
Chapter 2
TININGNAN ko ang aking orasan at biglang lumingon lingon sa aking paligid. Nasaan na si Matthew? Kanina ko pa siyang hinihintay kaso wala naman siya. Sabi niya sa akin kanina na susunduin niya ako.
Mawawalan na sana ako ng pag-asa ngunit nagulat ako nang nakita ko si Matthew, tatakbo na sa aking direksyon.
Pawisang pawisan siya, halatang malayo ang kanyang pinanggalingan. Kitang kita ko sa kanyang mukha ang pagod at lungkot nang tumingin siya sa akin. Gusto ko sanang magtanong kung anong nangyari ngunit inunahan niya akong magsalita.
"Sorry kung na-late ako, Elly. Sinamahan ko lang si Lovely pumunta sa kanyang next class," aniya habang ramdam na ramdam ko na halos mawasak ang puso ko sa kanyang binanggit na pangalan.
Ngunit, binalewala ko na lamang ito at ngumiti pabalik.
"Okay lang 'yon."
Kahit hindi talaga okay sa akin.
Selosang kaibigan kasi ako. I knew Lovely from the very start anyway.
Ngumiti lang siya sa akin ng pabalik bago kinuha ang aking kamay – parehas kaming naglakad papunta sa cafeteria. I already knew what made him so happy. Lovely finally noticed him.
Sure, hindi ako masyadong maganda kagaya niya o kasing sexy niya.
Almost every boy fell with her charm. The only thing that bothered me is that she had a boyfriend. At bigla naman niyang winasak ang puso nito sa harapan ng maraming tao. Poor guy didn't even deserved it.
He gave her gifts while she just accepted them, not even thanking him.
And I don't want to happen to Matthew.
"Elly, okay ka lang? Kanina ka pa wala sa sarili mo. Is there something wrong?" agad na tanong niya sa akin habang nanahimik lang ako. Hindi ako okay, Matthew. Ang manhid mo kasi.
"Don't worry, okay lang ako."
Sinubukan niyang patigilin ako sa paglalakad ngunit inalis ko na lamang ang kamay niya at nagpatuloy pumunta sa cafeteria.
"Elly," tawag niya habang hindi ko na lamang siya pinasin at agad agad binuksan ang pinto ng cafeteria.
Kitang kita ko na nagsitigilan kaagad ang mga tao sa pagkain, lumingon sa akin, saka nagpatuloy ulit sa kanilang mga ginagawa. Hindi ko na lamang ito pinansin masyado at pumunta kaagad sa dulo para mag-order.
"Elly, kausapin mo ako," tugon ni Matthew sa akin bago niya hinila ang kamay ko at pinaharap sa kanya.
Hindi ko na lamang siya tiningnan ng maigi at biglang umiwas ng tingin para hindi ko makita ang nagtataka niyang ekspresyon.
"Ayaw ko," sagot ko pabalik habang hindi niya ako hinayaang makaalis. Instead, he pulled me close to him, his face inches away from mine.
Napatingin ako sa kanyang tsokolateng mata habang malapit na malapit siya sa akin. I knew what he was doing. He was trying to make me admit my problem by trying to scare me.
"Elly, tell me the truth. Bakit ka ba umiiwas sa akin? May ginawa ba akong mali?" Bago pa man ako makasagot, may tumulak sa aming dalawa palayo sa isa't isa.
Sa gitna mismo dumaan 'yong lalaki, galit na galit na nakatingin sa amin habang hawak hawak ang Pepsi can sa isang kamay.
"Kayong dalawa ang may problema. Pwede bang huwag kayong humara hara sa daan?" bulalas ng lalaki sa gitna habang kitang kita ko ang galit na tingin ni Matthew sa kabilang dulo.
"Anong tinitingin tingin mo diyan, Matt?" agad na sambit nito habang huminga lang ng malalim si Matthew bago nagsalita.
"Wala naman, Alex." Tumango naman 'yong lalaki bago inilipat ang tingin sa akin. Nakita ko kaagad na nagbago ang ekspresyon nito bago umiwas ng tingin at naglakad palayo. Nagtaka naman ako nang nagsalita siya pagkatapos niyang tumigil muli sa paglalakad.
"I thought that you'd remember me by now. I guess we don't have the same dream," bulong nito habang rinig na rinig ko ito ng maayos.
Pagkatapos niya itong sabihin, nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad bago umalis ng tuluyan sa cafeteria. Rinig na rinig ko ang mga tsismisan ng mga tao sa paligid namin habang napatingin si Matthew sa pinto bago inilipat ang tingin sa akin.
"Are you okay?" tanong niya sa akin habang tumango lang ako.
Bakit parang pamilyar siya sa akin?
Umiling na lamang ako, inisip na siguro nakita ko lamang siya sa tabi tabi. After all, I already saw a lot of strangers in my life. He's probably one of them.
Nagulat naman ako nang nakita ko si Lovely na agad pumasok sa loob ng cafeteria, 'yong mata niya'y kaagad umikot sa paligid. Kitang kita ko na may hinahanap siya ngunit bigla siyang napasimangot nang hindi niya makita kung sino ang hinahanap niya.
Instead, she walked back out.
Nakita ko naman ang pagkadismaya ni Matthew nang hindi siya pansinin ni Lovely.
So, he followed her.
Mas lalo akong nasaktan nang makita ko na binuksan niya ang pinto at iniwanan akong mag-isa, hindi man lang naisip na nandoon ako. Thanks a lot, Matthew.
Huminga naman ako ng malalim bago nag-order ng aking pagkain. Rinig ko pa rin ang mga usapan habang nanahimik na lamang ako at nakinig.
"Akala ko silang dalawa ni Matthew?" tanong ng isang babae sa kanyang kasama.
"Hindi ko rin alam. Parang hindi naman yata. Iniwan kaya siya ni Matthew para sundan si Lovely," agad na sagot ng kanyang kaibigan.
"Hindi na ako magtataka kung iwanan siya n'on. I mean, Lovely gets all the boys eventually. Except Alex, of course." Nakita ko na parehas silang napatango bago kumain ng kanilang pagkain.
Ako naman, pinigilan ko ang sarili kong lumuha habang kinuha ang fries at pepsi na aking in-order. Tumingin sa aking paligid, napansin ko na halos wala ng available na table.
So, I walked outside of the cafeteria and headed to the rooftop. Kapag wala si Matthew, doon mostly ako nakain para iwas atensyon o iwas tsismis ako sa iba.
Pagka-bukas ko ng pinto, nagulat na lamang ako ng makita ko si Alex na nakatayo malapit sa edge ng rooftop, nainom ng kanyang pepsi at nakatingin sa ibaba.
"Huwag kang tatalon!" agad kong sigaw habang nagulat naman siya at lumingon sa akin.
"At bakit naman ako tatalon, babae? Kita mo namang nakatayo lang ako dito, 'di ba? At saka, kung magpapakamatay ako, tatapusin ko muna itong inumin ko," papilosopo niyang sagot bago tumingin ulit sa view ng school.
Sa hiya ko, namula kaagad ang pisngi ko.
Well, that's a nice way to introduce yourself to someone.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro