Chapter 10: Date Again
CHAPTER 10 Date Again.
一 一 一
3:00 AM
Ang aga ko naman yatang nagising ngayon? Anong oras nanga ako naihatid ni cy sa bahay. Ala pa kong tulog argh flag ceremony pa mamaya Shit baka antukin ako mamaya argh...
Ah alam kona tawagan konga si cy
*Ringg Ringg*
Hindi nya sinasagot? Tulog paba sya hays sana all naka tulog na :(
4:00 AM
Inalala ko yung mga masasayang araw namin ni cy hihi kinikilig ako mag isa ano bayan. Bigla kong naalala si Shaun Tapos yung kasama nyang babae nung nakaraan nalungkot tuloy ako bigla huhu :<
Pumikit ako para makatulog. pero di nako makatulog haysss
5:00 AM
Maka ligo nangalang bibilis naman yung oras kahit papano eh
5:40 AM
Luh? Bilis ko naman yata maligo Ngayon? Matagal ako maligo eh
6:00 AM
Nag luto nalang ako ng breakfast dirin naman ako makatulog saka naiinip naren ako
"Oh Maxine ang aga mo yata nagising ngayon? Saka nag luto kapa talaga ah!"
"Eh kuya hindi ako makatulog eh Ayaw mopanon pinag luto konanga kayo eh"
"Sana nga lagi ka nalang ganyan HAHA. Hoy MAUI!! Bumaba kana dito Maaga kapang papasok!!"
*Ding Dong*
"Kuya may dalaw kaba ngayon? Ang aga naman"
"Ikaw na mag bukas ng pinto maliligo muna ako"
Binuksan ko kaagad yung pinto
Bumungad saken ang isang lalake mukha syang koreano. Ay mali si cy pala to. Teka bakit iba yung looks nya ngayon? Uwahh nag pagupit sya lalo syang gumwapo Argh
"Pakain ako. Nagugutom nako eh"
" ano tingin mo sa bahay namen? Karinderya? Tsk"
"Ok sige wag nalang"
"Eto naman binibiro lang napaka seryoso masyado halika nanga pumasok kana"
Pag kapasok na pag kapasok nya naupo na agad sya malapit sa lamesa at nag simula nasyang kumain. Abah Siraulo tong gunggong nato nauna pa samin kumain di manlang kami inantay
"Hoy payatot kumain kana may flag ceremony pa tayo"
Halah oongapala may flag ceremony ngapala ngayon nawala sa isip ko ayoko ring ma late nako masungit panaman yung teacher na nag sasalita sa stage
Sumabay na ako kay cy kumain pag katapos ko kumain nag bihis nako.
"Hoy KUYA! ang tagal mo naman maligo kanina kapa jan eh Aalis nako!"
"Sige prinsesa ko Hoy Cy ingatan moyan"
"Oo naman dre"
"Huh? Alam nya na nandito ka? Ah siguro narinig nya boses ni cy kaya nya nalaman?"
"Hindi. Nag text ako kay ken na susunduin kita sa bahay nyo"
"Abnormal ka den eh no? Kay kuy ka nag text at hindi saken!"
"Hehe surprise? Halika nanga"
"Aysus surprise daw nakikain kalang eh"
Nag lakad na kami ni cy papunta sa school medyo nag mamadali kami eh ayaw kase naming pareho malate eh. May time na hinahawakan ni cy ang kamay ko ako naman tong abno inaalis ko kaagad.
Nakarating na kami ni cy sa school at hindi pa nag start ang flag ceremony. Woahhh Safe >^__^<
Nag lulupang hinirang na ng bigla akong naka ramdam ng antok shit wag ngayon papagalitan ako eh
Jusko eto nanga sinasabi ko nakita ako napakagat ako ng labi argh
"MS. GUEVARRA inaantok ka? Sana hindi ka nalang pumasok natulog ka nalang sana sa bahay nyo mag hapon"
"Sorry po maam"
"Pumunta ka mamaya sa office"
Hayss Medyo ang pangit ng araw ko ngayon argh etong si ms. Baroro Ang sunget palibhasa dipa nag kakaasawa HAHA hm ano naman kaya ang pag uusapan namin? Sesermunan kaya ako? Haha kinakabahan ako ah.
Natapos na ang flag ceremony pinapasok na agad ang mga studyante sa kani kanilng mga silid pero ako deretsyo Office huhu
"Antuken kase"
"HEH! ikaw may kasalanan nito eh"
"huh?"
"Wala sayang gwapo mo sana kaso ngalang bingi ka!"
Dumeretsyo nako office ni ms. Baroro shemay kinakabahan ako nakita ko ang mukha nya nakakatakot huhu
" oh MS. Guevarra natatakot ka yata?"
"Ah hindi naman sa ganon maam kinakabahan lang po ako"
"Ah wag kang kabahan madali lang ang ipapagawa ko sayo. Kelangan kase ng isang representative sa school naten. sa kabilang school sa Margarita High School doon ka muna ng tatlong araw madali lang diba?"
" maam pero--"
"Wala ng pero pero dont worry pareho lang naman ang tinuturo dito at doon saka di karen makakamiss ng klase dito. Ipapakita molang ang natutunan mo dito sa kanila okay?"
"Okay po maam"
"Okay. Pumasok kana sa room mo"
Habang pabalik ako sa room ko di ko maiwasang mainis eh bakit kase ako pa damidaming studyante dito eh. Saka nakakatakot don. Pag kakaalam ko puro mga gangster dun eh. Hindi kona makakasabay si cy pag uwi :(
"Love"
"Oh Cy ano ginagawa mo dito"
"Tara cutting tayo"
" siraulo kaba? Alam mo namang napagalitan nako kanina eh"
"Sige na. ang boring kase sa room eh"
Hinila nya agad ako sa gate doon sa likuran walang bantay ng gantong oras eh kaya mabilis kaming naka labas ni cy lintek ka pag ako napagalitan at na office ng dahil sayo papatayin kita!
"Hoy Cy" may tumawag kay cy mula sa likuran
"Wag ngayon mga pre"
Humarang sa harapan namin yung anim na lalake habang palayo kami ni cy sa school nakakatakot mga mukha nila huhu teka? Parang pamilyar saken tong isang to Parang nakita kona hm san ngaba?
"Tignan mo nganaman mga pre kasama pa nya si girlfriend nya HAHAH" sabay tingin nila sakin na parang hinuhubaran ako
"Dyan kalang sa likod ko love" hinawakan ako ni cy at nilagay sa likuran nya.
"naks naman cy napaka protective mo naman sa girlfriend mo wala namn kaming pake dyan. Ikaw lang ang pakay name."
Bigla kaming pinalibutan ng anim na lalake at hinigpitan ni cy ang pag kakahawak nya saken natatakot nako >T__T<
maya maya biglang sumugod yung isang lalake. Agad namang naka ilag si cy bumwelo sya at sabay suntok doon sa lalake napahiga ito sa sahig lakas nya sumuntok. Sunod sunod na silang sumugod nakakailag naman si cy Napatumba naman nya yung anim na lalake tumakbo na sila palayo takot na takot sila kay cy. Kahit na mas malaki ang katawan ng mga iyon kay cy natalo padin nya. Ang lakas nya feeling ko tuloy knight in shining armor ko sya >__<!
"Okay kalang ba?!"
"Nakita mo bang may galos ako diba wala. Ede ayos lang ako saka basic basic lang non"
"Tse eh bakit nung nag punta ka samen puro galos yung mukha mo"
"Eh bente singko sila non eh"
"Suraulo ka talaga basagulero kanaba huh? Bakit ba lagi ka napapaaway!?"
"Because of you"
o__O
"D-dahil saken? Pano? Bakit?" Nag tataka kong tanong sa kanya
"Tsk ang stupid mo talaga kahit kaylan maxine"
"Ewan ko sayo bahalaka kung ayaw mong sabihin tsk"
"Eto nanga sasabihin na eh tatampo ka agad"
Pumunta kami sa park tas nag punta sya sa swing. Naalala ko dito kami dati nakatambay ni shaun eh :(
"Maupo ka dali"
"Opo sir"
"Pamilyar ba sayo yung mga lalaki kanina?"
"Hm ewan koba siguro parang? Sino ba yung mga yon?"
"Ang stupid mo naman! Yun yung mga bumastos sayo sa computer shop. Di naman kase totoo na wala akong pake sayo non. Sinundan kita non nung una ayoko mag pakita sayo kase baka isipin mo na iniistalk kita. Nung hinawakan kana nya napatayo nako sa upuan ko pero ikaw tumakbo kana papalayo sa sobrang galit ko sa bumastos sayo sinapak ko. Sa gulong nangyare pinalabas kami sa computer shop. Diko alam na may mga kasama pa pala sila mga bente singko nila kahit na ganon katawan nila kahit na mas malaki katawan nila saken mga mahihina naman yung mga yon HAHA"
Akala ko wala syang pake saken eh ang stupid mo maxine kung ano anong masasakit na salita pa ang nasabi ko sakanya nasugatan pa yung mala anghel nyang mukha huhu >T__T<
"Cy Sorry.. Sorry kung mali ako ng iniisip sayo akala ko kase wala kang pake saken eh>>__<<"
"Ayos lang yon sa susunod wag ng pupunta sa ganong lugar lalo na pag mag isa kalang. Maliban lang kung kasama moko bodyguard moko eh haha"
"Opo hindi na talaga ako pupunta doon. Salamat ah at dahil dyan sa ginawa mong pag tanggol mo saken may naisip ako"
"Ano naman yang naisip mo?"
"Date tayo"
"Date?!"
Nagulat ka Cy Roldan no HAHA
-end of chapter 10
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro