Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

"Kain na tayo. Mamaya niyo na intindihin 'yan!" pagtawag ni mom sa atensyon nina dad at tito.

"Mom, anong meron?" tanong ko sa kanya ng makalapit ako.

"Wala naman. Magdidinner lang tayo ng sama-sama." simpleng sagot niya sa akin habang nakangiti.

Halatang may iba sa ngiti niya eh, ano bang naisip ng mga ito?

"Yeah, I know. What I mean is bakit kailangan may camp fire pa?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya.

"Para sa inyo 'yan." nakangiting sabi ni mom.

"Huh?"

Anong sa amin? Ang weird nila. Maglalaro ba kami mamaya? May something talaga dito na hindi ko ma-figure out.

"Basta, kumain ka na lang." Okay tatahimik na ako. Mukhang wala talaga silang balak sabihin kung para saan ba 'to.

Pagkatapos naming kumain ay pinapunta kami nina mommy at pinaupo paikot sa may camp fire.

"We made this because we will play truth or dare." masayang pahayag ni Tita Jen.

"Lahat tayo?" nagtatakang tanong ni Kaizer sa kanyang ina.

"Yes. So, lets start. Excited na ako!" tuwang-tuwa na sabi ni Tita Jen at inilagay ang bote sa gitna.

Si Tito Kurt ang unang nagpaikot ng bote at kay dad naman ito tumapat.

"Jasper, truth or dare?" tanong ni tito kay dad.

"Truth," simpleng sagot ni dad. Hindi manlang siya kababakasan ng kahit kaunting kaba.

"Noon bang nalaman mong iaarrange marriage ka kay Therese eh naisipan mong tumakas sa responsibilidad mong 'yon?" seryosong tanong ni Tito Kurt kay daddy. Nakuha naman nito ang atensyon ko at kaming lahat ay seryosong naghihintay sa sagot niya.

"Hindi. Kasi simula't sapul palang mahal ko na siya." nakangiting sagot ni dad habang nakatingin kay mom. Si mom naman nakita kong namula ang pisngi.

Ano ba naman 'yan eh! Kinikilig ako, ang tanda-tanda nila tapos bumabanat pa ng ganoon.

"Wala pa rin talagang forever." bulong ni Eurika kaya napatawa ako ng mahina. Nagtawanan naman ang ibang nakarinig at napailing na lang si daddy.

Ipinaikot na ni dad 'yong bote at tumapat naman kay kuya.

"Sain, truth or dare?" tanong ni dad kay kuya.

"Truth,"

"Bakit this past few days masyado kang tahimik? Is there anything bothering you?" Napansin din pala ni dad ang pagbabagong iyon ni kuya.

"Wala naman po. Tungkol pa rin sa kanila." malungkot na sagot ni kuya. Tumango lang naman si dad dito at ramdam kong may kasamang pag-aalala iyon.

May problema ba si kuya? Sinong sa kanila kaya 'yong tinutukoy niya? May girlfriend ba siya?

Ipinaikot naman ni kuya 'yong bote at...

The heck! Sa akin tumapat.

Jusko naman. Okay namang tumapat sa akin eh pero bakit si kuya pa 'yong magtatanong?

Nginisian niya ako bago magtanong.

"Truth or dare?" Hala! Anong sasabihin ko?

"Da- Truth!" mabilis na sagot ko.

"Sagutin mo 'to ha kung ayaw mong may ipagkalat ako dito." natatawang sabi niya sa akin.

Napakagaling mang-blackmail.

"Its been four years simula ng mangyari 'yon. Tatanungin kita. Nakamove-on ka na ba sa nangyaring 'yon at sa taong 'yon?" Sabi na eh, ito 'yong itatanong niya sa akin pero ano nga bang magandang sagot?

Lahat sila seryosong nakatingin sa akin lalo na si Kaizer.

"Honestly... No. Its been four years but I'm still imprisoned by my love for that man. Well, sanay na akong nagtatago ng feelings kaya wag niyo na akong alalahanin." sagot ko habang nakatingin sa mga buhangin.

Gusto kong umiiyak pero hindi pwede. I should be strong. Ayokong malaman nila na nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. Tama na 'yong alam nilang mahal ko pa rin sa Kaizer.

Papaikutin ko na dapat ang boteng nasa gitna kaso may humila bigla sa akin paalis sa lugar na 'yon.

Dinala niya ako sa isang kubo kung saan kitang-kita ang dagat at ang bilog na buwan.

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Magpupumiglas sana ako ng maramdaman ko ang paggalaw ng balikat niya senyales na umiiyak siya.

Pero bakit?

"Baby, i'm sorry. Sorry sa lahat, Irene. Hanggang ngayon alam kong nasasaktan ka pa rin dahil sa nangyari noon pero nagsisisi na ako. Irene, nasaktan din naman ako noong iniwan mo ako four years ago.

Ang sakit din naman maiwan. Totoong minahal kita pero siguro hindi iyon ang tamang panahon para sa atin. Sorry kung umalis din ako at basta na lang tinapos ang namamagitan sa atin. Alam ko kasing 'yon ang kailangan mo. Kahit masaktan ako maging maayos ka lang, okay lang sa akin. Ganoon naman pag nagmamahal diba?"

Hindi ko alam kung bakit sinasabi niya pa rin 'to. Matagal ng tapos na 'yon eh. Pinahihirapan lang niya ako lalo. Ikakasal na siya!

"Irene, lets start a new life and forget the past. Please, Irene..." seryosong sabi niya habang nakahawak sa magkabila kong pisngi at nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Marahan niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi ko at dinampian ng halik ang magkabilang mata ko.

"Kaizer," Wala akong masabi. Hindi ko rin alam kung ano bang dapat kong sabihin.

"Stop crying. Ayokong nakikita kang umiiyak kasi pakiramdam ko mas sinasaktan lang kita.

Irene, I'm not perfect but I promise that I will protect and love you till' the last breath of my life. Irene, please give me another chance." pagmamakaawa niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Kahit gusto ko siyang bigyan ng isa pang pagkakataon, hindi na pwede.

"Kaizer, mahirap kasi hanggang ngayon nandito pa rin 'yong sakit eh. Alam kong ako ang may kasalanan kaya hindi mo kailangang humingi ng tawad. Ako ang nang-iwan, ako ang nanakit. Naging selfish ako pero hindi ko akalain na mas masasaktan lang ako sa ginawa ko.

Kaizer, mahal pa rin kita. Mahal na mahal pero ang sakit pa rin kasi. Ang hirap ng magtiwala ulit at may mga bagay na mananatili na lang na komplikado. Parang tayo..."

Isang salita lang ang pwedeng magpaliwanag sa nararamdaman ko ngayon, mahirap.

Gusto kong sabihing oo, pero hindi pwede dahil ikakasal na siya. Ikakasal na siya sa babaeng mahal niya.

"Please, Irene. Gusto kong maramdaman mo kung gaano kita kamahal. Kaya please lets start again. Gusto kong maayos 'to bago tayo ikasal."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro