Chapter 19
Irene's POV
Pagdating ko sa bahay ay nakita ko agad si Eurika na nakaabang sa may pintuan.
"Eurika, nasaan na sina daddy?" tanong ko kay Eurika na mukhang masama ata ang mood.
"Saan ka ba nang galing? Nauna na sina dad. Sabi nila antayin na lang kita kaya bilisan mo!" naiinis na sigaw nito sa akin.
"Oo, wait lang." natatarantang sabi ko sa kanya.
Dali-dali naman akong umakyat sa kwarto ko para magbihis dahil baka mabadtrip na ng tuluyan si Eurika.
Sinuot ko na agad 'yong red dress na binili namin kanina matching with my black stilletos. Naglagay lang ako ng light make-up at lip shiner.
"Tara na! Bagal mo eh." sabi sa akin ni Eurika ng makababa ako.
"Oo na po!"
Sungit!
Sumakay na ako sa shotgun seat ng kotse ni Eurika at tahimik namin tinahak ang daan patungo sa restaurant.
Tahimik lang siyang nag-dadrive habang ako ay nakatingin sa paligid ng tinatahak naming daan.
Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Siguro dahil sa sinabi sa akin ni Tyler. Nasasaktan ako para sa kanya kasi minahal niya 'yong babaeng katulad ko.
Isang babaeng hindi kayang suklian 'yong binibigay niyang pagmamahal.
"Nandito na tayo. Tama na ang senti..." sabi sa akin ni Eurika bago bumaba ng kotse niya kaya naputol ako sa malalim na pag-iisip. Inirapan ko naman siya bago siya makababa.
Bumaba na rin ako ng kotse niya at ng makarating kami sa loob ng restaurant ay umupo na agad si Eurika sa tabi ni mom at ng isang babae na mukhang ka-edad lang nina mom.
"Dad, mommy. Sorry late kami ito kasing si Irene eh may pinuntahan pa." hinging paumanhin agad ni Eurika pagkaupo niya.
"Sorry po. Kailangan ko po kasi talagang puntahan 'yon." paghingi ko ng paumanhin sa kanila.
"It is okay, iha." sabi sa akin no'ng babaeng katabi ni Eurika.
"Umupo ka na, IC." sabi sa akin ni dad at pinaupo sa tabi ni Sain.
"Totoo ngang napakaganda mo, iha. Siguradong bagay kayo ng anak namin." sabi no'ng lalaking kasama nang babae na kumausap sa akin kanina. Siguro ay mag-asawa silang dalawa.
"Thank you po, sir." nahihiyang sagot ko.
"Drop that sir, just call me Tito Kurt and she is your Tita Jen." nakangiting sabi niya sa akin.
"Sige po, T-Tito Kurt." naiilang na sagot ko sa kanya.
"Jasper, pasensya na kung matagal ang anak namin. Ngayon lang kasi siya uuwi galing New York." sabi ni Tita Jen kay daddy. Hindi na ako nakisabat dahil hindi ko naman alam ang pinag-uusapan nila.
"Okay lang. Late rin naman ang anak namin dumating eh." sagot ni dad sa kanya.
Bumulong ako kay kuya na katabi ko. Si daddy at Tito Kurt kasi ang nasa magkabilang dulo ng table samantalang sina mommy, Rika, at Tita Jen ang nasa right side ng table tapos kami ni kuya ang nasa left side. May vacant seat pa nga sa tabi ko.
"Kuya, nahihiya ako." bulong ko kay kuya.
"May hiya ka pala?" gulat na tanong niya sa akin. Kinurot ko naman siya sa braso dahil sa naging reaksyon niya.
Kinakabahan na nga ako eh tapos aasarin pa niya ako
"Huwag ka ngang kabahan kakain lang naman tayo eh." natatawang sabi niya sa akin.
"Iha, may I know your name?" tanong sa akin ni Tita Jen kaya napabaling ang tingin ko sa kanya.
"Ah, Irene Claudette po ang pangalan ko." nakangiting sagot ko sa kanya.
"Irene?! You must be—" hindi na natuloy ni tita ang sasabihin niya ng magsalita si dad.
"Yes, Jen. Siya nga!" nakangiting sagot ni dad sa kanyang kausap.
"Really? That was good!" masayang sabi ni tita habang malaki ang ngiti sa akin.
Out place ata ako dito. Ano bang pinag-uusapan nila?
"Did I missed something?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro