Chapter 05
Hindi ko inaasahang Mababa Ang magiging score sa Quiz Kanina, Sa klase Ni Miss Pineda, Magaling Syang Magpa quiz At halatang Alam na Alam Niya Ang kanyang itinatanong, Twenty five items yon, At naka seventeen Lang ako, Nagulat ako sa resulta dahil Alam ko namang ready ako kahit papaano dahil sa pagbabasa ko sa Lib kahapon
Hindi ko Alam Ang gagawin Habang Naka-titig ako sa nakasimagot Na mukha Ni Miss Pineda Habang Sinusulat Ang mga scores Namin Sa Kanyang Record Sheet, At Ang nakakuha Nang perfect score saamin ay Walang iba Kung Hindi Ang Masungit at Maarte Kong katabi na si Cherish Ni Hindi man Lang Nga sya Nag salita sa klase, Kaya Akala ki Naman ay mahina sya sa subject na Iyon Tulad ko, pero mali ako Sya Ang may perfect score at Parang Hindi na nagulat Ang Iba pa naming mga kaklase Doon..
Siguro naging kaklase na din nila si Cherish Kaya Hindi Na nagulat Pa, Hindi ko Naman Kaklase si Li Jeon sa subject na Ito Pero Si Cherish Ay katabi ko padin, at Nasa dulong Row pa kami. At Palaging Ang mga katabi Kong upuan ay bakante Kaya Naman Walang choice Kung Hindi Ang makatabi ko Si miss. Sungit, Hindi ko inakalang may Isa din Palang 'No reaction Girl' Parang si Damon Lang Na Dati ay Walang ding Reaksyon..
Ten a.m Ang Pasok ko ngayon At nakapag lunch na ako kanina Kasama si Li Jeon, pero Maaga Ang uwi niya ngayon Kaya paniguradong Hindi ko na sya kaklase sa mga natitira ko pang subjects.
Alas singko Ulit Ang uwi namin, pero dahil nga Hindi ako satisfied sa kinalabasan Ng Quiz Kanina Sa Financial Management ay napag-desisyunan ko ulit na magpunta Sa Lib kahit sandali Lang, kahapon Kasi ay inabot Na ko Ng Alas site dito, Kung Hindi ko Lang hinabol pa si Damon ay paniguradong Hindi ko pa Alam na Gabi na, Pupunta Kaya Ulit Ang Walang reaksyong' ba lalaking yon sa lib?
Hindi na Kasi ako pinansin kahapon non pagkatapos Kong magsorry, baka Na offend ko or ano, pero Wala talaga Kong naalalang sinabi sa kanya na nakaka-offend. Hay Mga lalaki Nga Naman Puros Arte!
Naglakad ako papuntang lib At Hindi na ganoon kadami Ang mga Tao nung pumasok ako. Medyo Madami naring bakanteng Upuan pero pinili ko pa din Kung saan ako umupo kahapon, inilapag Ko Ang mga Gamit ko sa table At kinuha Ang librong gagamitin, Green highlighter, At Bookmark
Habang Nagbabasa Ay Hindi maiwasang pakiramdaman Ang paligid, Parang may hinihintay akong dumating. Dadating Kaya sya Dito?
Bakit ba hinihintay pa Kita? Anong meron sayo? Alam ko namang Hindi mo din ako magugustuhan, Sa huli nag focus nalang ako sa binabasa At nag highlight nang nag highlight. Hanggang sa Makalipas Ang Isang oras.
Alas sais na, Wala pa din sya..
Baka Naman Hindi talaga sya dadating, Napag-desisyunan ko na ding umuwi nung mga Oras na Iyon. Pababa na ko Ng hagdan dahil Sa Second Floor Ang library, pababa palang ako nang makarinig ako Ng ingay mga Nag-tatawanan.
"Ano ba Yan Cherish Ann, Kanina mo pa kami pinaghihintay dito" Dinig ko Ang Boses nang isang lalaki
Cherish? May mga Kaibigan pala sya? Wow! As in Wow!
"Ano ba, Ivan Hayaan mo na, Di naman din matatahimik tong Si Achilles pag iniwan Natin Si Cherish" Natatawa Ang lalaking yon, At Parang Narinig ko na yon. Tinignan ko Ang mga Tao sa Baba Ng hagdanan At nagulat ako Sa aking Nakita! Kaya umupo Ako Ng hagdan Para makapagtago Sa Railings nito!
Si Cherish kayakap niya si Achilles, at kiniss sya nito sa Pisngi Hindi lang yon nandoon din Si Skie At Ang lalaking nag ngangalang Ivan. And Worst nandoon din Si Damon at Yung babaeng Kasama niya nung gabing yon! Nung gabing pinuntahan Namin sila dito Ni vina
Yung gabing Ayaw ko na Syang Maging Crush at sinasabi ko pang mag mo-move on na ako! Fuck shit! That Was Six months Ago. I was Second year college and he was Third year!
Oh god! Sana Hindi nila ko nakita!
"Alam mo ivan, manahimik ka nalang sinisira mo Yung moment nila eh!" Tinig Ng babae yon, sya siguro Yung Palaging kasama Ni Damon! Pinatutungkulan niya sila Achilles at Si Cherish na surprisingly Mag jowa Pala! Sure akong Sobrang broken na Ni Vina Niyan kapag nalaman niya ito
Kaya pala namumukhaan ko Si Cherish Sya Yung babaeng gusto sugurin Ni Vina Nong Gabi din Na Iyon
"Enough Guys, Let's Go, naghihintay na Doon Sila Chance" Boses yon Ni Damon sure ako! Kahit Bilang Lang sa Daliri nung mga panahong narinig ko Syang magsalita sure na sure akong sya yon!
Narinig ko Ang mga yabag Ng sapatos nila papaalis, Kaya sumilip ako Na konti At nang Makita Kong nakaalis na sila ay tsaka ako Tumayo At tinuloy Ang paglalakad pababa Ng hagdan, what I've heard is too much information I can't Believe It right now!
Pilit Kong Inalis na muna Yon sa isip at sumakay Ng Jeep papa-uwi Ng condo, Nang makarating ako sa condo, ay Hindi padin iyon Mawala sa isip ko, Si Cherish, Si Damon, At Yung babaeng kasama Nila, Girlfriend niya ba iyon?
Pagkatapos Kong kumain ay Nag focus ulit ako sa Financial Management subject, Pero nagbasa basa nadin ako sa iba pang mga subject Dahil baka may Recitation.
Dapat at least handa akomm
Tama Nga ako Hindi lang sa Financial Management nagpa-quiz Pati din Sa business management at business policies. Medyo Mahilig pala Sa Ganito Ang School na Ito.
Medyo sumakit Ang ulo ko dahil Wala man Lang akong na perfect sa mga Quiz na Iyon
Habang Si Cherish ay perfect lahat Ng Quiz Nagulat ako doon dahil Hindi akalaing Kaya niya pang ipagsama sama Ang lahat Ng Topics Doon sa utak niya! Si Li Jeon Naman ay na perfect Ang Quiz sa Business management silang dalawa lang Ni Cherish Ang naka perfect Doon..
Kailangan ko na talagang Mag focus Ng maigi, At bawasan Ang mga Iniisip, Nang mag-lunch ay Tinext kami Ni Vina At ipinaalam na sasabay Sya Saamin Eight ulit Ang Pasok ko ngayon Pero Alas dos Ang uwi ko Kaya Naman meron akong sapat na oras para magbasa basa sa Lib
"Kamusta Kayo' mga Babes!" Naka-ngiting bati saamin Ni Vina pagkaupo niya sa pwesto namin. "Medyo matagal tagal din tayong Di nagkikita ah!"
"Medyo matagal nga, abalang abala ka Kasi," Sagot Ni Li Jeon na may pagka seryoso Kaya Naman nakunot Ang noo ko saan abala si Vina?
Mukha namang natigilan si vina Nang sabihin iyon Ni Li Jeon
"Saan ka Naman abala Vina?"Tanong ko "ikaw ba may jowa ka nang tinatago saamen?" Mariing tanong ko at pinang-dilatan niya Lang ako Ng Mata
"Oh well there's no point in hiding, Kaya Sasabihin ko nang..." Pabitin Ni Vina, Kaya Naman na cu-curious Ako Lalo
"What? What?"
"Sabihin mo na Kasi wag Kang pabiten!!"
Halos Sabay naming isinigaw yon Ni Li Jeon..
"Wow! Wow! Excited?! Kayo' nililigawan?!" Tanong Ni vina habang Nakataas Ang mga kilay saamin "Well May manliligaw na ko! But Bawal sabihen Ang Pangalan!! Hehehehe tsaka na pag naging kame!"
"Ha, E Ang unfair mo Naman!" Ani Li Jeon nakasimangot
"Eh Kung hampasin Kaya Kita dyaan!!" Ani Vina Kay Li Jeon at akmang hahampasin Ito pero umiwas Ang Isa "Makasigaw Wakas!"
"Wow! Parang ikaw hinde!" Sigaw Naman Ni Li Jeon pabalik
Jusko Pag may Kaibigan ka Nga namang Malandi at Koreana Tapos Pareho pang chismosa! Jusko mababasag tenga mo kakasigaw nila, Akala mo Naman Ang layo Ng mga kausap eh Nasa tapat Lang Naman nila!
Natapos Ang lunch at bumalik na kami sa sarili naming mga Klase, isa nalang Ang subject ko ngayon Tapos pupunta na ako sa Lib para makapag aral.
Natapos Ang last sub ko, at nagpunta ako Sa Lib, At nagbasa basa Na agad At Pilit Iniintindi Ang mga Sagot sa Quiz Kanina Sa Business management, business policies, at Financial Management. Nahihirapan akong pagsabay sabayin, hanggang sa nagbabasa Na ako Ng tatlong oras at alas singko na.
Kasalukuyan akong naghihigh-light Ng Libro nang may umupo sa tapat ko, At May inilapag Na isang Cup Ng Starbucks sa Mesa! Nagtaka Naman Ako Kaya nag angat ako Nang tingin
At nagulat ako Ng konti, Ng Makita syang nakangiti, At inilihad Saakin Ang Kapeng Binili niya sa Starbucks!
"This is for you" Naka-ngiting Aniya
***
Follow Me : Mr_Zodiac
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro