Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The Last Wish

Author: cutesiashang
Critic(s): rainbowbleed

---

| TITLE

- Simple at matalinhaga o mabulaklak na titulo. Ano ba ang meron sa huling kahilingan at tila nasa bingig ito ng buhay at kamatayan?
- Isang punto iyon para sa kwentong binubuo mo dahil maraming pwedeng maging titulo ang swakto dito. Naisip mo din iyon.
- Mahalaga na sa una palang o sa bungad pa lang ay hahakot kana ng mambabasa bagamat gamit na ang konsepto ngunit mahalaga ang kaibahan dulo.

| BOOK COVER

- Unang binigay sakin ito ay hindi pa tapos at iba ang paunang bungad. Maayos ang pagkaka-edit ng kabuuan. Ngayon napansin ko lang yung sentence sa taas.

"Tatlong mabibigat na kahilingan"

Bright color yung nangingibabaw kahit sa fonts. Medyo hindi na nakikita yung ilang details. Kahit pa hindi masyadong importante ay parte parin ng kabuuan, hindi ba?

Balansihan ang dark at light na kulay. Pang spooky something din yung font. Sa tingin ko ang bagay doon ay mala historical na font. (See this kdrama posters)

Halimbawa:
The King Eternal Monarch
Goblin
Hotel Del Luna

| BLURB

- Iilang detalye naroon. Iyong role ng bidang karakter. Situation nila. Yung conflict then the quest.
- Magiwan ka sana ng nakakaintriga, mabulaklak na pangungusap o kondisyon na babaliktad sa lahat. Kasi minsan may conforme sa iba pero conflict sa ilan.
- Sakto na sakin yung blurb mo. Hooker parin.

| PROLOGUE

-Mostly this part is the chapter one. You made one right. Ito yung major conflict na babaliktad sa lahat. Paunang bigay palang pasabog na, maganda iyon.
-Pansin ko lang kung dalawang panahon ay ginagalawan ng iyong kwento. Dapat dito palang kita. Base sa way of writing mo ay nasa nakaraan ka at maayos mong naisulat ang punot dulo ng kwento.
-Napansin ko lang yung biglang pagtaray ng bidang babae sa bidang lalake. Hindi siya krakteristik ng isang babae mula sa makalumang panahon dahil ang mga babae noon ay mahinhin.

| PLOT

Rebirth and Quest with Fantasy

Pagiibigan na sinubok ng mahika dahil doon nabuo ang huling kahilingan ng dalaga ngunit tila may gustong sumubok na hindi mangyari ang huling kahilingan kaya nagkaroon ng rebirth mula sa 19th century hanggang sa kasalukuyan na 21st century kaya nabuo ang quest o end goal na sa huli na ang noon at ngayon na pagiibigan ay magiging totoo taliwas sa kahilingan na sinumpa. Ito ay resulta ng tadhana.

"Kung kayo, kayo. Panahon at oras ang kikilos para kayo hanggang dulo."

Experimental plot dahil kasaysayan ang kasamang bumuo sa kwento. Bago sa panlasa at madla. Malikhain ka, manunulat.

| NARRATION

Transtion from yesterday and today. Mahirap iyon pero natawid mo ito hanggang dulo. Ang nakaraan ay purong Filipino pero ang ngayon Taglish na. Buti nalang hindi conyo. Third person. Marami pang developments and trial ang kailangan mong i-practice writing in third one.

May lapses sa punctuation and grammar pero maayos yon tulad ng palagi kong sinasabi. Third person ang narration method kay i-practice mong isulat ng may karagdagang emosyon.

| FLOW

Smooth flow naman. Naroon ang momentum na hinahanap ko pagdating sa galaw ng storya, pagkilala sa bawat karakter, story setting at aksyon.

Advice: Show, dont just tell.

Mahigsi ang bawat chapter kaya nakakabitin pero okay lang. Starting point palang ito.

| OVERALL

Gusto ko yung ending tila katulad din ng isa sa mga dulong ng plot na nasa utak ko. Completed na pala siya. Mabuhay ka dahil nakatapos ka ng storya na mahigsi. Pagsasanay at milestone mo ito bilang manunulat. Padayon!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro