Chapter 4
PAGKABUKAS ko ng pinto, bumungad kaagad sa akin ang nagtatakang ekspresyon ni inay at ni dad. Parehas silang nasa hapag-kainan nang dumating ako na parang basang sisiw. Hindi naman ako magtataka kung gano'n ang reaksyon nila sa akin. Halos buong katawan ko kasi ang nabasa ng ulan. Parehas silang tumayo, kumuha ng towel at ibinigay ito sa akin para ipangtuyo ko sa aking sarili.
Si inay naman ang unang nagtanong sa akin.
"Okay ka lang ba, anak? Bakit wala si Matthew? Naglakad ka lang ba pauwi?" mabilis na tanong niya habang isa-isa kong sinagot ang mga tanong. I wasn't really in the mood but I had no choice but to answer.
"Ma, okay lang ako. May gagawing thesis sina Matthew kaya hindi ko siya nakasama. Sumakay na lang po ako ng taxi pauwi," sagot ko habang awang-awa na tumingin si inay sa akin. She knew that I was used to Matthew taking me home as always. Pero ngayon, wala siya.
Nagpaalam kaagad ako kay inay at kay dad bago pumunta sa taas para magpalit ng damit. Bago pa man ako makapagbihis, may nag-pop up na message sa aking cellphone. Tiningnan ko muna ito at napakunot ang noo ko.
Matthew | 5:28 pm
Elly, nakauwi ka na ba? I'm sorry kung hindi kita nasabayan. May ginawa lang kaming project ng mga kaibigan ko.
I rolled my eyes when I saw his message. Sige, magsinungaling ka pa. I know everything, Matthew. Alam ko na wala kayong project dahil puro thesis ang pinagagawa sa inyo. Kung mayroon man, puro gagawin 'yon sa school at hindi sa bahay. And obviously, I saw you with her through my very eyes.
Hindi ko na lamang ito sinagot at nagpalit na ng damit. Kinuha ang mga notes ko, binasa ko ito isa-isa. I really need to get my head straight. Erin, hindi ka niya mahal. You need to move on.
"Erin, nandito si Matthew sa baba! Gusto ka raw niya makausap," sigaw ng inay ko habang nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. Speaking of the devil himself. I then heard someone's footsteps going up the stairs. Sa takot ko, ini-lock ko kaagad ang pinto ko at humiga kaagad sa aking kama.
"Elly, are you there?" tanong ni Matthew bago mahinang kumatok.
Umubo na lamang ako ng malakas bago ako nagsalita.
"Sorry Matthew, masakit ang ulo ko ngayon. Pwede ba sa ibang araw na lang tayo mag-usap?" Nagkunwari akong may sakit at umubo pagkatapos kong magsalita para kapani-paniwala. Nang inakala ko na umalis siya, huminga ako ng malalim. Kaso, nakarinig ako ng isa pang katok.
"Elly, I'm really sorry. Dapat sinamahan na lang kita kaysa sumama sa mga kaibigan ko. Kung hindi ako sumama, siguro hindi ka mababasa ng ulan at magkakasakit," sinabi niya habang nanatili akong tahimik, nakikinig lang sa kanyang mga sinasabi.
"Elly, okay lang ba sa'yo kung ihatid ulit kita bukas sa school? I promise to be at your side at all times." Napatingin na lamang ako sa pinto bago umiling sa aking sarili. No, I want him to suffer just like my heart did.
"Hindi, okay lang ako. Kaya kong pumunta ng school mag-isa bukas. Thanks na lang sa offer," sambit ko pabalik habang narinig ko ulit siyang kumatok. For once, I never saw Matthew this determined to talk to me. Hindi naman kasi siya madaldal. Makikipag-usap lang siya sa akin kung tungkol sa school works or either crush problems.
In other terms, si Lovely.
"Are you sure? Elly, kung galit ka sa 'kin dahil hindi kita nasamahan, let me make it up to you." Umiling kaagad ako at niyakap ng mahigpit ang aking unan. I'm sorry, Matthew. But your lies aren't going to save you this time. Masyado kang na-inlove kay Lovely na hindi mo na napansin ang best friend mo.
Hindi ko na lamang siya sinagot at nanatiling tahimik sa aking kwarto. Hawak hawak ang unan sa aking mga kamay, napansin ko na hindi rin siya nagsasalita. Hindi ko alam kung nandoon pa siya o wala na. Tumayo naman kaagad ako, inilapit ang sarili ko sa pinto.
Siguro naman umalis na siya.
Pagkabukas ko nito, nagulat na lamang ako nang makita ko si Matthew na nakatayo pa rin sa may pinto. Nakalagay ang kanyang kamay sa kanyang bulsa, maamong tumingin itong bigla sa akin. Umatras kaagad ako habang umabante naman siya ng kaunti bago tumigil.
"Elly," tawag niya sa akin habang sinubukan ko siyang itulak paalis ng kwarto ko. I don't really want to talk to him right now. Bakit pa kasi ako umatras? Hindi naman siya kumibo sa kinatatayuan niya. Instead, he stared at the red jacket that was on my bed.
"Elly, kaninong jacket 'yan?" tanong niya sa akin habang hindi ko naman siya sinagot.
"Elly, talk to me. Kay Alexander ba galing 'yang jacket na nasa kama mo?" tanong ulit niya habang tinutulak ko pa rin siya palabas. Nang hindi napansin niya na kanina pa akong tumutulak, siya na mismo ang lumabas.
"Pwede bang iwanan mo muna ako, Matthew? Pagod na ako sa mga kasinungalingan mo. Dati ka pang nakikipagkita kay Lovely at hindi mo man lang sinasabi ang totoo sa akin. I thought I was your best friend. It's hard to believe that I'm not exactly the type of friend you would trust to keep a secret," sambit ko, handang handa na isarado ang pinto. Ngunit, pinigilan niya ako.
"Elly, I'm sorry kung hindi ko kaagad sinabi sa'yo. Masyado akong nag-focus kay Lovely na hindi ko napapansin ikaw na pala ang naiiwanan ko. I'm so sorry," saad niya bago lumapit sa akin. Bago pa ako makapagsalita, agad niya akong niyakap.
Kahit makailang hingi siya ng tawad sa akin, hindi ko pa rin matanggap sa aking sarili ang kanyang mga sinasabi. Instead, it made me much distant to him. Hindi ko na lamang pinakinggan ang kanyang sinabi at umalis kaagad sa kanyang yakap.
"Hindi na muna ako sasabay sa'yo pagpasok ng school, will that be okay?" tanong ko bago tumingin sa kanya. Kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata nang sabihin ko 'yon. Maybe it was best to leave him for a bit to move on from my feelings. I want to forget him badly.
Nakita ko naman siyang tumango. "Okay. I respect your decision, Elly."
Pagkatapos no'n, lumabas na siya ng kwarto ko habang isinarado ito ng dahan dahan – kitang kita na bumaba na siya ng hagdan. I'm sorry, Matthew.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro