Chapter 8
Irene's POV
Three years had been passed.
At ito ako ngayon nagbabalik para harapin ang mga naiwan kong problema. Hindi ko rin inakalang tatlong taon na pala agad ang lumipas matapos ang lahat.
Kamusta na ang relationshit status ko?
Walang kwenta dahil tumagal lang naman kami ng tatlong buwan.
Bakit? Kasi ginamit lang niya ako para hindi matuloy 'yong arrange marriage na nag-aabang sa kanya sa future.
Sinong nagsabi sa akin? Narinig ko noong nag-uusap sila ni Eurika. Wala kaming closure dahil basta na lang ako pumunta sa States.
Para saan pa ang closure eh alam ko na naman ang totoo.
At ng dahil kay Eurika ay lumayo ang loob ko kay mommy kasi nang dahil sa babaeng 'yon nawalan ng oras sa amin si mom. Noong umalis nga ako parang wala lang sa kanya eh.
Oh well, wala na nga pala akong ina.
NANDITO na ako sa NAIA ngayon at may isa talagang hindi nagbago sa pagbalik ko.
Ang pagiging mainit sa Pilipinas.
I'm going to surprise dad and kuya. Si Fress lang ang nakakaalam na bumalik na ako at siya rin ang susundo sa akin dito.
"Irene!" sigaw ng isang babaeng nakapink dress na papalapit sa akin.
"Fress? I miss you." masayang sabi ko sa kanya habang yakap siya ng mahigpit.
"Namiss din kita! Lalo kang gumanda. Kainis!" tumatawang sabi nito sa akin.
"Thank you!" ngiting-ngiti kong sabi ko sa kanya.
"Tara na?"
"Tara!"
Tinulungan niya akong itulak 'yong cart na dala ko palabas ng airport kung saan nakalagay 'yong mga maleta ko.
"Ang dami mong dalang gamit!" reklamo niya sa akin habang inilalagay sa compartment ng kotse niya 'yong mga dala ko.
"Syempre!" maarteng sabi ko sa kanya sabay irap.
"Bakit biglaan nga pala ang pagbalik mo? Miss mo na si Kaizer 'no?" nang-aasar na tanong niya sa akin pagkasakay namin sa loob ng kotse niya.
"Spell asa?" tanong ko sa kanya. Kanyang kotse 'tong ginamit niya sa pagsundo sa akin.
Ano pa bang aasahan niyo? Rich kid eh!
"Eh bakit nga?" tanong niya sa akin habang nakatutok ang atensyon sa daan.
"Bored?" nakangising sagot ko sa kanya.
"What?!"
"Joke! Namiss ko na kasi kayo eh." nakangiting sagot ko sa kanya.
"Kayo? It means kasama nga si Kaizer?" nang-aasar na tanong niya ulit.
"Gaga. Of course not. Like duh!" sabi ko sabay irap. Sasaktan ko na talaga 'to kung hindi lang siya nagda-drive.
"Change topic na nga. Kamusta na si Eurika? Still close with Mrs.Fortaleza?" tanong ko habang pinagmamasda ang mga nadadaanan namin.
"She's your mom." seryosong sabi nito sa akin. She still cannot believe na ganito na ang turingan namin ni mommy ngayon.
"Before."
"You're so mean!" sigaw niya sa akin kaya napangisi na lamang ako.
They made me like this. They are the reason why I am like this now so, let them face the consequences.
"Yah! Kaya nga bestfriend mo ako eh. So, kwento na!" natatawang sabi ko sa kanya.
"They are still close. More than close. And to think that your dad wants to have an annulment with your mom but that was a year ago no'ng nabalitaan ko 'yong tungkol sa annulment na 'yon." mahabang paliwanag niya.
Bakit hindi ko nabalitaan ang tungkol sa annulment na 'yon? Gosh.
"Really? That's good. So, may chance na hiwalay na sila ngayon?" masayang tanong ko sa kanya. I felt so excited tuloy bigla.
"What? Are you happy? Soon, you will have a broken family!" hindi makapaniwalang sabi niya.
"My family is already broken." walang gana kong sagot sa kanya.
"You really hate your mom huh?" naiiling na tanong niya sa akin.
"You know what pinaimbestigahan ko si Eurika habang nasa States ako." sabi ko out of the blue at biglang napangisi.
"Really? So, anong nasagap mo?"
"She's my half sister." matabang na sabi ko.
"Are you going to kill me, Francess Paula?!" galit na sigaw ko sa kanya. Bigla ba namang pumreno sa gitna ng daan buti na lang walang masyadong mga sasakyan.
"Are you damn serious a while ago?!" sigaw din niya sa akin pabalik.
"Do I look joking?" matabang na tanong ko sa kanya.
Sana nga isang malaking biro na lang ang lahat eh.
"Why? I mean, how come that she is your sister?" naguguluhang tanong niya.
My gosh, sobrang dami namang tanong ni Fress.
"Half sister." paglilinaw ko sa kanya.
"Whatever!" sabi niya sabay irap.
"She is my mom's daughter on her ex. They are so gross! And my dad? Hindi siya nakipaghiwalay kay mom!" inis na inis na sabi ko habang nagkukwento.
Hindi ko alam kung bakit hindi siya nakipaghiwalay kay mommy noon. Kung ako man 'yon ay baka pinakulong ko na sila.
That's against the law.
"So, kasal na si Tito Jasper at Tita Therese nang nabuo si Eurika?" nanlalaking matang tanong sa akin ni Eurika.
"Exactly! Nakakadiri nga siya eh! May asawa na siya nakipag you know pa siya sa ex niya!" nandidiring sabi ko.
Bitch na ba ako dahil pati sarili kong nanay ay pinandidirihan ko? Sorry pero kasalanan din naman niya 'yon.
"Irene, she's still your mom!" naiinis na sumbat niya sa akin.
"I know and I hate it! Alam mo bang nalaman ko ding nagpakasal lang sila because of an arrange marriage." walang emosyong kwento ko sa kanya. Kaya siguro ganoon din ang kahahantungan ko.
Arrange marriage my ass!
"Eh si Kuya Sain ba? Totoo mong kapatid?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Of course! Kahit puro gilagid 'yon alam kong kadugo ko 'yon." natatawang sabi ko sa kanya.
I missed my kuya so much!
"My god, Irene! Hindi ko carry 'yong mga revelations mo! So, alam ba ng dad mo 'yun?" sabi niya habang nakahawak 'yong isang kamay sa noo niya.
Ako rin naman eh no'ng nalaman ko 'yon hindi ko na alam kung ano ba ang totoo o hindi. Feeling ko lahat ng nasa paligid ko puro kasinungalingan.
"Yes, kaya pala no'ng napag-usapan namin dati si Eurika three years ago ay hindi na gaanong nagpansinan sina dad at mom kaya hindi na ako magtataka d'yan sa annulment nila." sabi ko sa kanya habang nakatingin sa labas ng kotse.
"Basta if you need a shoulder to cry on I'm just here..." seryosong sabi niya sa akin.
"Thanks but no thanks. If I'm the old Irene maybe I can't bare with my situation right now but I'm not the old Irene anymore."
"You really change a lot. But I love the new Irene!" ngiting-ngiting sabi niya.
This is my time. I will show them the new version of Irene. I will never cry for some stupid reasons I cry before especially because of him.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro