When We Got 30th
Author: Junnaxmi
Critic(s): Vianne
---
[Please take this noted: I’m no professional nor gifted when it comes to writing. I don’t sugarcoat words either. But everything I’m gonna tell here is purely based on my knowledge and may have probably missed some flaws, but I hope it could really help you to improve more. Keep on writing!]
---
| TITLE
When We Got 30th. Hmm, para sa'kin wala siyang dating. No offense pero nung unang beses kong nabasa ang title mo ay walang plot na pumasok sa utak ko.
Sorry to say this pero parang ang nonsense lang, ganoon?
"So bakit naman po ganoon ang tingin niyo sa title ko?"
Let's be practical, ma'am. Kapag ba sinabing 30 ka na o narating mo na ang age of 30's ay ibig sabibin ba no'n ikakasal ka na agad? o mai-inlove ka na? o magiging successful? No. Kasi sa isang buhay ng tao, maraming posibleng mangyari hindi ba? Isang rason ko 'yan.
Actually, yung story mo ay sumasalamin sa real life story parang kapag binasa mo, ang scenario na papasok sa utak mo ay parang pang drama sa telebisyon.
Ang pangalawang rason ko naman ay hindi konektado ang title sa daloy ng istorya mo. (At sa paraan naman kung paano mo ikilos ang karakter mo, para lang silang mga highschool.)
But in your case, it's your own story, your own title. Hindi ko isa-suggest na palitan ang title mo dahil hindi mo naman 'yan magagawa o magka-come out sa utak mo dahil sa mema lang but try to explore more kung ano pang pwede mong ilagay na babagay sa title mo kung maisipan mo mang baguhin.
Just don't forget your goal na gagawin mo para sa story, okay?
Inuulit ko: I'm not going to ask you to change your title because that's yours, then decide for it.
| BOOK COVER
Suggest ko lang na palitan ang book cover mo. Kahit yung minimalist lang tapos mag-isip ka ng isang bagay na connected sa title mo at ang pinaka mahalaga ay konektado sa genre/daloy ng storya mo.
(Example ko lang doon sa isang bagay na connected ay katulad ng wedding ring o magkasintahan at marami pang iba.)
To be honest, walang dating yung book cover mo. Parang walang effort? Picture tapos nilagyan lang ng title. Ang dark ng aura, parang napatayan. Hindi rin tugma yung picture sa font at wala ka pang username naka-indicate.
Importante ang book cover para makahakot ng mambabasa dahil kapag walang dating 'yan, walang epekto sa readers na nag e-explore sa wattpad.
| DESCRIPTION/BLURB
Isang sentence lang ang nakalagay sa blurb mo but description is one of the best assets for your work, ha? Dagdag hakot din iyan sa readers.
Hmm, bigyan kita ng ideas para sa description if ever na wala kang idea kung paano maglalagay ng blurb. Pero malamang nakakakita ka naman na ng description sa likod ng libro, hindi ba? Kaya pwede ka rin makahanap ng ideas doon.
Sa blurb, you can make it short but attractive and long but intriguing.
+ Ang madalas na nilalagay ng ibang writers ay pagpapakilala sa main character(s) ng story nila. Giving some hint kung sino siya or kung ano yung magagawa niya sa story.
+ The what if's question(s) sa story. Palaging sa dulo naman ito inilalagay para dagdag sa curiosity ng mambabasa.
+ A brief summary or saan iikot ang storya.
+ Meron din yung maikli lang pero madaling makahook up sa readers (madalas naman sa epistolary ito nakikita pero may nakikita din naman ako sa novels.).
+ Meron din na naglalagay lang ng quotes na galing mismo sa loob ng story. Halimbawa nito ay yung hook up lines ng isa sa mga characters mo.
Marami pa sigurong iba pero ito lang ang alam ko sa ngayon. Basta lagyan mo ng blurb yung story para magkainteres sila basahin. At syempre huwag mo kakalimutan ang genre ng story mo, ha?
| PLOT
The story is not completed yet. At wala naman akong makita sa kahihinatnan ng story mo dahil sa title at flow. I really hope that you have a planned for this.
Pero kung wala pa, then try to take down the flow, plot and the twist para hindi mo siya malilimutan habang nagsusulat.
| FLOW
Actually, magulo ang flow ng story mo.
+ Sa prologue ay nag-aayang magpakasal si Gabrielle kay Gabriella.
+ Sa chapter one ay moments ni Jershan, Gabriella and Kenzo, I think?
+ Sa chapter two moments ni Jershan at ni Alice.
+ Pagdating naman sa chapter 3 ay nag break sila dahil nag cheat si Gabrielle one day kay Gabriella after nitong mag propose and the same time na moments nilang tatlo ni Jershan, Kenzo and Gabriella.
+ And lastly, sa chapter four ay saka mo lang sila pinakilala ata(?). Hindi ko rin kasi maintindihan.
Hindi ko alam kung paano siya ie-explain dahil base sa pagsusulat mo ay bago ka pa nga lang sa pagsusulat ng akda.
Hmm, okay sa'kin yung first and second chapter kasi akala ko ipinakikilala mo lang yung dalawang bida. Iyon bang, ipapakita mo kung paano sila nagkakilala at naging sila? pero nakakalito na nung pinasok mo yung third chapter, nag text si Gabrielle at yung flashback.
So to be honest, hindi siya flow. Kasi wala siyang daloy.
Payo ko lang is made up your mind first: Ano ba talaga gusto mong gawin sa dalawang main characters mo? Ano ba talaga yung what if(s) ng story mo?
Try to outline your flow. Focus mo yung story sa meron sila ngayon. Don't rush up kasi nakakapangit sa pacing ng story.
| NARRATION
To be honest, hindi siya okay.
Walang emosyon, magulo pang basahin at hirap ka pa sa pagde-describe kung ano yung nakikita ng point of view mo. Pero okay lang iyon ha? Starting ka palang magsulat and you can still improve. Huwag kang panghihinaan ng loob.
Let's start sa dialogue(s). Base sa lahat ng nabasa ko ay mahilig ka sa butuhan ng dialogues at pagkatapos non ay puro sagot niya, sagot ko, sabi nito, sabi ko, sabi niya, at marami pang iba.
Ekis 'yon. Nakakawalang ganang basahin kapag ganoon.
Be descriptive sa actions and mixed up emotions ng character(s) mo. Isipin mo na ikaw yung nasa kalagayan nila.
Example:
"Ayoko nga." mariing sagot ko saka inabot ang twalya sa likod, "Tabi nga. Hindi ko makuha yung twalya sa bigat mo!" pinandilatan ko siya ng mata at hirap na hinatak ang twalya. While him? sitting pretty at enjoy sa pang-aasara sa'kin.
Nakakainis lang?!
Mapang-asar naman siyang ngumiti kaya napairap ako and he just mocked me with his silly face. Kala niya kina-gwapo niya 'yon?!
Napalobo tuloy ako ng pisngi at dahil siraulo nga siya, ayon! Walang pasabing iniangat ang katawan niya dahilan para tumilapon ako kasama ang twalyang hinigit ko. Narinig ko naman ang malakas na pag tawa niya kaya sinamaan ko agad siya ng tingin.
"Nakakainis ka kamo!" pikon na sigaw ko.
Bumelat naman ito sa akin, "Karma tawag diyan. Kar. Ma."
"Hindi ba kayo titigil diyan?" tumapon naman ang aking tingin sa lalaking nakasandal sa pintuan, si Kenzo... holding his phone while playing the game on it, may kagat-kagat pa itong chitchirya. Masama ang tingin ko hanggang sa makarating siya sa sofa bed ng kwarto ko.
"What now, Gab?" he ask while putting down his things.
Hindi ba mas buhay ang narration kapag genyan? Compare dito.
Next is your build up characters;
Medyo malito sa names dahil nga parehas silang Gab at ganoon din ang tawagan nila. I suggest na maglagay ka ng (Point Of View) para aware yung readers mo kung nakaninong view ka sa mga characters mo.
Isa pa doon yung hindi pa sobrang build up ng personality ng kahit sino sa characters mo. Kaya much better kung maglalagay ka muna ng POV's.
Magbibigay ako ng thoughts about sa ilang characters mo.
Gabriella. Unknown ang ugali niya sa'kin. Hindi makita ang totoong ugali niya. Nakikita ko siyang palaban dahil sa nakayanan niyang makipag break sa 3 years boyfriend niya na si Gabrielle. At hindi naman siya halatang broken hearted sa chapter one mo.
Bali, katulad nga ng sabi ko kanina ay nakikita ko lang siyang nasa mid 16 or 17 years old or teenager base sa pov mo sakaniya. Masyado siyang childish.
I suggest na make her more woman. A professional type of woman because she's not acting like one. I also suggest yung sa part nung nakipag break siya kay Gabrielle ay gawin mo pa siyang mas emosyonal. Ipakita mo yung sobrang nasasaktan siya while looking his 3 years boyfriend is having a sex with another girl.
Kung ikaw ang nasa sitwasyon niya, hindi mo lang basta sisipain yung pintuan 'diba? Hindi mo lang ibibigay yung regalo. To be honest, if you're story is common then make it unique in narration.
Common na yung ganiyang scene pero hugot naman 'yan sa mambabasa lalo na uso yung heartbreaks eklavu ngayon.
Kenzo. I don't know him yet. But please, ibahin mo yung narration mo kay Gabriella at Kenzo. Almost the same lang kasi sila.
Jershan. Your point of view in chapter 1 and 2. Nung una akala ko siya yung babae. Hindi ko rin alam kung anong connect ng Jershan and Alice moments, baka pangpahaba ng story? But nevermind, it's your story kaya go lang!!!
Hmm, about kay Gabrielle. Wala pa akong masasabi dahil hindi ko pa siya nae-encounter. Hopeless niya ngayon kay Gabriella.
| OTHERS
+ Palagi kang mag capitalized sa first letter ng nouns or any letter after period.
• Gab*** palaging capital ang first letter ng noun.
+ Suggestion: sa halip na **Maya maya pa'y *** gawin mo siyang ***Sa ilang saglit pa ay*** (Prologue)
*** Di ko alam kung anong klaseng garden ba to kanina pa ko palakad lakad ay paliko liko pero di pa rin ako nakakalabas. 'maze ba to?' tanong ko sa isip ko.*** (Prologue)
Sa part na ito, please try to picture out your settings para mailahad mo siya ng maayos. Iwasan mo rin yung ilang ulit ng salita para hindi siya mag mukhang jejemon sa mambabasa.
You can still use some other term(s) para maging compatible yung isang salita sa sentence.
Example ko lang ito, i-revise natin yung paragraph mo:
***(Hindi) ko (malaman) kung (nasaang lupalop na ako ng garden dahil) (napakadaming pwedeng daanan. Napabuga ako ng hangin at nagpatuloy sa paglalakad. "Ano ba yan." bulong ako sa aking sarili, lumiko man ako sa kanan o kaliwa ay dead end parin kaya hindi parin ako nakakalabas sa garden na ito.
"Anak ng maze na 'to!" inis kong bulong bago nagpatuloy ulit sa paglalakad.)***
Let's be practical. Kung ikaw ba yung nasa sitwasyon nung character mo, wala ka paring mararamdaman?
So basically, always put yourself in the shoes of your character. Imagine the situation.
*** (palitan mo yung nung) kung parati kitang kasama. Umalis ka nga!" wala pa rin siyang tinag sa sigaw ko.
Mabilis siyang lumapit sa akin bago ako niyugyog, "A-argh! Stop it Jershan, nahihilo ako!"***
Iwasan mo yung pahabang salita dahil mas okay mag express ng feelings throughout words, okay?
*** "Tangina naman, Gab! Pwede bang kiligin ka nalang at huwag nang manakit?!" reklamong sigaw ko habang inilalagay ang unan sa pagitan namin, "Doon ka nga sa kwarto mo o kung gusto mo isusumbong kita sa nanay mo na gabing-gabi ka na natutulog!"
+ note: kapag mayroon kang quotation mark, huwag ka ulit maglalagay ng panibagong quotation mark sa loob para masabi yung highlighted na word(s). Just use single quotation marks if needed.
Example: "Can you please stop calling me 'love'? It's so annoying, Alice." (Chapter 2)
*** Ngumiti ako, "Of course." simpleng sagot ko sakaniya.***
+ Don't forget the periods and comma. Trust me, nakakadagdag emosyon ang pag gamit ng punctuation marks sa iyong akda.
+ Okay, hindi ko pa alam ang tawag dito pero wag mong i-capitalized yung unang letra kapag natapos ka sa dialogue.
Example:
"Ano na naman ang trip mo Gab?" taas kilay kong tanong.
(Nasa chapter 2 mo 'yan. Bali itugma mo din yung inaakto ng karakter sa punctuation marks.)
Example:
Kapag period (.) - pinong sabi nito, maang sagot niya, mahinang ani niya, at iba pa.
Kapag question mark (?) - nagtatakang tanong nito, seryosong tanong niya, gulat na tanong nila at iba pa.
Kapag exclamation point (!) - sigaw nila, napasigaw siya sa gulat at iba pa.
basta yung katulad ng mga 'yan. Kung meron kang time, you can search it naman. Madami pa'yan.
+ Hindi ko sigurado kung tama ang lahat ng mga ito pero sana makatulong sa'yo:
Ibat ibang - Iba't ibang ✓
Naka tulala - Nakatulala ✓
Saakin - sa akin ✓
Mag isip - mag-isip ✓
Naka ngiti - nakangiti ✓
Naka sandal - nakasandal ✓
Mukang - mukhang ✓
Napa lingon - napalingon ✓
'di/hindi
'to/ito
'yan/iyan
sa'yo/sa iyo
ano/'no
Lahat ng iyan ay galing sa akda mo. Marami din akong nakitang wrong spellings kaya ikaw na bahalang mag re-read ulit at i-edit.
---
Okay, dagdag ko lang ito dahil nag update ka ng Chapter 5:
Ngayon, sobrang nalito na yung utak ko. Hindi ko na maconnect yung story mo sa title dahil ang settings mo sa chapter five is school.
Nag propose na siya hindi ba? Wala ka na sa flashback 'diba? Ang title mo ay 'When We Got 30th,' it must be nasa 30's age na sila or 29 sila then mag te-thirty. One more thing, bakit magkasama na agad sila Gabrielle at Gabriella? Gash, naloloka ako sa story mo sis!
At walang genre na fiction lang but I check out your form at ang sub genre ng story mo ay Romance. Are you really sure with this? I'm pretty sure na romance ang story mo kaya ayusin mo yung flow ng story mo.
Sorry pero wala talaga akong nakikitang daloy or pwede mong maging plot. I suggest na kung gusto mo man magsimula sa teenage day nila then change your title kasi hindi na siya compatible sa story. Saka ang pangit naman kapag nag jump ka in 10 years later. Ekis. Bukod sa boring yung ganoon, magiging common narin ang story na isusulat mo.
Kaya think of it, ma'am. Pinag-iisipan, pinaplano at pinipino ang pagsusulat. Kaya go lang.
---
Vianne: Done in July 24, 2020. 11:18 PM.
hello, the day na nag direct message ako sa'yo ay nag start na ko kaya mabilis kong natapos. If ever nag update ka ulit, sorry baka hindi ko na naabutan iyan but please keep writing po !!! learn and improve your skills until you become successful one day. sorry, i didn't follow the criteria of this book shop. i'm just a newbie right here pero sana nakatulong ito sa'yo kahit papaano and if you want to learn more about writing, you can check out 'How to Write 101' in WattPH works. goodluck and gba, mwaps❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro