Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

PAGKATAPOS kong malaman ang number ni Alex, agad ko itong ini-save bago ipinatong ang cellphone ko sa kama. I wasn't really fond of calling or texting anybody. I wasn't that type of girl who would fangirl when I got a boy's number.

What's the point of talking to them through phone when you would always see them at school?

Huminga nang malalim, tumatak sa aking utak ang mga sinabi ni inay kay dad. Ano ba kasi ang tinatago nila? Ano bang mayroon sa akin? May sakit ba ako?

Whatever it was, I know that it was something about my condition. Palagi kasi nila iniiwasan na sagutin ang mga tanong ko tungkol dito.

Tumingin sa aking desk table, tumayo ako mula sa kama at nagsimulang gumawa ng assignment. Pero kahit anong gawin ko, hindi ako maka-focus. Sabi nga ng iba na huwag kang mag-aaral kung hindi ka nakaka-concentrate dahil hindi naman ito papasok sa utak mo.

I then sighed before I stopped writing. Hindi naman nakakatulong ang mga sinabi ni inay. Lalo akong nag-aalala. Bago pa man ako makatayo, nagulat ako ng nag-ring ang cellphone ko. Agad ko naman kinuha ito mula sa kama at pinagmasdan ito ng maigi.

Alex was calling me.

In-accept ko 'yong tawag at inilagay ang cellphone sa speaker. Hinintay ko siyang magsalita ngunit wala naman akong marinig. Nang tanggaling ko ang speaker mode at inilapit ito sa may tenga, nagulat na lamang ako sa isang malakas na sigaw. Of course, I screamed back in shock.

Pagkatapos kong magulat, isang tawa ng lalaki ang agad na bumungad. And it sounded very near. As if someone was just calling from outside my house. Kinuha muli ang cellphone na naitapon ko sa kama, sinagot ko siya.

"Hindi nakakatuwa, Alex," sambit ko, iritang irita pa rin dahil tawa pa rin siya ng tawa. Pagkatapos niya, agad siyang sumagot pabalik. Halata sa kanyang boses na sinadya niya talaga na gulatin ako.

"That's not true. Rinig na rinig ko kaya ang sigaw mo," sagot niya pabalik habang tumayo ako at mabagal na naglakad papunta sa balcony.

"Alex, where are you?" tanong ko, kitang kita na may lalaki sa labas ng bahay namin, nakaupo sa isang bench na nasa aming hardin - nakatalikod sa akin. Ngumiti, agad akong pumunta sa baba at kinuha ang balde ng tubig.

"Nasa bahay namin. Bakit mo naitanong?" tugon niya, halatang nagtataka sa akin. Hindi sumagot, binuhat ko 'yong balde ng tubig at inihagis ang laman nito sa lalaking nasa ibaba. Agad naman itong nabasa, napatayo at napatingin sa akin sa gulat.

"What the f*ck?" Isang sigaw ng lalaki ang narinig ko habang ngumiti ako sa kanya ng wagi. Si Alex naman, halatang galit na galit dahil nabasa siya ng tubig at basang basa ngayon ang suot niya white na T-shirt.

"Kamusta ka naman, Alex? Narinig ko ang sigaw mo," paloko kong sinabi habang sinamaan niya ako ng tingin. Nagulat na lamang ako ng lumakad siya papunta sa pinto at biglang kumatok.

Sa takot ko, bumaba ulit ako at nakita na pinagbuksan na siya ni dad.

"Hello po," bati ni Alex habang nanlaki ang mata ko noong buong-palad na pinagbuksan siya ni dad at pinatuloy sa loob ng aming bahay. Nagulat naman si inay nang mapansin na basang-basa ang T-shirt niya at buhok niya na parang basang sisiw.

"Naku hijo, anong nangyari? Ba't basang-basa ka? Naulan ba ng malakas?" tanong ni inay bago tumingin sa labas ng bahay. Agad namang tumingin si Alex sa akin bago umiling kay inay. No, don't you dare tell them.

"Actually napagkamalan lang ho akong halaman ng sprayer ninyo," sambit ni Alex habang napakunot ang noo ko. That's not a quality lie. Hindi kapani-paniwala ang sinabi niya. Nagulat na lamang ako nang tiningnan ni inay si dad.

"Sabi ko sa'yo, dear. Sira nga 'yong sprayer natin," giit ni inay habang napakamot lang si dad at tumango. I can't believe this. Napansin ko naman na kumindat na sa akin si Alex habang binigyan ko siya ng tingin.

Nakita ko naman na naglakad si dad sa taas, kumuha ng towel at agad na ibinigay ito kay Alex. Nagpasalamat kaagad siya kay dad bago nagtanong sa parents ko.

"Pwede ko po bang makausap si Erin?" And those words haunted me for the first time in my life. Akala ko si Matthew lamang ang kinatatakutan ko kapag nagalit. Hindi pala.

Tumango naman si dad at inay habang panay ang iling ko sa kanilang dalawa. Well, there goes my life. Ngumiti naman si Alex sa kanilang dalawa bago ako hinila pataas at papunta sa room ko. Nang buksan niya ang pinto, agad akong tumakbo sa aking kama at umupo rito.

"Alex, I'm sorry. I'm sorry talaga - " Agad naman niya ako in-interrupt kaya tumahimik na lamang ako at hinayaan siyang magsalita.

"Erin, may tanong lang ako sa iyo. Sana sumagot ka ng maayos," seryoso niyang sinabi habang napatango lang ako, natatakot sa kanyang sasabihin. Agad naman niyang hinubad ang kanyang T-shirt kaya napasigaw ako at agad na tinakpan ang aking mata.

"May T-shirt ka ba na pwede kong suotin?" tanong niya habang iritang irita kong sinubukang maglakad papunta sa aking closet at inihagis ang T-shirt sa kanya.

Nang tanggalin ko ang aking kamay, napansin ko na hindi ko ito naitapon sa katawan niya kundi sa mukha niya mismo ko naihagis.

And the problem was, it wasn't a shirt.

"Did you just throw a bra on my face?" tanong niya habang kinuha ko agad ito at inilagay ulit sa closet. Kinuha ko naman 'yong pulang T-shirt at inihagis ito sa kanya, namumula pa rin sa hiya.

Agad naman niyang isinuot ito at napansin ko na hindi pala ito kasya. Sinubukan niyang tanggalin ulit ito ngunit nag-stuck lamang ito sa kanyang katawan. Napatawa naman ako nang sinubukan niyang itaas ulit ito, hindi man lang ito gumagalaw ng kaunti.

"Erin, tulungan mo akong tanggalin 'to," sambit niya habang napatawa lamang ako sa kondisyon niya. Binigyan naman niya ako ng masamang tingin kaya lalo na lamang ako napatawa.

"This is not funny, Erin." Napangiti naman ako nang subukan niya ulit, hindi pa rin ito natatanggal. Kitang kita ko 'yong pagka-irita niya dahil nakataas na ang kanyang kamay at ang T-shirt niya, hindi man lang ito bumaba.

"Erin, please tulungan mo ako," sinabi niya habang tumango naman ako at sinubukang tanggalin. Parehas na kamay ko na ang ginamit ko habang yumuko siya para matanggal ko ito ng maayos.

Nagulat na lamang ako nang bumukas ang pinto at isa pang lalaki ang bumungad dito, may dala-dalang tsokolate. Nanlaki kaagad ang mata ko nang makita ko siya kaya napabitaw ako kay Alex at hinayaan siyang mahulog sa sahig, nasaktan bigla.

"M-Matthew, it's not what it looks like."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro