Chapter 16: Bagong kaibigan
CHAPTER 16: Bagong Kaibigan.
一
"Ang Cute nya"
"Tol Sakin yan"
"Pre ang ganda nya"
Yan ang mga narinig ko habang papasok ako sa room dito sa margarita. Bakit kase ako pa yung pinadala dito ang daming namang ka artihan jusko. Nakakatakot pa naman dito mukhang mga gangster mga tao dito eh yung mga babae naman ang kapal ng make up yung blash on naman nila parang floorwax sa sobrang kapal tapos ang daming silver na naka palibot sa katawan nila. Bakit kase ako pa yung napili HUHU
"Ms Guevarra ito ang magiging silid mo sa loob ng isang linggo" ano daw? Isang linggo? Ang sabi tatlong araw lang.
"Ah okay po" wala naman akong magagawa mhirap kalabanin yung teacher >.<
Pag pasok ko palang ng room grabe na agad yung mga tingin nila saken parang pag pumasok ako hindi na ako makakalabas ng buhay. Ayoko na gusto konang umuwiii T^T
"Ate dito kapo maupo oh" alok sakin ng isang babae hm mukha naman syang mabait di sya tulad ng ibang babae. Maganda sya.
"Ah salamat ako nga pala si maxine" pakilala ko sa babae
"Ako naman si sachi nice to meet you" sabay ngiti nya saken wahh ang bait naman nya.
"Nice to meet you too. Ahm pwede ba mag tanong?"
"Nag tatanong kana nga diba?"
Ayos ah pilisopo. Teka? Parang pamilyar sakin yung line nayon? Ganung ganon din yung sinabi ni cy saken date hays naalala ko tuloy sya :(
"Biro lang sige na maxine mag tanong kana"
"Mabait ba mga classmate naten?"
Yung mukha nya biglang nag kaganto --} (◎_◎)
"HAHAHAH" bigla syang tumawa luh? Baliw na yata to eh! Bigla biglang tumatawa. Mali yata yung unang tingin ko sakanya na mabait sya :-/
"Ano nakakatawa don?"
"Ay sorry maxine ah. Nakakatawa kase eh HAHA yung mga iyan? Mukhang mabait? Shempre hindi HAHA" bigla naman akong natakot sa sinabi nya hindi daw mabait halah Cy Help me Where are you Huhuhu T^T
" ah ganon"
Biglang dumating yung teacher namin bakla sya. Mukhang maarte pa yata to saken eh hayss ano batong napasukan ko. Mukhang gagster na classmate. Baliw na katabi. Tapos ngayon ito naman huhu ang malas ko ngayong arawww WAHH
"Okay class say hi to our visitor na si Maxine Guevarra. Galing sya sa Ateneo de manila university sya yung kapalit ni Wendy reyes. Nag tinginan ang lahat saken. Yung iba tinatarayan ako. Yung iba naman nag smile saken Nag bow nalang ako sakanila saka ko sila nginitian
Ano daw? Wendy reyes? Si wendy Nasa Ateneo sya? Ibig sabihin lagi na silang mag kasama ni cy ngayon? Luh bakit bako nag seselos? Eh mag kaibigan nalang sila. Oo mag kaibigan nalang sila saka may tiwala nman ako kay cy
"Okay mag start natayo sa ating discussion"
Nag turo natong si MR bartolome grabe ang arte naman nito Mahigit isang oras na syang nag tuturo tapos biglang bumukas yung pinto
"Hi Sir Sorry Medyo Nalate ako" isang gwapong nilalang na hingal na hingal ang dumating. Matangkad sya Maputi Brown yung Mata nya tapos shet ang macho nya Ang gwapo. Pero may gwapo si cy WAHAHAHA
"Its okay Raiko pwede kanang maupo kakaumpisa lang din namin" nag papacute si sir habang sinasabi nyato kay raiko. Parang may gusto si sir kay raiko? Kase malapit ng matapos yung klase tapos ang sabi nya kakaumpisa lang? HAROT!!
"Hoy Bakit Late ka nanaman" umupo si raiko sa tabi ni sachi
"Eh nag lol kase kami pre" nag hihikab pasya nung sinabi nyayon samen. Puyat siguro to dahil sa kakalaro ng league of legend. Naalala ko tuloy si cy nung unang kita namin Puyat din sya non dahil sa league of legend.
"Siraulo ka talaga! Ngapala si maxine sya yung pumalit kay wendy" tinignan ako ni raiko. Grabe naman sya kung maka tingin. Parang malulusaw ako eh ganda talaga ng mata nya brown na brown.
"Sya? Sya yung pumalit sa ate ko? HAHA ang pangit naman nya" wow ah ako panget? Haha ayos ah hindi naman ako pangit eh. Kapatid nya pala si wendy the hell! Liit ng mundo
" Gago ka talaga Raiko! Wag mong pinapairal yang pagiging trashtalker mo! Di lahat ng maganda kabiruan mo! Diba maxine?" Sabay tawa ni sachi ng malakas ngumiti nalang ako kahit medyo asar nako.
"Maganda pa sakanya ate ko eh HAHHAHA" aysus maganda daw? Edi wow sya na ang maganda. Sya na talaga. Tsk bigla nalang nag iba pakiramdam ko gusto kona umuwi T^T
"Ahm maxine pag pasensyahan mona yang si raiko may pag ka siraulo lang talaga yan"
"Ah okay kang yon" shempre hindi totoong okay yon! Pasalamat ka nasa teretoryo nyoko kungdi hindi kana makikita ng mga magulang mo HAHAHAHA joke
Break time na. May pupuntahan daw si sachi kaya ako lang ang mag isa ngayon ang lungkot ko naman pumunta nalang ako sa likod ng school may malaking puno don. Buti nalang hindi masyadong nakakalito tong school nato.
"HOY PAYAT" ano daw payat daw? Eh isa lang naman ang tumatawag saken ng ganon ah Si cy lang. Nag karon na ng ngiti sa mga labi ko Pag lingon ko
"RAIKO?"
"Oh bakit parang gulat na gulat ka?" Shempre akala ko si cy na eh potek ikaw lang pala hays bakit ko naman na isipang pupuntahan nyako eh sabi nya gusto nyang mapag isa :(
"Isa lang kase ang tumatawag saken nyan eh. Saka bakit payat ang tawag mo saken huh" tapos bigla syang tumawa ng malakas baliw din pala to eh parang si sachi lang.
"Payatot ka kase saka flat chested pa HAHAHA" bakit ba kase lahat flat ang tingin saken may laman naman to eh kahit konti.
" ede flat chested na Kaya pwede? Wag moko tatawaging flat at payat huh! Isa lang ang pwedeng tumawag nyan saken!!"
"Sino naman yon"
"Yung boyfriend ko!" Tinaasan nyako ng kilay tapos bigla nanaman syang tumawa. Lakas ng saltik sa ulo nato bigla biglang tumatawa eh.
"Tanga siguro yung boyfriend mono? Pinatulan ka sa pangit mongyan? HAHA Siguro pangit yung boyfriend mo nayon HAHA"
"Hoy hindi pangit si cy!!
"Cy?? Whatt??"
"Cy Roldan" huminto sa pag kakatawa nya tapos biglang kumunot yung noo nya.
"Ah si cy pala. Hm sigurado ka kaba na mahal kanya?" Teka bakit naman nya naisipang itanong yon. Kilala nya si cy? Ay oo ngapala kapatid nya pala nya si wendy kaya mag kakilala sila.
"Oo naman bakit?" Mahal ba talaga ako ni cy? Bakit ganito yung nararamdaman ko. Sabi nya saken gusto nyang mapag isa kaya iniwasan nyako hindi ko alam kung babalik payon ;(
"Ah wala naman" ngumiti sya saken. Bigla akong naka ramdam ng lungkot. Yung ngiti nya kase parang may awa eh. Parang nasa isip nya na hindi ako mahal ni cy :(
"Ah sa tingin moba mahal din ako ni cy? Raiko?"
"Hindi" awts naman parang ma iiyak nako :( ginulo nya bigla yung buhok ko
"Baliw ka talaga! Shempre ikaw dapat ang nakakaalam non nasasayo yon Payatot"
"Anong payatot!! Ikaw ano" wait ano ngaba? Wala akong maasar sakanya halos lahat sa kanya perpekto eh
"ano?"
"Bakla" tama bading HAHAHA
"Gusto mo halikan kita?" Nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko. Pambihira bakit puro gwapong nilalang ang lumalapit saken akala ko nung una masaya sa una lang pala huhu T^T
"Lumayo kanga saken!" Tinulak kosya palayo saken. Grabe napapalunok ako sa sobrang kaba ko kase si raiko eh ang lapit na ng mukha nya sa mukha ko >_<
"HAHAHA sa susunod wag kang mag sasabi ng bakla o bading sa isang lalake huh! Baka halikan kanon bigla HAHA nakakatawa ka talaga payatot WAHAHA"
"HEEEE!!!"
"Oh pano una nako mag lolol pako eh" luh pero hindi pa tapos yung klase namin eh
"Mag cut class ka?"
"Oo sasama kaba?" Sabay kindat nya saken na engganyo tuloy ako na sumama
"Oo sama ako sandali lang!"
Sinundan kolang si Raiko. Papunta sa isang computer shop grabe nakakapagod naman mag lakad. Ay hindi pala lakad ang ginawa ko tumakbo pala ako si raiko kase eh ang bilis mag lakad.
"Ang bagal mo mag lakad!"
"Ang bilis bilis mo kase mag lakad eh!!"
"Nandito nga pala si cy sa loob gusto mo ba sya makita?"
Natigilan ako sa sinabi ni raiko. Nasa loob daw si cy! Makikita konasya. Pero teka bakit parang kinakabahan ako? Diba boyfriend konaman na sya? Boyfriend kopangaba? Ang gulo nya. Pero Sige pupuntahan kosya baka sakaling kausapin nanyako.
"Sige raiko mauna kana susunod nalang ako" kaylangan kong ihanda yung sarili ko
-Five Minutes Later-
Pumasok nako sa loob ng computer shop
"Ayusin mo naman yung laro mo"
" Cy ano bayan?!"
"Nag papatalo kaba!!?"
Pag pasok ko nakita ko cy. Sinisisi sya ng mga kaibigan nya. Parang hindi sya mapakali Lalapitan ko sana sya kaso nakita ko si wendy nilapitan nya si cy tapos kasama din nila si sachi
"Oh maxine nandito karin pala? Tara?" Tawag sakin ni sachi tumingin naman saken si cy at wendy bigla nalang akong tumakbo palabas ng conputer shop ramdam kong tutulo na yung mga luha ko ayokong makita nila kong umiiyak ayokong makita nila akong mahina.
"HOY PAYAT!" wag mong lingunin yan maxine.
"HOY MAXINE!" Wag kang lilingon...
Nagulat ako ng hawakan nya yung braso ko tapos hinarap nyako sakanya tapos pinag masdan naman nya yung mukha ko tapos yung mukha nya ganito--} (*`へ'*)
"HOY RAIKO bakit ka ganyan kung maka tingin!!"
"nakikita ko kase sa mga mata mo na maiiyak kana"
"Ano naman sayo huh! Anong pakeelam mo!" Unti unti ng tumutulo mga luha ko "Naiiyak ako kase na aasar ako! Ang sabi nya saken gusto nyadaw mapag isa tapos makikita ko kasama nya si wendy? Kung ayaw na nya sabihin nanya! Hindi yung pinag mumukha nyapa akong tanga!!"
Bigla akong niyakap ni raiko doon na nag simulang bumuhos yung mga luha ko na kanina pa gustong lumabas.
-end of chapter 16
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro