Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Mabilis naman akong nakarating sa Yellers Coffee Shop kaya iniintay ko na lang si Fress.

"Irene!" tawag niya agad sa akin pagkaupo niya sa upuan sa tapat ko.

"Fress,"

"Saan ka ba nagtago? Lahat kami hinahanap ka na. Si Tito Jasper nga pinatingnan na sa lahat ng hotels kung may nagcheck-in ba na Irene Fortaleza. 'Yong mom mo raw iyak ng iyak. Wala ka bang balak umuwi?" dire-diretsong sabi ni Fress sa akin.

"Wala." lutang na sagot ko sa kanya.

"What? At saan ka naman tutuloy ha?! Sa hotel? Mahahanap ka rin ni Tito Jas!" sigaw niya sa akin.

"Kay Kaizer ako tumutuloy ngayon." mahinang sagot ko sa kanya.

"Ano?!" Dahil sa sigaw niya ay napatingin sa amin 'yong ibang costumers na nasa coffee shop.

"Wag ka ngang sumigaw!" sabi ko sa kanya at inis na pinandilatan siya ng mata.

"Paano ako hindi sisigaw eh doon ka lang pala nagtatago sa ex-boyfriend mo!" nanlalaking mata na sabi nito sa akin.

"Ewan ko sa'yo!" akmang aalis na ko ng pinigilan niya ako.

"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Aalis na. Kaya kita pinapunta para tulungan ako hindi para magtanong ng magtanong!" naiinis na sabi ko bago lumabas ng restaurant.

Iniwan ko na siya doon. Nakakatuyo siya ng dugo. Jusko!

"Irene?" napalingon ako sa taong tumawag sa akin.

"Gavin,"

"Ikaw nga! Saglit tatawagan ko lang si Sain."

"Teka! Wa—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nakita ko na siyang may tinatawagan.

Damn! Bakit ba hindi ako pinatapos nito sa pagsasalita. Tsk!

"Hello, Sain?"

Nakita ko na si IC.

Oo nga!

Mamaya ka na mag-swaeg d'yan! Nandito siya sa..."

"Irene!" tawag niya sa akin ngunit hindi siya nilingon. Dali-dali na akong tumakbo palayo sa kanya bago pa makapunta dito sina kuya.

"SAAN ka galing?" tanong agad sa akin ni Kaizer pagkapasok ko ng unit niya.

Akala ko wala siya? Wait...

Is he drunk?

"Lasing ka ba?" tanong ko sa kanya habang lumalapit.

"Just answer me! Saan ka galing?!" sigaw nito sa akin.

"Bakit ka naglalasing?" kukunin ko dapat 'yong boteng hawak niya bigla niya itong ibinato.

"This is bullshit! Iiwan mo na naman ba ako?! Ano bang mahirap paniwalaan sa sinasabi kong mahal kita?! Ano, Irene!" sigaw niya habang umiiyak. Namumula ang buong mukha niya at malungkot ang mga mata nito.

Napalayo naman ako sa kanya dahil sa takot.

"Natatakot ako na baka niloloko mo na naman ako. Ni hindi mo nga ako hinabol n'ong party kaya naisip ko na hindi mo ako mahal." mahinang sabi ko habang kagat-kagat ang pang-ibabang  labi dahil sa kaba at takot.

"Eh paano naman ako? Nakakatakot din naman ako maiwan eh. Irene, wala kang alam sa nangyari ng gabing 'yon! Three fvcking years akong naghintay sa'yo! Marami akong napabayaan sa loob ng tatlong taon na 'yon!

My mom got a heart attacked no'ng gabing nawala ka sa party. Nakita kitang umalis noon pero hindi kita nahabol kasi kailangan ako ni mom. Kinabukasan, pinuntahan kita sa inyo pero sabi ng dad mo umalis ka na raw. Iniwan mo ako, Irene! Iniwan mo akong hindi pinag-eexplain! Pero ito ako oh, patuloy na nagmamahal sa'yo! Mahirap ba talaga akong paniwalaan?" puno ng hinanakit nitong sabi sa akin kaya mas lalo akong napaiyak.

Hindi ko na alam.

Hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong paniwalaan.

"Eh ano 'yong pinag-uusapan niyo ni Eurika?"

Kahit naninikip na 'yong dibdib ko sa pag-iyak pinilit kong magsalita.

I think this is the right time para malaman ang lahat.

"Pag ba sinabi ko sa'yo maniniwala ka?" nakangising tanong niya. Hindi ako sumagot kasi kahit ako hindi ko alam kung kaya ko pa bang maniniwala sa mga naririnig ko.

"Diba hindi? 'Yon ngang sinabi kong mahal kita hindi mo pa mapaniwalaan. Edi lalo na pag nag-explain ako. Siguro nga hindi na ako makakapasok pa ulit d'yan sa puso mo." nahihirapang sabi nito sa akin. Agad ko namang inangat ang mukha ko para makita siya.

"K-Kaizer," nanghihinang tawag ko sa pangalan.

"I'm sorry. Alam kong hindi mo na ako mapapatawad. Tinawagan ko na sina Tito Jas at sinabing nandito ka. I'll set you free, Riri."

Ito 'yong gusto ko diba? Iyong palayain niya ko pero bakit ang sakit-sakit?

Ang tuluyan ng putulin ang ugnayan namin pero bakit ganito 'yong nararamdaman ko?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro