Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

TUMINGIN sa aking orasan, napansin ko na maaga pala akong nagising. It was still 4:20 am – the perfect time to get ready for school. Well, not really. Gusto ko lang talagang mauna kay Matthew sa pagpasok. I really don't want to see him right now or at any time in particular.

Napakurap, sinubukan kong alalahanin ang panaginip ko kagabi. Knitting my eyebrows in the process, I looked around the room before staring at the pillow I was holding.

Bakit hindi ko siya maalala? Sino ba kasi 'yong lalaki sa panaginip ko?

Tumayo kaagad ako at sabay bumaba papunta sa kusina. Nakita ko naman si inay na kumakain ng tinapay at umiinom ng kape habang nanonood ng tv. Nang makita niya ako, napakunot ang noo niya sa akin bago siya nagtanong.

"Ba't maaga ka yata nagising, anak?" Binalewala ko lamang siya at kumuha kaagad ng plato at nagsandok ng kanin. Tiningnan naman ako ni inay habang umupo lamang ako sa tabi niya at kumuha ng ulam na nakahayin sa aking harapan.

"May problema ka ba, 'nak?" tanong niya sa akin habang umiling ako at nagsimula kumain. I don't want to tell her any time soon. Alam ko na hindi siya papayag na hindi ko kasama si Matthew. And that's a really bad thing since I just told him off.

"Wala naman po. Gusto ko lang po umalis ng maaga dahil may gagawin pa po ako sa school kasama ng mga kaibigan ko," pagsisinungaling ko habang tumango lamang siya.

Pagkatapos kong kumain, tumayo na ako at pumunta sa taas para kunin ang aking towel at mga damit. Pagkababa ko ng hagdan, nagulat ako nang nakatayo si inay sa may pinto – may kinakausap. Nagulat naman ako nang makita ko si Matthew sa labas, may hawak hawak na chocolate. Sa takot, tumakbo ako papasok ng banyo para maligo.

Mga ilang minuto ang lumipas, lumabas na ako – bihis na at handang umalis. Nang makita ko na kinakausap pa rin ni inay si Matthew, agad akong pumunta sa taas at binuksan ang kwarto ko. Tumakbo kaagad ako sa may balcony, tinitingnan kung may isa pang paraan kung paano makakalis.

"Erin, anong ginagawa mo diyan?" Isang lalaki ang tumawag sa akin kaya napatingin ako sa kalsada. Nang napansin ko kung sino ito, sinenyasan ko siyang pumasok sa amin.

"Alex, tulungan mo naman ako. Nandito si Matthew sa loob kaso ayaw kong sumama sa kanya pagpasok," sambit ko habang napakamot lang siya ng ulo.

"At ano naman ang gagawin ko?" tanong niya sa akin habang tiningnan ko kung gaano kataas 'yong bahay namin. It wasn't really that tall but I was pretty afraid of heights. Iniupo ko kaagad ang sarili ko sa railing habang nakatingin siya sa akin. It's a good thing that I don't wear skirts or else it would be awkward for the both of us.

"Saluhin mo ako," sagot ko pabalik habang nanlaki naman ang mata niya sa akin. Saktong pagbukas naman ng pinto, hinayaan ko na mahulog ako sa mismong railing. Ipinikit ko ang aking mga mata, hinihintay na bumagsak ako sa lupa.

But, nothing happened.

Nagulat na lamang ako ng bumagsak ako sa isang tao mismo. Tumayo, nakita ko na natumba pala si Alex noong sinalo niya ako. Kitang kita ko na nahihirapan siyang tumayo kaya iniabot ko sa kanya ang aking kamay at tinulungan siya.

"Next time, bumili ka na lang ng parachute o trampoline para hindi tayo mahirapan. Ako pa talaga mismo ang binagsakan mo, ano?" iritang sambit niya habang namula ang pisngi ko sa hiya. Nakarinig naman ako ng lalaking boses mula sa kwarto ko kaya hinila ko kaagad ang kamay ni Alex.

"Tara na. Baka mahanap pa ako ni Matthew," sambit ko habang iritang irita pa rin siyang sumunod sa akin.

"Sandali naman, masakit pa ang likod ko," reklamo niya habang tumawag kaagad ako ng taxi at parehas kaming sumakay sa loob ng sasakyan. Tumingin sa labas ng bintana, nakita ko si Matthew na panay ang hanap sa akin sa loob ng bahay.

    ▬▬▬▬▬▬▬    

"Thank you nga pala kanina, Alex." Tumango na lamang siya, hinihilot pa rin ang kanyang balikat. Ngayon ay nakatayo kami sa parehas na locker namin. Malapit lang kasi ito sa akin kaya inisip ko na mag-thank you kaagad sa kanyang ginawa.

"You're welcome, Erin. Pero please, huwag mo ng uulitin 'yon. Masakit kasi sa likod at hindi kita kayang saluhin," sambit niya habang napatawa na lang ako sa sinabi niya.

"Okay, I won't. Next time, bibili na lang ako ng parachute." Napangiti naman siya sa akin bago nag-ring ang bell. Parehas kaming nagpaalam sa isa't isa bago naglakad papunta sa sarili naming klase. Nagulat naman ako nang nakita ko si Matthew na nasa dulo ng hallway, nakatingin sa akin.

Napalunok bigla ako. Kapag nilapitan ko si Matthew, alam ko na kokomprontahin niya ako. So, I ran towards Alex. Nagulat siya nang hilahin ko ang kanyang black leather jacket para lang makuha ko ang kanyang atensyon.

"Ano na naman ngayon, Erin?" tanong niya sa akin habang hinila ko siya sa may hagdan.

"Nandoon si Matthew sa hallway. Paano ako pupunta sa classroom ko ngayon? Pwede bang sumama na lang ako sa classroom ninyo? Ayaw ko siyang makausap." Bumalik naman si Alex para siguraduhin kung talagang nandoon si Matthew.

"So, what do you want me to do? Sabihin ko na lang na umalis siya para makadaan ka?" tanong naman niya sa akin habang nagkibit balikat lamang ako.

"I don't know," tugon ko pabalik habang nakita ko naman siyang nag-iisip ng maigi.

"Ihatid na lang kaya kita papunta sa room mo," sagot niya sa akin habang napatango ako, pumayag na ihatid niya ako. Pagkabalik naman namin, kita kong nakatambay si Matthew sa may pinto ng classroom namin.

Oh great.

Nang malapit na kami sa classroom ko, biglang tinawag ako ni Matthew. Kitang kita ko ang galit at seryosong tingin niya sa aming dalawa.

"Elly, pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya sa akin bago inilagay ang dalawang kamay sa bulsa. Si Alex naman, tinulak ako ng kaunti paloob ng classroom.

"Erin, pumasok ka na sa classroom mo," seryoso namang tugon ni Alex ngunit hindi naman siya nakatingin sa akin. Instead, he was glaring back at Matthew. Nang hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan, parehas na tumingin sa akin si Alex at Matthew.

"Elly," tawag ni Matthew habang nagsalita kaagad si Alexander.

"Erin, pumasok ka na sa loob. Kaming dalawa na lang ang mag-uusap," sabi niya bago inakbayan si Matthew at hinila ito palayo sa classroom ko. At pagkatapos noon, hindi ko na narinig ang kanilang pinag-uusapan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro