Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Irene's POV

Gosh! Nandito na ako ulit ngayon sa condo niya.

Ganon pa rin 'yong itsura nito simula noong huli akong makapunta dito ngunit isang bagay lang ang nakakuha ng atensyon ko. Nilapitan ko ito at pinakatitigan. Ito ang picture namin noong first monthsary namin.

"Bakit nandito pa rin 'to?" tanong ko sa kanya habang tinititigan 'yong litrato.

Ang saya-saya pa namin doon at hindi mo aakalaing kasinungalingan lang pala lahat.

"Sigurado ka bang hindi kita minahal?"

"Wala na akong pakialam. Ang alam ko lang wala na tayo kaya sagutin mo ang tanong ko. Bakit nandito pa rin 'to?" matigas kong tanong sa kanya ngunit biglang nagbago ang ekspresyon niya sa naging sagot ko.

Nagulat na lang ako ng lumapit siya sa akin kaya umatras naman ako hanggang sa napaupo na ako sa sofa.

"Kasi ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang, wala ng iba." bulong niya sa akin habang diretsong nakatitig sa mga mata ko.

Bakit ba sobrang init ngayon?

"Tumigil ka na, Kaizer. Hindi mo na ako maloloko." matapang na sabi ko sa kanya. Pinilit kong tigasan bawat salita ko kahit sobra na akong kinakabahan dahil kay Kaizer.

Bakit ba ang lakas pa rin ng epekto niya sa akin?

"I'm saying the truth, Riri." sabi niya sabay ngisi sa akin.

"S-Stop calling me Riri!" sigaw ko sa kanya ng makalayo siya sa akin.

"Why? Your still affected?" nakangising tanong nito sa akin.

"In your dreams!" singhal ko sa kanya.

"Boyfriend mo pa rin ako, Irene." seryosong sabi niya at nameywang sa harapab ko.

"Hindi. Kung sa'yo, oo para sa akin hindi na! Manloloko ka, Kaizer. Manggagamit ka!" pumiyok ako sa huli kong sinabi dahil hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

Akala ko ba nakamove-on na ako?

Pero bakit naiyak na naman ako ng dahil sa kanya?

"In time, Irene. Maiintindihan mo rin." hinalikan niya ako sa noo bago siya umalis ng unit niya.

**

Kaizer's POV

"In time, Irene. Maiintindihan mo rin."

Mahal na mahal kita.

Sana dumating na 'yong araw na pwede ko ng sabihin sa'yo ang lahat.

-

Nandito kami ni Irene sa party ng kaklase namin na si... Ewan? Wala akong oras makipagkilala sa kanila.

"JK, can we talk?" Nilingon ko ang tumawag sa palayaw ko at nakita ko siya.

Si Eurika. Siya lang naman kasi ang tumatawag sa akin ng JK.

"Wal-"

"Please?"

"Saan ba?" umalis siya sa harap ko kaya naman sumunod ako sa kanya.

"JK-"

"Stop calling me that! Wala na si JK, Eurika!" galit na singhal ko sa kanya.

"Sorry. Sorry sa lahat. Hindi ko naman ginusto 'yung mga nangyari. Sorry, ka-"

"Stop!" sigaw ko. Aalis na dapat ako ng hawakan niya ang braso ko.

Damn it. Wala namang patutunguhan 'tong pag-uusap na 'to eh. Kailangan ko ng balikan si Irene.

"Kaizer, let me explain. Please?" umiiyak na sabi niya.

"Stop crying." matigas kong sabi sa kanya. Hindi ko kayang may nakikitang babaeng umiiyak dahil sa akin.

"Kaizer, hindi ko alam kung panong nangyari na nasundan nila tayo. Kaizer, hindi ko plinano 'yon. Mahal kita, mahal na mahal. Please, Kaizer ako na lang ulit."

Naging kami ni Eurika at binalak namin magtanan noon. Hindi ko naman akalain na masusundan kami ng mga magulang namin.

Tutol sila sa relasyon namin lalo na ang magulang ko dahil nga simula't sapul may nakatakda ng ipakasal sa akin.

"Mahal ko si Irene," seryosong sabi ko sa kanya. "Mahal na mahal."

"Pag hindi mo siya hiniwalayan. I will make her life miserable!" sigaw niya na parang nababaliw na.

"Huwag na huwag mong idadamay si Irene dito!" galit na sabi ko sa kanya.

"Then sabihin mo na hindi mo siya mahal. Na ginagamit mo lang siya dahil sa arrange marriage na 'yan. Iyon naman ang totoo diba?" nakangising tanong niya.

"Are you out of your mind?! Bakit ko naman gagawin 'yon?" gigil na gigil kong tanong sa kanya.

Kung hindi lang siguro 'to babae ay kanina ko pa 'to pinagbuhatan ng kamay.

"Guilty? Sasabihin mo lang naman sa akin eh. Hindi naman kay Irene sasabihin. So, stop being guilty napaghahalataan ka." nakangising sabi nito sa akin.

"Ano namang magiging kapalit pagginawa ko 'yon?"

"Titigil na ako. Tatanggapin ko na wala na talagang tayo."

"Fine," napipilitang sagot ko na ikinangiti naman niya.

Hindi talaga ako komportable sa pinapagawa niya dahil ramdam kong may hindi magandang mangyayari pero para sa amin ni Irene gagawin ko 'to.

"Hindi ko siya mahal. I'm just using her because of that damn arrange marriage. But it doesn't mean that I still love you."

"It means, you doesn't love her?"

Ano bang tinatanong nito? Magtatanong sana ako ng sumenyas siya na sagutin ko 'yong tanong niya.

"Y-Yeah! She's so stupid to think that i'm really inlove with her."

"I love you, Kaizer." bigla na lang niya kong hinalikan kaya tinulak ko siya.

Wala na akong pakialam kung masaktan man siya. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay si Irene at kung anong meron kami.

"Nagawa ko na ang pinaggagawa mo. Siguro naman titigilan mo na kami?"

"Ngayon pa? For sure pinaplano na niyang iwan ka, Kaizer?" nakangising sabi nito sa akin bago ako tinalikuran.

Fvck! Naset-up ako!

-

It is all because I love you, Irene. I did that because I don't want you to be miserable. Ganon kita kamahal...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro