Not
"Bat dito kita pinatulog, gusto ka kasi kausapin ni mama" sabi niya sa akin.
"Tungkol saan?" Nag tatakang tanong ko sa kanya.
"Malalaman mo din mamaya. Wait lang ha tatawagin ko lang si mama" sabi niya sa akin at saka siya pumunta sa taas para tawagin ang kanyang nanay.
-----
"Sinabi ba sayo ni mike na nakita ko ang mama mo kanina?" Tanong niya sa akin.
"Oho, akala ko ba nasa ibang bansa po siya?" Nag tatakang tanong ko sa kanya.
"Nag usap kami ng mama mo kanina" nagulat ako sa sinabi niya.
"A-anong sabi niya? Tinanong ba niya ako? Kinamusta ba niya ako? Kaylan daw siya pupunta sa amin?" Ang raming kong tanong sa kanya. Excited akong makita siya muli.
"Wait lang zero....hinay hinay lang" dahil sa sinabi niya ay umupo ulit ako. Ngayon ko lang napansin na naipatayo pala ako dahil sa pag ka excited ko.
"May gusto akong aminin sayo. Sana wag kang magalit sa akin at sana hindi masira ang pagkakaibigan ninyo ni mike" seryosong sabi niya sa akin kaya kinabahan naman ako. Ano kaya aaminin niya sa akin.
"Yung ina na nakilala mo at nagpalaki sayo sampung taon nang nakalipas ay hindi siya ang tunay mong ina" hindi ko alam ang aking nararamdaman dahil sa sinabi niya bigla nag blanko ang aking isipan at tila wala akong marinig. Napansin ko nalang na may tumutulong mga luha sa aking mata.
Bakit....
"Ba-bakit h-hindi mo sinabi sa akin?! Nag hintay ako nag mukha akong tanga sa paghihintay sa ina ko na hindi ko naman pala tunay na ina!" Puno ng galit ang nararamdaman ko ngayon galit na galit.
"Saglit lang zero, pa tapusin mo muna ako. Yung taong nakausap ko kanina siya, siya ang tunay mong ina" hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Mukhang pinag tritripan niya ako eh.
"Sino ka ba ha? Paano mo ba nasabi na siya nga ang ina ko at paano mo nalaman na hindi ko tunay na ina ang nagalaga sa akin noong sampung taon ang nakalipas?" Gulong gulo ang aking utak tila parang gusto ko nang sumabog.
Ang dami kong gustong malaman.
"Ako ang kaibigan ng ina mo, at ako din ang nakakaalam ng sekreto niya" a-anong sekreto?
--------
(Futaba)
"Anak wag kang magpapagod ha!" Sabi sa akin ni mama bago ako tuluyan bumaba ng sasakyan kaya tumango lang ako sa kanya at saka naglakad papunta sa aking class room.
"Morning!" Bati sa akin ni kyle, kaya nag good morning din ako sa kanya.
Papasok na ako sa class room namin ng nakasalubong ko si lana. Hindi ko alam kung mag go-good morning ba ako o ngi-ngitian ko ba siya.
Pero mas pinili ko na iwasan nalang siya at ganon din siya.
Wala parin siya. Mukhang late siya ah.
Hinintay ko makapasok siya para humingi ng sorry sa kanya, dahil sa ginawa ko noon sa kanya masyado ko kasi siyang kinulit kaya baka na galit siya sa akin.
--------
Pero.....
Awasan na.....
Hindi siya pumasok....
Nakasalubong ko si mike kaya nag tanong ako sa kanya kung bakit absent si zero pero hindi niya ako pinapansin at nag patuloy lang siya sa paglalakad. Anong nangyari sa kanya.
"Kyle!" Sigaw ko sa pangalan niya kaya napalingon naman siya sa akin.
"Bakit?"
"Bakit absent si zero?" Tanong ko sa kanya.
"Ha? Hindi ko alam eh. Sige uuwi na ako" pagpapaalam niya sa akin at saka niya ako iniwan.
-------
Akala ko pagpasok ko wala na naman siya, pero pumasok siya ngayon. Naka ubob lang siya at mukhang natutulog.
Tapos na ang first subject namin pero hindi pa rin siya nagigising buti na lang at hindi siya napansin ng teacher namin kanina na natutulog siya kung hindi, ay tiyak mapapagalitan siya.
"Okay class good morning" dumating na ang second teacher namin.
Napansin ko lang na hindi ata madaldal ngayon si mike kahit kahapon wala siyang imik.
"Ms. Futaba sino yang katabi mo na natutulog? Alam ba niya na bawal tumulog sa klase ko pakigising nga!" Utos ni miss sa akin kaya agad kong inuga si zero, para gisingin.
"Uy! Zero gising nandito na si miss" ilang beses ko na siyang inuga uga pero ayaw talaga niyang gumising kaya si miss na mismo ang nang-gising sa kanya, ng lahat kami ay nagulat sa aming nakita.
"ZERO!" Isang sigaw ang pinakawalan ko sa aking bibig.
Agad ko siyang inuga ng inuga, at kasabay noon ang pagpatak ng aking mga luha.
"MIKE TAWAGAN MO ANG NURSE! BILISAN MO!" Utos ni miss kay mike kaya agad siyang tumakbo palabas ng class room.
"U-uy ze-zero!" Naiiyak na tawag ko sa kanyang pangalan ngunit hindi siya gumagalaw at ang aming nakikita ngayon ay isang zero na duguan ang pulso.
Ba-bakit????
--------
Nasa hospital kami ngayon.
Hindi dapat ako isasama, nagpumilit lang ako kay miss na isama nila ako. Ako, si mike, si lana at si kyle ang isinama ni miss dito pero ang totoo talaga si lana at mike lang dapat ang isasama niya eh hindi nila napansin na nakasakay pala si kyle sa likod ng sasakyan ni miss kaya nagulat na lang kami nang makarating na kami dito ay nasa likod pala siya.
Kinakabahan ako....
"Excuse me po, kamag anak po ba kayo ni mister zero?" Tanong ng isang doctor sa amin kaya sabay sabay kami nag hindi, kaya napatingin naman sa amin si miss.
"Hindi namin siya kamag anak pero ako ang teacher niya. Okay na ba siya?" Halata sa mukha ni miss na nag aalala siya kay zero, kahit ba na mataray na may puso pa rin yan. Tao din kaya yan na nasasaktan at nagmamalasakit sa ibang tao.
"Okay na po ang kalagayan niya ngayon. Buti nga po at naagapan kaagad ang pagdurugo ng kanyang pulso. Pero hindi pa po pwedeng pumasok sa loob ni isa sa kanyang mga bisita kahit kayo po. Alam po ba ninyo kung bakit niya yun ginawa?" Natuwa kami ng sabihin niya na okay na si zero kahit hindi kami pwe-pwedeng pumasok pa sa loob pero yung huling sinabi niya na "bakit niya yun ginawa?" Ang ibig bang sabihin noon na siya mismo ang gumawa noon sa sarili niya? Pero bakit?
"Wala po akong ideya tungkol diyan. Nakita nalang namin na nagdudugo ang kanyang pulso" pagpapaliwanag ni miss sa doctor.
"Maaari po ba tayong mag usap na tayong dalawa lang po?" Nagtataka ako sa tanong noong doctor kay miss at napatingin siya sa amin at saka siya pumayag.
May gusto bang sabihin yung doctor na hindi dapat naming malaman?
"C-cr lang ako" pagpapaalam ni mike sa amin.
----------
Dear diary:
Anong nangyayari ngayon kay zero? Mas lalo niya akong pinapadali nito eh! Please lord help zero. Kung may problema po siya or kaaway pwede naman siya mag sabi sa amin eh.
To be Continue........
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro