Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Irene's POV

"IC, bilisan mo d'yan. Kanina ka pa d'yan eh!" sigaw sa akin ni Eurika mula sa labas ng kwarto ko.

"Rika, wait lang naman!" angal ko sa kanya at maya-maya pa ay nasa loob na rin siya ng kwarto ko.

"Bilisan mo kasi d'yan. Mamimili lang naman tayo ng susuotin eh. Ang dami mo pang kaartehang ginagawa." naiinis na sabi nito sa akin.

May dinner meeting kasi kami mamayang pupuntahan. Ewan ko ba kung bakit pati kami kasama.

Simula nang magkaayos kami nina mommy at Eurika. Naging okay na rin sina dad at Eurika pero syempre hindi sila totally close.

Selosa kaya ako!

"Ate, bakit ba kasi kasama pa tayo?" nakangusong tanong ko sa kanya.

"Tigilan mo ako sa kakaate-ate mo d'yan ha!" maarteng sigaw nito sa akin.

Tinatawag ko lang kasi siyang ate pag may kailangan ako o kaya ay magpapaawa.

Ayaw niya kasing tinatawag ko siya n'on dahil nagmumukha raw siyang matanda eh one year lang naman ang age gap namin.

"Psh. Tara na nga!" sabi ko sa kanya at lumabas na ng bahay.

NAKARATING naman kami agad sa mall gamit ang kotse ni Eurika dahil walang masyadong traffic.

"IC, mas bagay sa'yo 'to." sabi niya sabay abot sa akin ng yellow dress

"Eurika, sobrang simple naman niyan!" sabi ko sa kanya bago inilayo ang dress na hawak niya.

"Okay lang 'yan. Maganda ka pa rin naman. Mas maganda nga lang ako." sabi nito bago ngumisi.

"Wow ha! Saang parte?" tanong ko sa kanya habang tumatawa. Inirapan lang niya ako.

"Rika, may napili na ako para sa'yo." sabi ko sa kanya sabay ngiti ng malapad.

"Ang creepy mo, Irene! 'Wag kang ngumiti ng ganyan!"

"Joke lang! May nakita akong maganda doon. Iyon ang gusto ko." natatawang sabi ko sa kanya.

"Tara kunin na natin!" sabi niya sa akin kaya hinila ko na siya kung nasaan iyong damit na gusto ko..

"Red na naman?" tanong niya pagkakita sa napili kong dress.

Red cocktail dress kasi siya na above the knee. It is a casual dress pero mukhang pwede na para sa formal dinner meeting mamaya.

"Ang ganda kaya!" sabi ko sa kanya.

"Psh. Palibhasa kasi bagay sayo kahit ano."

"Hindi rin. Bakit nga kami ni Kaizer eh." mahinang sabi ko na narinig pa rin niya.

"Tsk! Isang taon na, oh. 'Di ka pa rin nakakamove-on? Diba nga ikakasal na siya?"

Yeah! Ikakasal na siya at masakit 'yon para sa akin. Sobra!

"Hindi 'no! Sayang lang beauty ko pag nagpaka-martyr ako sa kanya." mabilis na tanggi ko at umiling-iling pa.

"Ate mo ako! Alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi." seryosong sabi nito sa akin.

"Okay fine! Pero tina-try ko naman eh. Sadyang hindi ko lang kaya." malungkot na sabi ko bago napabuntong hininga.

"Haynako! Tara na't bayaran na natin 'yan at magpapasalon pa tayo." sabi niya sabay hila sa akin papunta sa cashier.

**

Sain's POV

What's up, everyone!

Nothing's up, everything's down, yow.

By the way highway, nandito ako ngayon sa kwarto ko at namimili ng susuotin ko para mamaya.

Hindi ko nga alam kung sinong ka-meeting nina dad mamaya eh. Pinag-aayos ba naman ako. Ano ako babae?

Sabi pa ni dad sa akin.

"Magpagwapo ka ha? Nang hindi ka magmukang ampon."

Grabe lang diba? Sa gwapo kong 'to magmumukha akong ampon?

Sabagay sobrang gwapo ko kasi.

**

Someone's POV

Isang taon na. Isang taon na simula nang pinalaya ko ang babaeng mahal ko. Isang taon na rin simula ng pinili kong masaktan para sa mahal ko.

Tama na ang isang taon. Kailangan ko nang bumalik at harapin ang mga naghihintay sa akin sa pagbalik ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro