Chapter 1: Basketball game
"What are we doing in here?" tanong ko dito sa kasama kong basta basta nalang nanghihila.
Nakarating kami sa loob ng gym kung saan maglalaro ang basketball players ng Business management department at engineering department. Marami na agad ang ukupadong upuan dahil sa dami ng tao. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang dalawa kong kapatid na nag wa-warm up sa gilid ng court.
"Manunuod ka ng laro namin" sabi nito habang deretso ang tingin sa daan at hawak hawak parin ang kamay ko na kanina niya pang hila-hila.
"What the-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng huminto ito sa pag lalakad dahilan ng pagka bunggo ko sa malapad niyang likod. Humarap ito sa akin at dinuro ako...
" I told you not to cursed" Singkit mata niyang sabi. I just roll my eyes on him " at saka manunuod ka sa ayaw at sa gusto mo" dagdag pa nito.
"Do I even have a choice?" sabi ko habang naka tingin sa gilid at naka krus ang dalawang braso.
"Wala, kaya puntahan na natin sina Phynus" ngiting sabi nito na ngayo'y parang batang binilhan ng lollipop.
Abnormal talaga.
"At talagang sinundo mo pa ako sa library eh no?" sabi ko dito habang nag lalakad kami papunta sa kung nasaan man ang dalawa kong abnormal na kapatid.
"Syempre lucky charm ka namin, kaya hindi pwedeng hindi ka manuod" Taas noo niyang sabi sakin.
" Lucky charm your a--- aww!" daing ko ng may bumundol sa braso ko. Tiningnan ko ang pigura ng lalake na deretso lang na naglalakad at pawang hindi naka bunggo ng tao.
"Aba'y! gago talagang Enriquez na yun" akmang susugurin sana siya ni Kuya Three ng biglang may tumawag sa kanya.
"Bro! dito! " Aya sa kanya ni kuya Atom na naka upo sa bleachers kung saan medyo malapit sa court at malapit sa upuan ng mga players.
Kunot nuo na lamang itong lumakad pa lapit doon.
"Bakit naka simangot ka? Binara ka ba nitong kapatid nating abnoy?" salubong na tanong sa kanya ni Kuya Atom habang sa gilid nito ay ang tahimik na si kuya Phynus na naka tingin lamang sa amin.
I just rolled my eyes on him.
"Gago kasing Enriquez na yun! kita ng may tao kung maka lakad kala mo sa kanya yung daan" pag sumbong nito.
"Enriquez? Yung captain ball ng Engineering department? " tanong sa kanya ni kuya Atom.
Tinanguan niya naman ito bilang sagot.
Kaya pala naka jersey rin yun.
"You know what? Pumunta kana dun sa court at kanina pa sila nag uusap ikaw nalang wala" pag iiba ko ng usapan.
Bigla namang umaliwalas ang mukah nito.
" cheer mo ako ah! magtatampo ako sayo sige ka" parang batang sabi nito na kani kanina lang eh parang leon na mang hahamon ng away.
"Wow? Are you the only player? I'm going to cheer kuya Bio and kuya Geo, not you." Pagmamaldita ko sa kanya. Pa ekstraheradang hinawakan naman nito ang dibdib niya na para bang binaril.
"Aray ko naman sister Scige! nakaka hurt yun ah!"
"You look idiot. Umalis ka na nga!" sabi naman sa kanya ni kuya Atom na halatang nandidiri sa ka dramahan nito.
Naka busangot naman itong umalis sa harapan namin.
Immature
Habang nag aantay na mag simula ang laro ay napadako ang tingin ko sa kaliwang bahagi ng court kung saan naroroon ang mga players ng Engineering department. May mga pamilyar na mukah akong nakita pero karamihan sa kanila ay hindi ko kilala. Napako ang tingin ko sa matangkad na lalaking nagsasalita sa mga players. Kayumanggi ang kulay nito, malinis ang gupit ng buhok at mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ko ang walang ekspresyon niyang mukah. Hindi ko mapigilang ma irita ng maalala ko ang pag bangga niya sa akin kanina. Ni wala man lang itong paki alam sa paligid niya.
Maya-maya pa ay inanunsiyo na ng host na magsisimula na raw ang laro.
Pumwesto ang mga players sa court. Pumunta naman sa gitnang bilog ng court ang captain ball ng dalawang grupo. Si kuya Bio ang captain ball sa BMD at yung Enriquez naman ang sa ED. Pumagitna sa kanila ang referee at itinaas ang molten na bola bilang pag hahanda para sa jump ball. Ng pumito ito ay mabilis na pinalo ni kuya Bio ang bola papunta sa likod niya kung saan naroroon si kuya Three.
Maliksi niyang sinalo ang bola sabay takbo't dribble nito papunta sa ring nila.
Pumwesto ito mula sa foul line at walang sablay na shinoot ang bola sa ring.
Alegrong na kuha naman ng isang player sa kabilang grupo ang bola at tumakbo papunta sa ring nila. Pinasa niya ito doon sa Enriquez na naka abang sa labas ng 3 point line. He effortlessly catch the ball with his right hand and without expression he jumped high with his arms upwards and the ball shooted smoothly on the ring.
I don't know why...but I just found myself attentively watching the game.
I'm not that interested in sports, specially basketball. But this game really caught my attention. Hindi ko alam kung dahil ba mahigpit ang laban o dahil magaling sila.
"Looks like the game is tight" biglang saad ni kuya Phynus habang naka tingin sa score bored ng court.
Pang 4th quarter na ng laro pero ang score nila ay hindi nagkakalayo. 56 ang points ng kabilang grupo habang kila kuya Bio ay 51.
Nasa foul line ngayon si kuya Three para mag free throw dahil hinarangan nung player sa kabilang grupo yung tira niya. Napaka mainitin kasi ng ulo...tsk.
Pinosisyon niya ang katawan niya at kamay, makikita mo na seryoso na ito dahil nakasalubong na ang dalawang makapal niyang kilay. Nag dribble siya ng dalawang beses bago ishinoot ang bola. Pumasok ito sa ring at nadagdagan ng isang puntos ang kanilang score.
27 seconds nalang ang natitirang oras nila kung kaya't mararamdaman mo ang tensyon sa parehas na grupo. Parehas silang determinadong maka puntos. Paka pasa ng kabilang grupo ay maagaw naman ito ng kabilang grupo. Kaya nauubos lamang ang oras nila sa pag agaw ng bola.
Sa kalagitnaan ng oras ay naka shoot ang isang player nina kuya Bio sa may 2 point area. 55 na ang puntos nila ngayon samantalang sa kabila ay 56 pa rin. Mabilis na inagaw nung Enriquez ang bola ng maka shoot na ito sa ring pero na harang ito ng player ng kabilang grupo. Pinasa niya ito sa ka grupo niya at na agaw naman ito ni kuya Geo, mabilis ang takbong pumwesto ito sa labas ng three point line at shinoot ang bola. Tila natahimik ang lahat ng dahan dahan itong umikot sa ring bago tuluyang ma shoot.
They won!
Inanunsiyo na ng host ang panalo na walang iba kundi ang Business Department.
" Congratulations for your win Business Management Department team!" masayang bati nito
"and our most valuable player for this year goes to...the team captain of Engineering Department Mr. Fabian Ricardo Leonel C. Enriquez!" dugtong ng host na nasundan ng malakas na hiyawan ng mga kababaihan.
"WE ARE PROUD OF YOU FAREL!"
"I LOVE YOU FAREL!"
"BAKA FAREL YAN!"
malalakas nilang hiyaw. Farel? dami niya namang pangalan.
Humihingal itong nag lakad papunta sa unahan at nakikamay sa mga guest at sponsor ng laro bago kinuha ang trophy at humarap sa madla. Di man lang ngumiti.
"Sister Scige!" na dako naman ang tingin ko sa kupal na tumawag sa akin. Malapad ang ngiti nitong inaaya akong pumunta sa may court.
"Come on?" aya sakin ni kuya Phynus habang si kuya Atom naman ay nauna na sa amin papunta sa loob ng court. Sumunod nalang ako dito.
"Let's take a picture" salubong samin ni kuya Geo, tinawag naman ni kuya Bio yung isang player para mag picture samin.
"Congrats sainyo Kuya!" bati ko sa kanila
"thank you!" Kuya Geo said and patted my head
"Congrats bros!" masayang bati rin sa kanila ni kuya Atom
"Sus sisiw lang samin yun" yabang talaga...
"Oo nalang tatlo" asar sa kanya ni kuya Atom na dahilan para tawanan namin siya
Maya maya pa lumapit na yung inutusan ni kuya Bio na mag picture sa amin.
"Ready...1...2...3 smile!" and we all smile at the camera except kuya Phynus as usual.
Habang naglalakad kami pa labas ng court ay nahagip ng tingin ko ang team captain ng kabilang grupo na nagmamadaling lumabas. Dahil sa pagmamadali niya ay hindi ata niya namalayang nahulog sa daraanan ko yung face towel na naka sabit sa balikat niya . Pinulot ko ito at tatawagin sana siya kaso pag lingon ko ay wala na siya sa labas. Tiningnan ko ang puting face towel at nakitang may naka burda dito...
"Donel".
******************
Sorry for the typographical errors, misspelled words, grammatical errors, and incorrect punctuations. The writer is still learning and has still gaps in her knowledge so please bear with her.
Enjoy reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro