Chapter 4
Nang makauwi sa bahay ay ang galit na si mommy ang bumungad sa akin.
"What time is it, Irene?" tanong agad sa akin ni mom pagpasok ko ng bahay.
"It is six o' clock in the afternoon." sagot ko kay mom na hindi na inabalang tignan siya.
"I know! Bakit hindi ka manlang nagpasabi na gagabihin ka? Saan ka ba nang galing? Nauna pa umuwi ang kuya mo sa'yo!" panenermon sa akin ni mommy.
"Mom, I'm very tired this day. Lets just talk about it tomorrow." aakyat na sana ako ng hagdan ng magsalita ulit si mommy.
"Bakit ka nakipag-away kay Eurika?" seryosong tanong niya sa akin kaya napatigil ako.
So, what's with her?
"Pati ba naman dito? Eurika pa rin? Ano bang meron sa malandi na 'yu—" Hindi ko na natapos ang dapat sasabihin ko ng bigla akong sinampal ni mommy. Gulat na napatingin ako sa kanya.
"'Wag na 'wag mong sasabihin kay Eurika 'yan!" galit na sigaw niya sa akin kaya nang-uuyam akong napatingin sa kanya.
"Wow. Mom, ikaw ba 'yan? Sinampal niyo ko ng dahil lang sa Eurika na 'yon?" naiiyak na tanong ko kay mommy. Simula pagkabata ngayon lang ako pinagbuhatan ng kamay ni mommy.
"Ikaw, Irene. Ikaw pa ba 'yan?! Hindi kita pinalaking ganyan! Hindi kita pinalaki para maging ganyan." pagbabalik tanong niya sa akin.
She never gets mad at me. Ngayon lang at dahil sa Eurika pa na 'yon. This is too much for today!
"Bakit niyo ba ipinagtatanggol 'yong Eurika na 'yon? Wala kayong alam! Maybe, you want to be Eurika's mother?" I asked her at halatang nagulat siya sa tanong ko.
Bakit ko natanong bigla 'yon? Kasi alam kong ulila na si Eurika.
Ano bang meron sa malanding 'yon para kaawaan siya ng lahat?
"You want Eurika to be your daughter? Mas gusto mo ba siyang maging anak sa akin, mommy?" puno ng hinanakit kong tanong sa kanya. Punong-puno na ako ng dahil sa Eurika na 'yon!
I shouldn't be feeling insecure pero 'yon ang nararamdaman ko ngayon.
"What's happening here?" tanong ni dad pagkapasok niya ng bahay at maabutan kaming nagsasagutan ni mommy.
"IC, why are you crying?" tanong agad ni daddy sa akin ng makita akong umiiyak.
"Ask her!" hindi ko napigilang sigaw kay dad.
"Irene," may pagbabanta sa tono ng pananalita niya.
"Why? Do you know what? Your wife slapped me because of that Eurika Gail!" umiiyak na sumbong ko sa kanya. Nang dahil sa sinabi kong pangalan ay biglang nagbago ang aura ni Dad.
Don't tell me kakaawaan niya rin si Eurika?
"Go to my office, Therese." pagkasabi no'n ni dad ay nawala na sila ni mom sa paningin ko.
"Ire—" lalapitan sana ako ni kuya ng sigawan ko siya. Kanina pa siyang nanonood sa amin pero wala manlang siyang ginawa.
"Don't you dare! 'Wag niyo akong lapitan." umiiyak na lumayo ako kay kuya.
"I'm so—"
"I hate you all!" sigaw ko kay kuya bago nagtatakbo papunta sa kwarto ko.
What's happening? Who is that Eurika Gail? Why is she messing up with my life?
Who the fvck is she?!
Napatigil ako pag-iyak ng mag-ring ang cellphone ko. I saw Tyler's name so I immediately answered it.
"H-Hello?" Garalgal ang boses ko ng sagutin ko ng magsalita ako.
"Hello, IC? Are you crying?" nag-aalalang tanong nito sa akin.
"N-No. Bakit ka nga pala tumawag?" pagsisinungaling ko. Ayokong malaman nila na mahina ako at nasasaktan ako.
"Your brother called me and he said that you have a problem." seryosong sabi niya sa akin.
"Huh? Wala 'yon..." pagmamaang-maangan ko pa.
"IC, we're been bestfriends since elementary. I know you very well!" naiinis na sabi nito sa akin. Yes, we've been bestfriends since elementary kaya close rin sila ni Fress.
"Fine! Pwede bang sa inyo ako matulog?" tanong ko sa kanya.
"Sure. Ikaw pa! Sunduin na lang kita diyan." sabi nito sa akin na nakapagpangiti sa akin.
"Okay. Bye!" sabi ko bago ibinaba ang tawag.
Kinuha ko ang bagpack ko at naglagay ng damit na pantulog at isang school uniform dito bago bumaba.
"San ka pupu—" hindi ko na pinatapos si kuya sa itatanong niya.
Bakit kailangan niya pang malaman? Kasi nag-aalala siya? Eh hindi nga niya ako pinagtanggol kanina eh.
"It's out of your business. Si Eurika na lang ang pakialaman niyo." sabi ko bago tuluyang lumabas ng bahay.
Nakita ko naman agad 'yong sasakyan ni Tyler kaya pumasok na ako bago pa malaman ni dad na umalis ako sa bahay.
"SERYOSO? Nagawa sa'yo ni Tita yon?" tanong Tyler sa akin pagkatapos kong ikwento sa kanya 'yong nangyari kanina sa bahay pag-uwi ko.
Nandito na kasi ako sa kanila. Nasa guest room kami ngayon nagkukwentuhan. Welcome naman daw kasi ako dito palagi sabi ni Tita Carla na mommy ni Tyler.
"Yeah! I can't believe it nga eh. Kasi I'm her only daughter pero nagawa niya akong pagbuhatan ng kamay ng dahil lang kay Eurika." hindi makapaniwalang sagot ko sa kanya bago niyakap ang unan na kanina ko pa hawak.
"Hindi naman gagawin ni tita 'yon kung walang dahilan." sabi nito sa akin.
Alam ko naman 'yon eh. That's why i'm very curious about that Eurika Gail. Hindi na lamang ito basta dahil kay Kaizer.
"Hindi gagawin ni mom 'yon kung hindi mahalaga 'yong taong 'yon sa kanya." paglilinaw ko sa sinabi niya.
"Dati naman pag may nang-aaway sa akin pinupush pa ako ni mom na gantihan 'yon pero ngayon. Argh! It makes me stressed!" dagdag ko pa at napairap sa hangin.
"Oh, ice cream binili ko pa 'yan para sa'yo!" sabi nito at inabot sa akin ang isang galon ng ice cream.
"Yay! Thank you, Ty! I love you talaga." masayang sabi ko sabay kiss sa pisngi niya. Ganyan ako sa kanya kahit alam kong mahal niya ako.
Wala namang nagbago eh...
"Ree, tell me. May gusto ka pa rin ba kay Kaizer?" tanong niya sa akin habang inuumpisahang kainin ang binigay niya. Napatungo na lang ako dahil sa tanong niya. "Your answer is definitely yes." dagdag niya ng hindi ako sumagot sa kanya.
Kokontrahin ko na dapat 'yong sinabi niya kaso pinatigil niya ko sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay niya.
"Ako muna," tumango na lang ako sa kanya. "Diba alam mo naman? Playboy siya pero bakit siya pa rin?" tanong niya sa akin.
Ayoko siyang tignan kasi ayoko siyang nakikitang nasasaktan ng dahil sa akin. Hindi ako worth it para doon.
"Akala ko may chance na ako sa'yo 'yon pala siya pa rin. Hanggang kaibigan na lang ba talaga?" Hindi ako nakasagot kasi feeling ko pagsinabi kong oo malaki ang mawawala sa akin. I don't want to lose him.
"H-Hindi ko a-alam..." umiiyak na sagot ko.
I hate this part of me. I hate being weak. Napakahina kong tao. Lahat na lang ng bagay iniiyakan ko.
**
Tyler's POV
Her tears...
That's my weakness kahit gusto ko siyang sumbatan hindi ko magawa kasi nga wala akong karapatan.
Kaibigan lang ako!
"Don't mind it. Matulog ka na you need to rest." sabi ko bago lumabas ng kwarto guest room.
Nasasaktan ako dahil mahal ko siya.
Bakit ba ang hirap sa kanyang mahalin din ako? Ang tagal na naming magkakilala pero bakit mas mahal niya 'yong taong wala namang pakialam sa kanya?
Should I give up and set her free?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro