Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kiss 🔸 5

Alessia's POV

PUMASOK kami sa loob ng opisina. I tried not to look at the blonde man sitting across the desk. I trained my eyes towards Apollo who' now sitting rigidly on the visitor's seat.

"Good morning, your excellency." Kurong bati namin tatlo at magkasabay din kami na yumukod.

Hindi sumagot ang punong ministro kaya napakunot noo ako at hindi mapigilan ang sarili na tingnan kung bakit.

I slightly glanced at the prime minister. His face right now is filled with surprise...while looking at me. Hindi naman mahirap isipin kung bakit ganoon ang kanyang reaksyon. Nakilala niya ako at malamang ay alam nito na umalis na ako ng palasyo. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin kong reaksyon, kaya nanatiling blanko ang aking ekspresyon.

Naglihis ito ng tingin na tila napaso iyon at tumayo ito at biglang yumukod sa harap namin tatlo. Biglang napataas naman ang aking kilay habang si Ales at Khleo ay nagulat.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili kung bakit ginawa iyon ng punong ministro. He's a proud man and never bows to anyone, except to the King. Why did he bow?

He cannot...no it's impossible that he bows because of me. There is no reason for him to bow before me. I am not someone that he will respect to that extent. It's more fitting that he will glare at me.

"Y-your excellency?" Apollo was more dumbfounded than us. Everyone in the room, to be exact.

"Ah...my back...my back hurts." Biglang saad naman ng punong ministro na ngayon ay nakakunot noo na. He's still standing but his eyes are pointing to the ground.

"D-do you need a physician, your excellency? Is there something wrong with the chair?" Nataranta si Apollo.

"Don't mind me." Maikling saad naman ng punong ministro.

I became suspicious. I now the seat in this office is as soft as clouds. There is no way he will hurt his back...not unless, he's injured before hand.

"You three, take your seat." Biglang utos naman sa amin ni Apollo.

Para naman kaming robot na nagsi-upuan sa bakanteng silya. The prime minister is frowning and he seated back to his chair after we sat down. He's acting suspiciously.

"Before we start, this is our Prime Minister Montague. He's here for a huge project." Saad naman ni Apollo at ibinalik naman niya ang tingin sa punong ministro. "Your excellency, this is Ales Condor, Alessia Andromeda Condor and Khleo Zalleon. They are the best engineers in the association. I am confident that they are the perfect fit for the huge project." He proudly stated while looking at the prime minister.

Napaisip na ako kung ano ang proyektong ito. Isa bang panibagong palasyo para sa punong ministro? Seryoso pa rin ang mukha ng punong ministro na tila robot na hindi marunong ngumiti.

"I trust your judgement. But I am running of time, please discuss to...t-these p-people about the project they will be working on." Tugon ng punong ministro at tsaka tumayo na ito. "I'll go ahead." Saad nito at biglang yumukod naman ito sa aming tatlo bago umalis.

Lahat kaming mga naiwan ay halos malaglag naman ang panga. The first time he did that, I can still consider that it's because of his back...but now, there is no way he did that because of his back.

What is happening? Hindi ko mapigilang mag-isip. My inner self is saying that it was related to me, but I don't want to assume things. Even though I have suspicion, I don't want to assume.

"Sir Apollo, kinakabahan ako. Bakit yumuyukod sa amin ang punong ministro?" Hindi mapakaling tanong ni Khleo nang wala na sa loob ang punong ministro.

Kaming dalawa naman ni Ales ay ganoon ang iniisip. But my mind keeps dragging to Elijah. Is he paying respect because I was associated with their king before? Is that even possible when he despised me before? I broke their ancient tradition which is polygamy. I can still remember the resentment in his eyes that day.

"Hindi ko din alam, Khleo. But I need you to be careful. Everything is just suspicious." Tugon naman ni Apollo.

"Then why did you accept this project sir? You can refuse this if you find the project suspicious." Hindi ko naman mapigilan na saad. If I have an option to opt out from this project, I will. But it's included in the contract that we will accept all project assigned to us—even though there will be a conflict of interest.

"I don' have courage to refuse the prime minister. You know we can be killed if we refuse them." Hirap na sagot naman ni Apollo. "In regards to that, this project is related to king."

My hands suddenly tightened it's grip when I heard the word king. As much as possible, I don't want to associate with him. Working with your ex is unusual.

"A royal greenhouse will be built inside the Palace grounds. This will be a big greenhouse with it's facilities. There will be another project which is a Colosseum. There will be a total of four engineer who will work on these projects." Paliwanag naman ni Apollo sa amin.

Greenhouse? Colosseum? It makes sense. Walang ganoon sa palasyo kaya natural na magpapatayo sila. I didn't find it suspicious and Apollo was just choosing the best engineers for this project. The only thing who's suspicious is...why did they choose the builder's association, when there is exclusive builder for the Palace?

I tightened my grip once again. Hindi ko mapigilan isipin na nangyayari ito dahil sa akin.

Did he know that I am working here? But he already gave up on me long ago! It's impossible that he's doing this because of me!

"Alam niyo naman na hindi na maganda ang reputasyon ng builders ng Valeria kaya sa atin sila lumapit. We did a great job here in Caracass kaya hindi nakakapagtataka na tayo ang pinili nila. I don't think it's suspicious." Saad naman ni Ales na kanina pa nananahimik.

"It makes sense." Tugon naman ni Apollo.

"I see." Ani Khleo.

Yes. It makes sense. I am just overthinking that this happening is all because of me. It's been three years and he did not do anything. I don't think we will be directly working to the king since there will be advisors and the prime minister who will handle this project.

You will be fine, Alessia. He can no longer break you. Paalala ko naman sa sarili ko. Kumalma naman ang dibdib ko. How can I forgot that the feeling is no longer the same?

"Kailan namin sisimulan ang proyekto?" Tanong ko naman. I calmed down and believe that everything is alright.

"In three days, all of you will go to the palace for a survey. Then you'll be given a week to create the blueprint. Each of you will present it to the royal advisor. They will choose the best design. Ang mapipili ang hahawak sa proyekto." Saad ni Apollo at dahil sa sinabi niya ay bigla akong nakaramdam ng gaan sa aking kalooban.

It only means, if I will give an ordinary blueprint, I will not be chosen. I smiled inwardly. This is easier than I thought. I cannot verbally say that I don't want to do it, but I can just choose not to be chosen.

"You said it would be four of us...who's the fourth?" Tanong naman ni Khleo.

I really don't care who's the fourth person. What I care right now is to make sure, my design will not be chosen.

"You'll meet the fourth person on the third day. For now, just make sure to do your best in this project." Tugon naman ni Apollo sa amin.

Napatangu-tango naman kaming lahat. Hindi na rin kami nagtagal doon sa loob at lumabas na kami para ipagpatuloy ang trabaho. Babalik pa ako ngayon araw sa ospital para ihatid at ipaliwanag ang mga pagbabago sa blueprint.

Pansamantalang inalis ko muna sa aking isipan ang tungkol sa pagpunta namin sa palasyo, tatlong araw mula ngayon. Sana maging maayos lang ang lahat.

•••

"TOPAZIO, ihatid mo ulit ako sa ospital." Saad ko kay Topazio na ngayon ay nakaupo sa lounge area. Nagbabasa ito ng diyaryo habang umiinom ng kape. Agad naman itong tumigil sa ginagawa at tumayo na.

"Madalas ang nagiging paglabas mo, Binibini." Puna naman niya habang naglalakad palabas ng gusali.

Dati ay hindi ako gaanong lumalabas o pumupunta sa site dahil si Ales na ang gumagawa nun. Ang ginagawa ko lang ay gumawa ng bagong disenyo at si Ales na ang nagsasite visit. Pero noon yun hindi pa kami abala. Ngunit ngayon ay hindi ko maaaring gawin iyon dahil abala na rin si Ales. Kaya wala akong mapagpipiliian kundi ang pumunta.

"Kailangan kasi Topazio." Naging sagot ko na lamang sa kanya.

Naglakad na ako palabas at sumakay ako sa karwahe. Agad naman na pinatakbo iyon ni Topazio. Ibinaling ko ang aking tingin sa labas ng bintana kung saan ay marami kaming nadadaanan na mga merchant.

Biglang napakunot ang aking noo dahil biglang meron akong nahagip na isang pamilyar na bulto na nakatayo ngayon sa isang apple stand.

A man wearing black hooded robe. The same build and height. I can assure that this is the same man I saw in the forest. The sword is on his back...the same sword he used that day.

My face is almost sticking out of the window. I was anticipating who's the man who killed the demon and left like nothing happened.

He dramatically turned and the first thing I notice on his face is the scar on his left eye. His face is not familiar at all. He's now holding a pack of apples. I stared at him and suddenly our eyes met.

Biglang kinilabutan ako dahil sa talim ng kanyang tingin. I unconsciously hid and I felt my hands trembled a little. His sharp eyes is intimidating. A typical hunter that makes everyone intimidated and fear them.

I guess it's necessary for the hunters to look dangerous, since they hunt demons. He looks like he killed a lot already. Just his mere look sends me fear. It was like you'll be frozen if you linger more than it should be.

Napasandal ako sa upuan. I don't want to meet that man in the future. He's dangerous and cold blooded without any words.

I calmed myself down and the carriage continued to roll going to the site. Hindi na ako nagtangka pang tumingin sa labas ng bintana dahil nawalan na ako ng gana. I'm afraid that I will see something that will completely ruin my day.

Hindi naman nagtagal at dumating na kami sa site. Agad na pumasok ako at ibinigay ang blueprint at pinaliwanag ko sa kanila ang mga pagbabago. Hindi naman sila nahirapan na intindihin iyon dahil malinaw naman ang pagkakapaliwanag ko.

Pagkatapos doon ay sumakay na ulit ako sa karwahe at umalis sa site. Kailangan kong bumalik sa opisina para tapusin ang mga pending ko lalo na at may parating na mas malaking proyekto. Ngunit wala naman akong balak na gawin iyon. But just in case, I don't want any pending works remaining. Because sometimes, the more we expect, the least it will happen.

Nakabalik na rin ako sa opisina at ginawa ang mga trabaho na dapat kong tapusin. Ngunit kahit anong pilit ko ay hindi ko iyon natapos lahat. I will need another day to finish it. Kaya natapos ang araw na kaunti na lang ang natitira. Hindi na nagdagdag si Apollo dahil alam niyang may proyekto kami na gagawin sa susunod na mga araw.

Hindi na ako nagtagal pa sa opisina at umuwi na ako. Naglakad lang ako mula sa opisina ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay biglang may nag-away naman sa gitna ng kalsada.

Liliko na sana ako dahil ayokong maki-usyoso sa kung ano man ang pinag-aawayan nila. Ngunit biglang dumami naman ang mga imortal na nadoon at inanod ako at napasama sa mga imortal na nang-iisyuso sa nag-aaway!

"Anong hindi mo sinasadya?! Kay laki-laki ng daan tapos dito ka talaga dumaan kung saan may nagtitinda? Tapos ngayon nasagi mo ang mga paninda ko, sasabihin mo na ako yung humaharang sa daan?!" Galit na sigaw ng isang mamang nagtitinda sa isa din lalaki na desente ang kasuotan.

Err, I just want to get out of this place. Saad ng utak ko dahil hindi ako interesado makinig sa kanilang palitan ng malulutong na mura.

"Bakit? Hindi ba totoo? Daanan yan tapos diyan mo ilalagay ang mga paninda mo?" Galit din na tugon ng desenteng lalaki.

"Pwede po bang dumaan?" Tanong ko naman sa mga imortal na nasa likuran ko. Hindi ako makalabas dahil sa siksikan. Halos magkapalit na kami ng mga mukha dito sa sobrang sikip.

"Miss, pwede huwag kang magulo? Nakikinig kami sa usapan dito." Inis na tugon naman sa akin ng isang ale at inirapan pa ako.

Kasalanan ko pa? Di makapaniwalang tanong ko sa aking isipan. Naiintindihan ko naman na marami talaga ang mga nilalang na gustong makinig sa mga nag-aaway, na kung ano ang puno't-dulo. Ngunit wala naman akong interes doon at ako pa ngayon ang iniiripan.

Tinangka kung pumilit na makalabas ngunit hindi ko magawa. Nakaramdam ako ng kaunting irita dahil sa nangyayari. Ngunit hindi ko naman din masisi sila dahil kung hindi lang din ako naging pabaya ay hindi ako masasama sa kumpulan na ito.

"Parang ngayon ka lang ipinanganak sa Caracass ah. Kaya malaki ang espasyo ng daan ay para din iyon sa mga street vendor. Isa sa mga batas doon ang pagtitinda dito. Nagbabayad kami ng buwis para sa pwesto namin kaya hindi mo pwedeng sabihin na hahara-hara kami sa daan dahil nasa saktong posisyon kami. Ikaw itong hindi tumitingin sa dinadaanan!" Galit na sagot naman ng mamang nagtitinda.

"Oo nga! Noon isang araw meron din siyang nabangga, wala man lang magawa yung ale dahil natakot sa kanya." Saad naman ng isang nagtitinda.

"Kasinungalingan!" Galit na bulyaw ng desenteng lalaki.

Unti-unti naman lumalala ang inis ko dahil naaamoy ko ang mga pawisan na mga imortal. Magkahalong amoy ng pawis at araw. May ibang nangangamoy ang kili-kili na siyang halos ikapundi ng pasensya ko. Kanina pa ako nagtitiis ngunit mapang-asar talaga ang amoy ng kili-kili ng kung sino man.

"Illegal yan ginagawa niyo!" Sigaw ulit ng desenteng lalaki.

"Anong illegal? Gusto mo pang umiwas sa responsibilidad mo? Bayaran mo lahat ng nasira mo!" Angil ng tindero.

"Ang kapal ng mukha mong mandurugas ka!" Sigaw din ng desenteng lalaki. "Peperahan mo pa ako, bulok naman yan mga paninda mo!"

Nagpalitan sila ng maaanghang na salita habang ako naman ay nagtitiis sa mga amoy. Kaya nang halos maubos na ang pasensya ko ay nagsalita na ako.

"Manong, may permit ba kayo sa pagtitinda dito?" Halos nakasimangot na tanong ko ngunit pinipigilan ko iyon. Nang-aasar yung amoy ng kili-kili, mas lalo pang lumala. Yung iba naman, ang lakas ng loob magtaas ng braso na parang walang amoy.

"Huwag kang makialam dito!" Sigaw naman sa akin ng desenteng lalaki.

Tinaliman ko naman ito ng tingin. Kung wala ako sa posisyon ko ngayon ay hindi ko sila papakialamanan.

"Meron ako binibini, ito ang permiso ko sa pagtitinda dito. Kaming lahat ay meron." Sagot naman sa akin ng nagtitinda at ipinakita ang isang papel na galing sa chancellor. Patunay iyon na pwede silang magbenta dito.

"Kung ganoon, kailangan mong bayaraan ang mga paninda na nasira mo. Nasa tamang posisyon sila at lugar sa pagtitinda. Kung hindi mo babayaran ang mga nasira mo, makukulong ka." Seryosong saad ko sa desenteng lalaki. I just want to get out of this place.

His face flooded with rage when I said that. Tama naman yung tindero. Akala lang talaga ng iba ay madadaan nila sa sigaw-sigaw ang lahat. Ang batas ay batas.

"Sino ka sa palagay—"

"Anong kagulohan to?" Biglang nagsidatingan naman ang mga sentinel na hindi ko napansin kung kailan pa dumating.

Biglang naalarma naman ako at ang kanina na hindi ko kayang lumabas sa siksikan ay nagawa ko na. Ni hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon ay may iba pa na napangiwi dahil pwersahan kong ginawa iyon.

When I saw them, it automatically made me want to avoid them even though there was no need. Kaya kahit ganoon man, mabilis na akong umalis sa lugar na iyon.

©️charmaineglorymae

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro