Chapter 6
MAKALIPAS ang dalawang oras ng subject ko, agad akong lumabas ng classroom para mag-lunch. God, I never knew that being a senior was tough.
Pagkalakad ko palabas, nagulat na lamang ako nang wala akong nakitang Alex o Matthew sa hallway. Instead, I just saw students from other strands – going out their classrooms and walking towards the cafeteria.
Nagtaka naman ako nang makita ko si Lovely na bumaba ng hagdan, may hawak hawak na box of chocolates. Agad ko naman napansin ang resemblance nito sa dala dala kanina ni Matthew. Bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa aking puso nang tingnan ako ni Lovely at bigla akong nginisihan.
So, she knew.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na hanapin si Alex o si Matthew man lang. Nang naglakad ako ng ilang minuto, nakita ko si Lovely na pumasok sa isang room. Sinundan ko siya ng palihim at nakita na umupo siya katabi ni Matthew at binigyan siya ng matamis na ngiti.
Ang masakit nga lang, ngumit siya pabalik kay Lovely na halos ibuhos na niya ang kanyang nararamdaman sa kanya.
Hindi ko na lamang sila pinansin at nagsimula ulit maglakad. Nagulat naman ako nang makarinig ako ng sigaw mula sa chemistry lab at mga tawanan ng lalaki sa loob nito.
Tiningnan kung ano ang pinagkakaabalahan nila, nakita ko bigla si Alexander na malapit sa pinto, may hawak hawak na palaka sa kanyang kamay. Nang makita ako ni Mr. Rodriguez, ngumiti kaagad siya sa akin. He was my biology teacher so I didn't really need to worry about him seeing me.
Since nakabukas naman ang pinto, sumandal ako rito at napangiti nang makita ko ang seryosong mukha ni Alexander na kanina pang hawak hawak ang palaka para hindi ito makawala. Well, I think it's still alive. I'm not sure though.
"Akala mo naman kung sinong seryoso," sinabi ko habang lumingon kaagad si Alex sa akin. Kitang kita ko na ngingisi ngisi ang mga kaibigan niya habang hawak ang mga dissecting kit nila.
Nagulat naman ako at napasigaw ng kaunti nang ilapit sa akin ni Alex ang palaka na ngayo'y duguan at hindi na pala nahinga. Nginitian niya akong pabalik at napasimangot na lamang ako.
"Halikan mo kaya 'tong palaka na hawak ko. Tingnan mo kung magiging prince 'yan kagaya ko," tugon niya habang umiling na lamang ako. Mabuti na lang na lumayo na ulit siya sa akin, dala dala ang palaka at inilagay ulit ito sa table.
"Akala mo naman prince siya," nakangiti kong sinabi habang napatigil siya sa paggawa.
"Bakit? Prince naman talaga ako, 'di ba? Stop denying it," sagot niya sa akin habang napatawa na lamang ako.
"In your dreams, Alexander," malokong sabi ko habang napatungo siya.
"In our dreams, Erin," mahinang sabi niya habang napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Nang makita niya ang reaksyon ko, agad niyang binawi ito.
"Sorry kung busy ako ngayon. Maya na lang tayo mag-usap, okay? Tapusin ko lang 'tong dissection namin bago kita samahan. I promise," sabi niya habang lumingon pabalik sa akin at ngumiti. Tumango naman ako sa kanya at nakita na inuutusan na niya ang mga kaibigan niya para tulungan siya.
Well, I guess I'll eat on my own.
Umalis na kaagad ako, hinayaan silang gumawa. Naglakad papunta sa cafeteria, pumunta kaagad ako sa dulo para mag-order. Bago ko pa man makuha ang aking order, nagulat ako nang may umakbay sa akin. Lumingon sa aking kanan, nakita ko si Lovely.
"Erin, right? Matthew told me a lot about you," sambit niya habang ngumiti lang ako sa kanya. Talk about conversation starter. Hindi ko na lamang siya pinansin at kinuha kaagad ang order ko.
"I'm a bit busy so I really have to go. I'm sorry," sagot ko bago inalis ang kanyang kamay.
Hindi naman niya ako sinundan – which was a good thing – at hinayaan akong pumunta sa rooftop. Pagkadating ko roon, nagulat ako nang makita ko si Matthew. Seriously, when will people stop teleporting or showing at random times?
Nakatayo siya doon, hindi pa ako napapansin. Nakalagay ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bulsa at mukhang malalim ang iniisip niya dahil nakatingin siya sa magandang view ng city. Tumingin pabalik sa pinto, inisip ko na tumakas na lamang at bumalik sa room.
Kaso, lumingon siya.
"Elly, can I talk to you privately?" tanong niya habang panay ang lingon ko pabalik sa pinto. Should I leave? Dahil wala naman akong choice, hinayaan ko siyang magsalita.
"Anong mayroon sa inyong dalawa ni Alex?" tanong niya habang nanlaki naman ang mata ko.
"Wala naman," mabilis na tugon ko habang napakunot ang noo niya sa akin. Actually, I don't know. Hindi ko alam kung bakit malaki ang tiwala ko kay Alexander. As if he was already a part of my past.
"Anong wala? Kitang kita ko na parang nagiging close na kayo. Kitang kita ko rin na nilalayuan mo ako at sumasama ka sa kanya," sambit niya habang tinaasan ko siya ng kilay. Wait a minute, since when was this a problem to him?
"Nang makita ko kayong dalawa ni Alex na sumakay ng taxi papunta ng school, nagtaka kaagad ako kung bakit ka umalis ng bahay kasama niya," sinabi niya sa akin.
"I bought chocolates for you to forgive me, Erin. Kaso, hindi mo ako binigyan ng chance para makipag-usap sa'yo," paliwanag niya habang umiling kaagad ako.
"And you gave Lovely the chocolates because of that? Dahil hindi kita hinayaan magpaliwanag, binigay mo naman sa kanya?" sagot ko habang nakita ko siyang huminga ng malalim.
"She appreciates the gift that I gave her. Hindi kagaya mo na tumakas ng bahay, hindi hinayaan na akong magpaliwanag at sumama pa kay Alexander," reklamo niya habang pagalit naman akong sumagot.
"Ano bang pakialam mo kung nagiging close kami ni Alex?" bulalas ko pabalik bago ko tinakpan ang bibig ko sa gulat. Napansin ko naman na nagulat siya nang sagutin ko siyang pabalik. And I never once argued with him.
Napatungo siyang bigla, 'yong buhok niya'y tinakluban ang kanyang mata.
"Ano nga ba ang pakialam ko sa inyong dalawa? Bakit nga ba ako nagagalit kung magkasama kayo?" bulong niya sa kanyang sarili ngunit narinig ko ito ng maayos. Sinubukan kong humingi ng tawad ngunit naglakad siya palayo sa akin, nilagpasan lamang ako.
"Matthew, wait!" sigaw ko para pabalikin siya. Ngunit, hindi siya lumingon para tumingin sa akin.
Binuksan ang pinto ng rooftop, hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Instead, he left without saying a word. Halos madurog ang puso ko dahil ngayon ko lang na-realize na inaway ko pala ang best friend ko.
Kahit hindi niya ako gusto o kahit hindi man lang niya ma-appreciate ang effort ko para magustuhan niya ako, agad kong napansin na hindi ko kayang mawala siya bilang kaibigan ko.
And now, he's truly gone.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro