Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Nandito na ako sa tapat ng pinto ng bahay namin ngayon pero parang ewan 'yung nararamdaman ko.

Sa halip na excited ako parang kinakabahan ako. Argh! Whatever.

Binuksan ko nang dahan-dahan ang pinto dahil parang maingay sa loob.

Holy shit.

"Irene?!" sabay-sabay na sigaw ng Vanguards.

Bakit sila nandito? Nandito silang lahat maliban kay—

"Tara na guys! Nandoon na sina Tita Therese."

Oh-uh? Nandito rin pala siya. Tatlong taon na ang nakalipas pero lalo lang siyang gumwapo I mean nagmukhang gago.

"Irene?"

Tsk. Napansin niya pala ako rito. Dapat hindi na lang eh.

"Kuya, bakit may mga bisita ka?" tanong ko habang unti-unting lumalapit sa kanila.

"Bakit napauwi ka bigla? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong niya.

Bakit hindi na lang niya sagutin 'yong tanong ko?

"Why not? This is my house. I can go home whenever I want." napangiwi naman siya sa sagot ko.

May tinatago ba sila?

"Ivan!" napatingin ako sa babaeng sumigaw mula sa taas ng bahay.

"Eurika?!" sabay naming sigaw ni Fress.

Nagpaganda pa kanina sa kotse 'yang si Fress kaya ngayon lang nakarating dito sa loob ng bahay. Kaartehan ng bestfriend ko sagad hanggang bone marrow.

"I-Irene?" tawag sa akin ng babaeng hindi ko kailanman ginusto makita.

"Why are you here?" taas kilay kong tanong sa kanya.

Bwiset. Bakit nandito siya sa bahay? Don't tell me...

"Irene?"

"Daddy!"

Tumakbo ako palapit kay dad at niyakap siya ng mahigpit.

"I missed you, my princess." bulong sa akin ni dad.

I missed my dad so much.

"I missed you too, dad. A-Ah dad, bakit nandito siya?" tanong ko habang nakaturo kay Eurika.

"She is living here." walang emosyon na sagot ni dad sa akin.

"What?"

"I will explain it to you later." pagkasabi niya no'n nawala na lang siya bigla sa harap ko.

Iniiwasan ba nila ako?

"You!" sigaw ko kay Eurika. "How dare you to call Sain, Ivan huh?" mataray na tanong ko sa kanya.

"Pake mo? I'm the princess in this house now!" mataray na sabi nito sa akin.

"You're the princess? Well, in this house I'm the queen." nakangising sabi ko sa kanya.

"Aish. Whatever!" Siya pa ang may lakas ng loob na magwalk-out. Sampalin ko siya eh.

"Irene and Fress, tara na sa garden para makakain na tayo." pag-aaya sa amin ni kuya at inakbayan ako.

"Oo nga gutom na rin ako eh! By the way IC, I missed you." nagtatatalon na sabi ng forever joyful na si Hance habang lumalapit sa akin.

"Namiss rin kita, Hance." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Irene, how's U.S?" tanong ni Gavin sa akin.

"Ganoon pa rin." simple kong sagot na nagpatawa sa kanya.

"Irene,"

"Tyler, nakakainis ka! Kanina ka pa nakatingin sa akin pero hindi mo ako kinakausap. Hindi mo ba ako namiss?" tanong ko habang nagpapapadyak na lumalapit sa kanya.

"Silly. I missed you! I missed you so much." nakayap na sabi niya sa akin.

"Ehem," rinig kong pag-ubo ni Kaizer.

"Mamaya na ang lambingan." natatawang sabi ni Kuya Dexter.

"Oo nga naman! Kumain muna tayo gutom na ako eh. Tsaka, Tyler, manligaw ka muna." maangas na sabi ni Gavin sa kanya.

"Tsk. Oo na! Dami niyong daldal!" sigaw ni Tyler sa kanila tapos bigla na lang niyang hinawakan 'yong kamay ko.

**

Someone's POV

I missed you, Irene. Now that you're here I will never let you go again. Sorry to say but I'm still inlove with you.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro