Dream 015 | ikaw lang
aminado ako na nahihirapan akong kalimutan ang nag-iisang tao na nagbago sa akin.
'yung tipong lahat na lang ng bagay sa paligid ko ay nagpapaalala sa kanya. pati sa panginip ko ay nandodoon rin siya.
kung tatanungin niyo ako kung sinubukan ko siyang kalimutan: oo, sinubukan ko nang ilang beses.
pero hindi umubra.
ewan ko ba... kahit na wala ka na ngayon, sa tingin ko ay siya lang talaga ang pipiliin ng puso ko hanggang sa huli.
kahit na wala na siya ngayon rito sa malawak na kalawakan.
siya at siya pa rin talaga, hanggang sa huli...
kung naririnig mo man ako ngayon, gusto ko lang sabihin sayo na—
"ikaw lang ang iibigin ko habambuhay..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro