Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

Kaizer's POV

Damn it!

Naiinis ako kay Irene.

Hindi niya ata alam na delikado na ang panahon ngayon at talagang tinanong niya pa kung bakit ako nag-aalala sa kanya. Tsk!

Iniwan ko siya doon sa pinuntahan namin. Naiinis ako sa kanya. Alam ko namang wala na kami pero ikakas— Aish! Bahala nga siya.

Malapit na ako sa hotel ng makita ko si Eurika.

"Nasaan si Irene?" tanong niya sa akin.

"Ewan ko." walang ganang sagot ko sa kanya.

"Anong ewan ko?! Ikaw ang kumaladkad sa kanya diba?" galit na tanong nito sa akin. Nahawa na rin ba 'to sa pagiging amazona ni Irene?

"Nandoon hanapin mo lang doon." turo ko kung saan kami dumaan kanina at nag-umpisa na ulit maglakad palayo.

"Irene!" napalingon ako kay Eurika nang tinawag niya ang pangalan ni Irene. Nakita ko pa siyang may kasamang lalaki. "Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap?" dinig kong tanong pa ni Eurika.

Tinapunan ko lang ng tingin si Irene na masamang nakatitig sa akin ngunit ang atensyon ko ay nakatuon sa lalaking kasama niya ngayon.

Parang pamilyar siya...

"Doon lang,"

"Sino 'yang kasama mo?" tanong ni Eurika.

"Si Dylan." simpleng sagot niya. Hanggang ngayon ay nakatitig pa rin siya sa akin pero bigla na lang niya akong inirapan.

Malditang babae.

**

Irene's POV

Sarap sabunutan nitong si Kaizer. Kung makatingin akala mo ako pa may kasalanan.

"Thank you, Dylan sa paghatid dito sa bruhang 'to ah." sabi ni Eurika sa kanya.

"Wala 'yon. Sige una na ako ha. See you again, Irene." tapos hinalikan niya ulit 'yung kamay ko.

Prince charming ba 'to?

Pagkaalis ni Dylan hinataw ako bigla ni Eurika sa braso.

"Grabe ka! Nawala ka lang may prince charming ka na agad? Ikaw na!" kinikilig na sabi niya sa akin.

"Prince charming. Mukha ngang palaka na malaki ang tenga eh." rinig kong sabi ni Kaizer na hindi kalayuan sa amin.

"Inggit ka lang! Tsaka anong mukhang palaka na malaki ang tenga? Ikaw nga, hihila-hilahin mo ako doon tapos iiwan mo ako. Buti dumating si Dylan." sinabi ko habang parang kinikilig.

For your information, hindi ko type si Dylan 'no. Iba kasi feeling ko sa kanya.

Iniinis ko lang naman kasi 'tong si Kaizer kaya kunwari kinikilig ako.

"Kinikilig ka doon?!" galit na tanong sa akin ni Kaizer.

"Pake mo ba? Tsk! Tabi nga d'yan." tinulak ko siya para makadaan ako habang si Eurika naman nakasunod lang sa akin.

"What was that?" nagtatakang tanong sa akin ni Euika.

"Anong what was that?" tanong ko rin.

"Bakit iniwan ka niya iniwan doon? Kanino nga palang t-shirt 'yan? Kay Kaizer ba?" sunod-sunod niyang tanong. Napa-facepalm na lang ako sa mga tanong niya.

"Hinay-hinay lang pwede? Ewan ko doon kung bakit niya ako iniwan bigla. Alam mo naman 'yon mahilig mang-iwan. Oo, kay Kaizer din 'tong t-shirt. Okay na? Tara na nga!" isa-isa kong sagot sa tanong niya.

Napatigil kami sa paglalakad ng biglang kumulo ang tiyan ko.

"Hindi ka nag-iisa, Irene. Gutom na gutom na rin ako!" tumatawang sabi nito sa akin bago namin ipinagpatuloy ang paglalakad.

NANDITO na ako sa suite ko ngayon. Kakatapos ko lang maligo dahil hindi ko na-enjoy ang dagat kanina gawa ni Kaizer.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

At dahil may nakatok binuksan ko 'yong pinto. Duh!

"Hi, Irene! Labas ka na raw kakain na kasi tayo." salubong agad sa akin ni Sweetheart.

"Saan tayo kakain?" tanong ko sa kanya.

"Iyong mga magulang niyo kasi nag-fefeeling teenager kaya sa may dalampasigan kakain. Nag-iihaw 'yong mommy niyo habang sina tito naman naghahanda ng camp fire." natawa naman ako doon sa sinabi niyang nag-fefeeling teenager.

"Para saan ang camp fire?" tanong ko sa kanya.

"Ewan ko! Like what i've said. Nag-fefeeling teenager sila." nakairap na sagot niya. May pagkabaliw din pala 'to.

"Tara na!" sabi niya sabay hila sa akin palabas ng aking kwarto.

May lahing Malabanan nga 'to. Ang hilig din manghila eh.

Pagkadating namin sa dalampasigan ay nilapitan ko agad si kuya para tanungin.

"Kuya, bakit may camp fire?" tanong ko kay kuya na natulong kina dad.

"Ewan ko."

"Tsk!" iniwan ko na siya doon. Non-sense kausap eh.

"Rika, anong meron?" tanong ko kay Eurika na nakaupo habang binabantayan iyong mga naihaw na nina mom.

"Ewan ko ba sa mga 'yan! May pa-camp fire, camp fire pang nalalaman. Ano sila teenager?" parehas sila ng naiisip ni Sweetheart.

Para saan nga ba 'to? Ang weird talaga nila. Haist!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro