Chapter 15
Sain's POV
Nandito ako ngayon sa labas ng condo ni Kaizer.
Ako na ang sumundo kay Irene kasi baka makita ko silang nagsa-swaeg sa kama delikado na pag si dad ang nakakita baka itakwil pa si Irene tapos ipapahanap na naman sa akin.
Nakakastress 'yon!
Binuksan ko na 'yong condo ni Kaizer ng walang ginagamit na susi.
I just do it with swaeg!
"Kaizer? Irene?"
Akala ko pa naman ang maabutan ko Irene at Kaizer na nagsa-swaeg sa kama kaso ang naabutan ko ay isang Irene at Kaizer na naliligo sa sarili nilang mga luha.
"Kuya," yumakap agad sa akin si Irene at umiyak ng umiyak.
Tiningnan ko naman si Kaizer na walang kahit na anong emosyon na makikita sa mukha.
"She needs to go home."
'Yan lang ang sinabi niya. Ice diba?
"Tara na, Irene." nakatinging sabi ko sa kanya. Tumunghay naman siya sa akin at umiling.
"K-Kuya,"
May problema 'to. Tsk! Ayaw pa kasing sabihin ni Kaizer ang totoo eh.
Alam ko? Syempre naman!
Si France pa ba makakatiis na hindi sabihin sa amin ang totoo? Isa pang chismoso 'yon eh.
"Alis na kami, Kaizer. Salamat!" mahinahong sabi ko sa kanya at lumabas na kami. Agad naming tinahak ang daan papuntang parking lot.
Saan pa ba kami pupunta diba? Tsk.
Nandito na kami sa loob ng kotse habang 'tong isang 'to iyak pa rin ng iyak.
"IC, hindi ka ba titigil? Para kang namatayan." naiinis na sabi ko sa kanya.
"Kuya, pinalaya na niya ako." mahinang sabi nito habang humihikbi. Napalatak naman ako dahil sa narinig ko.
"Bakit ikinulong ka ba niya?" seryosong tanong ko ngunit nakatanggap lamang ako ng hampas sa braso.
"Kuya, naman eh! I mean, he set me free." sigaw niya sa akin habang sumisinghot-singhot. Kadiri, napakadugyot!
"Iyon naman ang gusto mo diba?" seryosong tanong niya sa akin.
"Pero kuya ang sakit kasi. Hindi ko pala kaya na sa bibig mismo niya manggaling na pinapalaya niya ako." patuloy na pagkukwento nito habang humihikbi.
"Sinabi na ba niya sa'yo na sinet-up lang siya ni Eurika noong gabi ng party kasi pag hindi sinabi ni Kaizer 'yon guguluhin niya ang buhay mo?" tanong ko sa kanya. Nilingon naman niya ako nakaawang ang bibig niya dahil sa gulat.
"What?! Ibig sabihin..."
"Hindi mo pa alam?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ayaw niyang sabihin kasi sabi niya hindi rin naman daw ako maniniwala sa kanya." mahinang sagot nito sa akin.
"Kahit naman siguro ako hindi na ko mag-eexplain pa. Hindi ka nga naniwala na mahal ka niya eh."
"Kuya, what should I do?" nakatungong tanong niya sa akin.
"I should be the one who's asking that."
**
Irene's POV
Ang tanga ko! Bakit hindi ko muna inalam ang totoo bago gumawa ng desisyon?! Bakit?
Ano ng gagawin ko?
"Anak!"
"Daddy!"
Sinalubong agad ako ni daddy ng yakap pagpasok ko ng bahay.
"I'm sorry, anak. Hindi ko sinasadya 'yong ginawa ko sa'yo kanina." sabi sa akin ni dad habang nakayakap ako sa kanya.
"The bitch is here again." dinig bulong ni Eurika.
Siya ang may dahilan ng lahat ng masasamang nangyayari sa akin ngayon.
"You! Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Ikaw ang dahilan kung bakit ko iniwan si Kaizer. Sinet-up mo siya! Sinabi mo pang guguluhin mo ang buhay ko pag hindi ginawa ni Kaizer 'yon! Pero bakit ginugulo mo pa rin ako ngayon!? Bakit?!" sigaw ko sa kanya nang sinugod ko siya.
Sinampal ko siya, sinabunutan, sinaktan. I don't care! I just want to hurt her so bad.
Pinipigilan kami kuya at mom pero si daddy ay nakatayo lang sa gilid at nanonood sa amin.
"Jasper, hindi mo ba pipigilan ang anak natin?" naiinis tanong sa kanya ni mom.
"That girl deserves it!" pumapalakpak pang sabi ni dad.
That's my dad!
"Irene, tigil na." saway sa akin ni Kuya habang hinihila ako palayo kay Eurika.
"No! This girl deserves this." nang gagalaiting sabi ko sa kanya. At dahil nawalan ako ng balanse ay nagkapalit kami ng pwesto ni Eurika siya na ang nasa ibabaw ko.
"Walang hiya ka! Wala kang karapatan para saktan ako! Dapat hindi ka na bumalik! Hindi ka karapat-dapat kay Kaizer!" galit na galit na sigaw niya sa akin at akmang sasampalin ako pero isang malakas na sampal ang tumama sa kanya galing kay dad.
"Wala kang karapatan na saktan ang anak ko! Matuto kang lumugar sa bahay na ito. Pasalamat ka at kinupkop pa kita dito sa pamamahay ko!"
I was in shocked when I heard that from dad. For the first time ay nakita kong magalit ng ganito si dad.
"Dad," bulong ko kay dad habang nakahawak sa braso niya.
"Jasper,"
"Pag sabihan mo 'yang anak mo, Therese. Namumuro na 'yan sa akin. Dahil d'yan sa pinaggagawa niyang bastarda mo nasaktan at nasasaktan ang anak ko!" galit na galit na sigaw ni dad kaya napatago ako sa likod niya.
"Dad, mom, stop this! Irene, gamutin natin 'yang mga kalmot mo." sabi sa akin ni kuya habang naka-alalay sa akin at inilalayo ako kay daddy.
"Sa office tayo. Manang, pakidala nga po ng first aid kit sa office ko." malamig na sabi ni dad bago kami umakyat sa second floor ng bahay.
"ARE you okay?" tanong sa akin ni dad ng makarating kami sa office niya.
"Thank you, dad!" nakangiting sabi ko sa kanya.
"For what?" naguguluhang tanong nito sa akin.
"Kasi pinagtanggol mo ako." I giggled. Pakiramdam ko kanina nakaganti ako ng sobra kay Eurika kahit na medyo naawa ako.
"Of course! You're my princess. Hindi ko hahayaang masaktan ka." nakangiting sabi nito habang nakahawak sa ulo ko.
"Eh bakit noon?" malungkot na tanong ko.
Feeling ko anumang oras tutulo na naman 'yong mga luha ko.
"Anak, alam ko ang lahat matagal na." seryosong sabi sa akin ni dad.
"Jinjja? (Really?) Bakit hindi niyo sinabi?" napatunghay ako bigla sa sinabi ni dad.
Paano niya nalaman 'yon?
"Kasi ang mga bagay na maagang nag-uumpisa, maaga ring natatapos." makahulugang sabi ni dad.
"Pero hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako." malungkot na sabi ko sa kanya.
"Just wait my princess." niyakap ko na lang si dad kahit hindi ko alam ang pinaplano niya.
"Kayo na lang magyayakapan? Dad, anak mo rin ako!" sabat bigla ni kuya na nasa likod ko.
"Sain, tigilan mo nga ako! Halika dito!"
"Group hug." nakangiting sabi ko kanila.
Maybe I should be contented for what I have now.
**
Eurika's POV
"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong sa akin ni mom ng makapasok kami ng kwarto ko.
"Mom, pinagtanggol ko lang ang sarili ko." naiiyak na sabi ko sa kanya.
Alam ko namang sampid lang ako sa bahay nito pero pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko dahil wala ng ibang gagawa noon para sa akin.
"Hindi 'yon! 'Yong ginawa mo three years ago." hindi makapaniwalang sabi ni mommy.
"Mom, mahal na mahal ko si Kaizer kaso hindi na niya ako napatawad." tuluyan ng pumatak ang mga luha kong kanina ko pang pinipigilan.
After so many years, ngayon lang ulit ako umiyak sa harap ng ibang tao.
Ayokong nakikita ng iba na mahina ako pero sobrang sakit na.
"What do you mean? May nakaraan ba kayo?" tanong nito habang nakaupo sa tabi ko.
"Naging kami po kaso tutol ang magulang niya sa amin kasi ikakasal si Kaizer sa iba balang araw. Si dad naman ay ayaw niya kay Kaizer kasi bata pa raw kami kaya naisipan naming magtanan at hindi ko akalain na masusundan kami ni dad.
Nagalit siya sa akin kasi akala niya hindi ko siya mahal. Hindi ko naman alam na sinundan kami ni dad. Wala akong pinagsabihan noon. I love him, I really love him." umiiyak na kwento ko kay mom.
It still hurt. It hurts so much!
"Anak, hindi mo na hawak ang puso niya ngayon. Diba sabi nila kung mahal mo kahit gaano kasakit kakayanin mo maging masaya lang siya. Kaya dapat maging masaya ka na lang para kay Kaizer." seryosong sabi ni mommy habang pinupunasan ang mga luha ko.
Tama naman si mom pero hindi ko kasi matanggap.
"Tatanungin kita. Masaya ka ba sa ginawa mo noon?"
"Hindi po..." umiiling na sagot ko sa kanya.
"See? Hindi ka na nga sumaya may mga nasaktan ka pa. Hindi pa huli ang lahat, Rika. Mabait si IC kaya siguradong mapapatawad ka niya." nakangiting sabi nito sa akin bago ako kinabig para yakapin.
Siguro nga tama si mom.
I should give up kasi hindi naman ako sasaya sa mga ginagawa ko. Makakasakit pa ako ng iba.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro