akin!
“Your eyes are watery.” He chuckled. “As much as I want to see you here, you really have to go. May pasok ka pa.”
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at umiling. “B-Baka magtanong ang doctor mo kung ano ang kinain mo.”
“I can answer that, Karsen,” he uttered. “Carly’s fuming mad. Baka kapag naabutan ka rito ay sa ‘yo niya pa ibuhos ang inis niya.”
Wala ang kaba ko para kay Carly. Kahit mapagalitan ako ay wala akong pakealam. I just want to make sure that Kobe is okay. Bawat segundo sa buhay niya ay mahalaga at binabayaran. I don’t want to cause him any inconvenience.
“Hindi naman ako makakapag-focus sa school lalo kung alam kong nagkakagan’yan ka dahil sa ‘kin.” Kumapit ako nang mahigpit sa strap ng bag ko. “Gusto mo ibili kita ng...” I bit my bottom lip, unsure of my suggestion. “Efficascent oil? Kapag masakit ang tiyan ko, nilalagyan ako ng gano’n ni Ate Kat.”
Magsasalita pa sana siya nang tumikhim si Kuya Enzo. Sabay tuloy kaming napatingin sa kanya.
“Nasa parking lot na raw po si Ma’am Carly. Kasama niya po si Doc.”
Nakahinga ako nang maluwag. At least, may titingin na kay Kobe.
“Karsen,” kuha ni Kobe sa atensyon ko. “Buy me that efficascent oil,” he uttered with finality. “Right now.”
I smiled at him and nodded my head. Nilagpasan ko si Kuya Enzo at nagmamadaling bumaba ng building. May kalayuan ang mga drug store dito kaya siguro ay sasakay pa ako ng jeep. It took me an hour and a half to buy it. Halos tumakbo na ako sa takot na baka hindi pa rin umaayos ang lagay ni Kobe.
I only stopped running when I realized that Carly was there. Siguradong alam niyang magkasama kami ni Kobe kahapon at sa oras na malaman niyang sa apartment namin kumain ang lalaki, mapapagalitan ako.
Paulit-ulit akong umiling. Kasalanan mo kaya deserve mong mapagalitan, Dawn Karsen! At naiisip mo pa talaga ang kalagayan mo habang nananakit ang tiyan ni Kobe?!
Isang oras at kalahati naman na akong wala... siguro ay wala na roon ang babae? I’m sure she has a lot of work to do. Baka nga wala na rin doon ang doctor.
Bahala na nga.
Hindi na ako masyadong taranta kaya napansin ko ang doorbell na hindi ko manlang natapunan ng tingin kanina. Dalawang beses ko iyong pinindot at bumungad sa akin si Kuya Enzo na halatang gulat na naman sa presensya ko.
“M-Ma’am!” He chuckled nervously.
Ngumuso ako. “Kuya naman. Sabi ko, ‘di ba? Karsen na lang po. Hindi po ako sanay na tawagin nang gan’yan. Parang pang mga nag-oopisina.”
“Sige, Karsen...” Tumingin siya sa likuran niya. “Okay na si Sir. Umalis na ‘yong doctor kaya nakainom na siya ng gamot. Indigestion daw.”
Ngumiti ako. “Mabuti naman po.”
Nakaharang siya sa pinto kaya hindi ako tuluyang makapasok.
He crinkled his nose. “Sinabi rin niya na gusto na lang niyang magpahinga muna, at kapag daw bumalik ka, ihatid na raw kita sa school mo.”
“Sige po. Sisilipin ko lang nang isang beses tapos ilalagay ko sa gilid niya ‘tong binili ko.” Papasok na sana ako sa loob nang pigilan niya ako.
“H-Hindi na. Okay na ‘yon!” natatarantang saad niya.
Kumunot ang noo ko. Bago pa ako makapagtanong ulit ay napaigtad na ako sa malakas na tunog na nagmula sa loob ng unit. Parehas kaming napatingin ni Kuya Enzo sa pinanggalingan noon. Nahagip ng mata ko ang galit na galit na si Carly habang ihinihilamos ang kamay sa mukha. Hindi niya kami napapansin dahil abala siya sa sariling frustrations niya.
“Alis ka na, Karsen. Baka mapagalitan ka kasi ni Ma’am Carly,” pakiusap ni Kuya Enzo.
My heart hammered. Sa inis ngayon ni Carly, hindi imposibleng makapagbitaw siya ng maaanghang na salita. She hates unprofessionalism... and this is clearly one of those.
But, I don’t fear for myself.
“Kuya, p-paano po kapag si Kobe ang pinagalitan?” mahinang tanong ko. “Baka masisi po siya. Ako naman po ang may kasalanan.”
“For fuck’s sake, Kobe! You missed an important meeting with an investor!” galit na sigaw ni Carly. “I reminded you to watch your diet! Alam mong napaka-sensitive ng tiyan mo!”
“Kuya...” I looked at Kuya Enzo. “Ako na po ang haharap kay Ms. Carly. Please?”
“I will have to move and modify your schedule. Jam-packed ka next week. Saan ko isisingit ‘yon?!”
Nang makitang lumabas ng kwarto si Kobe ay lalo akong kinabahan. His eyes immediately turned to our direction and his jaw clenched when he saw me.
“I can work later, Carly. I’m fine.” His deep voice echoed. “Just stay silent, will you?”
“Is this because of Karsen?!”
Nang marinig iyon ay hinawakan na ni Kuya Enzo ang braso ko.
“Tara na.”
I removed his hand and entered the unit. I wasn’t thinking straight when I did that, but I just couldn’t go... I was at fault. I deserve her anger.
Tinanggal ko ang sapatos ngunit bago pa ako tuluyang makarating sa pwesto nila ay nagsalita na ulit si Carly.
“Siya ang kasama mo kahapon. Ano’ng kinain n’yo na nagkagan’yan ka?”
I swallowed hard before showing myself. Ramdam ko ang titig sa akin ni Kuya Enzo pero wala na siyang nagawa dahil nakita na ako ng babae. I glanced at Kobe, who had an unreadable expression. His lips were in a grim line and his eyes pierced right through my soul.
“I’m sorry for interrupting you po, pero wala pong kasalanan si Kobe. Pinilit ko lang po siyang makikain sa apartment namin ng mga kaibigan ko...” Bakas ang gulat sa mukha ni Carly. “Ng... miswa po at patola.” I bowed my head. “Sorry po. Hindi ko po alam na mananakit ang tiyan niya.”
Binalot kami ng katahimikan. Nanatili akong nakayuko dahil hindi ko kayang tumingin nang diretso sa babae. I delayed their work. Kung hindi lang ako nagpumilit kahapon ay hindi mangyayari ito.
“I’m okay, Karsen,” Kobe stated.
“No, you’re not.” Sarkastikong tumawa si Carly. “How can you eat something you’re not familiar with? At sa mga taong hindi mo pa kakilala?!”
My heart hurt. I don’t know if I’m just overthinking things, but I feel like she’s implying that my friends are somewhat dangerous. But then, she’s trying to protect Kobe... and that’s completely understandable.
“Carly...” Kobe warned.
“Ano?! We’re working together for years, Kobe! Hindi mo na kailangan ng mga basic na paalala!” She sounded really frustrated. “Ilang beses nang nagreklamo sa akin ang prod na maya’t maya kang nasa cellphone mo at alam nating dalawa kung sino ang kinakausap mo! And if this goes on, I’m sorry, but I’ll have to fire Karsen!”
Doon ako napaangat ng tingin.
“Usap-usapan na rin ng team ang closeness n’yo! I can’t shut them all off. Isang imik lang nila, p’wedeng lumabas na may namamagitan sa inyo!” Umiling-iling siya. “I told you to work professionally, but why the fuck are you flirting with each other?!” she roared.
My lips quivered in fear. “I-I-I’m sorry-”
“Shut up, Karsen! I don’t want to hear a single word from you! Napag-usapan na natin-”
“Leave,” Kobe commanded, utterly cutting her off.
Yumuko ako nang maramdaman pagbabadya ng luha ko. Nag-aaway sila dahil sa akin. Nagsisigawan sila dahil sa akin.
“Really, Kobe?” she asked, disbelief dripping from her voice. “This is what I get for warning you?”
“Karsen has nothing to do with this. You are paying her, but you have no right to shut her off.” He exhaled deeply. “Parehas tayong galit. Let’s just talk some other time.”
“I warned you, Kobe. I warned you.”
“I know.”
“Alam na alam mo kung paano mag-react ang fans mo. And if you truly care for Karsen, you’ll save her from this crap.”
“Just leave. Please.”
Pinanatili kong nakayuko ang ulo hanggang sa marinig ko ang pag-alis ni Carly. Kuya Enzo told Kobe that he’d stay outside, too. I stood there for a couple of minutes, not knowing what to do.
“I’m sorry about that, Karsen.”
I glanced at him and shook my head. “Magpahinga ka na. Mas dadami ang trabaho mo sa mga susunod na araw.”
Lumapit siya sa akin at tumigil lang nang isang metro na lang ang layo niya sa kinatatayuan ko.
“You’re not flirting with me, okay?” he uttered gently. “Don’t think of Carly. I’m the one to blame.”
“Wala kang kasalanan, Kobe.”
“Hindi mo ba siya narinig? I’m always on my phone whenever I’m working.”
I pouted. “Bakit ba kasi?”
He tilted his head. “That’s unprofessional of me. I know. Don’t worry, I’ll apologize to her... Ayoko lang na pati ikaw ay sinisisi niya.”
“Totoo naman ang sinasabi niya, Kobe. Hindi na yata tama ang pagiging malapit natin. Napagsabihan na rin ako ni Ms. Carly tungkol dito... at sinuway ko siya. Pinag-uusapan na tuloy tayo,” pahayag ko.
“We’ll figure this out next time, hmm?” Napakalumanay ng boses niya.
Isang beses akong tumango.
“I just really want to rest. Hindi ako pinatulog ng tiyan ko kagabi.”
“Sorry ulit...”
“Shhh... I don’t regret eating dinner with you and your friends.”
Bumaba ang tingin niya sa dala kong supot. Doon ko lang naalala ang binili kong efficascent oil kaya inilabas ko iyon at iniabot sa kanya.
“Ipapahid lang ‘yan sa tiyan tapos i-ma-massage nang kaunti. May cooling effect ‘yan kaya masarap sa pakiramdam,” sabi ko pa.
“Do you mind...” he trailed off. His ears turned red.
“Hmm? Ano ‘yon?”
“It’s my first time seeing that... I don’t really know what to do.”
Napatango ako. “Ah, lalagyan kita? Sige! Humiga ka sa kama mo. Susunod ako agad. Maghuhugas lang ako ng kamay.”
He obeyed me. Matapos mag-sanitize ng kamay ay sumunod din agad ako sa kwarto niya. He looked bothered... or worried... for some unknown reason. Nakaupo lang siya sa kama kaya tumabi ako sa kanya. Inilagay ko ang dalang efficascent oil sa bedside table niya.
“Iniisip mo pa rin si Ms. Carly?” tanong ko. “Hayaan mo. From now on, susunod na tayo sa mga sasabihin niya. Kapag walang schedule, hindi tayo magkikita. Kapag hindi kailangan, hindi tayo mag-uusap.”
“Are you trying to torture me?”
Hindi ko pinansin ang tanong niya. “Magbabati rin kayo no’n! Mabait kaya siya! Tinawag niya nga akong sweetie, eh.” Ngumiti ako. “Galit lang talaga ‘yon kasi nag-aalala siya sa ‘yo at sa career mo. Syempre, siya ‘yong mag-re-reschedule at makikipag-usap sa mga investors mo o kung sino mang kausap mo na mayaman.”
He chuckled. “Kausap na mayaman?”
“Oo! Kaya ‘wag mo nang masyadong isipin ‘yon. Marami siyang trabaho kaya siya stressed. Intindihin mo siya kasi mas alam niya ang nangyayari outside your career. Mga tauhan niya rin ang nag-mo-monitor ng mga fake news tungkol sa ‘yo.”
“I’m not actually thinking about that,” aniya. “I’m not thinking of Carly at all.”
“See?! Dapat iniisip mo rin siya-”
“I mean, at the moment. Hindi siya ang iniisip ko.”
My brows furrowed. “Eh, ano pala?”
“The way you’ll willingly put that oil in my belly,” he replied.
“Syempre. Masakit ang tiyan mo, eh.”
Yumuko siya at napangisi. “God...”
Tumawa ako. “Taray! Nag-p-pray ka? Ang sexy mo naman tumawag kay Lord!”
Ang mabigat na atmosphere namin kanina nang nandito si Carly ay tuluyang nawala dahil sa malakas na pagtawa ng lalaki. I beamed because once again, I made him smile! Kahit marami siyang iniisip, napangiti ko siya!
Hindi ako masyadong naapektuhan sa sinabi ni Carly dahil sa totoo lang, naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling. Siguro ay kakausapin ko ulit si Kobe mamaya tungkol sa magiging arrangement namin. We really have to follow the rule.
Hindi na siya nakapagpahinga dahil sa akin. Hindi ko na rin nalagyan ng efficascent oil ang tiyan niya dahil nang sabihin ko ulit iyon ay sinamaan niya lang ako ng tingin.
“Ang damot, titingnan ko lang naman ang abs!”
“Stop bringing it up, Karsen!” natatawang suway niya.
Naabutan kami ni Kuya Enzo sa ganoong lagay. Nakita ko rin ang pagngiti niya nang makitang tumatawa ang boss niya.
“Mukhang okay na si Sir, ah?”
“Opo. Ganda ko lang po ang gamot.” I chuckled.
“Pumunta si Chloe kanina. Nagdala ng pagkain. Kapag nagutom kayo, nasa mesa lang ‘yon,” aniya sabay alis.
Bukas pa ang pinto pero wala na roon si Kuya Enzo. Magkatabi lang kami ni Kobe, nakaupo at ang mga paa ay nasa sahig.
“You’re hungry?”
“Hindi pa naman. Pero lunch time na rin kaya kumain na tayo.” Tumayo ako at inilahad ang kamay sa kanya. “Aalalayan ko po kayo, mahal na prinsipe.”
It was supposed to be a joke, but Kobe took my hand in a split second. My heart skipped a beat at the sudden touch of our skin. Ni hindi ko nga siya naalalayan dahil siya na ang humigit sa akin sa kusina.
“Small hands,” he teased before preparing the utensils.
“Malaki lang ‘yong iyo!”
Tinulungan ko siya. Inilabas ko sa mga supot ang dalang take-out food mula sa isang kilalang restaurant.
“I’m not insulting you, Tinkerbell.” He chuckled.
“I’m not insulting you, either, Hulk!”
Habang kumakain kami ay panay ang tawanan namin. Natatakot nga ako para sa kanya dahil masakit ang tiyan niya at baka sa katatawa niya, makapaglabas siya ng unwanted air. We finished the food after only a few minutes. I insisted on washing the dishes even though he clearly stated that he could do that. Pinabalik ko na lang siya sa kwarto para makapagpahinga.
Matapos mag-ayos ay kinuha ko na ang gamit ko. He seemed okay now. Nasa lobby lang naman si Kuya Enzo. Kapag nakita niyang nakaalis na ako ay siya naman ang magbabantay kay Kobe.
“Maayos na ba ang tiyan mo?” tanong ko habang nasa pinto ng kwarto niya. Nakaupo ulit siya sa pwesto namin kanina.
“Yeah. Thank you.” He smiled. “Aalis ka na?”
Sumandal ako sa hamba ng pinto at tinitigan siya. Puwede namang hindi na ako pumasok. Puwedeng manatili na lang ako rito kasama siya. But I’m still a student... and that should be my priority. Puwede naman kaming magkita ulit next week.
I stared at him for a long time. Ilang araw pa ang bibilangin bago ko siya makita ulit. Kailangan ko nang sulitin.
Tumitig siya pabalik sa akin, malamlam ang mga mata. “I think I can follow the schedule.”
“Mabuti naman...” saad ko kahit nakaramdam nang kaunting panghihinayang.
“But can we at least text or call each other?”
Umawang ang bibig ko. Sinubukan kong hanapin ang bakas ng pagbibiro sa mukha niya... but I saw nothing. He stood up and neared me.
“I’m okay with twenty minutes of your day... I can work on that.”
Lalong nagwala ang puso ko. He was asking for twenty minutes of my day without realizing that all these years, I had spent every minute with him and his music.
I held my grounds. “B-Bawal daw, Kobe...”
“Ten minutes.”
I closed my eyes and lowered my head. He was so close to the extent that he might hear the fast beating of my heart.
“Just a ten-minute call or text everyday... But if you’re not comfortable, just tell me. I won’t force you.”
I want that, too. It wouldn’t hurt, right? It wouldn’t cause him trouble, right?
Nagmulat ako. Unti-unti akong tumango at narinig ko ang pagpapakawala niya ng isang malalim na buntong-hininga. I did the same. Hindi naman siguro magiging masama kung mag-uusap kami nang ganoon kaikli.
I was busy contemplating my decision when I felt him taking a step forward towards me.
I was stoned when his index finger brushed up against my chin, lifting my head.
“K-Kobe-”
He leaned closer slowly and before I knew it, he had already planted a kiss on my forehead.
“Thank you for being with me today,” he whispered after letting me go. “You’re not flirting with me... but I sure do.”
Hindi ko alam kung paano akong nakarating sa school nang hindi nasasagasaan. Walang kwenta ang pagpunta ko rito dahil walang pumapasok sa utak ko bukod sa mga salita ni Kobe. Kahit si Eddie na kanina pa ako dinadaldal ay sumuko na sa akin.
Mukhang marami-rami pa akong ihihingi ng tawad kay Carly sa future.
I shouldn’t feel this. I should stop myself from feeling this. I’m not even allowed to feel this!
But, heaven forbid, I’m in a serious danger... And it doesn’t look like my heart has any intention of avoiding it.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro