Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6: Aray!

Chapter 6 Aray!

Dalawang linggo na ang nakakalipas ewan pero lalo na yata akong nag kakagusto kay Shaun pano kase ang sweet sweet nya saken eh tapos lagi pa nya ako nililibre

Eh si Cy? Walang ginawa kungdi asarin ako at galitin para ngang di kumpleto araw nya ng di ako na bubwisit eh minsan naman pag kinakausap ko di ako pinapansin lakas ng saltik sa ulo. tapos parang di kumpleto araw nya nang dinya nagagawa yan di basya nag sasawa ewan ko ba sa kanya pero nagiging close ko naman na yung gunggong nayon.

Sabado ngayon walang pasok grabe ang saya wala kang poproblemahan tamang pahinga lang saka wala ako ganong iisipin pababa nako ngayon para kumain medyo nagugutom naren ako teka? Kumakain na sila di manlang ako inakyat sa taas para yayain kumain? Sama naman nila huhu

"Kuya! Maui! Wala talaga kyong balak ayain ako kumain?"

"Eh prinsesa ko akala kasi namen tulog kapa ayaw namin na maistorbo ka halika na kumain kana"

"Oh Maui san punta? Bakit bihis na bihis ka may date kaba?"

"Luh? Wala akong date no aalis kase kami ni kuya may tournament mag lalaro si lodi shaun"

"Nyahh Kuya totoo? Pwede ako sumama?"

"Sige Sumama ka mag bihis kana mga 10:30 pa naman ang umpisa non"

"Sige Kuya:)"

Sa totoo lang wala talaga akong hilig sa ganon eh andon kase si shaun gusto ko syang makitang nag lalaro ng lol nag mumura kaya sya habang nag lalaro?sumisigaw din kaya sya? Si Cy kaya nandon? Bakit ko ba sya iniisip argh >.<

Nakaalis na kami ng bahay gamit namin yung kotse namen para mabilis kaming maka rating don sa ano sa anong tawag don malaki syang computer shop eh mga 100 katao o higit pa ang pwede sa loob malaki sya eh maganda yung computer shop yung mga upuan den tapos mayron ding aircon maganda talaga sya dito daw nag lalaro yung mga lol player.

"Oh nandyan pala si ken eh"

"Tol baka matalo tayo nyan"

Hm sikat den pala kuya ko? Akala ko kase sila maui at shaun lang eh nakita konga page nila ang taas ng likes mga nasa 90k yung mga nag lalikes naman mga lol player den meron deng mga babae mga lol gamer nga naman pero ayos lang gwapo naman sila >.<

"Ate Max ayon si kuya shaun oh" agad ko namang nakita si shaun alah ang gwapo nya talaga

Nag lalakad nako papunta kay shaun nagulat ako nang may biglang humarang saken argh si gunggong

"Ano ba tumabi kanga"

"Bakit ka nandito?"

"Sinama ako ni kuya eh umalis kanga dyan pupuntahan ko si shaun"

"Tsk wag kanga pumunta don bulag kaba ha? di mo ba nakikita na kasama at nandon yung girlfriend nya? Hala ano girlfriend daw eh wala namang girlfriend si shaun eh saka wala namang syang kasamang babae tinabig ko si Cy para tignan

o_O

Meron ngang kasamang babae si shaun ang lapit nila sa isat isa parabang matagal na silang mag kakilala tapos niyakap nung babae mula sa likod si shaun tapos tapos ano nag kiss sila pero dikit lang naman

Aray :<

Bakit ganon kelang napamahal nako kay shaun tapos biglang ganto?bakit ba sya nag bigay ng motibo tapos sabi nya saken gusto myadaw ako pero bakit nay kasama syang ibang babae? Ang saket naman ata nito na nanamlay ako na diko ma intindihan

Pinag masdan ko silang dalawa grabe talaga ang sweet sweet nila akala ko sakin lang sya sweet dipala. Maganda yung babae maputi sexy mahirap syang pantayan grabe walang wala ako napatingin sya sa kinatatayuan ko nagulat panga sya bigla syang tumayo sa kinauupuan nya napatingin din sakin mga kasama nya at pati narin yung babae. Tinignan ko silang dalawa habang naka tingin saken ewan ko pero bigla nalang tumulo luha ko nung naramdaman ko na tumulo luha ko agad na akong tumakbo palabas tinawg ako ni Cy at Shaun pero diko sila nilingon pumara na agad ako taxi pupunta ako sa lugar na tahimik at walang iistorbo sakin.

CY Pov.

Bakit ba sya pumunta dito? Ang sabi nya ayaw nya sa mga ganitong lugar anong pumasok sa utak ni ken at sinama nya dito si maxine lakas ng amats

Nakita kong tumulo luha ni payat ayokong nakikita syang umiiyak ang pangit nanga nya pumapangit syang lalo pag umiiyak tsk siraulo ka talaga shaun.

Tumayo si shaun sa upuan nya nakita kong naka tingin sila kay maxine pupuntahan ko sana si maxine para sundan pero pinigilan ako ni shaun

"Ako na muna ang kakausap kay maxine ikaw na muna ang bahala kay wendy"

Nasisiraan naba sya ng baet pupuntahan nya ibang babae tapos iiwan nya girlfriend nya? Ano pa at mag uusap sila ni maxine? Para saan? Para masaktan ulit gago sya hindi ako papayag

Humarap ako kay shaun tapos bigla ko syang sinuntok nanginginig katawan ko sa sobrang inis sa kanya dumugo mga labi nya nag kagulo sa loob

" T@ng*na mo pre di kaba nakakahalata? Dalawang babae yang nasasaktan mo"

"Pre please wag dito"

"My god ano ba nang yayare sa inyo? Ano bang nangyayare? Cy bakit mo sinuntok si cy?"

"Wag ako ang tanungin mo wendy yan ang tanungin mo yang magaling mong boyfriend!"

Lumabas nako para sundan si payat ang kulit din kase nya eh sinabi kona sakanya na iwasan nya yang shaun nayan eh yan tuloy nasaktan pasya

Hinanap ko sya pero hindi ko na alam kung nasan sya ang bilis naman nyang mawala hays

Tinawagan ko sya pero ayaw naman nyang sagutin. Impusible namang umuwi yon eh nandito pa sila ken saka alam kong wala syang susi ng bahay nila tinawagan ko dalawa nyang kaibigan buti may number ako nila ysai at raine

"Hellow?"

"Nandyan ba sainyo si maxine?"

"Nyahhhh!"

"Aray! Ano ba nandyan baka ko sainyo si maxine?"

"Cy? Gosh! Wala sya dito eh baka na sa kanila?"

"Wala den sa kanila eh alam mo ba kung san sya pwede pumunta?"

"Baka sa school? Ay hindi sarado naman yon baka sa likod ng park may malaking puno doon. Don kase sya nag pupunta sa tuwing nalukungkot sya eh"

"Ah sige salamat"

Agad nakong sumakay ng kotse ko para puntahan sya tama nga yung kaibigan ni maxine nandito nga sya nakaupo sa ilalim ng puno may damuhan malaki ang lugar at tahimik walang katao tao papalapit nako sa kanya kaso nag salita sya bigla.

"Puno bakit ba ganon? Ang sabi nya saken eh gusto nya den ako pero bakit ganon malalaman ko na may girlfriend pala sya ang sakit sakit huhuhu akala ko sya na talaga yung magiging first boyfriend ko hindi pala huhu"

Naupo ako sa tabi nya

"Eh bakit naman dyan ka nag bubuhos ng sama ng loob eh hindi naman yan makakapag salita"

"Ano bang pake mo! Pano mo nalaman na nandito ako?!"

"Ede sa dalawa mong kaibigan"

"Ano ginagawa mo dito bakit ka nandito? Nandito kaba para sabihan ako na tanga ako? Sabagay sinabi mo din naman na may girlfriend si shaun pero di kita pinakinggan ang tanga ko"

"Tanga ka naman talaga"

"Salamag sa pag punta salamat sa pag papagaan ng loob tsk"

"Pero mas tanga ako kesa sayo"

"Ha?"

"Kase hinayaan kitang saktan ka ni shaun. Hindi ko nagawan ng paraan, kasalanan ko kung bakit kanasasaktan ngayon sorry maxine sorry"

Biglang yumakap saken si maxine at humagulgol ng iyak sumabay pa ang pag ulan may nasabi bakong mali? Wala naman diba? Siguro sobra lang syang nasasaktan niyakap koren sya grabe ang payat nya parang mababali ang buto nya lagot ka saken shaun.

Nakatulog nalang sa braso ko si payat binuhat ko sya at sinakay sa kotse ko, habang nasa kotse kami pinag mamasdan ko ang kanyang mukha hm maganda naman sya maamo ang mukha,

Hindi ako sanay na nakikita syang ganyan ang lungkot lungkot ng mukha nya parang nasasaktan den ako pag ganyan sya, ano batong nararamdaman ko prang gusto ko tuloy syang halikan agh mali yan mali yan cy unti unting lumalapit yung mukha ko sa mukha nya

Bakit ganto tibok ng puso ko parang lalabas na sa tibtib ko,

Pinaandar kona yung kotse ko dadalhin kosya sa condo ko alangan na dalin kosya sa kanila na ganyan ang itsura nya,

~end of chapter 6

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro