Chapter 6
Kaizer's POV
Pagkatapos mahimatay ni Irene ay binuhat siya agad ni Tyler at dali-daling tumakbo sa clinic.
Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng inis ako dahil sa ginawa ni Tyler.
Alam kong naguguluhan kayo sa mga sinabi kanina ni Tyler but it's true. This is all part of my plan pero wala sa plano akong idamay doon si Irene.
I'm involve in an arrange marriage and I don't want to marry a girl just because of that stupid business.
Gusto ko iyong papakasalan ko ay 'yong mahal ko at 'yong mahal rin niya ako.
Alam kong masasaktan dito si Irene but I need to do this. Sound selfish? Well, I'm definitely that one.
Si Tyler lang ang nakakaalam ng tungkol sa arrange marriage na 'yon kaya ganon siya mag-react or siguro dahil mahal niya si Irene?
Sorry to say, but ako ang mahal ni Irene.
**
Tyler's POV
Damn it!
Bakit kailangan pa niyang gamitin si Irene sa katangahan niya?! Hindi na ba talaga siya nag-iisip?! Paano ko siya mapipigilan sa balak niya?
I will never let him hurt Irene.
**
Irene's POV
"N-Nurse." tawag ko doon sa nurse.
"Oh, gising ka na pala! May kailangan ka ba?" tanong sa akin no'ng nurse habang inaalalayan akong umupo.
"Sino pong nagdala sa akin dito?" tanong ko habang inaayos ang upo.
"Ah. Si Tyler! Bakit?" Si Tyler? Akala ko ba kami na ni Kaiz— Ah! Baka jinojoke niya lang ako.
"Wala po. Nurse, pwede na ba akong umalis?" tanong ko habang inaayos ang nagusot kong uniform.
"Sige. Basta inumin mo 'yong gamot na ipinadala ko sa kuya mo ha?" pagpapaalala nito at tumango na lang ako.
Paglabas ko ng clinic ay hapon na. Ganoon ba ako katagal nakatulog?
Nakita ko naman si kuya malapit sa clinic. Dala na rin niya 'yong mga gamit ko kaso parang ang lalim nang iniisip niya.
"Kuya," tawag ko kay kuya ng makalapit ako sa kanya.
"Anak ng Swaeg!" mahinang sigaw niya dahil sa gulat.
"Tsk! Kuya, mukha ka ng swaeg."
"Bakit ka ba nanggugulat, IC?" naiinis na tanong niya sa akin.
"Hindi ako nang gulat. Sadyang magugulatin ka lang." naglakad na ko palabas ng school at nang makarating ako sa tapat ng kotse ni kuya ay bigla na lang niya ako tinawag.
"Irene,"
Oh. Why so serious, kuya?
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Kayo na ba talaga ni Ka—" Hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko naman ang itatanong niya.
"Hindi." may diing sabi ko habang madiing pinantig ang salitang hindi.
"Eh ano 'yong sinabi niya kanina?" nagtatakang tanong niya na para bang kanina pa siya binabagabag ng bagay na iyon.
"Sapalagay mo ba papatol siya sa katulad ko? Like duh! Isang heartthrob papatol sa akin? At worst isa pa sa Vanguards?" natatawa kong tanong sa kanya.
"Irene, maganda ka kaya nga kapatid kita eh—"
"Eww!" pagkontra ko agad sa sinasabi niya kaya hindi niya ito natapos.
"Mamaya ka na mag-react. Psh!" Minsan talaga ang sungit nitong gilagid na 'to. "Maganda ka, matalino, sweet, sikat at higit sa lahat mabait tsaka 'yung sinasabi mong napakaimposibleng magustuhan ka ng isa sa Vanguards. Ano pa si Tyler?" seryosong sabi nito sa akin kaya napangiti ako.
Alam talaga ni kuya kung paano pagagaanin ang loob ko. Kaya hindi ako makatiis na magkaaway kami eh.
"Pero bak—" this time ako naman ang hindi niya pinatapos sa pagsasalita.
"Bakit si Kaizer hindi ka magawang mahalin?" seryosong tanong nito. Kilalang-kilala na talaga ako ni kuya.
"Alam mo kung hindi siya para sa'yo tanggapin mo na lang kasi mas masasaktan ka lang kung alam mo namang hindi ka niya kayang mahalin pero pinagsisiksikan mo pa rin ang sarili mo sa kanya." mahabang paliwanag sa akin ni kuya.
Damn!
Sapul na sapul ako doon. Kahit puro swaeg ang alam nito marunong din pala 'tong magseryoso minsan.
"Kuya, ang sakit malaman na kahit anong gawin ko ay hindi niya ako kayang mahalin." malungkot na sabi ko sa kanya.
"Kung hindi siya para sa'yo siguro may the best na lalaki ang nakalaan para sa'yo." nakangiting sabi nito sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Thank you, kuya!" sabi ko kay kuya habang nakayakap sa kanya.
"Your welcome, my princess."
Tama si kuya! Hindi lang naman sa kanya iikot ang mundo ko. Marami pa akong makikilalang ibang lalaki.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro