
Chapter 7
NAKATUNGO akong lumabas ng school, hindi pinapansin ang ibang estudyante at mga classmates ko sa paligid na kanina pang naglalakad katabi ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakaaway ko si Matthew.
Right now, I was pretty devastated. Hindi na ako kinakausap ni Matthew - kahit makausap ko siya, hindi niya ako hinahayaan magsalita - at palagi ko naman nakikita na sinasamahan na niya si Lovely. Kahit sa vacant time o lunch time, nakikita ko silang dalawa magkasama.
And Lovely, she was loving the attention that Matthew gave her.
Sinubukan kong kalimutan silang dalawa ngunit nang itaas ko ang tingin ko, nakita ko si Matthew at Lovely na magkasama sa parking lot. Nakasandal si Matthew sa kanyang sasakyan habang hawak hawak ang susi at nakangiti naman si Lovely sa kanya.
Sa galit ko, hindi ko na lamang sila pinansin at dumiretso kaagad sa kalsada kung saan naghanap ako ng masasakyang bus. Isinuot ang aking headphones, nagpatugtog ako ng music bago umakyat sa loob.
Umupo kaagad ako sa may gitna, napansin ko na natakbo si Alex palabas ng university - halatang halata na may hinahanap.
Hindi ko na lamang siya pinansin, sumandal ako at ipinikit ang aking mga mata.
▬▬▬▬▬▬▬
Rinig na rinig ko ang mga tawanan sa buong paligid ko nang itayo ko ang aking sarili. Lumingon sa kaliwa't kanan, nakita ko ang isang lalaki na ngising ngisi sa aking pagkakadapa. Ibinigay naman niya ang aking bag ngunit inilayo ito nang malapit ko na itong kuhanin.
Nang tumingin ako sa aking tuhod, agad kong napansin ang sugat na kanina pang dumudugo. Kinuha ang isang extra handkerchief ko, agad kong ipinulupot ito na parang bandage.
"Aray, ang sakit," bulong ko habang kitang kita ko na hindi man lang naalarma ang lalaki sa sugat sa aking tuhod. Instead, he laughed once again before giving a smirk.
"May nahuli ka bang mga isda, Loveless? Kung mayroon, ilan?" tanong nito habang iritang irita akong tumingin sa kanya. He was a bit tall and muscular but I couldn't clearly see his face. As if someone allegedly covered it.
"Tinawanan mo pa talaga ako kaysa tulungan ako, ano?" sambit ko habang nagkibit-balikat lamang siya sa akin. Kahit hindi ko ipinapakita sa kanya, gusto kong sabihin na nasasaktan na ako sa kanyang mga panlalait.
"Hindi ka na naman baby para tulungan kita. Matanda ka na kaya, bakit pa kita tutulungan?" tanong niya sa akin habang hindi ko na lamang siya pinansin at naglakad sa loob ng bus. Bago pa man ako makahakbang, nakaramdam ako na parang may ibinato sa gilid ng mukha ko.
"Loveless, makakalimutan mo ang bag mo!" sigaw niya habang nagsitawanan naman ang mga kaibigan niya. Hindi ko na lamang siya pinansin at hinayaan kong tumulo ang mga luha ko na kanina ko pang pinipigilan.
"Hoy, tingnan niyo! Umiiyak si Erin!" sinabi ng isa sa kanyang mga kaibigan kaya lalo nila akong nilait-lait.
Kinuha kaagad ang bag ko, agad akong umakyat papunta sa loob ng bus. Rinig na rinig ko pa rin ang mga tawanan nila kahit nasa loob na ako kaya sinubukan kong alisin ito gamit ang music sa aking cellphone.
Napansin ko naman ang maamong tingin ng mga pasahero habang pinupunasan ko ang mga luha ko gamit ang handkerchief na ibinigay sa akin ni Matthew. Buti pa siya, hindi man lang ako sinaktan. He gave me the love that I needed for once in my life.
Umupo sa bandang gitna, nakita ko pa rin na nakangisi 'yong lalaki bago siya naglakad pauwi.
▬▬▬▬▬▬▬
"I love you, Matthew," bulong ko habang nagulat na lamang ako nang may sumagot sa aking pabalik.
"Hindi ka naman niya mahal," sambit nito habang iminulat ko ang aking mga mata. Nang mapansin ko na malayo layo pa sa amin, pumikit ako - handang tumulog ulit.
"Erin. Erin, gumising ka na," tawag sa akin ng isang lalaki sa tabi ko habang napakurap naman ako, inaantok pa rin dahil bigla na lamang ako ginising.
"Ano ba? Kita mo namang nagluluksa ako rito. Pabayaan mo na lang ako," sagot ko habang nagulat nang hinawakan ang aking balikat at sinubukan akong gisingin. Sa galit ko, itinulak ko na lamang ang kanyang kamay palayo. Nang ayusin ko ang tingin ko sa kanya, nagulat akong bigla.
"A-Alex? Sorry talaga, akala ko kasi kung sino," sambit ko na halos magkandautal. Huminga naman siya ng malalim bago tumango.
"Okay lang naman sa akin. Pero sabihan mo na kaagad ako kung tuluyang magluluksa ka diyan. Mahirap ka kayang gisingin," sagot niya habang namula bigla 'yong pisngi ko sa hiya.
"Nga pala, may tanong lang ako sa'yo." Agad akong tumitig sa kanya habang napansin ko siyang nakakunot ang noo sa akin.
"Bakit naiyak ka? May problema ka ba, Erin?" tanong niya habang nagulat ako at pinunasan kaagad ang luha ko. Hindi ko naman napansin na kanina pa pala itong tumutulo. Kukunin ko na sana 'yong handkerchief ko ngunit napatigil ako at agad na nagtanong.
"Bakit ka nga pala nandito sa tabi ko? Akala ko maglalakad ka pauwi?" Binuksan kaagad niya ang kanyang bag at may inabot sa akin. Nang makita ko ito, napatingin lamang ako pabalik sa kanya.
"Nahulog mo kanina," sambit niya bago ko kinuha ang handkerchief sa kanyang kamay.
"Paano mo nalaman na akin ito?" tanong ko habang napatawa naman siya sa aking sinabi.
"Ikaw lang naman kaya ang nakipanood sa dissecting namin kanina. Kanino pa bang panyo 'yan?" malokong tanong niya sa akin habang napatawa na rin lang ako.
Pagkatingin ko sa labas, napansin ko na malapit na pala.
"Malapit ka na bang bumaba?" tanong niya sa akin habang tumango ako.
Bigla namang tumigil ang bus kaya agad akong tumayo. Sumunod naman si Alex sa akin habang bumaba ako ng bus. Napakunot kaagad ang noo ko nang makita ko siyang tumawid at naglakad sa kanyang kaliwa.
Bago pa man siya makapaglakad ng malayo, nakita ko siyang lumingon sa akin at kumaway para magpaalam. Kumaway din ako pabalik bago ako tumawag ng tricycle para pumasok sa loob ng residence. Pagkapark nito sa labas, nagbayad kaagad ako at bumaba.
Nakita ko naman si inay at dad na kanina pang naghihintay sa labas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro