CHAPTER 03
IDH #3
Author's Note:
Please don't forget to vote and comment! Enjoy reading <3
─────────────────────────────
SHUTA pasukan na naman. Late na ako! Hala sige, lakad mabilis palabas. Nakaka-pagod humakbang ng malaki kung alam mong sakto lang height mo ahh.
Hays! Ambilis ba naman matapos ang bakasyon, halos dalawang buwan na rin kaming nag-uusap ng tuloy-tuloy ni Devin. Walang mintis. Kahit minsan nag-ddeact ako, nahahanap niya na ko kung saan ako madalas active para manggulo.
Ano lang ba ginawa namin buong bakasyon? Syempre nag-laro at tumambay lang. Pre-pandemic e, ayoko naman gumala tas naka-mask. Nakaka-irita sa mukha, hindi pa rin talaga ako sanay kahit aesthetic kuno tignan.
Kahit namang nasa bahay lang naman ako, andami ko na ring nakilalang iba't-iba pa niyang kaibigan na naku-kupal ko habang naglalaro sila. Lahat taga-cavite, halos malapit lang sa amin at pwede ko pang batukan kung nagkataon.
All in one kaya nila ako, minsan taga-nood lang, taga-bash, o 'di kaya taga-kulit lang sa kanila. Ginawa ko rin namang mga bantay ito sa tuwing natutulugan ko sila.
First day of school? Kulang sa tulog ang social battery. Hindi na charge eh both ako pati ng phone ko.
1st face to face class after pandemic, grade 10 na ko pero 17years old na ako. I stopped for a year noong nag-lockdown. Isa siguro sa mga rason kung bakit bigla ako nawawala sa social media.
Nahihiya ako. Nasasayangan ako sa isang taon na pag-aaral. Kaso ano magagawa ko? Hindi naman ako batas kasi hindi ako yung nag-babayad para sa enrollment namin. Mas naniniwala kasi sila Ma na mas magandang may natututunan kesa sa pumapasok lang.
Dahil sa pandemyang iyon, bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Pakiramdam ko para ba akong napag-iiwanan ng lahat. Halos hindi ko alam kung ano na ba nararating ko. Kahit sabihin nating nag-trabaho ako noong mga panahon na wala akong magawa.. para may mapatunayan lang sa kanila.
Nakaka-pagod pala na para bang hindi ko nagawang maging bata.
Narito na muli ako sa school ko simula bata pa ako. Tapos na sana ako rito kung napag-patuloy ko lang ang taon na dapat nag-aaral ako. Sayang, ngunit ano pa ba magagawa ko? Isang bagay naman ang inaasahan ko nang sobra ngayon.
Puro mga mas below sakin 'tong mga kasama ko. In short, bata.
Papasok pa lang ako ng school nang marinig kong tumunog at nag-vibrate phone ko.
"Goodluck sa class mo, Ae ;) "
Napangiti ako roon bago ako nag-patuloy maglakad. Hindi na ko nag-abala munang replyan yon. At baka hindi na naman matapos ang usapan naming dalawa kasi hindi naman siya nagpapatinag maging last chat. Kulit e.
Kaunting oras lang ang lumipas at nag-simula na ang klase. Natapos ito syempre sa introduce yourself.
Kung 'di ka nga naman minamalas, nananahimik ka lang sa gilid tas magiging class president ka bigla. Basehan ba ang edad para sa mga responsibilidad?
Sa huli, tinanggap ko na lamang iyon. Kahit anong reklamo ko naman sa utak ko wala naman ako magagawa e. Kahit papaano ay may nakakausap na ako pero sadyang matatahimik ata mga nasa private school.
Hays, gusto ko na umuwi at matulog mag-damag ngayong araw! Na-drain na social batt ko, kapagod uy!
Alas-tres pa lang ng hapon at babyahe na sana ako pauwi kasabay ng sundo ko nang biglang may tumatawag sa akin.
Devin Matthias is calling you...
Nabuhayan ako ng kaunting dugo at agad ko rin naman ito sinagot habang naka-angkas na sa tricycle ni Tay Eddie.
"Hi Dev, ba't ikaw napatawag bigla?"
"Hi, Ae, kumusta araw mo? Diba uwian niyo na? Tara, pupunta kaming SM Dasma ni Jerry. Baka may time ka, meet tayong tatlo. Paalis na kasi 'tong si Jerry papuntang Hawaii tas ayon nag-aya."
Naoa-tahimik ako habang may iniisip bigla. Umandar na ang tricycle bago pa ako maka-desisyon.
Papayagan kaya ako ni Ma? Kaso first day pa lang! Di ko magagawang rason ang groupings. Kung birthday naman malabo kasi hindi naman ako napuntang birthday. Ano yon wow birthday agad ng kaklase sa unang araw ng pasukan? Biglaang friend? Geh, bahala na. Uwi muna ako para naman maayos akong tignan at hindi mukhang dugyot.
"Aeru? Nandyan ka pa?"
Muli niyang napukaw niya ang atensyon ko at napa-Ay naman ako. Masyado kasi madaldal yung alter ego ko eh.
"Sorry, nasa byahe kasi me pauwi galing school pero sige meet tayo. Uwi lang ako para mag-bihis saglit tas chat ko na lang kayo if papunta na ako."
Nag-remind muna siya na mag-ingat daw ako at nag-paalam na bago patayin ang tawag.
Nang makarating ako sa bahay agad naman ako nag-bihis na para sa date na ito. Dapat talaga mukhang maayos ako rito, unang beses naming mag-memeet eh!
Shet, omg! Parang date nga ito. May pangatlong gulong lang ganon. Hanep may chaperone!
Hala huyy, doc, may delulu rito oh, yung Alter Ego ko.
Eyy muna Ae.
─────────────────────────────
MALApit na ko makarating sa SM Dasma. Gagi, kinakabahan na na-eexcite ako. First time ko makipag-meet sa friend na nakilala ko lang sa online. Tapos mga lalaki pa!
Halos hindi na nga ko maka-labas kanina dahil sa pagta-tanong sakin nila Ate at Ma. Sa huli pinayagan na lang ako dahil minsan lang naman ako magpa-alam gumala. Mas masaya pa nga siya kasi kahit papaano ay lalabas na ako ngayon. Si Ate lang naman ang pabida kaya ako tinanong-tanong ni Ma.
Kadalasan alam ko namang delikado 'to. Yung aalis ka para makipag-kita sa personal lalo na't nakilala mo lang ito sa online. Kahit na malapit lang sa amin ang SM Dasma, aware naman ako.
"Ae, nandito na kami."
"Nasa may Tom's World lang banda."
"Nasaan ka na?"
"Ingat ka ah,"
Nang makarating ako sa SM, nilibot ko muna ang aking sarili para hanapin sila Jerry at Dev. Pumasok din muna ako saglit sa CR para tignan kung maayos pa ba ako tignan.
Simple lang naman suot ko. High waist baggy pants partner with a plain white fitted shirt and a white rubber shoes na may heels para naman tumangkad ako tignan habang naka-bun lang ang buhok ko.
Dumiretso na ko sa 2nd floor pero hindi ko sila makita, magtatanong sana ako kung nasaan sila banda pero may nakita akong dalawang pamilyar na guys doon sa hindi gaanong kalayo banda na naka-tingin sakin. Aba, may naka-tapat pa kamong camera sakin!
Lumapit ako sa kanila at naglakad din sila papalapit para salubungin ako.
"Taena, inakyat bundok." Saad ni Dev sa gilid nito na naka-ngiti.
"Ang tagal mag-lakad noh." Rinig kong pag-agree ni Jerry kay Dev. "Antagal mo mag-lakad!!" Dagdag pa nito sakin hanggang sa maka-lapit na ko ng tuluyan.
Pa-irap akong napangiti sa kanila at nakipag-fist bump. Sensya na ah! Ang hirap kaya mag-lakad ng mabilis para sa mga maliliit na tao tulad ko.
"Oh my God, Ae. Ang liit mo, Ae." Bungad ni Jerry habang natatawa. Sa gilid nito ay si Dev na humahagalakpak na sa kakatawa.
Sumimangot ako saka sinamaan ng tingin si Jerry para mag-banta. Oo, alam ko yon! Kinulang ako sa height. Naka-heels pa ko sa lagay na 'to ah! Sadyang matangkad lang naman sila kasi lalaki sila huhu.
Shut up na lang siya, okay?
"Hi, Ae. Finally nag-kita kita na tayo." Naka-open arms ng kaunti na sabi ni Dev na para bang nag-hihintay ng yakap.
Naka-suot ito ng gray shirt at short pants na bagay na bagay sa mukha niya kahit na may glasses pa ito. Halata pa ang kulot niyang buhok na natatakpan ng itim na sumbrero at nagpapa-cute pa lalo ang mokong dahil sa singkit niyang mga mata. He doesn't even look like a nerd as he says.
Naiilang man ay niyakap ko ito saka ngumiti. Halos mabalot ako dahil sa tangkad niya at sa pag-yakap niya sakin. Hindi siya tulad ng mga manlalaro na madalas halos dugyot at puyat na tignan kakalaro. Hindi sa nilalahat ah, pero aminin talaga na karamihan ganon na. Pero sa isang 'to, ang bango at pogi niya gagi.
"Huy huy, yiee, pano naman ako dito. Papa-puntahin ko dito jowa ko tamo iwan ko kayo rito, sakit niyo sa mata." Panunukso ni Jerry sa gilid kaya inirapan namin siya.
"Eto naman, ba't na-iinggit ka pa, eh may bebe ka kami wala. Syempre natuwa rin naman akong makita ka Jerryboi." Napa-tawa kong sabi habang nag-tataas baba pa ng kilay kuno.
"Wow, papa-salamat na ba ko nyan? Hah, isang namilit i-sama ako at isang napilitan pa na nakasama ako. Bagay talaga 'tong dalawa." Saad nito at animo'y may binulong sa huli na hindi ko tuloy narinig at maintindihan kung ano man iyon.
Kesa tanungin pa at pahabain pa ang oras ng pag-stay namin sa gitna na malapit sa escalator ay inaya ko na sila para maglibot-libot.
─────────────────────────────
TUMItingin-tingin kami ng mga fashion rings at nag-try ng mga sizes. Natatawa-tawa si Dev sa gilid ko nung abala ako mag-suot ng mga singsing.
"Ain't no way, ang liit ng daliri mo Ae. Size 5." Natatawang banggit niya saka at hinawakan pa ang kamay ko para ipakita pa ito kay Jerry na abalang tinitignan ang mga pambabaeng gamit para siguro sa bebe niya.
Namula ako hindi dahil sa inis nang pang-aasar nila, kundi dahil may namumuong kakaibang hiya o feelings ang naramdaman ko sa paraan ng pag-hawak niya saking kamay. 'Di ko alam kung malamig lang ba talaga kamay ko o sadyang mainit lang talaga sa pakiramdam yung kamay niya ngayon.
Binawi ko na lamang ang kamay ko sakanya saka sinamaan siya ng tingin. Lakas talaga ng trip ng mga 'to pagdating sakin.
May nakita akong singsing na nagustuhan ko at saktong-sakto lang sa ring finger ko kaya pinakita ko sa kanya.
"Ang ganda oh!" Sabi ko saka ngumiti ng sobra sa kanya habang fine-flex ko ko ang kamay ko na-suot yung singsing.
Ngumiti lang din ito saka biglang may hinanap sa kung saan ako nag-hahalungkat ng mga singsing. Nawala ang ngiti ko saka na-curious kung ano ba hinahanap niya bigla. 'Di naman siya nag-tagal sa paghahalungkat at may pinulot itong kulay silver na singsing na may size 8 saka ito sinuot at pinakita sa akin.
"Ayan meron na rin ako, terno ng sayo." Malaki ang ngiti niya. Pinagmasdan ko ng mabuti ang singsing na kinuha niya saka itinapat ang kamay ko sa kamay niya. Halos nanlaki pa nga mata ko at muntikan pang mapanganga eh.
Pano ba naman, parehas yung design ng singsing namin may dalawang heart sa gitna! Silver lang ang kanya at gold ang akin.
"I now pronounce you husband and wife, ikikiskis ko na lang yung kamao ko sa mga labi niyo. Charis." Pag-interrupt sa amin ni Jerry saka pumagitna. Nabaling sa kanya yung atensyon namin saka naman natawa lang si Dev sa pang-aasar na para bang sanay na siya at wala lang iyon para sa kanya.
Tinitigan ako saglit ni Dev saka mahinang kinurot ang aking pisngi at tinanggal ang kanyang sumbrero na agad na isinuot ito sa akin. Halos wala ako makita dahil sa pagkaka-lagay niya nito aba!
Naramdaman kong may kumuha ng singsing sa daliri ko bago ko maayos yung sumbrerong nasa ulo ko. Nakita ko na lamang naka-talikod na sa akin si Dev na animo'y pupunta na ng counter.
"Para kayong hilaw na magjowa kahit ayoko mang-asar sainyo kasi alam ko tropa lang tingin niyo sa isa't-isa, gagi barko." Dagdag pa ni Jerry habang parang baliw na tumango-tango sa kanyang sarili bago niya sundan si Devin.
Naiwan naman akong napa-tunganga dahil sa kanila.
Luh, hindi ba pupwedeng friendship goals lang same stuff ganon? Pag-babae o lalaki nagkaroon ng halos ternong bagay, mag-jowa na?
Gaya-gaya kasi 'tong si Devin eh. Lakas ng trip, gustong na-iissue kami pero wala namang pake.
Wah! Ako tuloy nagiging timang dito sa gilid, jusko! Mas delulu pa pala mga taong nasa paligid ko kesa sa akin!
Huyyy, delulu? Shala! Trip lang talaga ako ng mga 'to! Bwiset.
─────────────────────────────
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro