Chapter 1
I took a deep breath and clutched my shoulder bag tightly before entering the huge building. This is the first time I've been able to walk into Kobe’s production company.
Gaya ng inaasahan ko, malawak ang buong lugar. May malaking screen sa gitna at maayos na nakakabit sa dingding ang larawan ng mga kilalang personalidad. I looked around and noticed some familiar faces. Most of them were dressed luxuriously and decked with flashy accessories.
Huh! My ukay-ukay pink dress could never.
“Uhm... excuse me,” tawag ko sa babae sa reception desk.
“Yes, Ma’am?”
I cleared my throat. She sounded intimidating! Pasimple kong inayos ang itim at hanggang bewang kong buhok. I even wore my favorite pastel pink clip for this! Kahit halos pagtawanan ako ni Mill ay hindi ko ito tinanggal. This is my lucky charm.
“Interview for Kobe’s leading lady,” mahinang sambit ko.
“Ah!” she beamed. “That way, Ma’am,” sabay turo sa lobby kung saan nakaupo at naghihintay ang mga naggagandahang babae.
Umawang ang bibig ko. “A-Applicants lahat ‘yan?”
Everyone looked daring and elegant. Kung hindi pa ako nagkakamali, ang ilan sa kanila ay mga kilalang model talaga.
“Yes.”
Hilaw akong napangiti. Ayos lang ‘yan, Karsen! Ang mahalaga, maganda ka, makatao, makabansa, at makakalikasan!
“Oh, okay! Thank you!”
Maliliit ang hakbang kong naglakad papunta sa lobby. I sat on a single couch and pinched my left thumb. Nagmistula akong highschool student dahil sa ayos ko.
But, come on! This is the best dress I’ve got! Nagpaayos pa ako kay Mari kanina! Hindi ko naman kasi alam na may kasama dapat na handler o make-up artist! Ano ba ‘to? Binibining Pilipinas?
Sampung minuto bago lumabas ang isang matangkad at maputing babae. I recognized her instantly. Si Carly, manager ni Kobe. Kaunting roll call lang at nagsimula na ang interview.
Pang-thirty four pa ako kaya marami pa akong oras para magpatay ng kaba. Ni hindi ako nag-practice! Malay ko ba naman kasi sa mga puwedeng itanong? Gusto ko lang namang makita si Kobe.
Sana naman nasa loob siya! Sana ay kasama siya sa mga mag-i-interview para may inspirasyon ako sa pagsagot. Kung kinakailangang halik-halikan ang paa niya ay gagawin ko!
“Wala raw si Kobe, badtrip!”
Napatingin ako sa nagsalita. Nakanguso siya at halata ang irita sa mukha. Sa sinabi niya ay nakaramdam ako ng bahagyang pagkadismaya. I was just wishing for it!
“Ang sabi last week ay pupunta raw. Itinanong ko ‘yon sa e-mail,” sabi ng kasama niya.
Nasa gilid ko lang sila at may kalakasan ang pag-uusap kaya klaro ko silang naririnig. Napalabi ako. Mukhang hindi pa ito ang tamang oras para magkaniig kami ni Kobe, ah. Kailangan ko palang galingan sa interview para sa susunod na level.
“Akala ko rin ay nandito siya. Nasa article na isa siya sa mga mamimili.”
Ibinaling ko ang atensyon sa pink flat shoes ko. Nagmukhang maputi ang paa ko dahil sa kulay nito. Mayroon pang ribbon sa gitna. Ginalaw-galaw ko iyon. Siguradong maraming matatanggal sa level na ‘to. Kung isa ako roon, siguro ay mumurahin ko na lang si Mill.
Lumipas ang oras. Usap-usapan na ng lahat ang hindi pagsipot ni Kobe. Gusto ko ring makidaldal pero wala naman akong kakilala! May isang grupohan pa na nanggaling yata sa iisang agency. Mga big time! Wala bang second year college d’yan major in BS Mathematics?
“Thirty two, thirty three, thirty four!” sigaw ni Carly.
Naramdaman ko ang panginginig ng binti ko nang tumayo ako. Tiningnan ko kung sino ang mga makakasabay ko at napanganga ako nang makita si Jennifer Austria, isa sa mga pinakasikat na modelo sa bansa. She was clothed in a black halter dress and stilettos.
Confirmed. Lotlot ako rito.
Huli akong pumasok sa loob. May tatlong upuan na isang metro ang pagitan sa isa’t isa. As I expected, intimidating ang aura ng mga interviewer. There are four of them. Nakilala ko agad ang tatlo bilang producers; ang isa ay si Carly mismo.
“Thirty two, hi!” Ngumiti ang isang lalaking producer kay Jennifer. “I didn’t expect you to be here. Hindi ka busy?”
Narinig ko ang mabining pagtawa ng babae. “Not too busy for Kobe.”
Natawa rin ang interviewer. Pinadaanan niya kaming applicants ng tingin at tumigil ang mga mata niya sa akin. He scanned me from head to toe and his brows furrowed when his eyes landed on my shoes. Napalunok agad ako. Shuta! Nakakakaba naman ‘to!
“Kobe’s on his way,” aniya bago bawiin ang tingin sa akin.
I gasped loudly. Ramdam na ramdam ko ang biglaang pagtahip ng dibdib ko. Pasimple akong sumulyap sa mga katabi ko at napansin kong parang wala lang sa kanila ang sinabi ng interviewer.
Wow, cold and unbothered.
I licked my lower lip and straightened my back. Makikita ko si Kobe ngayon! Puwedeng hindi na ako makapasa rito dahil iyon lang naman ang goal ko!
“Thirty two, introduce yourself.”
Kinurot ko ang sarili nang mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
“I’m Jennifer Austria, a model by profession. I have a lot of experiences when it comes to being a leading lady in music videos. In terms of the buildup of chemistry, Kobe and I have known each other since last year, and we went out for dinner once.”
Kumunot ang noo ko kasabay ng pagbaling sa kanya.
“Nag-dinner kayo?” hindi napigilang tanong ko.
Napatingin din ang babae sa akin, puno ng pagtataka ang mukha.
“Uhm... yeah. Why?”
Sumingit ang isa sa mga mag-i-interview. “You’ve got a problem with that, thirty four?”
My lips parted in shock before I shook my head eagerly. God, Karsen, nandito ka bilang interviewee, hindi interviewer!
“Thirty three.”
Nagsimulang magpakilala ang isa pang applicant. Natulala ako habang nagsasalita siya dahil hindi pa pumapasok sa isip kong nag-dinner si Jennifer at Kobe.
Naglandian kaya sila? Si Kobe rin kaya ang pumili sa babae? If that’s the case, napakalaki ng advantage niya! Ano ang laban ko ro’n? Ni hindi ko pa nga nakikita nang malapitan ang lalaki.
“Thirty four.”
I sighed deeply before calming my nerves.
“Uhm... I’m Dawn Karsen Navarro, a second year college student taking up Bachelor of Science in Mathematics. I’m one of the proud and active members of Kobe’s official fans club-”
Napatigil ako sa pagsasalita kasabay ng pag-awang ng labi ko nang makitang naglalakad ang matangkad at matipunong lalaki papunta sa katapat kong upuan. He brushed his messy hair before focusing on the papers on the table.
Nawala lahat ng gusto kong sabihin. Kung hindi lang ako nakakapit sa upuan, siguradong natumba na ako.
Is this the real life? Is this just fantasy?
I could feel my insides churning and rejoicing at the sheer sight of the person who had saved me through his music.
Karsen, you just saw Dior Kobe Gallardo in flesh.
Mabuti at binati rin siya ng interviewers kaya nagkaroon pa ako ng oras para mag-ayos. Gusto kong sampalin ang sarili para ipaalalang hindi ako nandito bilang fan girl. I have to pull my shit together!
Pero wala, talo, dahil nang mag-angat ng tingin si Kobe ay agad na nagtama ang mga mata namin.
Napakasuplado ng itsura niya. Para siyang tinatamad habang nakatingin sa akin. Ni hindi ko pa nga nasarado ang bibig ko!
“Thirty four,” agaw ng interviewer sa atensyon ko.
Hindi ko siya pinansin. Respeto naman sa nagtititigan, ‘di ba?!
“Thirty four.”
Ang ganda ng mata niya. Malalim at kulay tsokolate. Hindi nakakasawang tingnan. Kung magkakaanak ako, gusto ko ay parehas sila ng mata. Hindi tulad ng akin na nawawala kapag tumatawa ako.
“Thirty four!”
Napaigtad ako at napatingin sa sumigaw. I heard one of the applicants chuckling softly, but I wasn't able to give her a glare because I was too nervous to think of anything other than Kobe.
I cleared my throat harshly. “Uhm...” Napasulyap ulit ako kay Kobe na ngayon ay nakatingin lang din sa akin. Naka-halumbaba siya habang pinaglalaruan sa isang kamay ang pen.
Sinubukan kong magsalita ngunit walang lumalabas sa bibig ko. I looked away and felt my cheeks flushing.
“Thirty four, are you with us?” tanong ni Carly.
Isang beses akong tumango, wala pa rin sa wisyo.
Tumawa ang lalaking interviewer na kausap kanina ni Jennifer. “She’s a fan girl. It’s normal.”
Parang tanga akong ngumiti nang maghagikgikan sila. Hindi ko alam kung gusto ko bang manatili rito sa upuan o lumabas na lang dahil sa kahihiyan na natatamasa ko. Sa harap pa talaga ni Kobe! Sa harap pa talaga ng asawa ko!
“A student?”
Natahimik ang lahat sa pagsasalita ni Kobe. Unti-unti kong ibinalik ang tingin sa kanya. Nakayuko na siya, parang binabasa ang dokumento sa harap niya.
“BS Mathematics, 28 units.” Muli siyang nag-angat ng tingin sa akin kaya napaigtad ulit ako. “One of the necessary qualifications is having a flexible schedule. Yours is crammed.”
My lips slightly parted. Galit ba siya?
“I can manage!” I said awkwardly. “My instructors are considerate, and if I tell them my situation, I think they’ll understand.”
Tumaas ang isang kilay niya. “You’ll jeopardize your studies for this?”
May panunumbat sa tono niya, para bang hindi tama ang gagawin ko. Ramdam ko ang tingin ng lahat sa akin, marahil ay naghihintay ng isasagot ko sa lalaki.
Pakshet, naiiyak ako. Hindi ko alam ang meaning ng jeopardize.
I chuckled. “M-M-Maybe?”
Tumaas ang isang gilid ng labi niya bago muling ibinalik ang tingin sa papel. Umiling-iling pa siya.
As if on cue, the interviewers began asking the other two applicants. Jennifer was the most qualified among us, and I was pretty confident she would make it to the next level.
Kahit wala na sa akin ang atensyon ay ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng mukha ko. This is by far the most uncomfortable situation I've ever been in. Akala ko pa naman ay magiging maganda at smooth ang unang meet up namin! Sa panaginip ko ay na-love ay first sight pa siya sa akin!
“Jennifer, what do you think is your advantage as a professional model aside from knowing Kobe and having experiences?”
Ngumuso ako. Kapag sa akin itinanong ‘yon, siguradong wala akong maisasagot.
“Well, I also know how to act because I took acting classes before deciding to pursue a career in modeling, and I think that in music videos, having this kind of talent is crucial,” she answered clearly.
Tumango-tango ang nagtanong sa kanya bago tumingin sa isa pang applicant. “What about you?”
From my peripheral vision, I saw the woman straightening her back, perhaps feeling a bit intimidated by Jennifer’s answer.
Habang sumasagot siya ay nag-iisip na rin ako ng puwede kong sabihin; hindi para mapili, kung hindi para makaalis ako sa lugar na ito nang hindi na napapahiya.
To my surprise, after the two applicants gave their answers, the interviewers told them to wait for their e-mails. Sinamahan ni Carly palabas ang mga ito at bago ko pa ma-proseso ang nangyayari ay nakita ko na lang ang sarili na mag-isang nakaupo sa harap ni Kobe at ng interviewers.
Nakasubsob na ngayon sa mesa si Kobe, parang natutulog. Napansin ng isang interviewer ang pagmamasid ko sa lalaki kaya bahagya niya itong siniko. The latter didn’t even flinch.
Worry started filling my heart. Pagod ba siya? Mabuti pa ay hindi na lang siya pumunta rito kung wala siyang maayos na tulog.
“Dawn Karsen, can I say something?” tanong ng lalaking kanina lang ay malamyos ang tinig kay Jennifer.
Dinaga ang dibdib ko pero marahan pa rin akong tumango.
“I will be honest with you.”
Unang pangungusap pa lang ay para na akong namutla. Nakita ko ang pag-aangat ng ulo ni Kobe kaya lalo akong pinanghinaan ng loob.
“We really didn’t find your portfolio appealing.” Nahihiya akong tumango. “You endorsed products and clothing from unfamiliar and small businesses. Apart from that, estudyante ka pa lang din, at baka mahirapan kang mag-adjust sa schedule, lalo at full units ka.”
Hindi ko alam kung bakit sinasabi niya sa akin ito. If they don't find me qualified, they can just tell me right away.
I smiled. Bahala na.
“Nagulat din po ako na nakapasa ako rito. Actually, I wasn’t the one who created my portfolio. Nagpatulong lang po ako sa kaibigan ko. In terms of endorsing products from small businesses, hindi naman po kasi ako kilala. Wala pa ngang one thousand ang likers ko sa Facebook!” I chuckled.
I tucked some strands of my hair behind my ears before speaking again.
“But to be honest, I see nothing wrong with that. I was able to feed and provide for myself through those endorsements. And if you don’t think I’m the most suited leading lady for Kobe, I’ll accept that. Experiencing this is enough.”
Ngumiti si Carly sa akin. “Kobe selected you.”
Bumalik ang pag-iinit ng mukha ko sa panunudyo niya.
Kobe scoffed, but didn’t say anything.
Muling nagsalita si Carly. “Yes, her portfolio isn't particularly impressive, but we all know that the last picture of her, sleeping with her mouth open, is quite eye-catching.”
“T-That was sent accidentally po!” agap ko. “Nasa iisang folder po kasi ‘yang mga pictures na ‘yan! Sorry po!”
Tumawa ang mga interviewer kaya lalo akong nahiya. Yumuko ako at tiningnan na lang ang ulit ang sapatos ko.
“Anyway, we made you stay because we wonder why this guy,” sabay turo kay Kobe. “Has chosen you.”
Umiling ang huli bago tumayo at lumabas. Sinundan ko lang siya ng tingin, hindi pa rin makapaniwalang nakausap ko siya. Hanggang ngayon ay dire-diretso pa rin ang pagrigudon ng dibdib ko. He’s more handsome up close. Ni walang binatbat ang mga photoshoot niya.
“We’ll see if Kobe wants you to proceed. Thank you!”
Tumango ako bago lumabas din ng silid. Sigurado akong matatanggal na ako dahil hindi maganda ang naging flow ng interview sa akin. The next level would be the camera testing. Titingnan kung sino ang babagay kay Kobe sa screen.
Kinuha ko ang cellphone at agad na tinawagan si Mill para i-kuwento ang nangyari. Siya lang naman kasi ang alam kong may oras makinig sa akin lalo at exam week nina Ate Kat at Mari. After a few rings, Mill answered the call.
“Ano?” tamad na sabi niya.
Napanguso ako habang naglalakad papunta sa restroom.
“Ang tanga ko.”
She chuckled. “Tama.”
Lalong humaba ang nguso ko sa sinabi niya. “Nandito si Kobe. Isa siya sa mga nag-interview.” Tumigil ako sa paglalakad nang makitang ilang metro na lang ang layo ko sa banyo. “Natupad ang pangarap ko ngayon, Mill.”
“O, anong iniaarte mo?”
“Hindi ako nakahingi ng autograph. Hindi ko rin nasabing mahal na mahal ko siya. Ni hindi ko manlang nahalika-”
“Bye,” she scoffed.
“Wait!” pigil ko.
“Ano pa?! Hindi mo ano? Hindi mo naluhuran at nasamba?”
I bit my lower lip and mentally nodded. Bago pa siya tuluyang mapikon sa akin ay may naalala ako.
“Ano palang meaning ng jeopardize?”
Malakas ang pagbuntong-hininga niya bago ibinaba ang tawag. Tinitigan ko pa ng ilang segundo ang screen ng cellphone ko bago muling ibinaba. I was about to enter the restroom when a chuckle from my back serenaded my ears.
Agad kong nilingon kung kanino nanggaling ang magandang tawa at halos manlambot ang tuhod ko nang makita si Kobe na kalalabas lang din ng male restroom. Pagilid siyang nakatingin sa akin habang may guwapong ngisi sa labi.
“When you go home, make sure to google the meaning.”
Pagkasabi noon ay tumalikod na siya, pero nakaka-dalawang hakbang palang ay muli siyang lumingon sa akin.
Napalunok ako at napatanga lalo sa mukha niya. He looked arrogant... but handsome!
“As for the autograph, I’ll give it to you next week.”
Hindi ko alam kung ilang minuto pa akong tumunganga roon dahil hindi maproseso ng utak ko ang nangyari. Miski ang nararamdaman kong pag-ihi kanina ay tuluyang nag-evaporate.
He would give his autograph to me next week... the week for the camera testing.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro