Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Dream 020 | Ayos Ka Lang Ba?

"Ayos ka lang ba?" Narinig ko si Jamie na nagtanong sa akin. Bahagya ko namang iniangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko ko rito sa may study table ko. Napatingin rin ako nang diretso sa kanya—habang siya'y kumakain ng cookies sa kama.

"Sa tingin mo, saang parte ng pagmumukha ko ngayon ang mukhang ayos lang?" wala sa mood na pagtatanong ko naman sa kanya.

Dahil sa nasabi ko, nilapitan niya ako at ginulo nang kaunti ang buhok ko. "Ito namang si Adeline, hindi matanong nang maayos!"

Napairap ako.

"Sabihin mo nga sa akin, ano bang problema? Try kong tumulong sa'yo."

Ayoko na sanang sabihin pa sa kanya kung ano ba 'tong pinoproblema ko ngayon, pero wala na akong nagawa kundi napabugtong-hininga at ibigay sa kanya ang ilang papel na nagkalat rin rito sa ibabaw ng table ko. Mga drafts 'yon ng ilan sa mga pinagkakaabalahan kong sulatin ngayong bakasyon.

"Basahin mo nga tapos sabihin mo sa akin kung hindi naman ba magulo ang pagkakasulat ko sa mga 'yan," utos ko sa kanya habang nakakunot rin ang noo ko nang bahagya. Ilang minuto naman niyang binasa ang mga sinulat ko.

Pagkatapos ng ilang minuto ay tinitigan ako ni Jamie gamit ng naniningkit niyang mga mata sabay hampas ng mga papel na hawak niya sa kaliwang braso ko. Hindi ko ba alam kung bakit niya ginawa 'yon pero...

"Grabe ka naman magsulat!" aniya. "Grabe ka naman magsulat!" aniya. "Akala mo naman kung sinong nag-iisa! Hello, Adeline! Nandidito kaya ako palagi para sa'yo! Kaya please lang, medyo bawasan mo 'yang pagiging negative person at sad girl mo ah! Hindi bagay sa'yo kasi kasama mo ako!"

Nang masabi niya 'yan ay may kung anong mga paru-paro ang bigla na lang nagsiliparan sa loob ng sikmura ko. Parang unti-unti rin akong nalulusaw mula sa kinauupuan ko.

Natahimik kami pareho nang ilang segundo, pero binasag ko rin 'yon. Gamit ng isang pasasalamat.

"Alam mo, Jamie... maraming salamat kasi nandyan ka palagi para sa akin. Alam ko na minsan ang hirap kong pakisamahan at may mga times pang sobrang negative kong mag-isip—pero salamat kasi kahit na gan'on ako, nandyan ka pa rin para kamustahin ako at tanungin kung ayos lang ba ako."

Bigla naman siyang napatakip ng mukha gamit ng mga kamay niya.

"Enebe! Huwag mo akong pakiligin, hayop ka!" sabi niya gamit ang kunwaring nahihiya niyang boses. "Syempre para sa'yo, gagawa ako ng paraan para maging maayos ka na."

Napangiti ako nang kaunti dahil doon.

"Pero ano, medyo okay ka na ba ngayon?"

"I guess so? Medyo mas magaan na rin ang pakiramdam ko ngayon kaysa kanina."

"Good to know." Biglang pumalakpak si Jamie dahilan para mapakunot na naman ang noo ko. Pagkatapos ay binigyan naman niya ako ng isang cookie at ngumiti.

"Maging maayos ka hindi lang para sa akin kundi para din sa sarili mo, okay?"

Matipid ko siyang nginitian at dahan-dahan nang inubos ang ibinigay niyang cookie sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro