Chapter 10
I lowered my gaze. My heart was pounding because of how he looked at me. “Wala namang interesting sa buhay ko, Kobe.”
“I am interested,” aniya. ”I don't know anything about you other than your full name, age, address, and birthday.”
I played with my fingers. “BS Mathematics ang program ko. Alam mo ‘yon, ‘di ba?”
“Yeah... I just know the basics.” Naramdaman ko ang pagtanggal ng kamay niya sa likuran ko kaya napatingin ako sa kanya. He smirked triumphantly when our gazes met.
“You like pink and hair clips.” Tumingin siya sa clip sa buhok ko. “You're not picky at all, and you're always courteous.”
Nag-init ang pisngi ko. “Magalang ang ibig sabihin no’n, ‘di ba?”
Tumango siya. “And now, I found out that you grew up in an orphanage.” Itinukod niya ang siko sa backrest. He placed his chin on his knuckles and continued to stare at me. “Can I ask a few things about you?”
I nodded my head, getting lost in his eyes.
“How was your life there?”
Ayos lang—that was my most rehearsed answer whenever someone asked me that question. Para hindi na humaba ang usapan. Para hindi na sila magtanong kung bakit hindi talaga maayos.
But right now, seeing how eager he is to get to know me, I found myself shaking my head.
“Hindi okay,” mahinang sabi ko. “Bago pumasok, nagtitinda kami ng sampaguita para may baon kami at pang-ambag sa maintenance ng shelter. Pagkauwi naman, pinagtatahi kami ng mga butas sa sako para may pagkain kami sa umaga.” I gave him a smile. “Ibinebenta kasi ‘yong mga sakong ‘yon.”
He remained silent. Walang awa o ano sa mga mata niya. Nakikinig lang talaga siya sa akin.
“Tapos...” Nag-isip pa ako. “‘Yong mga kaklase ko, hilig akong asarin na putok ako sa buho. Ang ibig sabihin no’n, wala akong mga magulang.” I chuckled. “No’ng bata ako, lagi kong iniiyakan ‘yon, pero ngayon, wala naman, normal na lang.”
Humilig ako sa backrest at ngumiti sa dami ng alaalang naipon ko sa Bahay Tuluyan.
“Ang swerte no’ng iba kasi kung hindi sila nakakahanap ng bagong pamilya, binabalikan naman sila ng mga magulang nila. Dinadalhan sila ng pagkain, bagong damit, at saka...” I paused and chuckled again. “Hair clip.”
“That’s when you grow to love hair clips?” he asked gently.
“Yup!” I beamed. “Kahit ‘yong mga babae sa klase namin, meron no’n. Kaya no’ng bata ako, ipinangako ko sarili ko na bibili ako ng ganoon kapag kaya ko na.” Itinuro ko ang hair clip ko. “Tadan! Ayan na siya!”
Mabilis ang naging pag-iiwas niya ng tingin, hindi ko alam kung bakit.
“Two hundred pesos pa ang bili ko rito!” pagyayabang ko kahit alam kong barya lang iyon sa kanya. “Buti nga at matibay. Ilang taon na rin sakin ‘to.”
His gaze went to my hair clip. Iginilid ko ang ulo para matingnan niya nang mabuti iyon.
“It’s pretty,” he commented before looking at me.
“Like me?” I smiled sweetly.
I was taken aback when he tucked some of my hair behind my ear. His delicate thumb brushed against my left cheek and jaw.
“Yeah,” he whispered.
Hindi ako nakagalaw. Dinig na dinig ko ang pagwawala ng dibdib ko pero hindi ko magawang alisin ang kamay niya sa akin. I want to feel the moment. I want his full attention on me. Walang ibang iniisip at walang mapanghusgang mga mata.
“Do you want to be my leading lady?”
My eyes widened a fraction. Napaiwas ako ng tingin, dahilan para maalis ang kamay niya sa akin. Pakiramdam ko ay namumuo na ang pawis sa noo ko lalo at alam kong hindi niya inaalis ang tingin sa akin.
“Answer me.”
I swallowed hard. “M-May proseso naman, Kobe... Syempre may ibang pamimilian bukod sa akin. Baka mas magaling siya o mas bagay sa ‘yo.”
“It’s a yes or no, Karsen.”
Tumingin ako sa kanya at muling nagtama ang mata namin. He was serious.
“Because I’d love it if you do,” mas mahinang saad niya.
“Kobe... kasi...” I couldn’t find the right words to say. “Mahaba pa ang oras namin ni Jennifer. P’wede maging mas pabor ka sa kanya-”
“I’m asking if you want to,” putol niya sa akin.
“Oo, pero syem-”
He nodded. “That’s all I wanted to hear.”
I sighed. “Kaya nga ako nandito kasi gusto ko, eh. Pero para sa akin, mas maganda kung pipiliin mo ‘yong mas deserving talaga. P’wedeng ako ‘yon o si Jennifer. Basta maging maayos lang ‘yong music videos mo, okay na ‘ko.”
His eyes remained on me. Walang salitang namutawi sa bibig niya.
“Duh! Alam mo namang fan mo ‘ko, ‘di ba? Solve na solve na ako sa interactions natin!” I chuckled. “Kahit hindi ako ang mapili, susuportahan pa rin kita. Kahit hindi mo na ako kilala pagkatapos ng lahat ng ‘to, ipagsisigawan ko pa ring ako ang number 1 fan mo.”
Nagtaas siya ng isang kilay. “Who told you I’ll let you go after this?”
“Huh?”
Tumayo siya. “Come on, ihahatid na kita.”
Kumunot ang noo ko. “Hindi pa tayo nanonood ng movie!”
“I told your friend I’ll get you home before 7,” he uttered. “Let’s just eat and buy food for them on the way.”
Tumayo na rin ako. “Hindi na natin tatawagan si Kuya Enzo?” I plucked the salonpas from my forehead and tossed it in the trash can.
Umiling siya bago kinuha ang itim na hoodie at mask. Bumaba kami sa parking lot ng building. Nakasunod lang ako sa kanya. Pinindot niya ang susi ng sasakyan at namilog ang mga mata ko nang makita ang isang pulang sports car. Hindi ko alam kung anong brand iyon pero sa TV ko lang madalas makita ang mga ganoon!
“Get in,” he commanded authoritatively.
Isang tango pa at naglakad na ako papunta sa gilid ng passenger seat. He opened the door for me and I carefully slid myself there. Agad na yumakap sa ilong ko ang amoy ni Kobe. Amoy mayaman. Amoy lalaki.
“Seatbelt.”
I pouted. “Hindi ako marunong.”
I watched as a grin plastered on his lips. Mabilis siyang lumapit sa akin at kaunting galaw ko lang ay mahahalikan ko na ang pisngi niya. He fixed the seatbelt for me, and though he had already gone back to his seat, I could still feel my heart pounding.
Gaya ng SUV niya, heavily tinted din ang sasakyan. Kahit may gawin kaming hindi makatao rito ay walang makakakita sa amin. He started driving and I couldn’t stop myself from mentally cursing because of how good he looked. Mabuti at tinanggal niya ang mask niya. Such beauty shouldn’t be hidden behind it.
“Do you want to have dinner tomorrow?” he asked casually. “I have a two-hour break.”
Napakurap ako sa gulat. Kung ako ang masusunod, gusto ko ulit siyang makita bukas. Nabitin ako sa usapan namin at gusto ko ring magtanong ng tungkol sa kanya. But then, I would only keep on asking about Carly and Jennifer.
“Papayagan ka ba?”
A grin passed across his face. “I don’t need anyone’s permission to see you.”
“Sira!” I hissed. “Baka mapagalitan ka.”
Sumilip siya sa akin, nangingiti pa rin. “Sabihin mo lang kung gusto mo. I don’t really mind Carly.” Ibinalik niya ang tingin sa daan. “And besides, I want to hear more of your story.”
Nag-init muli ang mukha ko. “Bakit? Ano’ng gagawin mo sa mga karanasan ko sa buhay, huh?”
“Nothing. I’ll just imagine the little Karsen.” he said. “Come on, we’re on a getting to know each other stage. Ano’ng gusto mong gawin ko?”
“P’wede rin akong magtanong sa ‘yo kung gano’n!”
He smirked, obviously loving my rebuttal. “Hinihintay lang naman kita.”
“Sige nga!” Umayos ako ng upo at tiningnan siya nang mabuti. “Kung hindi ka singer, ano’ng career ang i-p-pursue mo?”
“Law.”
“Totoo?!” gulat na tanong ko.
“Yup. I’m kind of competitive, so...” he uttered, shrugging his shoulders. “How ‘bout you? What’s your dream?”
“Bukod sa maging non-showbiz girlfriend?”
Kumunot ang noo niya. “Nino?”
“Mo.” Tumawa ako.
The side of his lips rose. “You’re joking?”
Napatigil ako. Ano ba ‘yan! Gusto kong lumandi pabalik kaya lang baka maging delikado ang puso ko! Hindi puwede. Kailangan kong i-kadena ito para hindi ako masaktan.
“Oo,” I answered, lying through my teeth. “Gusto kong maging teacher.”
“Really?” he asked, obviously amused. “Mathematics teacher? That’s hot.”
My cheeks flushed as I bowed my head.
“But a non-showbiz girlfriend is nice, too,” pang-aasar pa niya.
“Che!” Ngumuso ako.
Sa pagdadaldalan namin ay nalimutan na naming kumain at bumili rin ng dadalhin kina Ate Kat. Nasa tapat na kami ng apartment nang mapagtanto iyon. Mabuti nga at wala kaming masyadong kapitbahay kaya walang nangungusisa kung kanino ang guwapong guwapong sasakyan na ‘to.
“Babalik na lang ako,” he suggested.
“Hindi na! Sigurado naman akong nagluto si Ate Kat.” An idea suddenly struck me. “Wait. Tanggalin mo muna ‘tong seatbelt ko tapos i-che-check ko lang ang loob.”
He removed my seatbelt without asking anything. Natanga pa ako pagbubukas ng pinto. Nang makapasok sa apartment ay nakita ko ang usual na ayos nito. Si Mill na nakataas ang paa sa center table, si Mari na nag-la-laptop, at si Ate Kat na namamalansta.
“Mabuti naman at sumunod ka sa oras,” si Ate Kat.
Mabilis kong inalis ang bra ni Mill sa sofa at iniitsa iyon sa kwarto namin. Kinuha ko rin ang mga naplantsa nang damit para ilagay sa mga cabinet.
“Hoy! Anong meron?” tanong ni Mill habang ibinababa ang paa.
“Two minutes na linis! Nasa labas si Kobe!”
“Huh?!” sigaw nilang tatlo na hindi ko na pinansin.
“Hindi pa ‘yon kumakain kaya maghanda na kayo, please,” natatarantang saad ko. “Papapasukin ko na maya-maya. Pa-sprayan na lang ng pabango at amoy ulam ang bahay.”
Mabilis na kumilos ang tatlo. Mura nang mura si Mill habang nagpupunas ng mesa at alam kong marami-rami akong matatanggap na sapok mula sa kanya mamaya.
That’s my cue. Inayos ko muna ang buhok bago lumabas ng apartment. Tumapat ako sa driver’s seat at minuwestrahan si Kobe na ibaba ang salamin. Sinunod niya ako. Nagkaroon ng napakaliit na awang ang bintana kaya inilapit ko ang bibig doon.
“Kain ka muna rito,” mahinang saad ko.
“What?” matigas na tanong niya.
“Bilis na. Hinihintay ka na nila.”
“No, Karsen! I didn’t bring anything!” Parang natataranta na siya.
“Hindi naman kailangan ‘yon. May pagkain naman.” Na hindi ko manlang tiningnan kung ano. “Baka ma-stuck ka sa traffic. Ma-la-late ka ng uwi.”
Narinig ko ang mahihinang pagmumura niya.
“Halika na! Sayang naman ang paghihintay nila.”
Halos mapapalakpak ako nang buksan niya ang pinto. Nakatago ang ulo niya sa hood at ang kalahating mukha sa mask. His eyes were glaring at me as if I did something horrible to him.
Inilingkis ko ang kamay sa braso niya bago pa magbago ang isip niya. Hinigit ko siya papasok sa apartment at napangisi ako nang makitang halos nag-transform ang lugar.
Kobe stiffened a bit when Mari, Mill, and Ate Kat came to greet him. Tinanggal ko ang kamay sa kanya at ibinaba naman niya ang hood at mask.
Nagkatinginan sina Mari at Mill nang makita ang buong itsura ng lalaki. Mari threw me a grin, and right there, I felt my cheeks getting hotter.
“Good evening.” His deep voice broke the silence. “I’m sorry for coming unannounced.”
Ate Kat extended her arm. “Kat.”
Kobe accepted it. “Kobe.”
The other two did the same. Pinigilan ko nga ang matawa dahil bakas na bakas kay Mill ang pagpapanggap na pormal siyang tao.
“Ano’ng ulam, Ate?” tanong ko matapos ang pagbati nila.
“Miswa at patola.”
Oh, great. Bakit ko nga ba in-assume na special ang araw na ito at milagrong magkakaroon kami ng fried chicken?
Nagtungo silang tatlo sa kusina at inihanda na ang hapagkainan. Napanis ang ngiti ko bago bumaling kay Kobe na iniikot na ang mga mata sa paligid.
“Kung hindi ka kumakain no’n, ibibili kita ng ibang ulam. May nagtitinda naman sa kanto.”
He shook his head. “I'll eat whatever is on the table.”
Tinawag na kami ni Ate Kat kaya kahit nahihiya, lumapit kami roon. Umuusok pa ang sabaw at kanin. Kung normal na araw lang ay nakataas na ang isa kong paa habang nagkakamay. Ang bango-bango ng luto!
Binalot kami ng katahimikan.
Nagsimula na ang pagkain nang wala manlang nagsasalita sa amin. Kobe didn’t seem to mind eating something that he wasn’t familiar with. Napakalaki niyang tingnan sa maliit naming upuang monobloc at mesa.
“Uhm...” I cleared my throat. “Hindi ba kayo mag-uusap?”
Nakita ko ang pagpipigil ni Mill ng tawa kaya sumimangot ako. Kahit kailan talaga ang babaeng ‘to!
“Gusto mo i-kwento namin ang pag-fa-fan girl mo?” natatawang tanong ni Mill.
“Epal.” Ngumuso ako.
“Kung paano kang umiyak no’ng nalaman mong nakapasa ka?”
“Millicent Rae!” I grunted.
Tawa sila nang tawa ni Mari sa pagsigaw ko. Sabi ko nga, hindi na ako magsasalita! Bwisit na mga kaibigan!
“You cried?” bulong ni Kobe sa akin.
Nag-init ang mukha ko. “Hindi. Pawis lang ‘yon.”
“Langyang mata ‘yan, pinagpapawisan,” komento na naman ni Mill.
I pouted and looked at Ate Kat. Nakuha naman ng huli ang ibig kong sabihin dahil pinagsabihan niya ang babae.
“Kobe.”
Kumabog ang dibdib ko nang kunin ni Ate Kat ang atensyon ni Kobe. Natigil din sa pagtawa ang dalawa lalo at seryoso ang boses niya.
“Is this purely business?” striktang tanong niya.
My heart fell into the pit of my stomach. “Ate Kat naman...”
“Ano?” Pinandilatan niya ako. “I’m just asking.”
Ipinaling uli niya ang atensyon sa lalaki. “Mas matanda ka sa amin at sigurado akong alam mo kung ano ang ginagawa mo. I let Karsen take the job because she’s your longtime fan, but the moment I hear she’s being mistreated by your team, I’ll force her to quit.”
Napayuko ako, hiyang hiya kay Kobe, dahil kinakailangan niyang marinig ito kahit wala naman siyang ginagawang masama sa akin. I understand Ate Kat’s concern because she has always been like that, but I don’t want to pressure Kobe... not when I’m still trying to figure out where this whole thing will lead us.
“Whoever mistreated her will be forced to leave my team as well,” Kobe replied firmly, enabling me to look at him.
“That’s good to hear,” si Ate Kat.
Hindi na nasundan ang pag-uusap na iyon. Nanghihina ang tuhod ko nang tumayo at ihatid si Kobe sa labas. He ate really well, but I just couldn’t help but get embarrassed by the way he was questioned.
“You’re like a little girl,” komento niya nang magtagal ang pananahimik namin.
“Sorry... Ganoon lang talaga si Ate Kat. Ayaw kasi no’n na makokompromiso kami. Hayaan mo! Hindi mo naman kailangang pansinin ang sinabi niya. Pina-practice ko kaya ang professionalism! Hindi ako mabilis iiyak kapag pinapagalitan ako. Promise!” Itinaas ko ang kamay na parang nag-re-recite ako ng Panatang Makabayan.
Umiling siya. “Glad to know there’s someone who looks after you.”
Ngumiti ako. Buti na lang at hindi siya nainis.
“At saka ano pala... Sorry rin kung hindi kagaya ng mga kinakain mo ang naging dinner natin,” nahihiyang saad ko ulit. “Hindi ko kasi na-check kung ano ang ulam. Kung alam ko lang, hinayaan na kitang umalis kanina.”
“That’s the most appetizing dinner I’ve had this year.” He leaned on his car and opened its door. “I have to go. I’ll just see you tomorrow.”
“Tomorrow?”
“Yeah. Let’s have dinner, maybe in my car? Drive through?” He chuckled. “Night.”
I watched him until his car disappeared from my line of sight. Naiwan akong nakatulala sa labas habang iniisip ang lahat ng nangyari ngayon. We talked about a lot of things. He even met my friends for a short period of time. Pakiramdam ko tuloy ay mas naging malapit ako sa kanya.
“Fan na rin daw si Mill!”
Ayun ang bumungad sa akin nang makabalik sa apartment.
“Tangina, ba’t hindi mo sinabi sa akin na mas g’wapo siya sa personal?!” sigaw ni Mill. “Nawala nang slight ang pagiging brusko ko, ha!”
Ate Kat laughed. “Nagulat ako no’ng nag-good evening. Ang ganda ng speaking voice niya.”
“Plus, magalang din! Hindi manlang nagreklamo sa miswa kahit alam naman nating napaalat ang luto!” tawa rin ni Mari.
“Tahimik, matangkad, guwapo, at maganda ang boses!” si Mill. “Parang hindi bagay sa maingay, isip bata, at makulit!”
“Mas hindi bagay sa feeling cool girl pero doraemon naman ang panty!” giit ko.
Pumalatak si Mari. “Paano mo nakakausap ‘yon? Napakatahimik! English speaking pa!”
“Hindi naman siya sobrang tahimik.” Though he’s more of a listener. “At ano’ng tingin mo sa akin? Hindi makaintindi ng english?”
“Oo,” tawa niya.
Ngumuso ako. “Tama ka.”
After taking a bath and changing into more comfortable clothes, I laid in my bed, smiling, thinking of Kobe’s sweet gestures and words.
Gusto niya akong maging leading lady? Gusto niyang mas makilala pa ako? At... tatanggalin niya ang staff na mananakit sa akin?
And looking back, I loved the way his hand brushed against my cheek and jaw. I loved the way he looked at me, as if I was the reality of a long-cherished dream.
That night, I came to the conclusion that I supported the right person for years.
Naghahanda na ako sa pagpasok nang mag-ring ang cellphone kong nag-cha-charge. Sinilip ko iyon pero dahil unknown number lang ay hindi ko na muna sinagot.
I did my morning routine, taking my time to gather my things and be emotionally prepared for my dinner with Kobe later. Paalis na ako nang muling maalala ang cellphone kaya binalikan ko iyon.
“Five missed calls?!” bulaslas ko.
As I was about to slide it inside my bag, it started ringing again.
“Hello?”
“Ma’am Karsen?”
“Kuya Enzo! Bakit po?”
Lumabas ako ng apartment at isinarado ang pinto. Nauna nang umalis sa akin ang tatlo.
“Ma’am... nanakit po ang tiyan ni Sir.”
Napatigil ako sa pagkilos.
“Kaninang madaling araw pa po. Kayo po ang huling magkasama. Ano po kayang nakain niya?” nangangatal ang boses na tanong niya. “Papunta palang ‘yong family doctor nila. Kanina pa po dumadaing-”
Without hesitations, I hung up the phone and hurriedly took a bus to get to him. My heart pounded inside my chest. Oh, god. This is my fault!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro