Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17: Welcome Home


CHAPTER 17: Welcome Home

--

Parte ng diary ni cy:

Isang buwang hindi nag paramdam si cy.

Simula nung nawala si cy. Marami na ang nag bago. Naisip ni shaun na oras na para ipakita kay aliyah yung tunay nyang nararamdaman.

Nung nag tapat na si shaun kay aliyah tuwang tuwa si aliyah. Ayaw nanyang palagpasin ang pag kakataong maging sila ng lalakeng mahal nya. Agad namang sinagot ni aliyah si shaun. Simula nung naging sila palagi na silang masaya Halos hindi mo sila mapag hiwalay. Para kay shaun sya na ang pinaka swerteng lalake. At ganon din yung kay aliyah.

Limang buwan na din ang nakakapas simula nung naging sila ni shaun. Wala silang kaalam alam na bumalik na si cy galing korea. Parehas nilang hindi alam ang gagawin hindi nila alam kung paano sasabihin kay cy na sila na. Ayaw naman nilang masaktan ang kaibigan nila. Pero huli na ang lahat alam na ni cy ang tungkol sa kanila.

Lumapit si cy sa dalawa kela Aliyah at Shaun. Nagulat ang dalawa sa sinabi nito na masaya si cy para sa kanila. Gusto ni cy na maibalik yung pag kakaibigan nilang tatlo. Pumayag naman silang dalawa.kaya simula non naging mag kaibigan ulit ang tatlo.

Pag tapos ng lahat naadik na si cy sa larong LEAGUE OF LEGEND (LOL) naging babaero narin ito. Maraming naging girlfriend si cy papalit palit. Para syang nag papalit ng damit. Kung mag palit ito ng babae. Napansin din ito ni shaun kaya sa mga nagiging babae o nagiging jowa ni cy pinapalayo ni shaun sa kaibigan nya. Naaawa kase sya sa mga babae saka ayaw nyang maging ganon si cy.

Nung nalaman ni cy yung mga pinag gagagawa ni shaun. Nagalit ito akala nya lahat ng bagay inaagaw ni shaun sa kanya.

Hindi na nag kaayos sila Shaun At si Cy kahit na pinag ayos ni aliyah ang dalawa. Pag wala naman si aliyah mag ka away ulit sila. Makalipas ang isang buwan pumunta ng Germany si aliyah para i pagamot yung sakit nya sa puso. Si Cy? Mahal nya padin si aliyah. Si aliyah ang girlfriend ni Shaun. na kapatid ni Raiko.. O mas Kilala na si wendy..

Yun ang dahilan kung bakit pabago pago ng girlfriend si cy gusto nyang makalimutan si wendy. Kaya nag hahanap sya ng panakip butas...

Kaya nuong nalaman nya na gustong ligawan ni shaun yung maxine guevarra. Hinanap nya agad ito. plano nyang agawin si maxine kay shaun. Ayaw din nyang masaktan si wendy kaya gumawa si cy ng paraan para malayo si maxine kay shaun. Pero hindi alam ni cy na nahuhulog na pala sya kay maxine...

Bumalik na kami ni raiko sa school don sa malaking puno kung nasaan kami kanina.

Maraming na ikwento sakin si raiko tungkol sa tatlo kela CY. SHAUN. at ALIYAH

si aliyah pala at si wendy ay iisa lang. Akala ko wala lang yung diary nayon akala ko gawa gawa lang yon yun pala totoo. Ngayon kolang napag tanto na kaya siguro nag kakaganon si cy siguro na realize nya na mahal nyapa si wendy(╥﹏╥) kaya pala lagi silang mag kasama. Ayos ah Ginamit nyalang ako ginawa nyalang akong panakip butas. Tapos iiwan nalang nyako kagaya ng mga naging jowa nya noon. Ang stupid mo talaga maxine Naniwala ka sa mga pambobola nyang salita huhu T^T

"Wag kananga umiyak dyan!!"

"Oh baket? Naiiyak ako eh T^T"

" sus lalo ka kaseng pumapangit!!"

"Hee!!"

" Ewan ko sayo bahala ka dyan! Kayong mga babae talaga nakakairita!" Tumayo nasya saka tumalikod at nag lakad palayo.

"Hoy Raiko!! Wala kabang girlfriend?!" Huminto sya pag lalakad saka sya humarap saken

"Meron"

"Eh bakit ka ganyan?! Bakit ka na iirita sa mga babae? Eh meron ka naman palang girlfriend!"

"Eh mas lalake panga kumilos yon kesa saken!" Hm sino naman kaya yung girlfriend nya?

Tuluyan ng umalis si Raiko Naiwan ulit akong ng iisa dito sa ilalim ng puno hays nalulungkot tuloy ako

1 message recieved

From: Bff- Ysai

(hoy Xinetot miss na miss kana namin ni Raine kung pwede punta ka ngayon dito sa park nandito kami nila raine at shaun)

Huh? Kasama nila si shaun? Teka paano naman sila naging close? Hm puntahan ko nalang kaya sila? Para hindi na akk malungkot at ma bored dito. Mag papaalam nalang ako sa teacher ko.

Pag punta ko sa park nakita ko kaagad yung tatlo abah at kumakain sila ng ice cream.

"Xine Dito!!" Sigaw saakin ng tatlo

"Kelan pa kayo naging close?"

"Hm kahapon lang xine hehe"- raine

" hi maxine!. Namiss kita" ay wow may pag i mss you pa buti pa si shaun miss ako eh si cy hindi :(

"Namiss korin kayong tatlo"

"Kamusta naman yung school mo don?"

"Ayos lang naman.." Ramdam ko nanaman yung luha ko na gustong tumulo. Please wag ngayon...

"Maxine? Okay kalang ba? Parang mangiyak ngiyak ka?" Tanong sakin ni Ysai

"Eh kasi..." Hindi kona napigilang hindi umiyak. Sobrang bigat talaga ng nararamdaman ko :(

"Maxine anong ngyare? Si cy ba ang dahilan ng pag iyak mo??" -Raine

"Ang sabi kase ni cy gusto nya munang mapag isa pero nakita ko sila kanina mag kasama sila ni wendy.. Tapos meron pakong nabasa sa diary nya. Sa tingin ko mahal nyapa si wendy:("

"Gago talaga si cy!!" Tumayo si shaun sa kinauupuan nya na galit na galit balak nyapa yatang puntahan si cy.

"Shaun wag mona syang puntahan please hayaan nalang natin sya"

"Hayaan nalang?? Max hindi tama yung ginagawa nya sayo!!" Galit na sabi ni Ysai

"Hayaan nalang muna natin sya. Please para saken" pinunasan ko yung mga luha ko. Tumingin ako sa kanila pinilit kong ngumiti." Ayoko ng mag sayang ng luha sakanya. Wala namang mapapala yung pag iyak ko nato saka lalaki lang yan eh. Eh kung saan sya masaya ede dun sya"

"Siguro kaba dyan max?" - Raine

" Ah HAHA oo naman. Lalake lang yan eh. Tara kain nalang tayo ng ice cream" niyaya ko nalang yung tatlo kumain ng ice cream cheese flavor favorite ko kase to eh. Ang sabi nila pag daw kumain ka ng ice cream gagaan daw yung loob mo.

"Maxine wag kang mahihiyang mag sabi saken(samin) pag pinaiyak ka ulit ni cy sabihin molang saken Uupakan kona talaga yon!" Nginitian ko nalang si shaun.

Nakakatawang isipin na parang noon lang si Shaun yung iniiyakan ko. Tapos si cy yung nag cocomfort saken. Tapos ngayon naman si Cy yung iniiyakan ko.Tapos si shaun naman yung ng cocomfort saken ngayon. Siguro pinag lalaruan ako ng tadhana hays. Pero kailangan kong ipakita na masaya ako na wala lang to. Ayoko namang mag alala yung mga taong nandyan para saken. Yung mga nag mamahal saken.

"Halah xine. una na kami ni Ysai. Inaantay na pala kami ng mga jowakels namin. Shaun ikaw na muna ang bahala dyan kay maxine i hatid moyan sa kanila" siraulo talaga tong dalawang to iwan ba naman ako kay shaun! Tapos sabay ngiti ng dalawa mga ngiting aso eh.

"Sige ingat kayo Raine, ako na muna ang bahala kay xine"

"Ingat kayo mga hakdog"

Nag simula na kaming mag lakad ni shaun papunta sa bahay ko. Tahimik lang kaming dalawa ni shaun nung una. Pero naisip ko na mawala dapat yung akward saming dalawa. Saka gusto ko syang maging kaibigan maging best friend.

"Ah Shaun?" Halah hindi ko alam kung paano uumpisahan huhu

" Haha wag kang mag alala maxine alam ko yung nararamdaman mo. Medyo akward HAHA"

"Ahm Shaun? Mahal mo paba si wendy?" Luh? Anong klaseng tanong yan maxine huhu..

"Alam mo nakakatuwa ka parin hanggang ngayon HAHA kaya kita nagustuhan eh HAHA" halah bat ka ganyan >>_<<

" Shaun naman eh!"

"HAHA sorry na" wuhh sawakas..

"Hmm pero oo mahal ko padin si wendy. Mahal na mahal ko sya." Ang swerte naman ni wendy ang daming nag mamahal sa kanya ;'(

"Pero bakit mo sinabing gusto moko?" Wuhhh after 100 yeara naitanong konarin sakanya>>_<<

"Ahhh yun ba? Ahh eh matagal na kase kitang nakikita sa school unang kita ko palang sayo non nagustuhan na kita. Pero shempre kahit na mahal kopa si wendy hindi ko rin naman maiiwasang mag ka gusto sa iba.. (sayo) tapos non nung nalaman kong girlfriend kana ni cy gusto sanang ilayo ka sakanya. Pero hindi ko naman akalain na masasaktan pala kita." Sabay tingin ni shaun saken

"Ah okay alam kona ang lahat. Pero bakit mo gustong ilayo ako kay cy?"

"Ganon na dati pa si cy. Yung mag jojowa sya para lang makalimutan si wendy. Kungbaga gagamit sya ng babae para panakip butas. Mag jojowa sya pero iiwan nalang nya basta basta. Kaya lahat ng nagiging girlfriend nya pinapalayo ko sakanya. Kaya doon kami nag simulang mag away feeling nya kase lahat ng bagay inaagaw ko sakanya.." Ibig sabihin isa lang din ako sa mga naging panakip butas nya? ;'(

"Ah ganon ba Salamat shaun ah kasi huli na ang lahat masyado nakong na inlove kay cy sa isang LOL player HAHA nakakatawa naman!"

"Dont worry maxine. Ramdam ko na mahal karin ni Cy Saka sayo lang kaya nag effort yon. Siguro masyado lang syang naguguluhan kaya bigyan mosya ng isang pang pag kakataon"

" hays sana nga tama ka. Teka? Paano pala kayo ni wendy?"

"Ah yonba? HAHA sobrang Gulo eh. Pero gagawa ako ng paraan para mag balikan kaming dalawa first love kasi HAHA" eh first love din ni cy si wendy diba hays huhuhu :'(

"Hayys pareho nyong first love si wendy wala akong laban :("

" alam mo maxine kung ikaw yung una kong nakilala kesa kay wendy panigurado sobrang mahal kita maxine."

"Eh bakit mo naman nasabi yan?"

"Kase ikaw? Hm sweet. Mabait. Matalino. Maganda. At higit sa lahat hindi ka mahirap mahalin" hindi ka parin nag babago shaun. Ikaw parin yung shaun na nakilala ko at nagustuhan ko noon Sayang nga eh kase iba na yung mahal ko Saka iba narin naman na yung mahal mo ngayon

" ah thankyou shaun ha kase napagaan mo yung loob ko kahit papaano ^_^"

"Ano kaba ayos lang yon. Teka lagpas na yata tayo sa bahay nyo HAHAHA"

"Halah oo nga no Haha napasarap yung kwentuhan natin. Thankyoh ulit shaun ^_^"

" sige na pumasok kana
^_^" uwahh hindi kaparin nag babago shaun gwapo kaparin huhu pero mas gwapo si cy nyenye.

Naka pasok nako ng gate namin pero hindi pa ako nakakapasok ng pinto ng bahay namin ng tawagin ako ni shaun.

"MAXINE!! pwede ba kitang maging bestfriend" sigaw nya sa labas. Woah best friend daw?

"HOY shaun Okay ka lang ba?"

"Basta bestfriend nakita. Bestfriend ko una nako huh byebye" bago sya tuluyang umalis tinuro nyako saka ako kinindatan haluh mahart >_< joke

Si shaun? Kaibigan kona ngayon? Hm wala namang masama don diba? Saka gusto ko rin naman syang maging kaibigan. Bukod sa gwapo si shaun. Mabait pasya.

"ATEEEEE MAXINEEEEE!!!!!" Ano bayan kung maka sigaw si maui parang may sunog eh kasakit sa tenga.

"oh eh bakit kaba sumisigaw maui??"

"Ate!. Ate!. Ate. Kasi ano kasi!" Halah? Nababaliw nayata tong si maui

"Huminahon kanga! Ano bang problema??"

"Kasii ate ano. Si mommy saka si daddy uuwi daw!!"

"ANOO!! UUWII!?!?!"

"Oo nga!! Tumawag si mommy kanina. Ang sabi uuwi daw sila ngayon"

Ang aga naman yata nilang umuwi? Ang alam ko sa next next month pa sila uuwi eh. Masaya ako kase makikita at makakasam na ulit namin sila mom at dad pero bakit parang kinabahan ako na uuwi sila dito? Si kuya ken kaya alam na to?

"Si kuya? Nasan si kuya?"

"Hindi ko alam ate eh. Tara na mag linis na tayo ng bahay"

"Oo tama Mag linis na tayo baka bigla silang dumating!"

Nag linis na kami ni maui nag ayos na kami ng mga gamit inalis na namin yung mga ibang dumi baka kase madatnan nilang marumi yung bahay ayaw kasi ni mommy na marumi yung bahay eh si daddy may asthma kaya bawal sya sa alikabok.

"PRINCESS!! MAUIII!! nandito na sila mom at dad!!" Tumakbo na agad kami para salubingin sila

"Mommy!!! Daddyy!!" Luh? Parang batang ngawa ng ngawa tong si maui nung makita nya sila mom at dad. Pero parang nahahawa na ata ako na iiyak ako. Sobrang miss ko na talaga sila huhu

"Aww ang baby maui ko ang laki laki na. Pero iyakin kapadin. Nako pag nakita kang ganyan ng girlfriends mo bala pag tawanan ka nila" nag tawan kaming lahat sa sinabi ni mommy HAHA si mommy talaga may pag ka joker

"Ikaw naman honey wag mo namang ipahiya si maui sa harap ng mga kapatid nya. Binata nayan saka mana sakin yang si maui Habulin ng chiks diba noh anak?"

"Shempre dad mana ako sainyo!" Saka sya nag pa gwapo hayy manang mana nga talaga sya kay daddy

"Hoy maui mas gwapo naman sayo si daddy!" Saka Ko lumapit kay daddy sabay hug sakanila." Welcome home mommy and daddy sobrang namiss kopo kayo miss na miss po :'("

"Aw ang nag iisa kong prinsesa dalaga na.. Ang balita ko sa kuya mo may boyfriend kana daw? Pero dapat ipakilala mo samin yan ah" teka sinabi ni kuya? Tinignan ko ng masama si kuya ken

"WAHAHA mom dad tignan nyo si princess ang sama ng tingin saken HAHA" tignan moto napaka sumbungero!

"Ang prinsesa ko may boyfriend na? Pero wala kang na kwento kay mommy na ganyan baby?" Sabi ni mommy

"Sorry mommy humahanap papo kase ako ng tsempo eh"

"Mommy kilala kopo yung boyfriend ni ate!! Si Cy!!"

"Gwapo rin ba kagaya natin maui!?" Si daddy talaga kahit kaylan

"HINDI DAD!! mas gwapo tayo nila kuya kesa kay cy!" Sus ang gwapo kaya ng bebe cy ko >_<

" hoy ikaw maui tumigil kanga dyan!!" Tumakbo si maui palayo tapos hinabol ko naman sya hay mukha kaming mga bata. Pero nanakimiss ding maging bata yung tipong wala kang problema saka walang heart broken huhu

Paano ko ma ipapakilala kay mom at dad si cy? Eh nag away nga kami saka baka nga break na kami non eh hayss pano nayan T^T

-end of chapter 17

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro