CHAPTER 02
IDH #2
I FELL asleep sa VC! Oh no, naka-open mic pa ako wahh. Nagising akong may nag-uusap sa phone ko. Mag-sasalita na sana ako kaso na-curious ako nong nabanggit yung pangalan ko bigla.
"Kayo ahh, ba't bigla natulog si Aeru rito. Nako Devin, trip mo kaibigan namin no?"
Nanunudyong boses ni Elestia ang aking narinig. Napa-tawa lang nang kaunti si Devin sa pang-aasar ni El sa kanya bago ito mag-salita.
"Tinulugan nga lang ako niyang kaibigan mo eh. Nakalimutan pa nga mag-off mic, kaya sinamahan ko na lang muna habang nag-lalaro ako. Kamo talaga kagabi, nanahimik lang ako ng ilang minuto, biglang tulog na siya. Nag-sasalita pa nga e, sleep talker yang tropa mo tol."
Napa-kagat ako ng labi dahil sa hiya. Shit! Umiral na naman pagiging antukin ko. Ngunit halos hindi nga ko makatulog ng mga nakaraang araw tapos matutulugan ko lang yung bagong kausap ko bigla? Ano yon, na-comfort? Yak, anlandi pakinggan!
"Tinulugan ka niya? Thank goodness! Ilang araw na yan pagod at walang tulog. Pagod noon sa mga acads, walang tulog dahil sa pag-ooverthink. Halos mag-kulang na yan ng dugo at mamutla palagi dahil sa ginagawa niya."
Hindi ko ba alam kung tama pa ba makinig sa kanila, alam naman nilang nandito ako sa vc kaya baka hindi naman masama kung maririnig ko man. Lalo na at ako ang pinaguusapan eee.
Kaso ayoko sana naririnig na pinag-uusapan kalagayan ko. Hindi ako sanay na kinakawawa ako. Hindi dapat ako mahina lalo na sa mga bagong tao.
"Ngayon ko lang nalaman na may ganitong tropa pala si Zeno. Ang cute niya asarin."
Sumilay ang maliit na pag-ngiti ko sa sinabi niya at umirap sa kawalan. Napag-tripan pa ngang asarin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi e.
Nag-unat muna ko para ma-aware silang gising na ako. Ayoko naman hulihin silang pinag-uusapan ako bigla e.
"Good morning sainyo, ano pinag-uusapan niyo dyan?"
Tamang akto lang na walang narinig para hindi awkward samin.
"Morning, pinag-uusapan lang namin kung gaano kalakas yang paghilik mo. Yung tunog na parang natraffic na barko sa dagat."
Napa-simangot ako habang tumatawa naman si Elestia sa sinabi ni Devin sakin. Anak ng tipaklong nga naman, kahit narinig ko pinag-usapan nila, nakuha pa rin niya inis ko don ahh!
"Kesa naman sayo kung pumindot ng keyboard, akala mo may hinahanap na kriminal sa social media. Dafak bruhhh."
"Oo, tas ikaw kriminal, angas nun noh."
Umirap na lang ako saka bumangon sa kama.
Hays! Maka-tayo na nga, umagang-umaga bigla na lang ako nawalang ng mood. Sabayan mo pa yung tawa ni Elestia na sarap lagyan ng papel para manahimik.
Okay naman na kami ni El, nag-sorry ako sa DMs habang nag-uusap kami ni Devin bago ko siya matulugan. Nang-asar pa nga siya kasi ngayon na lang uli ako pumasok sa public servers na wala sila tas kasama ko pa si Dev.
Halos lagi naman kami away-bati, sadyang bago namin pag-usapan mga bagay bagay ay dapat kina-kalma muna namin isa't-isa. Delikado na, baka may masabi kaming mas malala sa una naming sinasabi. Si Jam lang naman madalas na tumatagal yung tampo, babawian ko na lang bigyan ng iced coffee sa paborito niyang barista.
Tatayo na sana ako ng biglang may nag-notif sa phone ko kaya tinignan ko muna ito. Napa-kunot ako ng noo sa notification ng FB ko bigla.
Devin Matthias Guevara sent you a friend request.
Cancel | Accept
"I found you."
─────────────────────────────
"NAK, uso lumabas-labas sa lungga mo. Lagi ka na lang sa kwarto mag-damag. Di naman kita pinagbabawalan gumala, ba't ayaw mo lumabas aber?" Pangatlong beses na pang-gugulo uli ni Ma sakin ngayong hapon.
Napabalikwas ako sa pagkaka-higa saka tinitigan si Ma. Paano ba naman, kasalukuyan nasa kwarto lang uli ako habang nasa VC. Napa-kagat labi ako noong huli ko na ma-off mic ko at narinig na nila Devin yung sinabi ni Ma.
"Mama naman, mainit pa kaya sa labas. Tsaka ayokong gumastos, wala rin akong energy makipag socialize sa labas. Masyadong maraming tao noh," Sabi ko saka ngumuso.
Eh sa totoo naman kaya! Ba't pa ko gagastos kung pwede naman nasa bahay ka lang at nagpa-pahinga lang ganon.
"Ayan, pinagalitan ka na ni Tita. Di ka na raw nalabas. Same vibes. HAHAHAH"
Narinig ko bigla ang pagsasalita ni Dev kaya pinigilan kong matawa. Baka mabengga pa ko ni Ma dahil dito sa isang 'to no!
Syempre, hindi pa rin ako tinantanan ni Ma sa rason ko at marami pa siyang sinabi na mapapa-huh na lang ako bago siya tuluyan lumabas ng kwarto.
"Ang init-init kaya tapos lalabas lang ako? Nah-ah!"
"The design is very maarte"
"The design is very me. I know, thank you, ako lang 'to."
Parehas kami natawa sa humor naming dalawa at nag-simulang mag-usap muli na para bang may sarili kaming mundong ginagalawan.
Hindi ko alam paano ba talaga 'to nag-simula. Akalain mo yon, may makikilala kang halos kaparehas mo dahil lang sa pang-iinggit ng Jollibee? Yan ang bonding, same humor? Tropa 'to!
Mag-damag lang ako sa VC kasama niya at pa-minsan minsan ay naiiwan kaming dalawa lang dito. Pero since marami akong gawain sa bahay, hinahayaan ko lang na mag-stay sa call habang may mga kalaro siyang kaibigan. Bale errands muna bago ang chikahan.
Pa-minsan minsa'y nag-cchat siya sa Mess para tanungin kung ayos o buhay pa ba ko lalo na pagmatagal-tagal akong naka-off mic.
Marami na kami napag-usapan sa mga nakaraang araw. Tulad na lamang sa kung saang lugar siya. Halos magkalapit lang pala kami rito sa Cavite. Isa o dalawang sakay lang ang layo naming dalawa. Di naman na ko magtataka, halos ang mag-ttropa naman rito sa server na ito, magkakalapit lang. Ako nga lang talaga naligaw at si Elestia na taga-Tanay, Rizal.
Hindi ko namamalayang sa bawat araw na darating, naghihintay na pala ko sa kaka-ibang klaseng pangungulit niya. Akala ko talaga nonchalant at masungit 'to noon. Pero mas may tatalbog pa palang dumaldal sa akin sa sobrang taas ng energy niya. Jusko po. Parang baliw nga eh, madalas ansarap batukan sa lakas ng trip.
Matagal ko na siyang kilala pero sa ilang araw pa lang naming magkausap ay para bang naka-limot at nakapag-pahinga ako sa problema.
Akala ko tuloy-tuloy na nga na magiging maayos ako sa tao. Ngunit sa huli, sinisira ko na naman sarili ko para lubayan nila ako. Hindi ko na naman matikom ang bibig ko magsabi ng mga hinaing ko sa mundong 'to.
Wala siya sa VC ngayon, may inuman daw siya kasama mga tropa niyang nakilala at nakausap ko na rin. Wala namang kaso sakin yon kasi tinatamad ako ngayon mag-salita bigla.
Para na naman akong nalulungkot pero di ko naman alam bakit kasi wala namang nakaka-lungkot na pangyayari ang naganap ngayon. Sadyang sinisira na naman ako ng aking pag-iisip sa pangangamba at paglilinlang ko saking sarili na ayos ako ngayon. Para bang pinipigilan kong maging masaya kasi hindi ko deserve sumaya.
Buong gabi ako namomoblema sa iisiping hindi ko alam ang tema. Bigla-bigla na naman ako umiiyak, letseng mga luha nga naman ito.
Bakit ba ganito lagi?
Gusto kong kausapin sila Jj o di kaya sila Elestia. Kaso alam kong mamomoblema na naman sila ng sobra. Nandito na naman ako eh, parang nawawala. Animo'y pati sarili ko hindi ko alam ang gagawin ko.
Haha, iniisip ko na nga baka may sakit na talaga ako sa utak? Ewan ko na ba.
Inumaga na ako sa isipin kong ito. Hindi na ko mapakali, tinatamaan na naman ng insomnia, ang sakit sa ulo. Yung tipong gusto mong matulog ngunit hindi mo magawa.
Iniisip ko kung ic-chat ko ba si Dev. Kaso baka manggulo lang ako kasi nag-iinuman sila ng tropa niya eh—
"Ganyan ka na"
"Di ka na nagrereply pre"
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat na nag-pop up sa notif ko ngayon ang pangalan niya.
"Hmpf,"
"Nainom pa you e"
"Sorry, medj 'di lang oki rn."
"Oh"
"Talk to me"
"Why"
"Uhm pero how's drinking munaaa"
"Eh"
"More or less"
"Basic lang naman"
"Infairness, di ka pa lasing"
"Di pa kayo uuwi noh?"
"Nope, hindi pa"
'seen''
Hindi ko alam if i-tutuloy ko pa bang mag-open sa kaniya. Nahihiya ako gagi. Hindi pa nga siya nakakauwi tapos kukulitin ko siya kasi may problema ako? Panget non.
Tinry ko i-baling sa ibang bagay na lang sarili ko, para maligaw ko yung kalungkutan pero wala e. Bigla na lang ako napa-iyak. Peste naman oh, ba't ba kasi ako umiiyak? Ano na naman ba problema sakin?
Kagat-labi kong inopen ang conversation namin ni Devin. Hindi ko na alam san ako tatakbo, alam kong pagod na rin sakin sila El. Pero what if si Dev naman mapagod sakin? 'Di pa nga niya ko gaano kakilala e... bahala na.
"Devin :(("
I thought maghihintay pa ko ng matagal since na-seen ko lang siya kanina ng halos mga 30mins din, but surprisingly, nag-reply agad siya. Para bang naghihintay sa i-rereply ko.
"Bebe?"
"You good?"
"I guess i broke down na ;-;"
"May amats na ko ngayon tol'
"Its fine, to breakdown sometimes."
"HAHAHA kaya nga ih, alam ko may amats ka na, sige na di na muna kita aawayin at asarin today, mag-drink na muna kayo dyan, enjoy!"
"
Heyy, no no its fine."
"Hindi mo naman need mag-adjust sakin."
"Talk, when you feel like it."
"I'll listen, Ae."
With that, I let my tears flow freely, silently sobbing about sa mga sinabi niya. Simple yet I still feel validated without any violent reactions and words from him. I kept crying as I poured out my feelings, sharing the thoughts that troubled me. He was there the whole time, listening and helping me feel calm.
Usually, I don't take well on people's advice that carries hidden judgments and backhanded opinions. But this moment, I felt at ease. Ang taong nagbigay ng oras niya despite sa sitwasyon niyang 'di makapag-isip ng maayos na sasabihin ngayon, but he unexpectedly comprehends it well...
"You deserve everything you think you deserve in this world, Ae."
"Well, how the world works."
"Remember, it's not your everyday lang."
"Rest for now, Ae. Goodnight and sleeptight"
I smiled as I slowly closed my eyes. Mugto mata ang nakuha ko sa kakaiyak ngayon.
Tama naman siya, if it's not your day, and even the next day, it's not your everyday. And just let that be until the day is made for you.
─────────────────────────────
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro