
Kiss 🔸 4
Alessia's POV
MAY narinig akong nagtatalo sa loob ng opisina pagkapasok ko pa lang sa departamento. Kakarating ko lamang sa opisina at abala na kaagad ang lahat sa kanilang mga gawain. Dala-dala ko naman ang ni-revise ko kagabi na floor plan.
Nagtataka akong umupo sa aking upuan kaharap ang desk. Napatingin naman ako kay Ales tsaka binigyan niya ako ng makahulugang tingin. They look like they are sitting in a chair with blades.
"You can't do this! This is my first design and I don't want a random stranger ruining my work!" Dinig kong sigaw ng isang babae mula sa opisina ng Master Engineer. Her voice was laced with anguish and obviously, she's not happy about it.
Dumako ang tingin ko doon. Sarado ang pintuan ng opisina kaya hindi ko makita kung sino ang nagsasalita. Hindi pamilyar sa akin ang boses nito. Hindi ko din naman nakakasalamuha ang lahat ng mga engineer kaya natural na hindi ko kilala ang lahat. May ibang mga engineer na hindi pumapasok at nasa bahay lang.
"This is not about your first time, Nicola. We cannot proceed with your design who has a lot of loopholes. I did make an exception and passed it but we received a lot of complaints and wasted the budget. Just serve this as your learning, Nicola. If you want your design to be followed, then make one that deserves to be built." Sagot ng master engineer namin na si Apollo. His voice is firm, like a steel unable to bend.
"No! I will not accept this, Apollo!" Galit na sigaw ng babaeng tinawag na Nicola.
"Wether you accept it or not, it doesn't change everything. Please leave the office, work on your project instead of crying over a spilled milk." Taboy ni Apollo rito.
Tahimik kami sa aming mga pwesto. Biglang bumukas naman ang pintuan at inuluwa doon ang isang magandang babae na may balingkinitan na katawan. Mahaba at maitim ang buhok nito ngunit halos hindi mailarawan ang galit at pagkabigo sa mukha nito. Her eyes are bloodshot red, like she's about to cry but holding it back.
She's slightly flushed from anger. She eyed everyone in the room but it was just a swift moment and she stormed out from the office without any word.
Lahat kami ay nakatingin sa pintuan na nilabasan nito. Natauhan naman ako bigla dahil pinagtuonan ko ng pansin ang nilalang na hindi naman dapat. Mas maraming importanteng bagay akong gagawin kaysa tingnan o makinig sa ano man kontrobersyal.
"Iba talaga kapag anak ka ng Chancellor, nagagawa mo ang gusto mo. Sisigaw sigawan mo lang naman ang master engineer...hanep." Saad naman ng isang kasama kong lalaki.
It is indeed very rude for the lady, especially when society doesn't look equally with both genders. For them, men are superiors while women are design to obey. It's indeed true, technically...but women have minds and feelings. Women can decide to their fate. It should not be restricted with these male chauvinism community.
"Dagdag problema kamo." Singit naman ni Ales at napa-iling-iling ito bago tumingin sa akin. "Siya ang gumawa ng blueprint na inaayos mo." Turan niya sa akin. I am not offended, because wether I like it or not, there are few who deserves to be look down upon.
Napamaang naman ako at napatingin ako sa blueprint na tapos ko ng baguhin. Hindi ako makapaniwala noon na nakapasa iyon sa standard ngunit base sa narinig ko ay naintindihan ko na.
She used her connection. But she's the daughter of the Chancellor? Does it mean, she's the daughter of that man who was insisting to put the statue in the hospital's premise?
Now I can see the confidence why he insisted. It was his daughter who designed it and he taught, everything will go in their way. But sadly, it did not go as they planned. The design has a lot of flaws.m that needs to be fixed.
"Sana hindi na ito maulit, masyadong mahirap magrevise ng floor plan." Saad ko naman lalo na at naitayo na ang ospital. Mas mahirap iyon gawin dahil mas malaki ang magiging gastos.
"Sana nga. Masisira ang imahe natin dahil sa kanya." Singit naman ni Khleo.
"Huwag na kayong umasa na hindi ito mauulit. Parang hindi niyo naman kilala ang kalibre ng babaeng iyon. Kung may gusto yun, nakukuha niya lahat." Saad naman ni Valencio, isang junior engineer. Taga Caracass ito kaya mas kilala nito ang mga mamamayan dito sa Caracass.
"Maaaring tama ka, Valencio. Ngunit may mali din. Ang pangyayari ngayon ay patunay na hindi lahat ay nakukuha niya." Singit ko naman.
"May punto ka." Ngising saad naman ni Ales. "Ngunit mag-iingat ka, Alessia. Malalaman ni Nicola na ikaw ang gumawa ng pagbabago sa kanyang blueprint at sigurado akong ikaw ang pupuntiryahin nun." Saad nito na tila may masamang ala-alang bumaha sa utak nito.
Tumaas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Binigay niyo na sa akin ang proyektong ito dahil si Nicola ang gumawa nito?" Hinalang tanong ko sa kanya. Kahit sabihin na natin na dahil sa may karanasan ako sa panggagamot, ngunit hindi iyon sapat na dahilan para sa akin nila ibigay ang trabahong ito.
It's possible that they don't want to mess with Nicola so they gave me this project.
Biglang naging awkward naman ang naging reaksyon ni Ales. "H-hindi naman. Ngunit kasali na din iyon. Alam mo, kung sakaling aawayin ka man niya, pwede mo siyang labanan. Pero kung kami, lalabanan siya, baka sa kulungan ang bagsak namin." Napakamot na tugon sa akin ni Ales.
"Kung lalabanan ko ba siya, sigurado kayo na hindi ako makukulong?" Nakataas kilay na tanong ko sa kanya. Prison doesn't choose genders.
"Women fight is not illegal. But a man fighting a woman is illegal." Paala-ala naman niya sa akin.
Naalala ko na batas ito sa Caracass. Hindi maaaring saktan ng lalaki ang mga babae. Hindi pwedeng pagbubatan ng kamay. Ngunit kahit ganoon, meron pa rin nakakalabag sa batas dahil na rin sa kasalanan ng mga babae.
Because of this law, many women is abusing their privilege. They will go to the extent of triggering the men. Nagtitimpe ang mga lalaki, ngunit nauubos din ang pasensya nila. When a man snapped, it will be over for them,
"Then, they should create a law for women who abuse their rights. They are too blinded by this special treatment and thinks highly of themselves to the point of abusing their rights." I snorted. I love women empowerment, but a lot of the women are hypocrite at the same time.
"Parang hindi ka naman babae kung makapagsalita ka. You're throwing a shade to your co-gender." Khleo snickered. He was playing with his charcoaled pencil and it makes his fingers dirty.
"Women empowerment means equality to the men. But at the same time, they still want lady's first, being prioritized when riding a vehicle and so on. That's not equality." Sagot ko sa kanya dahil iyon ang totoo.
Naalala ko bigla ang isang kaklase ko na suportado ang gender equality. Sumasama pa sa rally at seminar. Ngunit noon sumakay ito ng bus na puno at nagstanding siya. Nagpost siya sa facebook ng video at sinabing walang modo ang lalaki kasi di siya pina-upo kahit na babae siya.
Parang kinain niya ang kanyang isinuka. If she's looking for equality, then why ranting about not being offered a seat? She's not looking for equality, but a special treatment.
"To be honest, women are already treated nicely. A man's job is to work for the woman and a woman's job is to obey the man. But there are just good for nothing men that gives reason for the women to live independently and do things on their own." Saad naman ni Ales sa akin. He has a point, somehow.
"You like a woman who's dependent towards you?" I confirmed. I don't judge him. If he's a good man, then there is nothing wrong with it.
"To be honest, I want the woman I love to be dependent on me. I would like to shower her my love and things that she need and want. I want her to be unable to leave me behind...I want her to only need me." He answered. His answer is kind of, obsessive and possessive but it is better than a man who doesn't care at all.
"I don't disagree with that kind of view. As long as you love the woman, the woman will not mind being dependent to you. Women were born dependent since immemorial times anyway." Tugon ko naman sa kanya.
"Bakit ba ito ang pinag-uusapan natin? Pwede bang patulong ako dito sa plates? Hindi ako makapagdesisyon sa laki. I need your opinion." Biglang saad naman ni Khleo at may hawak itong drafting paper.
Natawa na lang kami ni Ales at tinulungan naman ito ng huli dahil sa magkalapit lang sila ng lamesa. Ginawa ko din ang mga dapat gawin ko sa opisina.
"May bibisita sa atin ngayon!" Biglang sigaw naman ni Civel, isa sa kasamahan ko na engineer.
"Civel, huwag kang sumigaw." Puna naman ni Apollo na lumabas sa opisina nito.
Naririnig nito ang ingay sa labas kaya sigurado akong narinig din nito ang sigaw ni Civel.
"Sir, ano kasi...taga palasyo daw." Napapakamot sa batok na tugon ni Civel.
Biglang tumalim naman ang aking tingin nang narinig ko iyon. Agad na napaisip ako kung ano ang dahilan ng pagpunta ng tagapalasyo dito sa builder's association.
They are not here for you. Turan naman ng isipan ko. Parang nakalimutan ko naman na sinukuan na ako ni Elijah. We had a bad ending and I don't think this is related to me.
"Bakit, ano daw ang sadya nila?" Nagtatakang tanong ni Apollo kay Civel. Nagtataka din ito dahil biglaan ang pagpunta ng taga palasyo.
Sa pormal na transaksyon, may abiso dapat ito ilang araw bago magkita para mapaghandaan ang lahat. Hindi maaaring biglaan ang gagawin nilang pagbisita sa isang establisyemento. Ngunit anong magagawa ng asosasyon? Hindi naman namin pwedeng tanggihan ang taga palasyo.
"Kayo daw sir ang kakausapin tungkol sa sadya nila. Ngunit sinabi nila na may ipapatayo na bagong gusali." Hindi siguradong tugon ni Civel.
Napaisip naman si Apollo kung anong klaseng gusali ang ipapatayo ng Palasyo.
"Sige, papasukin mo ang panauhin." Tugon naman ni Apollo kay Civel.
Agad na naglakad si Apollo at Civel patungo sa labas para tanggapin ang panauhin. Hindi ko naman mapigilan na kabahan dahil kahit papaano ay may nakaraan akong konektado sa palasyo.
Ngunit ayoko ng isipin pa kung sino man ang panauhin dahil wala na itong kinalaman sa akin pa. Kaya naman ay ibinuhos ko na ang aking atensyon sa pagpaplano.
Naging aligaga naman ang mga kasamahan ko lalo na sa kaalaman na taga palasyo ang panauhin. Lahat ay gustong malaman kung sino ang panauhin. Kaya naman ay nagkanda haba ang kanilang mga leeg habang nakatanaw sa pasukan.
Nakayuko lang ako at walang balak na tumingin sa pasukan. Naulingan ko na lang ang mga pigil na boses kaya alam ko na nakapasok na ang panauhin.
"Your excellency, here is my office." Dinig ko na saad ni Apollo. "Civel, please serve a tea and snacks." Utos nito.
Kahit ayokong tumingin ay kusang nag-angat ako ng tingin. Dahil na rin sa kuryosidad. Agad na tumambad sa aking paningin ang malaking bulto nito. Matangkad at ang mahaba nitong buhok.
Ngunit mapusyaw iyon. Agad ko itong namukhaan. Grecor Alistair Montague. Ang punong ministro ng Valeria. Halos mapaangat ang kilay ko dahil hindi ko inasahan na siya ang darating. I am expecting an envoy, but not the prime minister.
He still has this aristocratic expression. His scrutinizing eyes still sent shivers on my spine. Kahit hindi ito nakatingin sa akin ay nararamdaman ko pa rin iyon. Hindi ko alam kung kilala pa ba niya ako o naaalala pa niya.
But I am insignificant character to them, so I won't be surprise if he will not recognize me at all.
Tahimik na pumasok sila sa opisina ni Apollo. May mga sentinels din na nakasunod at nagpaiwan sa labas ng opisina para magbantay.
"Bakit ang punong ministro mismo ang pumunta dito?" Dinig kong tanong ng mga kasamahan ko.
Hindi nakakapagtataka na ganoon ang reaksyon nila dahil kahit ako ay ganoon din. Usually, they will summon Apollo to talk about construction, not them coming here personally.
"Yan din ang tanong ko." Sagot naman ng isa na hindi ko na pinagka-abalahan tingnan kung sino iyon.
"Alessia, hindi ka man lang ba nagulat na nandito ang punong ministro?" Untag naman sa akin ni Khleo.
Napalingon naman ako sa kanya. His eyes is scrutinizing me.
"Nagulat din ako, ngunit masyado akong maraming gagawin para igugol ang oras ko sa pagkagulat." Sagot ko naman sa kanya. Totoo naman iyon at hindi kasinungalingan. But part of me was saying that I just don't want to gather any attention. I am good with being invisible.
"Khleo, kahit gumuho pa ang palasyo, hindi mo makikitaan ng pagkagulat si Alessia." Singit naman ni Ales.
Tinaasan ko naman ng kilay ito. Masyado naman itong eksaherado. Hindi naman ako taong bato para hindi magulat.
"Ales, that's treason." Napapailing na saad ko. A world that may harm the royalty is considered as treason.
"Halimbawa lang yun...hindi ko naman hiniling na magkatototoo. Ngunit sa palagay mo, may malaking proyekto na naman ba na ipapagawa sa atin?" Tanong niya sa akin.
Nagkibit-balikat naman ako dahil wala akong ideya sa kung ano man ang plano nila. I am sure that something will be built...but I am not sure what is it.
"Magtrabaho na lang kayo." Turan ko naman at ibinalik ko na ang tingin ko sa akin desk.
Nagpatuloy ako sa pagsusuri ng mga blueprints at hindi ko na namalayan ang oras. Studying the blueprint seems like eating my time away.
"Mr. Condor, Mr. Zalleon and Miss Condor...pinapatawag kayo ni Apollo." Saad ni Civel na naging dahilan para magtaas ako ng tingin.
Napakunot ako at biglang may ideya na pumasok sa utak ko. Hindi naman mahirap hulaan ang mga nangyayari. Malaki ang posibilidad na isa ako sa mga inirekomenda na engineer sa punong ministro. Bahagyang nanlamig ang aking mga kamay, ngunit hindi naman iyon matindi.
"Bakit daw?" Tanong naman ni Khleo at tumayo na. He is Khleo Zalleon.
"Pumasok na lang tayo para masagot yan tanong mo." Sita naman ni Ales kay Khleo na tumayo na rin.
Hindi nakakagulat na kaming tatlo ang pinatawag. Ramdam ko naman ang inggit na mga tingin mula sa mga kasamahan ko. They've been working as an engineer for long, while I just joined the team a year ago. There are those ill minded people who will always thinks negatively.
Bumuntong hininga naman ako. Walang dahilan para matakot ako. Yes, he's the prime minister but we are not related. We never had good relationship as far as I remember and there are only a couple of times I've seen him. Even if he will recognize me, he will not do anything.
Kaya sumunod na ako kina Ales. Tahimik akong naglalakad patungo sa harap ng pintuan ng opisina ni Apollo. My nerves are calm and my face is now void with any emotion.
©️charmaineglorymae
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro