Chapter 3
Lunch time na namin ngayon at kasabay namin ni Fress si Tyler papuntang canteen. Maraming mga estudyanteng nagtitinginan sa amin ngunit sanay na kami sa atensyon ng mga tao.
"Hi! Kuya Sain, namiss kita." bati agad ni Fress kay kuya pagkadating namin sa canteen.
"Namiss din kita, Fress!" nakangiting bati rin ni kuya sa kanya. "Teka! Anyare d'yan kay IC at nakabusangot na naman." tanong niya kay Fress ng mapatingin siya sa akin.
"Wala. 'Wag niyo ako intindihin." sagot ko kay kuya bago umupo sa upuan sa tapat niya.
"IC, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Tyler. Marahan akong ngumiti at tumango sa kanya.
"Yeah. I feel tired lang..." simpleng sagot ko sa kanya.
"Kumain ka na ibibili na kita ng lunch mo." sabi nito bago tumayo para bumili ng pagkain.
"Thank you, Ty!" pahabol kong sigaw.
"Hi, guys!" sigaw ng malanding higad sa harapan namin.
Tsk! Hindi naman siya maganda. Bakit kaya 'to pinatulan ni Kaizer?
"Hello rin!" sabi sa kanya ni kuya at isa-isa na silang bumati sa higad na 'yon.
"Wow! Kanina no'ng dumating ako wala manlang ni isa ang bumati sa akin." pagpaparinig ko bago humalukipkip.
"Oo nga, IC!" pagsang-ayon ni Fress sa akin.
"Tara lipat tayo ng upuan." akmang tatayo na kami ng biglang nagsalita ang higad.
"Nakakasawa na raw kasi 'yang mga pagmumukha niyo." nakangising sabat no'ng higad na kanina pa dikit ng dikit kay Kaizer. At dahil kanina pa ako naiinis sa kanya ay sinampal ko siya ng bonggang-bongga!
"How dare—" akmang sasampalin niya ko ng may humarang na kamay sa kanya.
"Don't you dare." matigas na sabi sa kanya ni Tyler na biglang lumitaw sa gilid ko.
"Irene!" sigaw sa akin ni kuya.
"Wala kang karapatan para sabihin na nagsasawa na sila sa pagmumukha ko. Pero pwede rin? Kasi may new species sila ng hayop na nakita na pwedeng alagaan at kung sasampalin mo ko, watch out marami pang kamay d'yan." nakangising sabi ko sa kanya bago sila tinalikuran.
Napakakapal ng mukha niya para sabihin 'yon! Sa harap pa ng madaming tao? Tsk! Mali siya ng kinakalaban.
**
Fress's POV
Naiwan ako dito sa table kasama ang Vanguards at ang linta kasi baka pagsinundan ko si IC ay sa akin pa niya maibuhos ang galit niya dito sa lintang 'to.
"'Yan ang napapala ng makakapal ang mukha." mahinang sabi ko habang chill na chill na iniinom ang juice ko.
"Stop it, Fress." saway sa akin ni Kuya.
"Why? Oh, I'm so sorry Eurika alam ko namang tinatamaan ka." nakangising sabi ko sa kanya. Inirapan lang naman niya ako kaya inirapan ko rin siya.
Para saan pa't naging bestfriend ko si Irene kung hindi kami parehong maldita?
"I said stop it, Fress!" galit na saway sa akin ni Kuya Dexter.
"So, now pati ako hindi na welcome dito dahil sa higad na 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Hindi naman sa hindi kayo welc—" hindi ko na pinatapos si Gavin sa sasabihin niya at mabilis 'tong kinontra.
"Eh ano?" tanong ko sa kanya habang nakangisi.
"Francess Paula, I'm warning you!" madiing sabi sa akin ni kuya. Inirapan ko lamang sila.
Nakakawalang-gana!
"Tsk! Magsama-sama kayo!" sigaw ko sa kanila bago umalis sa canteen.
**
Irene's POV
Uwian na namin at super laking pasasalamat ko dahil hindi ko na makikita 'yong mga haliparot na naglalandian sa room.
Kasama ko si Fress ngayon habang naglalakad papuntang parking lot.
"IC, pupunta kaming mall gus—" hindi ko na pinatapos si kuya sa sinasabi niya at mabilis 'tong sinagot.
"I don't want." mataray na sagot ko sa kanya na hindi manlang siya binigyan kahit isang tingin.
Alam ko namang aayain lang ako niyang mga 'yan na sumama sa kanila.
Matapos ang hindi niya pagkampi sa akin kanina?
"Eh ikaw Fre—" hindi na rin siya pinatapos ni Fress.
"Bakit hindi niyo ayain si Eurika?" naiinis na tanong niya.
Hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya dahil sa nangyari kanina. Naikwento na rin niya sa akin 'yong nangyari kanina sa canteen matapos kong magwalk-out.
Talagang pabor na pabor sila sa Eurika na 'yon.
"Stop being a brat, Francess!" galit na saway sa kanya ni Kuya Dexter.
"Whatever, kuya." bulong ni Fress sabay irap.
"Psh. Fress, don't waste your time for the people like them." pagkasabi ko no'n ay nakita kong napatingin sa akin si Kaizer kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Ang lovelife ko hindi tulad ng sa iba na pinagsisiksikan ang sarili nila sa taong gusto nila.
I really love Kaizer pero hindi ko naman ipagsisiksikan ang sarili ko sa kanya. Sayang ang poise ko!
Kung ayaw niya sa akin edi 'wag. Wala namang pumipilit. Basta nandito lang ako nagmamahal sa kanya...
"Why?" tanong ko sa kanya.
Wala naman akong nakatanggap na sagot kaya nagkibit-balikat na lang ako.
"Lets go na, Fress."
"Hahatid ko na kayo, IC..." sabi ni Tyler sa amin.
Magtatanong palang sana ako kung sasama siya sa Vanguards ng bigla siyang nagsalita ulit.
"Hindi ako sasama sa kanila." nakangiting dagdag niya sa sinabi niya.
Mukhang nabasa na niya ang nasa isip ko.
"Sure ka?" tanong ko at tumango naman siya.
NANDITO kami sa mall ngayon dahil inaya kami ni Fress. Ayaw lang naman kasi namin sumama sa Vanguards dahil kay Eurika.
"Bakit ba kayo galit na galit kay Eurika?" tanong ni Tyler sa amin habang naglalakad kami sa food court.
"Secret!" sabay na sagot namin ni Fress kaya napatawa kami.
"Ang daya niyo." sabi niya sabay pout.
Ang cute niya talaga. Parang ako!
"Ang cute mo, Ty!" sabi ko sabay pisil sa magkabilang pisngi niya.
"Okay. Kayo na sweet! Oo, ako na! Ako na ang mag-isa!" tapos ginaya niya pa 'yong line ni Jennylyn Mercado sa English Only. Napairap naman ako sa kaartehan niya.
"Hayaan mo nand'yan naman si France eh." tumatawang sabi sa kanya ni Tyler. Agad namang napatigil sa pag-eemote si Fress dahil sa sinabi ni Tyler.
"Paano mo nalaman?" gulat na tanong ni Fress sa kanya kaya napatakip ako ng bibig ko.
"Itanong mo sa bestfriend mo!" tiningnan ko naman ng masama si Tyler at pinandilatan siya ng mata.
"Irene!" sigaw ni Fress kaya nagtatakbo na ako.
I will cherish this memories with them. With the people who makes me happy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro