Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

"H-Huh? Anong t-tayo?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Irene, listen to me. Ikaw, ikaw iyong babaeng nakatakdang ikasal sa akin. Dapat noong isang taon ko pa 'to malalaman kaso pinili kong umalis pero kung noong una palang nalaman ko na, hindi ko na pipiliing umalis. Hindi kita iiwan. Kaya please, Irene. Mag-umpisa ulit tayo..." seryosong paki-usap niya sa akin. Lalo akong mapahagulgol sa mga nalaman ko.

Ako! Ako iyong babaeng ikakasal sa kanya. Siya ang lalaking nakatakdang ikasal sa akin.

Edi sana kung maaga namin nalaman hindi na sana umabot sa ganito ang lahat.

"Kaizer," yumakap lang ako sa kanya. Hindi ko na alam kung ano bang sasabihin ko.

Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari.

"Kaizer, I love you." after I said those words everything went black.

"DOC, anong pong nangyari sa kanya? Bakit po siya hinimatay?"

"Wala kayong dapat ipag-alala. Masyado lang stress ang pasyente at nalilipasan din siya ng gutom. Pag nagising siya ipainom niyo na lang ang binigay kong vitamins."

"Salamat po, Doc."

"Ano bang nangyari?"

"Tito, alam na niya. Sinabi ko na sa kanya..."

"Anong sabi niya?"

"Wala. Hindi siya nagsalita."

"Kailangan na natin siyang makausap tungkol dito."

Nagising ako dahil sa pag-uusap na naririnig ko sa labas ng...

Teka. Hindi ko 'to kwarto, nasa ospital ako?

Bigla na lang bumukas ang pinto kaya napapikit ulit ako. Ewan ko ba pero feeling ko kailangan kong magpanggap.

Hindi pa ako handang pag-usapan 'yong mga sinabi sa akin ni Kaizer.

Tsaka nahihiya ako 'no gawa no'ng sinabi ko sa kanya! Hindi ko pa siya ma-absorb ng ayos.

"Irene, alam kong hindi mo ako maririnig kaya sa'yo ko lang 'to sasabihin. Aalis ako, kailangan ko 'tong gawin para hindi kayo madamay. Ingatan mo ang sarili mo ha? Hindi naman totoong NBSB ka. Kaya ko lang ginawa 'yon para malaman ko kung kaya ka bang protektahan ni Kaizer.

'Wag mo akong alalahanin pag nagising kang wala ako. Basta lagi mo lang ingatan ang sarili mo. Alagaan mo sina mom. Sorry kasi kailangan ko 'tong gawin para walang mapahamak sa inyo. Mahal na mahal kita, Irene. Ikaw lang ang nag-iisang prinsesa ni kuya."

Naramdaman ko na lang na hinalikan ako ni kuya sa noo. Gusto kong imulat iyong mga mata ko pero hindi ko magawa. Pinipigilan ko ring tumulo ang mga luha ko.

Na-giguilty ako kasi alam kong may problema si kuya pero hindi ko manlang siya tinanong o kinausap kung may problema ba siya.

Samantalang siya, pag kailangan ko ng kausap nand'yan siya lagi. Pero bakit kailangan niya pang umalis?

Bago siya tuluyang makalabas ng kwarto ko ay tinawag ko siya.

"Kuya..." napalingon siya sa akin at halatang nagulat siya nang makitang gising ako.

Pinilit kong tumayo kahit medyo masakit ang ulo ko.

Niyakap ko siya. Hindi ko kayang mawalan ng kuya na katulad niya.

"B-Bakit ka aalis? Saan ka pupunta? Kuya, m-may problema ka b-ba?" tanong ko habang nakayakap sa kanya ng mahigpit.

"Kailangan kong umalis para hindi kayo madamay sa gulong ginawa ko. 'Wag kang mag-alala kaya ko ang sarili ko. Basta lagi kang mag-iingat. Mahal kita, mahal ko kayo." pagkasabi niya no'n ay bumitaw na siya sa yakap sa akin at umalis.

Wala na akong nagawa nang umalis siya.

Bakit ayaw ni kuyang sabihin sa akin 'yong problema niya? Anong gulo 'yong nagawa niya? Bakit sa akin lang niya ipinaalam? Pwede naman siyang tulungan ni dad sa problema niya eh.

There is something behind his smiles.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro