Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Kaizer's POV

Bakit parang ang laki-laki ng galit sa akin ng babaeng 'to?

Dapat nga ako ang magalit sa kanya kasi bigla na lang niya akong iniwan pero hindi ko naman kayang gawin 'yon dahil mahal na mahal ko siya.

Nang nakita ko siya kanina sobrang laki ng pinagbago niya pati pananalita pero alam kong nandoon pa rin 'yong Irene na minahal ko.

"Wala akong alam sa sinasabi mo." umiiling na sagot ko sa kanya.

"Hindi mo na rin dapat pang malaman." malamig niyang sagot sa akin.

Nahawaan na ba siya ng winter sa States? Tsk!

"Bakit ba galit ka sa akin?!" hindi ko mapigilang itanong sa kanya.

"Hindi mo alam?" hindi ako sumagot. Inaantay ko lang siyang ituloy 'yong sinasabi niya.

"Naalala mo 'yong party ni Yeri three years ago. Noong sinabi mong may kakausapin ka lang. Sinundan kita noon kasi nawawalan na ako ng tiwala sa'yo at narinig ko kayong nag-uusap ni Eurika.

Sinabi mo na hindi mo ako mahal kasi ginagamit mo lang ako sa lintik na arrange marriage na 'yan! Bakit ako ang ginamit mo?

Wala ka ba talagang pakialam sa nararamdaman ng iba?! Ang duwag mo! Alam ko na balang araw ikakasal din ako sa taong hindi ko mahal pero pinili kita! Kasi akala ko kaya mo akong ipaglaban. Sana hindi na lang kita minahal! That was the biggest mistake that I regret. Loving a man like you, Kaizer Malabanan."

**

Irene's POV

Akala ko okay na.

Akala ko hindi na ako masasaktan pagsinabi ko sa kanya 'to.

Akala ko nakamove-on na ako.

At akala ko hindi ko na siya mahal pero lahat ng 'yon ay akala lang pala.

"I did—"

"You don't need to say anything. I don't need your explanations." tumalikod na ako sa kanya.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Bumalik na naman ako kung saan ako nag-umpisa.

Sa pagiging mahina...

"Ire— Irene!"

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari nang marinig ko ang pagsigaw ni Kaizer dahil nawalan na lang ako bigla ng malay.

WHITE ceiling? Ah, hospital.

"Gising ka na pala." sabi sa akin ni Kaizer pagkapasok niya sa loob.

Napairap na lamang ako sa hangin ng makita siya.

"Bakit ako nandito?" tanong ko sa kanya bago umupo mula sa pagkakahiga.

"Hinimatay ka kasi kanina. Pwede ka na raw lumabas pagkagising mo."

"Ah. Sige, alis na ako." tumayo na ako pero pinigilan na naman niya ako kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Teka? Saan ka pupunta? Diba naglayas ka sa inyo?" nag-aalalang tanong nito sa akin. Iwinaksi ko naman ang pagkakahawak niya sa akin bago sumagot.

"Pwede ba tigilan mo na ako at tsaka problema ko na 'yon." naiinis na sabi ko sa kanya.

"Ang problema mo, problema ko rin." seryosong sabi nito sa akin.

"Hindi naman kita kaano-ano. Wala namang tayo." matabang kong sagot sa kanya.

Nilapit niya ang mukha sa akin at may ibinulong. I can smell his scent and feel his hot breath.

"Hindi naman tayo naghiwalay kaya sa ayaw at gusto mo sa akin ka sasama. Your my responsibility, Riri."

Oh shit! Bakit ba ang hot nitong boyfriend ko— I mean ex-boyfriend.

"Hindi ko na hahayaan na iwan mo ko ulit. Kung kailangan kitang ikulong gagawin ko. Huwag mo lang ako iwan ulit."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro