Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Naalimpungatan ako dahil sa pagtapik na naramdaman ko sa pisngi ko kaya minulat ko ang mata ko kahit antok na antok pa ako.

"Irene, gising na. Nandito na tayo." dahan-dahan kong minulat ang mata ko at tumingin sa lalaking gumigising sa akin.

"K-Kaizer?"

"Halika na. Tayo na lang ang nandito." napatingin naman agad ako sa van.

Damn! Kami na nga lang ang nandito sa sasakyan. Nasaan na sila? Iyong fiance niya?

"Nasaan na sila?" wala sa sariling tanong ko.

"Nasa restaurant na sila. Tara na!" nauna na siyang bumaba at sumunod naman ako.

Habang naglalakad kami ay hindi ko hinahayaan na magkatabi o magkalapit manlang kaming dalawa.

"Para naman akong may sakit." sabi niya bigla na ikinatigil ko sa paglalakad.

"H-Huh?"

"Ayaw mo kasing tumabi sa akin. Wala akong sakit 'no." nakairap na sabi niya kaya inirapan ko na lang din siya.

Pumasok kami sa isang Japanese Restaurant. Nakita ko sina mommy na nakaupo sa ten seaters na table at dahil siyam lang kami may sobrang isang upuan.

Syempre ang katabi ko iyong dalawa kong kapatid habang nasa tapat namin ang lovebirds.

Kilala niyo na 'yon! Psh.

Tahimik kaming kumakain ng biglang nagsalita si kuya.

"Dad, after nito pwede bang mag-swimming na?" tanong ni kuya.

"Bakit? Hindi ka ba naligo sa bahay?" tanong ko sa kanya habang abala sa pagkain.

"Syempre naligo. Ang init kasi tsaka sayang naman ang dagat kung hindi ko maliliguan diba?" nakangising sabi niya sa akin.

So, proud na proud siya sa sarili niya?

"Hot kasi ako kaya mainit tsaka maawa ka nga sa dagat mahaluan pa ng laway d'yan sa gilagid mo." mataray na sabi ko sa kanya sabay irap.

"Ikaw hot? Bakit may lagnat ka ba?" nakakunot noong tanong nito sa akin.

"Duh! Syempre wala! Tsaka hot naman talaga ako. Diba, Rika?" maarteng sagot ko kay kuya sabay tingin kay Eurika na busy din sa pagkain.

"Yeah. Kaya nga kapatid kita eh." sagot naman niya sa akin.

"Paano kayo naging hot? Eh samahan kayo ng NBSB?"

Napakunot naman ako noo pati si Eurika na napatigil din sa pagkain niya dahil sa sinabi ni kuya.

Tanga na ata talaga si kuya. Eh diba nga first boyfriend namin ni Eurika si Kaizer tapos sasabihin niya NBSB kami.

Sina dad naman ay nakikinig lang habang nakain. Si Kaizer nga ay napatigil din dahil sa sinabi ni kuya.

"Anong NBSB?" nagtatakang tanong ko.

"No Boobs Since Birth!" walang pakundangan niyang sabi at humagalpak ng tawa.

"Wow ha! Excuse me. Pinagpala naman po ako 'no!" sabi ni Eurika sabay hataw ng malakas sa braso ni kuya.

"Ang kapal mo! Ikaw nga d'yan puro gilagid eh!" sigaw ko sa kanya habang dinuduro sa kanya ang hawak kong tinidor.

"Tumigil na kayong tatlo. Kumain na lang kayo." tumatawang sabi ni dad kaya tiningnan ko siya ng sobrang sama.

Sobrang sama!

"Tigil-tigilan mo na 'yang mga anak mo, Jasper!" saway sa kanya ni mommy.

"Ang kulit ng mga anak nyo." natatawang sabi ni Tita Jen kina mom.

"Oo nga eh! Lagi ng nag-asaran. Kesyo ang pangit daw ni Sain pag tumatawa dahil kita gilagid, kesyo pandak daw si Eurika, tapos ngayon may nalalaman pang-NBSB. Jusko!" sabi ni mommy kay Tita Jen.

Kailangan pa bang ipagkalat 'yon?

"Iha, bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" tanong ni Tito Kurt doon sa kasama nilang babae ng mapansing hindi nito ginagalaw ang kinakain niya.

Ew, attention seeker.

"Ayaw mo ba ng pagkain, Sweetheart?" tanong ni Kaizer sa babaeng katabi niya.

Wait. What?!

Si Kaizer tinawag na Sweetheart 'yong fiance niya? Kailan pa 'to nausuhan ng sweet endearments?

"Pfft!" Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko dahil sa endearment nila.

Hindi ako bitter, okay? Sadyang baduy lang talaga sila!

"Hoy! Nababaliw ka na?" tanong sa akin ni kuya.

Si Eurika naman ay halatang nagpipigil din ng tawa. Mukhang iisa lang ang pinagtatawanan namin.

"Wala. Don't mind me! Restroom lang po ako. Pfft!" tumayo na ko agad at tumakbo papuntang restroom.

Pagkapasok ko sa banyo ay naghilamos agad ako para mahimasmasan. Pulang-pula na ako sa kakatawa.

"Hoy, IC!" sumunod pala sa akin si Eurika. "Alam ko kung bakit ka tumatawa." dagdag niya pa.

"Eh kasi naman eh! Kailan pa siya nausuhan ng ganong endearment?" tumatawang sabi ko sa kanya.

"Ako nga rin. Hindi makapaniwala eh! Noong kami nga nickname ko lang tawag niya sakin eh." hindi makapaniwalang pagkukwento sa akin ni Eurika.

"Hindi ko talaga kinaya 'yon! Pero mas okay na rin kesa naman sa bebe o darling."

"Ewan ko sa'yo. Tara na nga! Hindi ko na-eenjoy 'y¥ng Japanese Foods dahil sa'yo eh." sabi niya sabay hila sa akin palabas ng restroom. Pagbalik namin ay mga tapos na silang kumain.

Agad-agad?

"Tara na! Pupunta na tayo sa hotel. Nagka-emergency meeting kasi ako bigla." sabi ni dad sa amin.

Hindi pa nga ako nakakakain nga ayos eh!

"Mukhang mamayang dinner na tayo makakakain ng ayos." bulong sa akin ni Eurika. Lalo tuloy ako napabusangot.

"Oh..." napatingin ako sa lalaking may inaabot sa akin na plastic.

"Ano 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Pagkain, ipinagtake-out kita." napatingin naman ako sa kanya.

"Ayaw mo ba?" tanong niya dahil hindi ko pa rin kasi ito kinukuha.

Nakakahiya kaya!

"Ah, hindi. Thank you nga pala!" nakangiti kong sabi bago kuhanin sa kamay niya 'yong plastic.

"Walang anuman." tapos sumunod na rin siya kina dad.

Ang paasa mo talaga, Kaizer John Malabanan!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro