Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Dream 009 | nineteenth of january (part one)


"Argh! Ba't ba napakalamig?" Naiinis kong sabi habang binabalot ko ang sarili ko sa kumot ko. Bigla na lang kasi akong nagising dahil sa sobrang lamig—kahit na wala naman akong aircon dito sa kwarto ko at hindi naman nakabukas ang electric fan ko dito.

Habang iniiba ko ang posisyon ng pagkakahiga ko ay bigla naman akong napatingin sa may wall clock.

5: 14 am

Sinubukan kong matulog ulit pero hindi ko na nagawa. Pagkaraan ng ilang minutong nakatingin sa may kisame ay bumangon na ako nang tuluyan at kumain na ng almusal.

Mag-isa lang ako dito sa apartment kaya napakatahimik. Habang kumakain ay para bang may bumabagabag sa puso't isipan ko. Hindi ko naman alam kung ano iyon kaya hinayaan ko na muna sa ngayon. Pagkatapos kumain ay inayos ko na ang sarili ko dahil magsisimba pa ako.

Sa totoo lang, ang ganda ng sermon ni Father Harvey ngayon. Napapatawa din ako sa mga jokes niya. Maya't-maya ay may bigla siyang sinabi:

"Kahit na makalimutan ka ng lahat ng tao dito sa mundo, alalahanin mo na hindi ka nakakalimutan ng Panginoon."

Bigla akong nakaalala na mayroon nga palang ganap ngayong araw, pero hindi ko maalala kung ano iyon. Pinilit kong alalahanin 'yon pero wala talagang pumapasok sa isip ko. Wala na akong naintindihan sa mga sumunod na sinabi ni father sa amin.

Natapos ang misa ay iniisip ko pa rin kung ano ba ang ganap ngayong araw. Inisip ko iyon nang inisip hanggang sa nainis na ako dahil hindi ko talaga maalala.

Tsk. Mamaya na nga 'yan! Magwi-window shopping nga muna ako!

Pumunta muna ako sa isang mall malapit sa simbahan kung saan ako nagsimba ngayon. Habang naglilibot ay may bigla na lang humawak sa kamay ko.

"Ellie?" pagtatanong ng isang lalaki na nakasuot ng party hat at may bitbit na napakaraming regalo.

"Daniel?" Bigla na lang nanlaki ang dalawa kong mata nang makita ko si Daniel, ang famous kong boy bestfriend.

"A-Anong ginagawa mo dito, Ellie? Ba't nag-iisa ka?" tanong niya habang nakangiti.

"Wala naman, nagwi-window shopping lang. Eh ikaw?" Bigla na lang siya ngumuso.

"Hindi mo na ba naaalala? Birthday ko kahapon eh! Ano ba 'yan, Ellie?! Hindi ka na nga nakasama sa surpise, nakalimutan mo pa na birthday ko kahapon!" Bahagya akong napatawa nang bigla siyang nagkunwari na umiiyak.

"Sorry naman, hindi ako na-inform eh. At tsaka isa pa, hindi rin ako in-inform na may surprise birthday party para sayo. Pero 'wag ka, nagbigay na ako ng regalo sayo kahapon kaya huwag ka nang magdabog!"

May itatanong pa sana ako sa kanya nang may biglang sumulpot sa likod ni Dan.

"Uy anong nangyayari ditooh hi, Ellie." Biglang nagbago ang tono ng boses niya nang makita niya ako. Bigla namang nandilim ang mga mata ko.

"Hello din, Maya." Walang ganang pagbati ko sa kanya. Siya nga pala si Maya, dati kong kaibigan. Magkaaway kami ngayon dahil kay Daniel. Yup, pareho naming crush si Daniel at hindi alam ni Daniel 'yon. At hindi niya rin alam na hindi rin kami magkasundo ngayon.

"Kung sumama ka na kaya sa amin, Ellie? Tutal nakita ka namin eh." pagtatanong naman ni Daniel na dahilan para mag-makeface si Maya sa akin na nasa likod lang ni Dan.

"'Wag na, Dan. Baka 'makasira' ako sa party niyo." Well, hindi ako tanga. Si Maya ang may gawa ng surprise birthday party na 'yon para mapansin siya ni Dan at sinadya niya rin na hindi ako isama sa surprise birthday party na 'yun.

"Sure ka ba? Kasi..."

"Sige na, Dan. Okay lang sa akin na wala ako. At tsaka may aayusin pa ako eh." Pagsisinungaling ko. Napabugtong-hininga na lang si Daniel.

"Okay, sige. Mauna na kami ah-"

"Mabuti pa nga kasi baka wala na tayong maabutan doon na room para sa karaoke eh! Bye, Ellie!" Tsk. That bitch.

Nabigyan ko naman na ng regalo kahapon si Daniel kahapon kaya okay lang sa akin na hindi na sumama sa mga 'yon lalo na't nandodoon yung Maya na 'yun. Pagkauwi ko ay dali-dali akong humiga sa may kwarto ko.

Wala akong ginawa buong maghapon kundi gumamit ng laptop habang nakahilata sa kama ko at kumain ng sandamakmak na ginawa kong shawarma. Habang tumitingin sa news feed ko sa Facebook ay bigla ko na lang nakita ang post ni Maya na may caption na: "HAPPY BIRTHDAY, DANIEL! MORE BIRTHDAYS TO COME! SAYANG WALA SI BESSY ELLIE XOXO".

Tsk. Napakaplastik talaga ng bruhang 'yon.

May ilang picture doon na magkakasama sila ni Dan at ilan pa naming kaklase, kumakain at kumakanta. Hindi ko na tiningnan isa-isa lahat ng picture na 'yon dahil hindi ko ba mapaliwanag nang maayos pero nasasaktan ako.

Sinilip ko na lang muna sandali ang comment section at saktong may comment si Dan.

Daniel: Sayang nga at wala si Ellie. Mag-eejoy pa naman sana siya kanina : (

Bigla akong naguluhan sa comment niya. Anong ibig sabihin niya doon?

Bigla ko na naman naalala na mayroong ganap ngayong araw, pero kagaya kanina ay hindi ko talaga maalala kung ano nga ba ang meron ngayong araw.

Inisip ko iyon nang inisip hanggang sa abutin na ako ng gabi. Habang kumakain ng hapunan ay iniisip ko pa rin iyon hanggang sa sumuko na talaga ako.

"Kung ano man 'yon, maaalala ko rin 'yun." Bulong ko na lang sa sarili ko sabay hinga nang malalim.

Pagkatapos kong kumain ay nagsepilyo na ako at nagpalit na ako ng pajama para matulog. Humiga na ako sa kama ko at pinikit na ang dalawa kong mga mata.

Ilang segundo pa lang ang nakakalipas nang pumikit ako ay bigla na lang ako napadilat. Sa mga oras na iyon ay naalala ko na.


Naalala ko na kaarawan ko pala ngayon.


At wala talagang nakaalala ni isa sa kanila.


At ang mas masaklap pa ay nakalimutan ko rin na kaarawan ko pala ngayon.



To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro