Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Nandito na ako ngayon sa suite ko at hindi ko pa naiaayos ang gamit ko ng maka-receive ako ng text kay Eurika na magbihis na raw ako at maliligo kami.

Samahan ko daw siyang maghanap ng boyfriend.

Susko! Ang landi talaga ng bruhang iyon.

Hindi ko alam kung anong isusuot ko. Kaya ang pinili ko na lang eh 'yong royal blue kong two piece. Papatunayan ko pa sa kuya kong swaeg na hindi ako NBSB.

Lumabas na ako ng suite ko at saktong lumabas din ang sweetheart ni Kaizer. Katapat kasi ng suite ko 'yong suite niya.

Naka-shades siya then short shorts with her yellow brassiere. Edi siya ng maputi.

Well, mas sexy at maputi pa rin ako. Nakashort shorts din ako at loose t-shirt. Mamaya ko na irarampa ang sexy kong katawan.

Malandi kasi 'tong sweetheart ni Kaizer eh. Hmp!

"Hi!" nakangiting bati niya sa akin.

"Hello!" nakangiting bati ko rin sa kanya. Mahirap na baka masabihan pa akong snob.

"You must be Irene?" nakangiting tanong niya sa akin.

Kilala niya ako?

Baka kinukwento ako rito ni Kaizer. Patay na patay pa rin pala sa akin.

Feelingera Alert!

"Yes. Ikaw?" tanong ko sa kanya.

"I'm Sweetheart!" ngiting-ngiti niyang sabi.

"Sweetheart?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at ngumiti.

So, pangalan niya 'yon?

"Yep! Sweetheart Malabanan. Kaizer's cousin. Closest cousin." sabi niya habang nakangiti pa rin.

The way she smile parang may alam siya tungkol sa akin.

At pinsan pala ito ng paasang iyon. Buti hindi nila alam kung bakit ako tumawa kanina kung hindi mapapahiya ako pagnagkataon.

"Paano mo ako nakilala?" tanong ko sa kanya habang palabas kami ng hotel.

"Kagaya ng sabi ko closest cousin ako ni Kaizer kaya alam ko lahat tungkol sa kanya." sabi niya emphasizing the words closest cousin.

Kaya pala maganda 'to may lahing Malabanan.

Well, mas maganda pa rin ang mga Fortaleza.

Nakalabas na kami ni Sweetheart. Err... ang pangit ng name niya.

Nakita ko agad si kuya na nakasando at hawaiian shorts. Tsk! Feeling gwapo na naman.

"Hey! Wazzup?" bungad sa amin nitong si kuya.

"Wazzup, wazzup! Kulisap you want?" Idamay daw ba ako sa pagiging conyo niya.

"Bakit ka naka-shirt, IC?!" naiinis na tanong sa akin ni Eurika nang makita niya ako.

"Syempre! Wala namang bra 'yan dahil walang itatago." sabat ni kuya sa amin kaya inirapan ko siya. Basher talaga!

"Heh! Baka mamaya maisip mong hindi kita kapatid pag nakita mo kong rumampa d'yan." mataray na sabi ko sa kanya.

"Ano ka model? Tsaka pustahan pa walang lalaking lilingon sa'yo pag naghubad ka ng t-shirt mo!" pang-aasar niya pa sa akin.

**

Sain's POV

Sa totoo lang iniinis ko lang talaga si Irene. Alam kong maganda ang kapatid ko.

Pinagpala kaya 'yan.

Sa talino, ugali, itsura, at katawan. Titingnan ko lang naman kasi kung hindi magalit si Kaizer pag nakita niyang may ibang tumitingin kay Irene.

Siya pa ba? Ang dakilang seloso ng Vanguards?

Mapapaamin din kita na mahal mo pa si Irene. Just wait, Malabanan.

**

Irene's POV

Inis na inis na ako kay kuya!

Grabe siyang manlait. Dati siya pa nagsasabi sa akin na sexy ako tapos ngayon. Argh!

Tiningnan ko si Eurika na sexying-sexy sa suot niyang gray na one piece swimsuit. Hinubad ko na ang suot kong t-shirt at shorts at umupo ako sa bench at naglagay ng sunblock.

Like duh! Ayokong mangitim.

"Shit! Ang hot no'ng naka-blue na swimsuit oh."

"Tangna, pre! Chix!"

"Sexy!"

Gosh naman oh! Sino ba sinasabihan ng mga iyon? Pag 'yon hindi sexy babalatan ko sila ng buhay.

"Fvck! IC, hindi ka ba aware na maraming manyak dito? Tingnan mo nga oh. Parang nirerape ka na ng mga lalaking 'yan sa tingin!" sigaw sa akin ni kuya.

So, ako pala sinasabing sexy ng mga 'to?

"Sexy kasi ako. Tsaka akala ko ba walang lilingon sa aking lalaki pag nag-swimsuit na ako?" sabi ko sa kanya habang nakangiti.

Sige, kuya. Mainis ka lang.

"Magbihis ka nga." utos niya sa akin kaya agad akong umiling. Duh, as if susunod ako sa kanya.

"Ayaw ko nga. Duh! Maliligo ako 'no." mataray kong sagot sa kanya at pinagpatuloy ang paglalagay ng lotion sa braso.

"Sige, kaya mo na 'yan!" ngiting-ngiting sabi niya sa akin bago ako iwanan.

Bipolar talaga no'n.

"Irene!" lumingon ako sa paligid para hanapin kung saan nang galing 'yong tumawag sa pangalan ko.

"Fress? I miss you! Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya kaso bigla siyang natulala.

Anyare dito?

"Ang sexy mo, bes!" sabi niya sabay yugyog sa magkabilanh balikat ko.

"I know! By the way, thanks sa compliment. Teka, bakit ka nga nandito?" nakangiting tanong ko sa kanya. Nanahimik naman siya saglit bago nahihiyang sumagot.

"Inaya kasi ako ni Elite pumunta rito."

"Elite? Iying pinsan ni France? Nakamove-on ka na ba sa Paris na 'yun?" seryosong tanong ko ngunit tumawa lamang siya sa sinabi ko. "Bakit ka naman natawa?" tanong ko pa.

"Bakit Paris?" natatawang tanong niya.

"Duh! Super slow mo talaga. Paris, France. Ang bobo mo naman!" nakairap na sabi ko sa kanya.

Napaka-slow niya. Gosh!

"Oo na! Ako na! Ako na talaga." nakairap na sabi nito sa akin.

"So, bakit ka nga inaya ni Elite? Kayo na ba?" pang-iintriga ko sa kanya.

"Hindi. Friends lang kami."

"Ang showbiz mo! Ano 'yan? Friends with benefits ang peg? Huwag ako, Fress!" seryosong sabi ko sa kanya habang umiiling-iling.

"Oo na! Nanliligaw lang siya. Okay na ba? Sige na alis na ako. May pupuntahan pa kami eh. Bye! Namiss talaga kita. Hayaan mo pagbalik mo sa Manila ililibre kita." nagmamadaling sabi niya bago nagtatakbo na paalis.

Miss ko na ang bestfriend ko.

Nakatulala lang ako dito. Pinagmamasdan kung gaano kaganda ang dagat. Hindi naman sobrang init ng panahon ngayon eh.

Nagulat naman ako ng biglang napalitan ng abs ang dagat.

Hala shit! Anyare?

"Bakit ganyan ang suot mo?" mahina pero madiing tanong sa akin ni Kaizer?

Oh my abs!

"H-Huh? Bakit? Masama ba 'tong s-suot ko?" Hindi ko alam kung nauutal ba ako dahil mukhang galit siya sa akin o dahil nadi-distract ako sa katawan niya?

Sarap ng abs.

"Tingnan mo nga! Halos hubadan ka na ng mga lalaking 'yan kung makatingin sa'yo!" naiinis na sabi nito sa akin.

Eh siya nga halos iulam na no'ng mga babaeng nakatingin sa kanya lalo na sa abs niya.

"Maliligo nama—"

"I don't care. Just wear this." may inabot siya sa aking t-shirt. Sa tingin ko kanya 'to ang laki kasi eh.

"Isusuot mo 'yan o ako ang magsusuot sa'yo?" nabalik naman ako sa ulirat ng magsalita siya kaya dali-dali ko itong isinuot.

Pagkasuot ko bigla na lang niya akong hinila sa kung saan.

"Oy! Ano ba naman! 'Wag mo naman akong hilahin." sabi ko sa kanya kaso dahil masungit na naman siya tiningnan lang niya ako ng masama.

Tumigil kami sa isang part ng resort na walang katao-tao at kitang kita mo 'yong mga taong nagtatampisaw sa beach.

"Alam mo namang ayaw kong nakikita kang ganon ang suot diba? At worst! Marami pang lalaking nakatingin sa'yo!" galit na sermon niya sa akin. Napatungo na lang ako dahil sa takot sa kanya.

"Ba-Bakit ka ba kasi nangingialam? Wala na naman tayo diba." nakatungong sabi ko. Ayoko kasing salubungin 'yong mga tingin niya.

Hindi ko kaya. Nanghihina ako sa tuwing tumititig siya sa akin sa kahit anong paraan.

"Oo nga pala! Sorry ha, kung concern pa rin ako sa'yo." sabi niya habang pagak na tumawa.

"Sigurado naman akong kaya mo na 'yang sarili mo." bago pa ko makapag-react ay iniwan na niya ako doon.

Hindi ko alam kung nasaan ako. Paano ako makakabalik and for pete's sake. I'm just wearing my swimsuit and his t-shirt paano kung—

"Hi, miss!"

Ito na nga bang sinasabi ko eh.

May lalaking lumapit sa akin na gwapo at matangkad pero natatakot ako sa kanya.

Sino ba namang hindi matatakot sa lalaking bigla na lang lumitaw sa kung saan at hindi mo pa kilala?

"Mag-isa ka lang? May kasama ka ba?"

"W-Wala..." ngumiti naman siya sa akin.

"Samahan na kita pabalik sa hotel," umiling ako sa alok niya at lumayo. "Huwag kang mag-alala hindi kita gagalawin." dagdag niya pa.

Mukha naman siyang sincere kaso ayoko pa rin. Mahirap ng magtiwala.

"Promise. Wala akong gagawing masama. Ako si Dylan, ikaw?" nakangiting sabi nito sa akin habang nakalahad ang kamay sa harapan ko.

"I'm Irene." tinggap ko iyong kamay niyang nakalahad pero nagulat ako ng halikan niya ang kamay ko na parang prinsesa.

"A very beautiful name for a gorgeous woman."

Masyado naman 'tong mambola. Pero may iba sa kanya eh, aish! Gumagana na naman ang girl instinct ko.

"T-Thank you."

"Lets go?" tumango na lang ako.

Wala naman sigurong masama kung magtiwala ako sa kanya diba? Tsaka ngayon lang naman eh.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro