Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Pumunta muna ako sa condo ni France dahil hindi na rin naman lumabas si Irene sa kwarto nang huli kaming mag-usap.

Kailangan ko ng makakausap at si France lang ang pwede kong makausap tungkol dito dahil siya lang ang nakakaalam ng totoong nangyari.

Nagalit sa akin ang buong Vanguards lalo na si Sain pero hindi ko ikinuwento sa kanila 'yong totoong dahilan dahil ayokong magulo ang pamilya nila lalo na't nalaman kong kapatid pa nila si Eurika.

Siguro naman sapat na 'yong sinabi kong mahal ko talaga si Irene.

"Bakit hindi mo na lang sabihin ang totoo?" tanong sa akin ni France.

"Hindi naman siya maniniwala." malumanay na sagot ko sa kanya.

"Try mo lang. Mahal ka no'n kaya sigurado akong paniniwalaan ka niya." seryosong sabi niya na para bang 'yun ang pinakatamang gawin.

"Hindi na siya 'yong dating Irene. Noon ngang sinabi kong mahal ko siya hindi siya naniniwala eh." walang gana kong sagot sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang ibalik sa dati ang lahat.

"Eh anong balak mo ngayon?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Ipaparamdam ko na lang sa kanya na mahal ko siya. Sabi mo nga, action speaks louder than words." sagot ko sa kanya.

"Basta pagkailangan mo ng tulong nandito lang ako." sabi niya bago tinapik ang balikat ko.

"Salamat," nakangiti kong sabi sa kanya.

**

Sain's POV

"Ano na?! Nasaan na ang kapatid mo?" tanong ni dad sa akin. Nakakastress naman 'to eh. Sinampal-sampal niya tapos hahanapin.

He got no jams— este swaeg!

Bwiset na Dexter 'yon nahawa na ako sa kaka-he got no jams no'ng badjao na 'yon.

"S-Sorry. Kung sana dinamayan ko ang anak natin noong kailangan niya ako edi sana hindi siya magkakaganon." umiiyak na sabi ni mom at niyakap naman siya ni dad.

Hindi ko na talaga maintindihan ang mga tao ngayon. Nag-aaway tapos magyayakapan. Sasaktan tapos hahanapin.

Ano ba talaga?!

"Ano na, Sain?!" sigaw ulit sa akin ni dad.

"Anak ng swaeg! Ano ba, Dad? Relax ka nga lang. Itinatanong ko na nga sa mga kaibigan ni Irene kung nakita ba nila si Irene eh." naiinis na sabi ko sa kanya.

"Si Fress at Tyler lang ang kaibigan ng kapatid mo!" sigaw ni dad na nakapagpasakit lalo ng ulo ko.

Anak ng swaeg! Oo nga pala.

"Ikaw naman kasi dad eh. Sasampalin mo tapos pag naglayas hahanapin mo. Ikaw naman mom, hinayaan mong magdusa ang prinsesa mo tapos ngayon naman iiyak ka. Ano ba talaga?" naiiritang sabi ko sa kanila.

Nakakastress naman 'tong mga 'to! Makapaglayas na rin kaya?

"Bakit niyo pa kasi hinahanap eh wala na nga?" sabat bigla ni Eurika na hindi ko alam kung saan nang galing.

"Kaya nga hinahanap kasi wala! Nakakawala kayo ng swaeg eh!" sigaw ko sa kanila sabay walk-out.

Hindi kami close ni Eurika hindi dahil sa ayaw ko sa kanya. Kundi sadyang si Irene lang ang tinuturing kong prinsesa. Swaeg!

Iyong reyna ko? Hinahanap ko pa eh.

**

Fress's POV

Tinawagan na ako ni Kuya Sain kasi hanggang ngayon daw wala pa rin si IC kahit nga si Tyler napagtanungan na rin ni Kuya Sain wala rin daw.

Saan naman kaya naroroon ang babaeng 'yon? Jusko!

Nawawala ang poise ko sa kakahanap sa Irene na iyon.

Napatingin naman ako bigla sa cellphone kong nag-vavibrate.

"Buti naman at naisipan mong tumawag 'no, Irene Claudette!" galit na bungad ko agad pagkasagot ng tawag ng magaling kong kaibigan.

"F-Fress."

"Nasaan ka ba?! Kanina ka pa namin hinahanap! Sina Tita Rese at Tito Jasper nag-aalala na sa'yo!" sigaw ko sa kanya.

"Hello! Irene ano ba?!" sigaw ko ulit sa kabilang linya.

"Sorry..." seryosong sabi nito bago binaba ang tawag.

Pinagbabaan ako?! Irene Claudette! Argh!

To: ICY

Hoy babaeng baliw! Alam kong galit ka sa pamilya mo pero kahit naman sa akin na bestfriend mo sabihin mo naman kung nasaan ka! Magreply ka kung hindi magkalimutan na tayo! Mark my words, Irene.

Sent!

**

Irene's POV

Nakatanggap ako ng text galing kay Fress pagkatawag ko sa kanya. Inaasahan ko na 'to.

To: Kendi

Meet me at the Yellers Coffee Shop. ASAP! I really need you, Francess.

Sent!

Pagka-send ko no'n ay umalis na ako ng condo ni Kaizer at sumakay ng taxi para makapunta sa pagkikitaan namin ni Fress.

Sana lang matulungan niya ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro