
Kiss 🔸 6
Alessia's POV
NAKAUWI din ako sa wakas at hindi ko kaagad sinalubong si Aiden dahil pakiramdam ko ay dumikit sa akin ang samo't-saring amoy doon sa bayan. Mabilis akong naligo dahil alam ko na maarte pagdating sa amoy si Aiden. He will flatly say that I smell bad and it will also hurt my feelings. Sino ba ang matutuwa na sabihin na mabaho sila?
Alam ko na hindi ko iyon amoy, pero nakakasakit sa feeling na sabihin na mabaho ka ng anak mo. Pagkatapos ko naman maligo ay dumating naman si Papa. Sa ilang araw niyang pagkawala ay nakaramdam ako ng pagkamiss sa kanya.
"Papa?" Galak na saad ko nang makita ko siya sa sala at kalong kalong niya ngayon si Aiden at may hawak itong laruan. Aiden's face was passive and I don't even know if he likes the toy or not. But I guess, he doesn't like it since he prefer books over toys.
"Anak, halika ka dito. Na-miss ko kayo ng apo ko." Tuwang saad naman ni Papa sa akin. Aiden suddenly flinched like he was alarmed.
Agad naman akong lumapit ay mabilis naman na nagpakarga sa akin si Aiden.
"Grandpa, only I am allowed to kiss and hug mommy!" Alburuto naman ng maliit na bata na ngayon ay tila kugitang nakapulupot sa akin.
Ayaw nitong may ibang humahalik o yumayakap sa akin. Pati si Papa at Lolo ay pinagseselosan ni Aiden. I don't know where he got this possessive side of him. He's just a child! I'm afraid when he's older, he will be possessive and I hope, the girl will not get tired of this negative side of him. Being possessive will suffocate the relationship.
"Hey kid, your mom is my child too. So I am allowed to hug your mom." Pang-asar naman ni Papa kay Aiden.
"No." Aiden responded flatly.
Ngiwing napangiti naman ako kay Papa. Napangiti na lang din ito ngunit mapait iyon. Alam ko kung ano ang dahilan sa likod ng mga ngiting ito.
"Aiden, how's school today?" Paglilihis ko naman ng usapin. Ayokong maalala ni Papa ang ala-ala ng namayapang anak nito dahil alam ko na masakit sa parte niya iyon.
"It's the same, Mom." Maikling tugon naman ni Aiden habang nakayakap ito sa akin.
Tinanong ko pa siya tungkol sa maraming bagay at tipid naman na sumasagot si Aiden. Mas abala ito sa paglalambing sa akin kaysa sagutin ako sa aking mga katanungan.
Lumipas ang gabing iyon ng normal ang lahat. Aiden continued reading the Hydraulics book while I am a bit relaxed since I don't have anything to work on. I slept the entire night and woken up the next morning, gone to work and willing to be a better person.
In this era, hindi uso ang day off. Even on Sundays, I have to work. Nagkakaroon lang ng off kung kailangan mong lumiban dahil may importante at personal kang gagawin. I've been working for more than a year, and I never asked for leaves or off. Hindi ko din naman kailangan dahil araw-araw naman akong umuuwi sa bahay.
Kaya dito, wala sa pakiramdam ang weekend feels or the day before off feels. Nagtrabaho ulit ako, ngunit mas magaan na ngayon lalo na at kaunti na lang ang natitira. Sa palagay ko, hindi magtatapos ang araw ay tapos na ang mga dapat gagawin ko.
Ngunit kabaliktaran naman si Ales at Khleo. They look more...haggard and sleepless. Nangingitim ang ilalim ng kanilang mga mata at panay ang pagbuntong hininga nila na tila katapusan na ng mundo.
"May problema ba kayong dalawa?" Hindi ko mapigilan na magtanong dahil kapansin-pansin ang mga buntong hininga nila.
"Hindi ako nakatulog ng maayos dahil nag-iisip ako ng kung ano ang pwede kong gawin para sa Colosseum at Greenhouse." Tugon ni Ales. His sigh are heavy and dragging. Pakiramdam ko ay mahahawa din ako.
"Same." Sagot din ni Khleo. Pareho silang matamlay na kabaliktaran naman sa akin.
"Makakaisip din kayo kapag nakita niyo na ang espasyo." Balewalang saad ko naman. Patapos na ako sa aking trabaho at kakasimula pa lang ng araw. Hindi ko akalain na literal na kaunti na lang talaga ang natitira sa mga tatapusin ko. Matapos kong lagyan ng watermark ang kahuli-hulihang papel ay tapos na ang trabaho ko.
"Hindi ka man lang ba nahihirapan na mag-isip kung ano ang disenyo na gagawin mo?" Nagtataka naman tanong sa akin ni Ales. Alam ko na kapansin pansin na hindi ako pressured na kagaya nila.
I shrugged. "Wala din kasi akong maiisip kung hindi ko makikita ang lugar. Ayokong mag-isip, tapos masisira lang naman iyon oras na makita ko na ang lugar." Sagot ko naman kay Ales. Totoo iyon, ngunit ang totoong dahilan ay wala naman akong balak na pag-isipan ng maigi ang disenyo. I don't have a plan to be chosen in the first place.
"Alessia, pwedeng huwag mong galingan masyado? Alam ko na sa atin tatlo, ikaw ang mapipili ang disenyo dahil doon ka magaling. Pero sana, bigyan mo naman kami ng pagkakataon." Nakangusong saad naman ni Khleo sa akin.
Natawa naman ako sa sinabi niya. "You have to beat me, Khleo. After all, this will be an honor." Kunwaring saad ko naman. I already know that either Ales' design or Khleo will be chosen. Pero may isa pa kaming kasama, ngunit hindi ko alam ang abilidad nito kaya hindi ko pa masasabi.
Ales and Khleo are the best in this field. Ang nakakalamang lang sa akin ay mas marami akong ideya sa disenyo dahil galing ako sa modernong mundo. That's only my advantage, but them...it's a pure talent.
"It wouldn't be enjoyable if Alessia will not do her best. It's better to beat her when she was doing her best." Saad naman ni Ales. His smug look gives him confidence.
Ales, you won't be able to beat me if I go all out.
Sangayon naman ako doon. Sino ba ang matutuwa na nanalo ka lang dahil nagpaubaya ang kakompitensya mo? It's not honorable. It always feels like you owe them. But I will do that shameful thing. If this is a sports game, I am already throwing the game.
"That's why do your best." Saad ko. I have to pretend that I am doing my best so they won't be suspicious of me. They can claim the win without any suspicion.
I am no longer afraid going to the Palace. After all, Elijah is a married man and he should be happy by now. He no longer had any affinity towards me.
Bigla naman lumabas si Apollo at tiningnan kami. "Bakit nandito pa kayo?" Nagtatakang tanong niya sa amin kaya nagtataka din kaming tumingin sa kanya.
"Trabaho pa namin, Sir?" Hindi siguradong sagot ni Khleo dahil nagulohan kami. "Don't tell me were fired?" Parang tanga na tanong nito.
Binatukan naman ito ni Ales. "Bukas pa naman ang alis namin, Sir." Paala-ala naman ni Ales dahil baka nakalimutan nito ang araw ng alis namin.
"I know. Pero kailangan niyong maghanda. Mahigit isang linggo kayong mananatili sa palasyo para sa paggawa ng disenyo." Kunot noong turan ni Apollo sa amin.
More than a week? Pakiramdam ko ay mabibilaukan ako kahit wala naman akong iniinom. Hindi ko ito inasahan na mananatili kami doon ng pansamantala.
"Sir, wala kang sinabi na mananatili kami doon." Saad ko naman. Sa lahat ng sinabi niya ay wala akong maalala tungkol sa pananatili doon.
Mas lalong kumunot ang noo ni Apollo. "Malinaw na sinabi ko na bibigyan kayo ng isang linggo para gawin ang disenyo at isumite iyon. Hindi ko ba nasabi na sa Palasyo niyo iyon gagawin?"
Halos mapahilamos naman ako gamit ang aking mga palad. He did say that, but I thought, we will do the design here in the office and submit it when it's done!
"Sabi mo lang sir na may isang linggo kami. Hindi mo nabanggit na mananatili kami doon." Kibot naman ni Khleo. "Ngunit ayos na rin iyon dahil maganda ang palasyo. Makakapaglibot ako doon."
"Khleo, you're not there for amusement. Remember your responsibilities." Untag naman ni Apollo rito.
"I know..." nguso nito na tila pinutol ni Apollo ang natatangi niyang kaligayahan.
"Then I guess, we have to go home soon." Usal naman ni Ales.
Hindi ako nagsalita. Unang naisip ko ay si Aiden. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kung mawawala ako ng ilang araw. This will be my first time to be away longer than a day. But Aiden is not some ordinary kid, I think he will understand.
Sumangayon na lang din ako dahil tapos na ang aking mga naiwang trabaho. Kaya tumayo naman ako. Balak kong pumunta sa Cape para makapag-isip. I need to have a concrete plan before going tomorrow. Now that I have to stay there for more than a week, I need to be prepared.
As much as possible, I don't want to interact to any royalties in the palace. Ngayon na may asawa na si Elijah, hindi maganda kung makakasalamuha ko ang asawa niya. Hindi ko alam kung ano ang kanyang iisipin. Hindi sekreto ang kung ano ang meron kami ni Elijah noon. May posibilidad na malalaman niya iyon. Mas malaki ang posibilidad na kilala ko ang asawa nito at kilala ako nito.
A woman's mind is very complicated. I don't think she will have a great thought if she will know that I have a past with her husband. Kahit ako din naman, medyo naiirita noon kay Aphrodite. It's natural, because we can never help ourselves to compare if we are better than the other. Insecurities is always there, because nobody is perfect.
I don't believe that the King will do anything towards me. Just like his harem, they were ignored after the relationship was broken. I guess, it's the same as mine which is favorable to me.
"Sige, mauuna na ako sa inyo dahil mag-aayos pa ako ng mga gamit ko." Paalam naman ni Khleo at mas mabilis pa ito sa kidlat na lumabas ng opisina. Ni hindi na nito hinintay na bumalik si Apollo sa kanyang opisina.
Tumingin naman si Ales sa akin. "Uuwi ka na ba?"
Umiling naman ako. "Pupunta ako sa Cape." Maikling sagot ko naman sa kanya.
"Anong gagawin mo dun?" Kunot noong tanong niya sa akin.
"May bibisitahin lang." Tugon ko. It was lie. I don't know someone in the Cape. I just want to think without anyone bothering me. I don't want him to go with me too, since he will only a distraction.
I don't want to sound rude, but I don't like anyone disrupting when I am thinking.
"Kung ganoon, sige mauuna na rin ako sa iyo at may mga bibilhin pa ako." Paalam naman niya sa akin at tumingin naman ito kay Apollo na nakatayo pa rin malapit sa amin. "Sir, aalis na ako."
"Go ahead. You too, Alessia." Tugon naman ni Apollo at pagkatapos nito akong tingnan ay bumalik na ito sa kanyang opisina.
Abala naman ang iba naming mga kasama kaya hindi na sila nag-abala pang kausapin ako. Alam ko din na may halong inggit ang nararamdaman nila ngayon kaya hindi na rin ako nag-abala pang magpaalam sa kanila.
Lumabas na ako ng opisina at sumalubong sa akin ang abalang daan. Hindi na ako sumakay ng karwahe at naglakad na ako patungo sa Cape. Tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok habang naglalakad dahil sa malapit lang kami sa karagatan.
Ilang minuto sa aking paglalakad ay narating ko rin ang Cape. Cape is not a town or a city. This is a landmark in Caracass, where there is an old lighthouse and over looking view of the wide blue ocean.
Hinawakan ko ang balustre at mas lalo pang lumakas ang hangin na halos tangayin na palayo ang aking buhok. Tanaw tanaw ko ang karagatan ng Celebes. Bughaw iyon at kumikinang sa ilalim ng araw. Wala akong makitang kahit isang isla. The ocean feels like boundless and connected to the sky.
Marami din doon kabahayan. This is the typical Santorini, where houses are built on the hill and the houses are in ascending order. Marami akong nakikitang mga bahay sa ibaba na tila hagdanan. The house are painted with white and blue color that made even more refreshing.
This is the result of the changes 2 years ago. This is the work of builder's association. This is the design I created, inspired from Santorini, Greece. It was passed immediately even though I am not an architect. This place because famous as soon as it was finished. That's why we earned a great reputation because of this. Now, Caracass is the most beautiful town in the whole Wysteria.
Minsan lang ako nagpupunta rito. I only do it if I need to think thoroughly. Hindi ko pa nadadala rito si Aiden, but someday, I will before he leaves Wysteria. I want him to see what I created.
Bukas ay tutungtong ako ulit sa palasyo. I'm not sure if I will meet the familiar faces of the people who live there. As much as possible, I will make myself invisible. I will not do something that will catch someone's attention.
Hindi ako sigurado kung alam ba ng hari na isa ako sa mga gagawa ng plano. Ngunit base sa kilos ng punong ministro, malabo na hindi niya ito sasabihin sa hari. I am pretty sure that the king will be informed. Base sa wala naman nangyayari simula kahapon, mukhang wala ng pakialam ang hari sa akin na ikinatuwa ko.
All I have to do is to observe. If there is nothing suspicious, then I should not be wary. But still, I need to prepare myself for any possibilities. Things happens when you least expect it.
Stefano will be there too. I don't know what will be his reaction after he sees me. I've been gone for years and I left them that day, where Stefano pleaded me to stay. He's a good man, it's just that, he serve a jerk king.
I hope he doesn't have a bad feeling towards me. After all, he's the only person I can rely on when something happens.
I breathe heavily, filling up my lungs with the fresh sea air and released it. Napatingin naman ako sa baba nang mapansin ko ang isang lalaking naglalakad na may bitbit na net at laman nito ay nga isda. Kilala ko ang lalaking ito, lalo na ang kanyang mapusyaw na buhok.
It's my father, Elias. Dito siya dumadaan dahil may daan dito patungo sa tahanan namin. Pero hindi ako rito dumadaan dahil magtataka ang mga kasama ko kung bakit dito ako patungo tuwing uwian.
"Papa!" Tawag ko naman sa kanya at kumaway ako. Hinawakan ko naman ang mahaba kong buhok na tinatangay pa rin ng malakas na hangin.
"Anak!" Tugon naman ni Papa nang makita niya ako. Nagmadali itong maglakad para makapunta sa kinatatayuan ko. "Bakit ka nandito? Napakaaga pa." Puna niya sa akin.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang mga sasabihin ko. Hindi ko pa nasabi sa kanila dahil akala ko ay hindi iyon mahalaga. Ngunit nang malaman ko na doon kami sa palasyo mananatili ay naging mahirap na iyon.
"Papa, may bagong proyekto na ibinigay sa amin. Pinapahanda kami ngayon at bukas na ang alis namin. Mahigit isang lingo akong mawawala." Saad ko sa kanya.
Kumunot naman kaagad ang noo ni Papa dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na aalis ako at ilang araw na mawawala.
"Bakit biglaan at ngayon mo lang sinabi?" Kunot noong tanong nito sa akin. Kahit di ko itanong ay alam ko na hindi ito nagustohan ni Papa.
Napangiti naman ako ng alanganin sa kanya. "Hindi ko rin kasi inasahan, Papa. Akala ko ay titingnan lang namin ang lugar, ngunit hindi ko alam na mananatili kami doon habang ginagawa ang plano." Sagot ko naman sa kanya. Kung alam ko lang sa simula pa ay sinabi ko na kaagad sana sa kanya.
"Paano ang apo ko? Hindi siya sanay na hindi ka makikita ng ilang araw." Hindi pa rin nabubura ang pagkakagusot ng mga kilay nito.
"Papa, ipapaliwanag ko sa kanya kung bakit kailangan ko itong gawin. Maiintindihan naman niya iyon dahil malawak ang kanyang pang-unawa. He's not a typical child after all." Tugon ko naman sa kanya.
Napaisip naman ito bago nagsalita. "Saan ba kayo tutungo at kailangan doon pa kayo manatili?" Kuryosong tanong niya sa akin.
Napalunok naman ako dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa sasabihin ko. Ayaw ko naman magsinungaling sa kanya dahil wala naman akong dahilan para gawin iyon.
"Sa palasyo." Maikling sagot ko.
Nakita ko kung paano tila nagpalit ang kulay ng kanyang mga mata ngunit sandali lamang iyon. Hindi ako sigurado kung dahil iyon sa gulat.
Biglang nanaig ang katahimikan at wala ni isang nagsalita sa amin dalawa. Mas lalo pang lumakas ang hangin kaya napahawak ako sa aking saya dahil tinatangay na iyon. I know, my father does not like it. His silence says everything.
"Don't go there, Alessia." Malamig at matigas na pagkakasabi nito. "You ran away from that unworthy...shameless immortal. You knew how much he hurt you." His voice is a bit shaking. He's referring to the king like he's nothing.
I was alarmed for a moment. I did not expect that he will take it like this. I know where is this coming from. He was there when I was suffering, when I was hit by the curse, when I gave birth to Aiden. Papa was there and witness everything.
Elias, my father will never forgive the king because he's the reason why we have to send Aiden to the mortal world.
"Papa, alam ko. I ran away from him because I was hurt. But my feelings is no longer the same as before—"
"Nasasabi mo lang yan dahil hindi mo pa siya nakikita. But once you'll see him, those feelings you thought is already gone will rush back like a wild fire. You will be vulnerable to pain once again. You're giving him another chance to break you again. Alessia, you were living far from his shadows for years...bakit babalik ka? He's not a good man for you. He doesn't deserve you." The pain is in his voice, his eyes are bloodshot and his jaws are clenching. Suppressing his anger not to erupt.
I smiled bitterly. "Papa, hindi ko naman sinabi na wala na akong nararamdaman sa kanya. He's Aiden's father and the only man I loved. Imposibleng mawala iyon. Ngunit ang nararamdaman ko sa kanya ay hindi na kagaya ng dati. Yung pagmamahal ko sa kanya ay umabot na sa punto na hindi ko na siya pinapangarap na bumalik o makasama. Ang pagmamahal ko na nararamdaman sa kanya ay yung tipong hindi na masasaktan kahit anong gawin niya. I still love him, but I'm over him. Kung makikita ko man siya ulit, siguro ay magugulat ako, ngunit hindi na iyon paraan na gustong makasama siya ulit. Yung pagmamahal ko...ay kaya ng tanggapin na wala siya at palayain siya." Mapait na saad ko sa kanya.
Totoo iyon. I know it's hard to explain about I still love him, but I am over him. It is similar with you love the person but you already given up and there is no will to carry on. Kaya kahit makita ko siya ay magiging maayos lang ako. Kaya nasasaktan ang isang tao, dahil hindi nito napupunan ang expectation. Yun talaga ang puno't dulo. If you try to love without expectation, madalas ay hindi ka makakaramdam ng sakit. Kasi alam mo sa simula kung ano ang pinasok mo.
"Anak...I still...I don't know what to say to stop you from going there. But I am hoping that you're the same as exactly as now when you come back." Saad ni Papa sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. "Papa, Elijah is no longer my weakness. He can no longer break me this time."
Niyakap naman ako ni Papa. "I'll hold on to your words, Alessia. Please come back safely." Saad niya sa akin at gumanti ako ng yakap sa kanya.
Even though I might break a little, but that's not enough for me to be fully broken. After all, he's no longer my world. He's no longer the center of my emotion. He no longer holds the massive space in my heart.
©️charmaineglorymae
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro