Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Author: FrancescaDCN
Critic(s): myungjunjun
Note: Hi! After mong basahin ang critique, pwedeng paki-comment dito kung ano sana 'yong gusto mong na-discuss o na-elaborate ko pa? I'm kinda a mess right now kaya baka may nakalimutan ako ilagay na certain aspect ng story. Thank you!
• • •
↳ BOOK COVER
Really minimalistic and simple. Pang-literal na book na talaga ang design niya (I saw the whole design) and maganda naman na kaya wala na akong masasabi pa. I just realized sa ending na 'yong blue rose pala sa cover ay ang binibigay ni Cristof kay Ann. That's a really nice touch haha. I thought na random design lang 'yon sa unang tingin. And, with the text having a rose texture as well, mas na-emphasize nito ang overall design. Sayang nga lang at nasira ang quality ng picture sa cover dahil sa Wattpad kasi malinaw naman 'yong nasa Author's Note.
↳ TITLE
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
May pagka-nostalgic feel ang title. 'Yong parang may binabalikan ka na alaala o nangyari dati? And tama nga ako pagkabasa sa premise niya. Nagkukuwento si Ann sa nangyari sa past niya.
Longer titles tend to have a greater impact on readers. However, ang danger niya ay kung too complicated siya. Ang maganda rito, hindi siya mahirap tandaan, dito sa story na 'to, pati na rin sa mga susunod niyang libro dahil identical naman ang theme.
Romance ang kadalasang magiging impression dito sa title ng story, which is good since direct to the point siya. Wala nang paligoy-ligoy. All in all, it fits the story naman.
↳ BLURB
The blurb is not straightforward, since purposefully left out ang ibang details. Kumuha ka rin ng scene sa may dulo ng story, kaya ang effect, "Ah! Ito 'yong nasa blurb/description!"
Although it's not the standard blurb format, it does its job pretty well naman. First Person POV rito kaya mas nakikita namin ang saloobin ni Ann. The first three lines/questions are hooking, and complements the story's title, which is ang simula ng kuwento nila.
It's already fine as is. May design na rin for a physical book kahit na unofficial kaya hindi na kailangang baguhin. 'Yan lang ang insights ko diyan.
↳ PROLOGUE
Hindi ko expected na ganoon ang nasa Prologue, but it actually makes sense. Kinukuwento pala ni Ann ang nangyari sa kaniya at sa Lolo nila decades ago, which was wrapped up in the Epilogue for a sequel. The usage of futuristic technology is nice para ma-justify 'yong setting na nasa future siya. One thing lang na masasabi ko, masyado lang napunta doon ang focus to the point na para na siyang Science Fiction. Maybe, tone down the scenes, tapos dumiretso na agad sa action, sa family niya at 'yong pagkukuwento.
Although, ang galing nga lang na mami-mislead ang readers dito because you withheld information na mari-reveal sa dulo ng kuwento (kung sino ba ang naging asawa niya). May foreshadowing pero hindi agad-agarang buhos. Akala ko nga ay spoiler ito masyado na alam na namin kaagad na magkakatuluyan sila, pero hindi pala. So thumbs up!
↳ PLOT
To be honest, I don't like reading Romance stories, save for a few exceptions. And... kasama ka na roon sa mga exceptions na 'yon. This story's plot made it really enjoyable to read, legit. Mixed emotions, grabe. Tipong light lang siya basahin, pero nakakasakit ng damdamin. Awts mah heart.
For one, realistic ang kuwento. We are given an actual college experience from Ann's perspective. Hindi pa ako college pero parang ganiyan ang naririnig ko from family and friends. 'Yong struggles niya sa pag-aaral, hindi pagpasok ng prof (lol), mga subjects sa Accounting... all of those made this story great, actually. Hindi lang siya mema na parang gawa ng bata (unrealistic college). Talagang totoo.
Sa may relasyon naman nila, nakakatuwa siyang basahin. Realistic din, of course. People are not perfect, even the protagonist. And na-portray iyon sa naging pag-aaway nila Ann at Cristof habang sila pa. I liked that you gave them flaws. Many, many flaws. Naging buhay silang karakter dahil dito. Fifteen chapters in, attached na ako sa characters. Minsan nga, iniisip ko kung hango ba 'to sa totoong buhay dahil ang realistic. Pati emosyon, legit na legit.
Speaking of emotions, ang galing! ㅠㅠ
Nakakatawa?
Na-corny-han? (sa jokes)
Nainis? Nagalit?
Naiyak?
Na-attach sa characters?
Yes lahat.
Yes na yes na yes. 👍
Whole package na siya, kumbaga. One of my favorite scenes is 'yong pumunta si Tristan sa bahay nila Ann at hinalikan siya sa dulo. That scene... ramdam 'yong tension at emosyon at kung gaano na sila ka-conflicted.
Alam mo ba... sobrang nainis ako kay Cristof sa may gitna at dulo ng story. NAKAKAINIS SIYA! NAKAKABUWISIT. That's it hahaha. Pero bakit? Kasi effective ang pagkakasulat sa kaniya. Kasuklam-suklam. Again, naisip ko kung na-experience ba 'to ng author. Ang manipulative kasi ni Cristof, na noong nag-confront sila, pati ako, speechless kagaya ni Ann. Walang maisip na isumbat sa kaniya. Basta realistic.
I could ramble more and more, but let's move now.
First book pa lang 'to, pero may character development na. Kinda excited kung anong mangyayari sa mga susunod na libro. Natututo na rin si Ann na magpakasipag sa pag-aaral at matutong tumayo mag-isa. That's great. 'Yong pagkakadagdag ni Ann sa bagong friend group is nice to setup for the following stories.
Pero, hindi na siya unique, sa totoo lang. A school-based setting. Finding love in a new school. Plot centered on the relationship. Gasgas na ang mga 'yan. Pero bakit naging maganda? Dahil sa execution. Napaganda dahil sa pagkakabuo ng characters, kung paano mo ginawang realistic ang setting, at sa internal struggles nila. It's a great plot.
Although, sana hindi na lang sinabi na si Julian pala 'yong mapapangasawa niya. It's just my thought, though. Effective pa rin naman. Mas lalong nakaka-curious kung paano ang mangyayari sa kanila.
Other errors, issues, and suggestions I have would be elaborated on the sections below.
↳ NARRATION
Simple lang ang writing style ng author. Halos pure Tagalog siya pero hindi malalim. I haven't read enough Romance novels to know if it's unique though. BUT, Ann felt like a real person... with a real personality, real motivation, goals, struggles, etc. So kudos doon. You also know how to portray emotion well, since may parts na talagang masakit sa damdamin, may parts na nakakatawa, at nakakainis (ehem, Cristof).
But let's talk about some points:
• Doon sa ibang parts ng story, masyadong nabibigyan ng exposure ang minor characters. Mga kaklase na walang relevance sa story (extras). Please do try to give more attention sa major characters kasi sila iyong involved sa mismong plot. Although it's true na walang kakilala si Ann at first kaya kung sino na lang muna ang sinasamahan niya, pwede namang limitahan 'yong sa mga minor characters.
• *Chime*: I know hindi naman ito sobrang kalat sa story, pero i-narrate na lang siya na, "tumunog ang cellphone," or something.
• TIPTOP: Remember to change paragraphs at TIPTOP (Time, Place, Topic, Person). Everytime na nag-iiba ito, i-next paragraph mo na. nakakalito kasi minsan na hindi na klaro kung sino 'yong nagsasalita. Maraming instances ito sa story.
Here's an example:
Alam mo yung after ng quiz, magcocompare kayo ng answer ng classmates mo pero sa case ko? Bakit gano'n? Laging iba 'yung sagot ko sa sagot nila. May iilang tumatama rin naman pero mas maraming hindi tumatama. "Bawi na lang next quiz," sabi ni Cristof.
• Dialogue Tags: Sometimes, dialogue tags are not needed lalo na kung dalawa lang naman ang nag-uusap. Puwedeng 'yong action na lang ang i-narrate. Ito kasi napapansin ko palagi eh. Napupunta sa dialogue tag lagi ang action. Katulad na lang dito:
"Eh, ano 'yun?"
"Hindi ko siya gusto, hindi rin niya ako gusto. Ikaw ang gusto ko."
"Okay," tumatango kong sabi.
"Can I court you?" muling sabi niya.
"What?"
"Can I court you?" napalunok na sabi niya.
"Okay," nakangiting sabi ko.
↳ FLOW
It's fast-paced. I didn't expect na ambilis lang ng 56-chapter story na ito pero akma naman 'yon sa plot ng story since... abot buong 4 years ng College yata ang magiging time frame nito o baka umabot pa after College for the trilogy. But sometimes, it can feel too fast.
Let's take Ann and Cristof's conversation above. Aside na unnatural 'yong exchange nila, mabilis lang din umuusad ang scene dahil sa dialogue tags inasa 'yong action at kulang ng pauses. Kadalasan din ay bigla na lang nagkakaroon ng transition (within the same paragraph pa, as pointed above) na hindi ko namamalayan na days/weeks na pala ang lumipas. Siyempre, we, the readers, need time to breathe and think din. Siguro ay try linawan at gawing mag-standout ang mga transition para nakabalandra talaga siya sa mga mambabasa. That way, they can easily see it and think, "Ah, nag-iba na ang araw."
Although, I have to commend you for that heartfelt scene with Ann and Tristan (favorite talaga eh, 'no). You took things slowly and carefully, in a detailed way. Dinamdam ang (sobrang) chaotic emotions ni Ann kaya ang intense. Sakit sa heart! Wews. Alam niyo namang i-focus ang ganoong pace kapag kailangan kaya try niyong mag-reread din niyan kung may mga scene na sobrang bilis pa.
↳ TECHNICALITIES
• Action Tags: Sa dialogue tags (DT), okay ka naman na but with action tags (AT) eh nagagamitan mo pa rin ng rules sa DT. With ATs, treat them as a separate sentence na. Hindi siya katuloy ng dialogue. Example, ito:
"Ano ba," napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya.
Na dapat ay:
"Ano ba[.]" [N]apahinto ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya.
• Ng/Nang: Sa nang lang 'yong errors na nakikita ko. Ito 'yong kung kailang ba gagamitin ang nang.
1. Ginagamit ito sa pagtukoy kung paano ginawa ang isang bagay.
- Kumain ito nang mabilis.
2. Pamalit ito sa salitang noong, upang, para.
- Nang umalis siya ay nagbago na ang buhay ko.
- Kumain ka naman nang magkalaman ka.
3. Ginagamit ito sa inuulit na salita.
- Takbo nang takbo ang batang makulit.
4. Pamalit ito sa na + na, o para mas maging smooth ang pagbigkas sa na.
- Ang tagal ko nang naghihintay.
• Din/Rin: Hindi lang naman ito sa din/rin. Kasama rin ang raw/daw, roon/doon, rito/dito, etc.
Kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa vowel (a, e, i, o, u) or semivowel (w, y), r ang gagamitin.
Kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa consonant except w, y, d ang gagamitin.
Kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa ra, re, ri, ro, ru, raw, ray, d rin ang gagamitin para smooth siyang bigkasin.
• Informally-Spelled Words
nanaman -> na naman
'yun -> 'yon (sa chats, acceptable ang 'yun)
'yung -> 'yong (It's up to you pa rin naman. Basta consistent, puwede na rin.)
ganon -> gan'on/ganoon
• Taglish - Kapag Taglish, may gitling sa pagitan ng unlapi at ng English word.
nakaconnect -> naka-connect
• Double Punctuation - Isang punctuation lang ang dapat ginagamit.
"Chuck!!"
Actually, madami pa akong nakita pero hindi ko na nilista pa. Mas nag-focus na lang kasi ako sa story. But please do try to edit your story since completed naman na. Minor errors lang naman haha.
↳ OVERALL
Your story is really good huhu. Kaunting polish lang at okay na okay na. May sasabihin ako: deserve talaga nitong ma-publish bilang isang libro. Walang halong biro. Aabangan ko talaga ang kasunod pa nitong dalawang story. Pagbutihin niyo ang pagsusulat! Good luck!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro